You are on page 1of 2

Pagdulog

(Tagalog Worship)
November 27, 2016

PAGHAHANDA
Inspirational Video (About Prayer)
Pagbubukas ng Biblia at Kandila
Awit ng Pagpupuri (Praise and Worship)
TAWAG NG PAGSISISI
Patnugot: Sabay-sabay nating ipahayag ang ating mga kasalanan sa Diyos, sa bayan at
sa isat isa.
Lahat: Tunay na kami ay nagkasala Sa Iyo O Diyos at sa isat-isa. Hindi namin nabigyan
ng pagkakataon na kami ay baguhin ng karanasan ng pagkaunawa ng pagliligtas
ni Hesus. Naipangaral sa amin ang pag-asa subalit hindi namin ito sinikap na
ipamuhay. Ipinaunawa sa amin ng Iyong Anak ang Iyong kalooban, upang ang
pagbabahaginan at pangangalaga ay maranasan, subalit hindi namin ito ginanap.
Patawarin Mo kami, O Diyos, at muli mong ipahayag sa amin ang Iyong mga
aral.
(Sandali ng pananahimik at pansariling pananalangin ng pagsisisi.)
KATIYAKAN NG KAPATAWARAN
Pastor: Ang Diyos ay mahabagin at mapagmahal. Ipinagkaloob Niya ang sariling Anak
alang-alang sa ikalilinis ng ating mga pagkakasala. Magalak tayo sa Kanyang
pagpapatawad, ipagdiwang natin ang walang hanggan Niyang pag-ibig.
Tugon: Pag-isahin Mo
xxx Pag-isahin mo ang laman n aming puso xxx
Pagbasa ng Banal na Kasulatan: 1 Corinto 1:10-17 UMYF President
Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo,
magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin. Sapagkat
ibinalita sa akin ng mga kasamahan ni Cloe na kayo raw ay nag-aaway-away. Ito ang tinutukoy
ko: may nagsasabing, Kay Pablo ako; may nagsasabi namang, Ako'y kay Apolos. May iba
pa ring nagsasabi, Kay Pedro ako, at may iba namang nagsasabi, Ako'y kay Cristo. Bakit?
Nahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa
pangalan niya? Salamat sa Diyos at wala akong binautismuhan sa inyo maliban kina Crispo at
Gaius, kaya hindi ninyo masasabing kayo'y binautismuhan sa aking pangalan. Ako nga rin pala
ang nagbautismo sa pamilya ni Estefanas. Maliban sa kanila'y wala na akong natatandaang
binautismuhan ko. Sapagkat isinugo ako ni Cristo, hindi upang magbautismo kundi upang
mangaral ng Magandang Balita. Ipinangaral ko nga ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng
mahusay na pagtatalumpati at karunungan ng tao, nang sa gayon ay hindi mawalan ng kabuluhan
ang pagkamatay ni Cristo sa krus.

Ang Salita ng Panginoon.


Lahat: Salamat sa Diyos

Mensahe ng Dios (short exhortation) Speaker ______________________

Pagkakaisa sa Diwa ng Panalangin

Ang Panalangin ng Kabataan (Para sa Bansa)


1|Page
Lider 1: O Diyos na nagpapalaya, Inyong nalalalaman ang pangangailangan ng bawat isa. Hindi
na
namin kailangang sambitin sa Inyo ang lahat ng iyon. Aming isinasamo na ipaalala sa
amin ang mga lugar kung saan ang Inyong simbahan ay nangunguna sa paglilingkod at
pagmimisyon. Papanatilihin po Ninyo ang bawat hakbang naming sa daan ng kapayapaan
sa pamamagitan ng pagpapatibay namin sa aming kapasyahan na pinagiging dalisay ang
bawat mithiin na matupad ang anumang gawaing inyong iniatas naming tupdin - sa
buhay na kasiya-siya. Diyos ng katarungan, pagkalooban mo po ang aming lipunan,
maging sa pamahalaan man o sa pribadong sektor, ng mga lider na sa kaibuturan ng
kanilang puso ay naglalayon ng matapat na paglilingkod para sa mabuting kapakanan ng
taong-bayan. Kaya, bigyan mo pa ng lakas-loob at karunungan ang aming mga lider na
nagsusumikap maglingkod ng tapat sa taong-bayan at tunay na nagmamalasakit lalo na sa
Iyong mga dukha. Panibaguhin mo naman at linisin ang puso at isipan ng ibang mga lider
namin na hindi tapat na naglilingkod sa taong-bayan at hindi nagmamalasakit.
Lahat: Panginoon, dinggin niyo po ang aming mga panalangin.
Lider 2: Panalangin para sa Bumubuo ng Kabataang Metodista sa Buong Pilipinas
Lider 3: Panalangin para sa Bumubuo ng Kabataang Metodista sa Buong Annual
Conference
Lahat: Panginoon, dinggin niyo po ang aming mga panalangin.
Lider 4: Panalangin para sa Bumubuo ng Kabataang Metodista sa Metro District
Christmas Institute (Program, Finance, Secretariat, Technical)
Lahat: Panginoon, dinggin niyo po ang aming mga panalangin.
Lider 5: Panalangin para sa mga Workers, Speakers, Bible Study Leaders and Lecturers
Lahat: Panginoon, dinggin niyo po ang aming mga panalangin.
Lider 6: Panalangin para sa Kabataang Metodista dadalo sa C.I (delgates)

Lider 7: Panalangin para sa mga Magulang/pamilya ng mga UMYF


Lahat: Panginoon, dinggin niyo po ang aming mga panalangin.

PAGHAHANDOG

Panalangin ng Pasasalamat

Lahat: Banal Ka, O Diyos, at tapat sa Iyong pagtawag sa amin upang maging tagapaghatid ng
mensahe
ng pag-asa sa aming kapwa. Narito ang aming mga handog. Sa pagsisikap ay muli
naming inilalaan sa pagsasakatuparan ng ganitong hangarin lakip ang panalangin na kahit
ang lahat sa aming buhay at buong pagkatao ay magpapatotoong-lagi sa Iyong hindi
nagmamaliw na pag-ibig. Amen.

Pagtatalaga (Praise and Worship)

2|Page

You might also like