You are on page 1of 16

PANALANGIN NG BAYAN

Unang Linggo sa Karaniwang Panahon


Lunes
Bilang bayan na hinirang ng Diyos, iluhog natin sa ating Ama ang pangangailangan ng lahat
ng tao:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Amang humirang sa amin, pagpalain Mo ang aming buhay.

Ang mga pastol ng Simbahan na tinawag ng Diyos upang mamalakaya ng mga tao nawa’y
makaharap sa mga hamon ng pagbabago sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Ebanghelyo,
manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y maging mga mabisang tagapagpahayag ng Ebanghelyo sa


pamamagitan ng pagsaksi sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hinirang ng Panginoon sa paglilingkod sa kanya nawa’y bukas-loob na makatugon


sa kanyang tawag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nalulumbay, mga nababagabag, at yaong mga naghihirap sa isip at
kalooban nawa’y hipuin at pagalingin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y mabuhay sa kapayapaan ng Panginoon, manalangin
tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, gawin mo kaming karapat-dapat na isakatuparan ang alinmang gawaing


nais mong gawin namin sa pamamagitan ng lakas ng aming Panginoong Jesu-Kristo. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Unang Linggo sa Karaniwang Panahon


Martes

Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, nagsasalita sa atin si Kristo nang may walang hanggang


kapangyarihan at mga himala ng pagpapagaling. Sa pamamagitan niya, manalangin tayo nang
may matibay na paniniwala:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Diyos na tunay na makapangyarihan, hipuin Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na ituro ang katotohanan ni Kristo at labanan ang mga
kasamaan sa ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno sa daigdig nawa’y isulong ang kabutihan sa kani-kanyang gobyerno at
maging maalab sa pagbabaklas ng kasamaan sa lipunan na kanilang sinumpaang
paglingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi manghinawa sa ating buhay-pananalangin upang hindi manaig sa ating
buhay ang masamang espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maging malaya sa kanilang mga pisikal at espiritwal na
paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y magtamasa ng maliwanag na bukang-liwayway ng buhay


na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, nagbubunyi kami sa yaman ng iyong pag-ibig sa amin. Pakatatagin
mo ang iyong kapangyarihan sa amin at samahan mo kami sa landas ng aming buhay.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Unang Linggo sa Karaniwang Panahon


Huwebes

Naniniwala sa habag ng Panginoon, lumapit tayo nang may pananalig sa ating Amang nasa
Langit na ang ating mga panalangin ay pakikinggan:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Amang mahabagin, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y hindi magkulang sa kanyang tungkulin na tanggapin ang mga
napapabayaan at mga itinuturing na yagit ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating gobyerno nawa’y makapagbigay ng mahusay na programang pangkalusugan at


paigtingin pa ang kanilang pagsusulong ng malusog na kapaligiran, manalangin tayo sa
Panginoon.

Bilang isang komunidad tayo nawa’y tumulong nang may pag-ibig at malasakit sa mga
binabalewala ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mahihirap at mga maysakit nawa’y makatagpo ng atensyon at tulong-medikal mula
sa mga may mabubuting kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao kay Kristo nawa’y mabuhay sa tunay na kalayaan at kaligayahan ng Langit,
manalangin tayo sa Panginoon.

Maawaing Ama, palalimin mo ang aming diwa ng habag at pang-unawa sa mga nagdurusa.
Itulad nawa namin ang aming buhay kay Jesus na humanap ng kalayaan, kagalingan, at
kapayapaan para sa bawat tao. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Unang Linggo sa Karaniwang Panahon


Biyernes
Puno ng tiwala tulad ng mga kaibigan ng paralitiko, ilapit natin sa Panginoon ang mga
pangangailangan at mga hinaing ng Simbahan at ng buong mundo:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


o kaya
Ama, buhayin mo kaming muli.

