You are on page 1of 6

Sa Biblia, maraming makikitang magagandang katangian si David kung kaya't napili siyang hari

ng Israel.  

Una, matikas ito at guwapo.  Ito ang katangiang hindi naman masyadong mahalaga pero pasok
ito sa hinahanap ng maraming Hebreo noon.

Ikalawa, magalang siya, matapat at mahinahong loob. Malaki ang paggalang ni David sa
kanyang mga kababayan at itinuturing niyang mga kaibigan kahit na ang mga taong
pinakamahirap sa lipunan.

Ikatlo, mapag-pakumbaba siya pero malakas ang loob.  Ang kanyang kapakumbabaan ay higit na
nakita noong siya ay nagkasala ng pangangalunya at pagpatay sa isa nyang sundalo.  Inamin niya
ito, nagpakumbaba - bagay na mahirap gawin pero dahil sa lakas ng loob niya ay nanaig ang
kapakumbabaan.

Ikaapat, makadiyos si David. Ang totoo, Diyos talaga ang pumili kay David hindi ang mga tao.
Marahil ay nakita mismo ng Diyos ang puso nito na nakaayon sa kanyang mga hinahanap.  At
kaayon din ito sa ulat ng Biblia na si David ay may malaking pagpapahalaga talaga sa kanyang
espiritual na pangangailangan.

Ang mga katangiang ito ang gustong-gusto ng mga tao rin sa kanyang nasasakupan kung kaya
maging tayo ngayon ay natututo rin sa kanyang mga magagandang katangian.
PAANO NATALO NI DAVID SI GOLIATH SA KIANILANG
ENGKWENTRO? ANONG ARAL ANG MASASALAMIN SA
PAGKAPLANO NG BATANG SI DAVID SA HIGANTENG SI GOLIATH?

Si Goliath ay natalo ni David nung batuhin sya nito ng isang bato at natamaan sa ulo. Noong oras
ding yon ay nabuwal at namatay ang higante. Ang ginintuang mensahe na nais iparating ng
kwentong ito ay ang lubos na pagtitiwala sa Dyos. Si David ay isang bata lamang at si Goliath ay
isang higante. Noong araw ng kanilang pagtutuos, si Goliath ay may tangan tangan na sibat at
espada samantalang si David ay may dalang isang bato lamang. Hindi natakot si David sa
mabagsik na higante sapagkat nagtiwala sya sa Dyos na hinding hindi sya nito pababayaan at ang
Dyos ang bahalang magpapanalo sa kanya sa laban nila ni Goliath. 
PAANO NATALO NI DAVID SI GOLIATH SA KIANILANG
ENGKWENTRO? ANONG ARAL ANG MASASALAMIN SA
PAGKAPLANO NG BATANG SI DAVID SA HIGANTENG SI GOLIATH?

Natalo niya si Goliath sa pamamagitan ng tirador gamit lamang ang maliit na bato na tumama sa
noo ni Goliath.
Aral: Ang pagkakaroon ng matinding paniniwala sa Dios na kahit imposible ay magagawa

Natalo niya si Goliath sa pamamagitan ng tirador gamit lamang ang maliit na bato na tumama sa
noo ni Goliath.
Aral: Ang pagkakaroon ng matinding paniniwala sa Dios na kahit imposible ay magagawa
IPALIWANAG ANG SUMUSUNOD NA KASABIHAN: “ANG HINDI
PAGBIBIGAY NG IYONG PINAKAMAHUSAY AY PAGWAWALANG-
BAHALA SA REGALONG KALOOB NG DIYOS.”

Ayon sa Bibliya,“Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo


rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios” 1 Peter 4:10. Kung
iuugnay natin ang bersikulong ito sa kasabihang,” Ang hindi pagbibigay ng iyong
pinakamahusay ay pagwawalang-bahala sa regalong kaloob ng Diyos”, nangangahulugan na ang
lahat tayo ay pinagkalooban ng Dios ng mga regalo o 'gifts' sa ingles. Ang regalo na ito ay
maaring ispiritwal, temporal, ordinaryo o ekstra-ordinaryo ngunit mapaalin man ay nararapat
nating gamitin ito sa ikabubuti natin at sa mga taong kapaligid sa atin. Kung hindi natin
paghuhusayan ang mga paggamit sa mga regalong ikinaloob sa atin ay katumbas ito ng
pagwawalang-bahala sa Diyos na nagbuhay sa atin ng buhay at kalakasan.
IPALIWANAG ANG SUMUSUNOD NA KASABIHAN: “ANG HINDI
PAGBIBIGAY NG IYONG PINAKAMAHUSAY AY PAGWAWALANG-
BAHALA SA REGALONG KALOOB NG DIYOS.”

Ito ay tungkol sa ating kakayahan bilang isang tao dapat marunong tayong ibahagi ang kung
anong ibinigay sa atin ng dyos dahil ipinagkaloob nya ito upang ibahagi natin sa iba hindi lang sa
ating sarili kundi para sa lahat, upang matanggap natin ang regalo galing sa ating panginoon na
kapalit ng ating mga magagandang ginagawa.
ANO ANG REGALONG TINUTUKOY DITO? PAANO MO IUUGNAY ANG
KASABIHANG ITO SA NAGING BUHAY NI HARING DAVID?

Ang regalong tinutukoy dito ay ang regalo ng kakayahang mamahala bilang isang pastol sa
kawan ng Diyos. Ang kasabihang ito ay maiuugnay sa buhay ng pagpapakumbaba ni Haring
David. Ang pagkamababang loob ni Haring David at sa kabusilakan ng kanyang puso ay natuwa
ang Diyos upang bigyan ng isang misyon si Haring David na gabayan at bayan ng Israel. Ang
buhay ni Haring David ay isang buhay na dapat tularan ng bawat isa upang sa gayon ay hindi
tingnan ng bawat isa ang pisikal na anyo na mayroon ang isang tao, kundi tingnan ang kaloob-
looban ng puso tulad ng ginawa ng Diyos sa pagpili kay Haring David.

You might also like