You are on page 1of 22

1.27.

2023
Prayer Meeting
PAGSAMBA: 1 Cronica 16

29 Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan,


bawat isa'y lumapit at siya ay handugan.
Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan,

30 sa harap niya ay gumalang ang lahat ng mga bansa.


Ang sandigan ng daigdig ay matibay niyang ginawa.

31 Magalak ang kalangitan, ang daigdig ay matuwa.


“Si Yahweh ay naghahari,” ganito ang ibalita.

32 Magpuri ang karagatan at ang lahat ng naroon,


ang lahat sa kabukira'y magpuri kay Yahweh.

33 Umawit ang mga punongkahoy na nasa kagubatan


sa pagdating ni Yahweh upang lahat ay hatulan.
PAGSAMBA: 1 Cronica 16

34 Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan;


pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

35 Sabihin ding: “Iligtas mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan,


tipunin mo kami ngayon at iligtas sa kalaban;
upang aming pasalamatan ang banal mong pangalan
at purihin ka sa iyong kaluwalhatian.”

36 Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel,


purihin siya ngayon at magpakailanman!
PAGSAMBA
Marapat at sapat lamang na
sambahin ang Panginoon na lumikha
at may akda ng lahat. Sambahin Siya
ng buong puso, isip, at lakas.
P A G T A T A P A T : S a n ti a g o 5

13 May paghihirap ba ang sinuman sa inyo?


Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman?
Umawit siya ng papuri sa Diyos.
14 May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag
ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang
ipanalangin siya at pahiran ng langis sa
pangalan ng Panginoon.
P A G T A T A P A T : S a n ti a g o 5
15 Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa
panalanging may pananampalataya; palalakasin
siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala,
patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan.
16 Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid
ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo
ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang
nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.
PA G TATA PAT
Manalangin na ihayag ng Espiritu Santo
ang kaibuturan ng iyong puso at nawa’y
ipakita Niya sayo ang mga kasalanan na
alam mo subalit iyong itinatago o
pinagtatakpan. Gayundin ang mga
kasalanan na maaaring hindi mo batid.
PAGHINGI: Mga Hebreo 5

7 Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa


lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang
nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa
kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos
dahil lubusan siyang nagpakumbaba.
PANALANGIN: Efeso 6

18 Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon,


humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu.
Lagi kayong maging handa, at patuloy na
ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos.
PANA LA NGIN
Idulog mo sa Panginoon ang lahat
mong suliranin at mga sigalot ng
may kapanatagan at
pananampalataya sapagkat higit
Niyang alam ang iyong
pangangailangan.
Sa Mga BANSA
• Sa mga lokal at internasyonal na
misyonaryo ng ebanghelyo: (manalangin
para sa kanilang katapangan, proteksyon,
probisyon, karunungan, at kagalakan)

• Sa mga “saradong” bansa: (manalangin para


sa mga oportunidad at pagkakataon upang
maipahayag ang Mabuting Balita sa mga taong
nangangailangan nito)

• Sa mga Sakuna at Kalamida: (nawa’y


maging daan ang mga ito upang makilala o
makilala pa ng mas nakararami ang Panginoon.
Maging daan din nawa ang mga ito upang
maghanap, mauhaw, at magutom ang mga tao
ukol sa katotohanan hinggil sa Panginoon na may
likha ng langit at lupa)
Sa Ating BANSA
• Ipanalangin natin ang ating bansa: (maaari
kayong magdagdag ng mga puntos ng panalangin
na alam ninyong nangangailangan ng agarang
panalangin o ‘di kaya ay tumuon sa mga
sumusunod)
• Nawa’y makilala ng mga namumuno ang
tunay at buhay na Panginoon
• Matuwid na pamahalaan at pamamahala
• Kaalaman at karunungan para sa mga
namumuno
• Proteksyon para sa mga tagapamahala
• Kaligtasan at seguridad ng ating siyudad,
probinsiya, rehiyon, at bansa
• Paglikha ng mga batas na nakalulugod sa
Diyos ng Kabanalan at Katuwiran
Sa Mga SIMBAHAN
• Ipanalangin ang mga simbahan na maging
matatag at walang kompromiso sa
pangangaral kay Kristo at ng Salita ng
Diyos
• Ipanalangin na ang mga Pastor at Pinuno
ay mamuhay sa kabanalan at integridad
bilang mga halimbawa sa kanilang kawan.
• Manalangin para sa malakas at biblikal na
paggawa at pagtuturo para sa mga
tagasunod ni Kristo
• Manalangin para sa tapat, bukal ang puso,
at mapagpakumbabang manggagawa na
kikilos para sa Kanyang kaharian at
kadakilaan
Sa Ating SIMBAHAN
1. Fellowships and Worship Services: Mga
pagsasama-sama at pagsamba na nakasentro
kay Kristo at lumuluwalhati sa Diyos
2. Church Edification Ministries: Pag-aaral sa
Bibliya, mga klase sa Teolohiya, ministeryo ng
mga bata, regular na pagbisita ng mga pinuno,
komunyon, at mga panalangin, atbp.
3. Church’s Multiplication: Mga misyon,
evangelism drive, at personal na pagpapatotoo
4. Church’s Leadership: Mga lider na
kwalipikado ayon sa Bibliya, mga klase at
pagsasanay sa Pamumuno, at mga internship ng
pastoral.
5. Church’s Administrative Concerns: Lote at
gusali ng simbahan, mga bayarin, at suportang
pinansyal para sa mga manggagawa ng
simbahan sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Sa Mga PAMILYA
IPAGDASAL ANG MGA SUMUSUNOD:
1. Pang-araw-araw na Probisyon (Mga
trabaho at negosyo, at iba pang
mapagkukunan ng pamumuhay)
2. Kagalingan para sa may mga sakit

3. Pagmamahalan, pagkakaunawaan,
proteksyon at pagkalinga
4. Mga Pagsusulit at Pag-aaral

5. pagkakaligtas sa kaluluwa

6. Paglagong Espirituwal
PA SA SA L A M AT: 1 Te s a l o n i c a 5

16 Magalak kayong lagi, 17 palagi kayong


manalangin, 18 at magpasalamat kayo sa Diyos
sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang
kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong
pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
P A S A SPAALSAAMS A TL A M A T
Ang tunay na sumasampalataya ay
marunong magpasalamat sa Diyos.
Sa lahat ng bagay, ang kanyang
nakikita ay ang katapatan ng Diyos
sa kanyang buhay.
MAGPASALAMAT SA: IYONG KALIGTASAN
kabila ng mahirap na
kalagayan mo ngayon

Para sa pagbibigay ng iyong


mga pangangailangan
Kanyang pag-ibig, awa, biyaya,
at katapatan sa iyong buhay
Para sa matagumpay at
maluwalhating Sunday Services
Para sa Kanyang pabor at
proteksyon sa ating simbahan
PAGSASARA: Mga Awit 84

10 Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa


templo mo, kaysa isang libong araw na iba ang
tahanan ko.
Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong
templo, kaysa ako'y tumira sa bahay
ng mga palalo.
PAGSASARA: Mga Awit 84

11 Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at


sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig
mo at dangal.
Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay
sa sinumang ang gawain ay matuwid at
marangal.
PAGSASARA: Mga Awit 84

12 O Yahweh, ang Diyos na


Makapangyarihan sa lahat, ang
magtiwala sa iyo'y masasabing
mapalad!
Maraming salamat sa
pagdalo. Pagpalain nawa
kayo ng ating Panginoon…

You might also like