Ang Simbahan nawa’y gabayan ng Espiritu Santo sa kanyang pagsasagawa ng misyon ni


Kristo na ipahayag ang kapatawaran ng mga kasalanan sa lahat ng mga naghahangad ng awa
ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang kapayapaaan sa puso ng mga lalaki at mga babae nawa’y itaguyod nating lahat sa
pamamagitan ng ating pagiging handang magpatawad at kalimutan ang mga nagawang
pagkakamali, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y maging handang dalhin si Kristo lalo na sa mga taong nawasak ang
buhay ng mapait na karanasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga may kapansanan nawa’y patuloy na umasa at magtiwala sa Diyos
na walang hinangad kundi kagalingan at ang pagiging buo ng bawat isa, manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang ating mga yumaong kapatid nawa’y magkaroon ng kaganapan ng buhay sa Langit,
manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa kapatawarang ibinigay sa amin ng


iyong Anak. Kami rin nawa’y makapagpatawad sa mga nakagawa sa amin ng masama.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Unang Linggo sa Karaniwang Panahon


Sabado
Dumating si Kristo upang tawagin ang mga makasalanan at sila ay maligtas. Mulat sa tawag
na ito, may kababaang loob, ilapit natin ang ating mga panalangin sa Ama:
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Manggagamot, hipuin Mo kami.

Ang ating Simbahan nawa’y makita bilang mapagpagaling na tahanan ng mga mahihina at
mga makasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nasa pampublikong tungkulin nawa’y isakatuparan nang malinis at tapat ang
kanilang mga gawain, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagtalaga ng kanilang sarili sa Diyos nawa’y ibuhos ang kanilang buhay sa Diyos at
sa Simbahan, tulad ni Maria, sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay sa pagdaralita,
kalinisan at pagtalima, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nabubuhay sa pagkakasala nawa’y tingnan nating lahat nang may habag at
pang-unawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makaranas ng mapanligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin


tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, gabayan mo ang mga pag-iisip ng mga tinawag mo upang gumawa
ng mga mahahalagang pagpapasya sa kanilang buhay. Bigyan mo sila ng mapag-unawang
puso, tamang pagpapasya, at maalab na pagnanais na gawin ang anumang kalugud-lugod sa
iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon


Lunes
Manalangin tayo sa Diyos Ama upang mailapit niya tayo sa pinahahalagahan ng Ebanghelyo
upang mapanibago ang Simbahan at ang sandaigdigan:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Panginoon ng banal na piging, panibaguhin Mo kami.

Ang Simbahan, ang Bayan ng Diyos at ang mga pinunong lingkod nito nawa’y sundin ang
udyok ng Espiritu Santo na ipahayag sa mga tao sa ngayon ang laging napapanahong
mensahe ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga pinagkalooban ng tungkuling pangangasiwa, paggawa ng batas, at panghuhukom sa


lipunan nawa’y lagi nilang ilagay ang pangkalahatang kabutihan ng tao higit pa sa
ipinatutupad ng batas, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y maging bukas ang mga puso sa mapagligtas na kapangyarihan ng Diyos
kay Kristo sapagkat higit na mahalaga ito sa alinmang sinaunang relihiyosong kaugalian,
manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y maging mga daan ng mapagmahal na pag-aaruga ng Panginoon sa mga
may karamdaman sa pamamagitan ng ating pagbibigay ng kalinga at malasakit, manalangin
tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapayapaan sa piling ng


Panginoong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pakinggan mo ang aming mga panalangin at turuan mo kaming
mamuhay bilang bagong sambayanang pinalaya sa pamamagitan ng pag-ibig ni Jesu-kristong
aming Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon


Martes

Manalangin tayo sa Diyos Ama na tinawag tayong maging kanyang malalayang mga anak sa
pamamagitan ng kanyang Anak na si Jesu-Kristo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Panginoon ng Araw ng Pangilin, basbasan Mo kami.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y ituring ang mga utos ng Diyos bilang pinto sa kalayaan
mula sa pagkakasala at bilang paraan ng paglilingkod sa Diyos at sa kapwa, manalangin tayo
sa Panginoon.

