You are on page 1of 3

AKO'Y LINGKOD NG DIYOS

DATE: May 19, 2023

TITLE: Ako'y Lingkod ng Diyos

TEKSTO: 1 Timothy 6:11


11 
Ngunit ikaw na lingkod ng Diyos, umiwas ka sa mga bagay na ito. Sikapin mong mamuhay nang
matuwid, maka-Diyos, may pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis at kaamuan.

PAKSA: Lingkod ng Diyos

TEMA: Pamumuhay ng Lingkod ng Diyos

PAMBUNGAD NA PANANALITA:
Tayo'y mga lingkod ng Diyos. Kahit hindi isang pastor o diakonesa ay lingkod ng Diyos. Lahat tayo ay
may gamapanin at pananagutan sa Diyos. Mayroong inaasahan ang Diyos na dapat nating taglayin bilang
mga lingkod.

PANGUNAHING PUNTOS:
1. Umiwas sa kadiliman (v. 11a)
Ano nga ba ang masama? Ito ang mga bagay na hindi kalugud-lugod sa Diyos, kasalanan! Iwasan natin
ito 'pagkat hindi ito nagpapahayag ng pagiging lingkod ng Diyos. May mga kasalanan na nakapipinsala sa
ating sarili.

1 Corinto 6:18 18 Iwasan ninyo ang imoralidad. Ang ibang kasalanang nagagawa ng tao ay hindi
nakakasira sa katawan, ngunit ang gumagawa ng imoralidad ay nagkakasala laban sa sarili niyang
katawan.

May mga kasalanan din na nagpapahayag ng hindi paggalang sa nag-iisang Diyos.

1 Corinto 10:14 14 Kaya nga, mga minamahal, iwasan ninyo ang pagsamba sa mga diyus-diyosan.).

Sa halip na mamuhay tayo sa kasamaan ay gawin na lamang natin ang ipinapagawa sa atin, ang magturo
sa iba. Sa ganitong paraan mas marami ang makikinabang.
Wala pang napipinsala.

2 Timoteo 2:2 2 Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ipagkatiwala mo rin sa mga
taong may katapatan at may kakayahang magturo naman sa iba.

2. Siyasatin ang liwanag (v. 11b)


Nais ng Diyos na mamuhay tayo ng ayon sa kabutihan. Gusto Niyang mamuhay ng may kaliwanagan.
Nais ng Panginoon na taglayin natin ang mga katangiang nagpapahayag ng pagiging lingkod ng Diyos

Galacia 5:22-23 22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga,
kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.
a.) Mamuhay sa katuwiran - Maging matuwid! Nais ng Diyos na maging kalugud-lugod tayo sa Kanyang
harapan. Paano maging matuwid? Una, magkaroon ng relasyon sa Diyos.

Roma 9:30 30 Ano ngayon ang masasabi natin? Ang mga Hentil na hindi nagsikap na maging matuwid
sa harapan ng Diyos ay itinuring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya.

Syempre, para kanino ang katuwiran kung wala ka namang Diyos? Ikalawa, kailangang maipahayag
ito
2 Corinto 9:9-10 9 Tulad ng nasusulat, “Siya'y masaganang nagbibigay sa mga dukha; ang kanyang
kabutihan ay walang hanggan.” 10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na
makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang
sagana ang inyong kabutihang-loob.

Nagkaroon ka na nga ng relasyon kaya dapat na makita ito sa buhay mo. Kailangan may social work
ka. Hindi mo pwedeng sabihin na matuwid ka kung hindi naman lumalabas.

b.) Mamuhay sa kabanalan - Ano ang sinasabi ng Diyos tungkol dito?


Mateo 5:48 48 Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit.”).

Banal ang ating Diyos. Nais rin Niyang maging banal tayo. Gaano ba kabanal ang Diyos? God's
holiness is beyond explanation and understanding. Kahit ako man hindi ko masabi dahil sa sobrang
banal Niya. Tanggapin mo man o hindi, kailangan mo'ng maging banal.

c.) Mamuhay sa Pananalig - Naaayon ba sa ating pananalig ang ating ginagawa? Kapag may ginagawa
ba tayong isang bagay ay nababagabag tayo?

Roma 14:22-23 22 Ikaw at ang Diyos lamang ang dapat makaalam ng iyong paniniwala tungkol sa
bagay na ito. Pinagpala ang taong hindi sinusumbatan ng kanyang budhi kapag ginagawa niya ang
mga bagay na pinaniniwalaan niyang tama. 23 Ngunit ang sinumang kumakain sa kabila ng kanyang
pag-aalinlangan ay nagkakasala, sapagkat hindi siya nagiging tapat sa kanyang paniniwala. Ang
paggawa ng anuman na labag sa sariling paniniwala ay kasalanan.

Kumilos tayo ng ayon sa ating pananalig. Tandaan: Binago na tayo ng Diyos, kaya kumilos tayo ng
ayon dito.

d.) Mamuhay sa Pag-ibig - Ano ba itinuturo ng Biblia ukol sa pag-ibig. Dalawa lang naman ang gusto ng
Diyos. Una, mahalin mo Siya
Mateo 22:37 37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo,
buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo.

Love him completely. Ikalawa, mahalin mo ang kapwa mo


Mateo 22:3a 3 Isinugo niya ang kanyang mga lingkod upang tawagin ang mga inanyayahan.

Lahat na ng utos sa Biblia magagawa mo kapag nagawa mo ang dalawang 'yan. Ang galing 'di ba?
Iyan ang magic ng love.

e.) Mamuhay sa pagtitiis / pagtitiyga - Maraming mga pangyayari ang dumarating sa ating buhay. Ang
mga ito ay may bungang pagtitiyaga
Roma 5:3 3 Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam
nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga.

May mga bagay naman tayong hinihintay na nagpapalawig din ng ating pagtitiyaga
Roma 8:25 25 Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong
tiyaga.

Kahit na nararanasan mo ang hirap still nakatayo ka pa rin at umaasa na darating ang panahon na
magiging maayos ang lahat.

f.) Mamuhay sa kaamuan - Kaamuan, pinasamang pananahimik at pagpapakumbaba. sa lahat ng


ginagawa ay dapat taglayin ito
1 Pedro 3:16 16 Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong
malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang
pag-uugali bilang mga lingkod ni Cristo.

Hindi naman natin kailangang harapin lahat ng issue sa ating harapan. Minsan, kailangan mo
namang tumahimik at mag-isip. Sa ganitong paraan mas maihayag ang pagiging lingkod natin ni
Kristo.

PANGWAKAS NA PANANALITA:
Mahirap maging lingkod ng Diyos. Maraming bagay ang dapat ayusin. Maraming dapat baguhin. Ngunit,
sa kabila ng mga hirap na ito ay may kalakip na pagpapala. Kaya, tara na! Sama-sama tayong maglingkod
sa Kanya!

You might also like