You are on page 1of 2

CFC HOUSEHOLD Prayer Meeting Guide

1. Exhortation
 Short personal sharing
 Pagninilay

2. Sign of the Cross

3. Opening Prayer and Adoration


 Luwalhatiin natin ang ating Diyos, ang Haring higit sa lahat ng mga hari, ang ating
Mabuting Pastol, Haring Manunubos, Mapagmahal na Amang Diyos na
Makapangyarihan sa lahat, hallelujah sa ating Hari, pinupuri Ka namin at
dinadakila. Ikaw ang nagbigay sa amin ng buhay at ng pagkakataong ito na
magtipon dito, upang magpasalamat sa lahat ng mga biyayang Iyong ibinibigay sa
kabila ng aming katigasan ng ulo at pagkukulang. Sinabi mo na dalawa o tatlo ang
nagtitipon sa Aking Pangalan at Ako ay sasa kanila. Ama inaangkin namin na ikaw
ay naririto sa bawat isa sa amin. Mapagmahal na Ama taos-puso naming
hinihiling sa Iyo na ipadala ang Iyong Banal na Espiritu sa bawat isa sa amin at
pag-alab ang aming mga puso habang umaawit kami ng mga papuri sa Iyo.

4. Praise Songs -- with praise in tongues every after song


 (2 Fast Songs + 1 slow Song)

5. Bible Reading -- Anyone can share bible verses


 Pagbasa mula sa aklat....
 SAGOT: Papuri sa Iyo Panginoong Hesukiristo
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

(SIT DOWN & RELAX WHILE PRAYING)

6. Contrition
 Ama, hinihiling namin na pagpalain Mo kami sa kabila ng aming pagmamatigas.
Hindi man lang kami karapat-dapat na purihin Ka dahil kadalasan ay hindi namin
sinunod ang Iyong mga utos. Ngunit alam namin na wala kaming pagpipilian at
walang mapupuntahan kundi sa Iyo at sa Iyo lamang. Panginoon, sa lahat ng
pagkukulang at kabiguan sa pagsunod sa Iyong mga utos, maawa ka sa amin.
 Sa katahimikan, hingin natin ng kapatawaran ang ating mga nagawang
kasalanan.
7. Thanksgiving
 Mapagmahal na Ama, alam Mo kung gaano kami kasaya at nagpapasalamat
dahil sa kung ano kami ngayon at kung ano ang gusto Mo sa amin.
Niluluwalhati at pinasasalamatan Ka namin Ama na pinatawad mo rin kami sa
oras at lakas upang magtipon dito sa bahay nina Bro _____ at Sis ______.
 Naniniwala kami na ipinadala Mo kami rito para sa isang misyon na ibigin Ka
nang buong puso at isipan at mahalin ang isa't isa kung paano Mo kami
minamahal. Sinabi mo, Oh Panginoon, na dalawa o tatlong nagtitipon sa
Iyong pangalan, Ikaw ay naroroon sa gitna nila. Ama kami ay lubos na
naniniwala na ikaw ay naririto sa aming paligid at sa aming mga puso. Para sa
lahat ng ito ay pinupuri kita at pinasasalamatan ka namin.
 May mga personal rin po kaming gustong ipagpasalamat sa inyo.
 SAGOT: Pinupuri at pinasasalamatan ka namin Panginoong Hesukristo.

8. Supplication
 Panginoon sinabi Mo na “kumatok at ito ay mabubuksan, humingi at ito ay
ibibigay”, kaya sa kabila ng aming hindi pagiging hindi karapat-dapat
Panginoon, hinihiling namin sa Iyo na pagpalain Mo kami, ang komunidad na
ito, ang lahat ng mag-asawa, at lahat ng mga anak upang sila ay magpatuloy
sa gawaing itinakda Mo.
 May mga personal rin po kaming gusting itaas at hilingin sa inyo.
 SAGOT: Panginoon, dinggin mo ang aming mga panalangin.

9. House Blessing
 Let Your glory fill this house
And Your presence fill our hearts
As Your praise fills our mouth, O Lord my God (Repeat All 2x)
Lord my God, O Lord my God, O Lord my God

10. Closing Prayer

11. Topic Discussion and Sharing

You might also like