Ang lahat ng mga mambabatas nawa’y gumawa ng mga makataong batas na maglilingkod
para sa ikabubuti ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang batas nawa’y huwag nating ilagay nang higit pa sa ating pagkatao bagkus unahin ang
pagpapatupad ng dakilang utos na magmahalan tayo, manalangin tayo sa Panginoon..

Sa mga nababahala sa kanilang karamdaman nawa’y makatagpo sila ng kaginhawahan at


lakas sa mga taong nagmamahal at kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumao nawa’y tanggapin ang walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo
sa Panginoon.

Panginoong Diyos, nawa’y maging paanyaya sa amin ang bawat batas mo upang mahalin at
paglingkuran ang aming kapwa at upang sila ay unawain, igalang, gabayan at maging amin
ring gabay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon


Miyerkules

Pinalaya tayo ni Kristo sa mapanirang kapangyarihan ng kasamaan at kasalanan upang


maging malaya tayong makibahagi sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Hinihingi natin ang
biyaya at pagbabasbas na ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Diyos ng Pag-ibig, iabot Mo ang Iyong kamay sa amin.

Ang Simbahan nawa’y makatagpo ng pamamaraan na mapalaya ang sinuman sa anumang


hadlang upang ipahayag ang Ebanghelyo sa mga tao sa ating panahon ngayon, manalangin
tayo sa Panginoon.

Sa nagugutom na daigdig, lalo na sa mga taong hindi makatarungnang pinagkakaitan ng


pagkain, damit, at tahanan nawa’y pagkalooban sila ng Panginoon ng pag-asa at kalakasan ng
loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y hindi maging mga taong mapagkunwari na sumusunod
sa batas, kundi maging mga taong may pusong gagawin ang mabuti at nararapat bilang mga
anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magmalasakit sa mga nagdurusa at naghihirap upang mapagaan ang
kanilang dinadala at tulungan silang patuloy na manalig sa Diyos, manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang mga namatay at yaong mga nagluluksa sa kanilang pagkawala nawa’y makatagpo ng
pag-asa at kasiyahan sa Panginoong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Mapagmahal na Diyos, inaangkin namin na kami ay sa iyo at sa iyong Anak. Sa
pamamagitan ng Espiritu Santo, tulungan mo kaming mahalin ka sa pamamagitan ng aming
pagkalinga at pagbibigay kasiyahan sa aming kapwa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon


Huwebes

Ipinadala ng Ama ang kanyang Anak upang pagalingin tayo. Manalig tayo na hihilumin niya
ang ating buong pagkatao, katawan at kaluluwa. Manalangin tayo sa kanya sa pamamagitan
ng kanyang Anak.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Ama sa Iyong pag-ibig, pagalingin at gawin Mo kaming buo.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga namumuno, nawa’y may tapang na harapin
at pasanin ang bigat at hamon ng palagiang pagbabago at pagbabalik-loob, manalangin tayo
sa Panginoon.

Sa mga taong nangangailangan ng tulong nawa’y huwag nating isara ang ating puso, bagkus
higit na maging aktibo tayong lahat na makibahagi sa gawain ni Kristo ng pagpapagaling at
pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aalaga ng mga maysakit nawa’y huwag silang mapagod at higit pa nila silang
bigyan ng personal na atensyon at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong mayroong sakit na walang lunas at walang angkop na gamot nawa’y
palakasin sila ng kanilang pananampalataya sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga pumanaw na, dalisayin nawa sila ng mapagpagaling na pag-ibig ng Panginoon,


manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng mga buhay, tulungan mo kaming maipagpatuloy ang gawain ni Jesus na magbasbas
at magpagaling upang tunay naming maipahayag sa lahat na Mabuting Balita ang kanyang
Ebanghelyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon


Biyernes

Bilang Banal na Bayan na tinawag ng Diyos sa iba’t ibang pamamaraan upang ipalaganap
ang Mabuting Balita ng kanyang Paghahari, iluhog natin ang ating mga pangangailangan sa
Ama na nag-aaruga sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Diyos na tumawag sa amin,
ibahagi Mo sa amin ang Iyong kapangyarihan.

Ang mga tinawag sa Simbahan na mamuno sa Bayan ng Diyos nawa’y magkaroon ng tapang
na ipalaganap ang Ebanghelyo ni Jesu-Kristo saanmang sulok ng mundo, manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang mga naghahanap sa Diyos nawa’y matagpuan nila ang kaliwanagan at buong kaloobang
tumugon sa paanyaya ng Diyos na makasama niya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y marinig at makilala nila ang tinig ni Kristo na tumatawag sa
kanila sa buhay na paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y tumanggap ng kasiyahan at lakas mula sa mga nag-aaruga sa
kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y makapahinga sa kapayapaan ni Kristo sa kanyang
Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama sa Langit, tinawag mo kami mula sa mga ordinaryong pagkakataon sa aming
buhay; hayaan mo na bigyan kami ng iyong Espiritu ng lakas na bigkasin: “Panginoon, narito
ako upang sundin ang kalooban mo.” Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon


Sabado

Manalangin tayo sa Ama sa Langit upang matutunan natin sa kanyang Anak na si Jesu-Kristo
ang kahulugan ng paglilingkod.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Ama, turuan Mo kami sa pamamaraan ni Jesus.

Bilang isang Simbahan nawa’y lumabas tayo sa lungga ng ating sariling daigdig at
maglingkod sa tao nang may pagpapakumbaba, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga taong naglilingkod sa bayan nawa’y ibigay nila ang pinakamabuti at pinakamagaling
na pagsisilbi sa mga tao at hindi paglingkuran ang kanilang pansariling kapakanan at interes,
manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga naglilingkod sa atin sa iba’t ibang pamamaraan nawa’y maipakita nating lahat ang
ating pasasalamat, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ni Maria, tayong lahat nawa’y nakatuon at mulat sa pangangailangan ng kapwa at


hindi sa ating makasariling kaginhawahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at matatanda nawa’y makatagpo ng kalinga at paggalang mula sa kanilang
mga pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon naming Diyos, hindi madali sa amin ang tumulong sa iba lalo na kung magdudulot
ito sa amin ng hindi kaginhawahan. Matuto nawa kami mula kay Jesus na laging handang
tumulong sa nangangailangan at bigyan mo kami ng lakas na gawin ito. Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen..
PANALANGIN NG BAYAN

Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon


Lunes

Natitipon kay Kristo na lumulupig sa kasamaan, buong tiwala tayong lumapit sa Ama dala
ang ating mga idinadalanging mithiin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Ama sa langit, iligtas Mo kami sa masama.

Ang Simbahan nawa’y mapanibago at sumaksi nang may katapatan sa tamang pagpapahalaga
sa buhay upang makatulong sa pagpapanumbalik sa mundong nasadlak sa kasamaan,
manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdidigmaang mga bansa nawa’y matutong mamuhay sa pakikiisa at


pagtutulungan upang makapagdulot ng kapayapaan sa daigdig, manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang lahat ng nananalig kay Kristo nawa’y mapaglabanan nila ang pagkakahiwa-hiwalay at
maging iisa sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, lalo na ang mga lumpo at may kapansanan, nawa’y tumanggap ng
kasiyahan at kalinga sa mga nag-aalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y mailigtas sa kasamaan ng walang hanggang kamatayan,
manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, patuloy mo kaming hilumin sa lahat ng masama, at hayaan mong ang
iyong kabutihan ang siyang magliwanag sa amin sa kapangyarihan ni Jesu-Kristong aming
Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon


Martes

Ipanalangin natin ang misyon ng Simbahan at ang mga pangangailangan ng mundong tinubos
ni Kristo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Maging mapagpala ka nawa sa Iyong bayan, O Panginoon.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y maging masigasig sa pangangaral ng
pagsisisi sa kasalanan at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y magkaroon ng tapang na ipahayag ang Ebanghelyo maging sa
mahihirap na pagkakataon at mapanganib na lugar, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aaalinlangan at nasisiraan ng loob nawa’y matuklasan ang walang hanggang
katotohanan na walang iba kundi si Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, nangungulila, at maysakit nawa’y makatanggap sa kanilang paghihirap


ng ginhawang dulot ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan at
makatagpo nawa nila ang Diyos sa kanyang kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Manunubos, habang inuusal namin ang aming mga panalangin sa pamamagitan
ni San Pablo, palalimin mo ang biyaya ng pagbabalik-loob sa aming buhay. Hinihiling namin
ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon


Miyerkules

Tinuturuan tayo ni Kristo sa pamamagitan ng mga talinhaga. Si Kristo ang manghahasik ng


binhi ng Salita ng Diyos. Tumugon tayo sa kanyang gawaing ito sa pamamagitan ng ating
pagtawag sa Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Banal na Manghahasik, basbasan Mo kami.

Ang Simbahan sa daigdig nawa’y maging tulad ng mayamang lupa na nagbibigay bunga ng
tig-iisandaang ani, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng mga bansa nawa’y mamuno sa pamamaraang kaaya-aya sa Diyos at sa
kanilang nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hindi nasisiyasat na mga ambisyon at pagkamakasarili nawa’y hindi makasagabal
sa Salita ng Diyos sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makaranas ng nakapagpapagaling na kapangyarihan ni Kristo,


manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nawa’y magtamasa ng liwanag, kaligayahan, at kapayapaan sa Langit,


manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tulungan mo kaming makilala ang binhi ng iyong salita at gawa sa
aming buhay. Huwag nawa kaming magambala ng mga alalahanin ng mundong ito, bagkus
maging maliksi kami sa paglilingkod upang mamunga ang aming mga mabubuting gawain.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon


Huwebes

Manalangin tayo sa Diyos, Ama ng liwanag, upang maging tapat tayo sa ating bokasyon na
maging ilaw ng sanlibutan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Ama ng kabutihan, liwanagan Mo kami.

Ang ating Simbahan, ang Bayan ng Diyos, nawa’y maging dakilang ilaw na nagliliwanag sa
kadiliman ng ating mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng daigdig nawa’y magbigay ng sinag ng pag-asa sa buhay ng mga
naghihikahos at nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y maging tulad ng ilawan sa tuktok ng bundok upang
maging gabay ng mga taong naglalakbay dito sa lupa patungo sa Diyos, manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang mga maysakit, mga matatanda, at mga napapabayaan nawa’y hindi mawalan ng pag-asa
sa pamamagitan ng liwanag na ipinakikita ng mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y tanglawan ng walang hanggang liwanag, manalangin
tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, bigyan mo kami ng bagong kamulatan at lakas upang maitalaga namin
ang aming sarili sa paglilingkod sa aming mga kapatid upang ang liwanag mo ang tumanglaw
sa lahat. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon


Huwebes

Manalangin tayo sa Diyos, Ama ng liwanag, upang maging tapat tayo sa ating bokasyon na
maging ilaw ng sanlibutan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Ama ng kabutihan, liwanagan Mo kami.

Ang ating Simbahan, ang Bayan ng Diyos, nawa’y maging dakilang ilaw na nagliliwanag sa
kadiliman ng ating mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng daigdig nawa’y magbigay ng sinag ng pag-asa sa buhay ng mga
naghihikahos at nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y maging tulad ng ilawan sa tuktok ng bundok upang
maging gabay ng mga taong naglalakbay dito sa lupa patungo sa Diyos, manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang mga maysakit, mga matatanda, at mga napapabayaan nawa’y hindi mawalan ng pag-asa
sa pamamagitan ng liwanag na ipinakikita ng mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y tanglawan ng walang hanggang liwanag, manalangin
tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, bigyan mo kami ng bagong kamulatan at lakas upang maitalaga namin
ang aming sarili sa paglilingkod sa aming mga kapatid upang ang liwanag mo ang tumanglaw
sa lahat. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

You might also like