You are on page 1of 2

MALAYA KA NA, PINAGPALA KA PA, KAYA HUMAYO NA!!!

DATE: December 4, 2022

Ptr. Conrad Martin, Jr.

TITLE: Malaya ka na, Pinagpala ka pa, Kaya humayo na.

TEXT: Juan 8:32 32 Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa
inyo.”

Ephesians 1:3; 3 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban
niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal na nagmumula sa langit dahil sa ating pakikipag-
isa kay Cristo.

Matthew 28:19-20 19 Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng
mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu
Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y
laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

PAKSA: Pinalaya, Pinagpala, Pinahayo

TEMA: Kalayaang may Pagpapala, tugon nati'y Paghayo

PAMBUNGAD NA PANANALITA:
Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, marami ang tila gulung-gulo pa rin. Hindi malaman ang
gagawin. Yung iba hindi alam kung ano ang ihahanda. Yung iba naman hindi alam kung saan
magtatago. Sa paglipas ng panahon tila ba bago na ang Pasko. Tungkol na lang ito kay Santa
Claus, sa regalo, sa aginaldo, at sa kung ano-ano pa. Nawala na ang tunay na diwa ng Pasko.
Kaya ngayon, let's have a throwback ano nga ba talaga?

PANGUNAHING PUNTOS:
1. Katotohanang Mapagpalaya (John 8:32)
Hindi ba't si Hesus ang tunay na Pasko. Siya ang bida dito. And what is the essense of
Christmas? It is to set the people free. Free from what? SIN. Yan ang tunay na diwa ng Pasko.
Kaya kung feeling mo tuwing Pasko eh nakakulong ka, have some throwback at doon mo
makikita na Christmas is to set free.

2. Pagpapalang Espiritwal = Salvation (Ephesians 1:3)

Matapos mo'ng malaman ang katotohanan, ngayon mo malalaman na mayroong kaligtasan.


Lahat naman siguro tayo naghahangad na maligtas? Ito ay ang paglinis sa atin mula sa
kasalanan. How? Accept Jesus Christ. Hindi naman bumaba si Jesus dito para lang sabihin
lang na "Malaya na Kayo" and then ascend na ulit. Gusto rin niya na manggaling sa inyo na
gusto niyong lumaya.
3. Tugon nati'y paghayo (Matthew 28:19-20)
Nang tayo ay maligtas, kailangan din naman natin itong ibahagi sa iba. Bigyan nating pansin
ang malalaking salita sa verse.

a.) Gawing alagad - Ibig sabihin gagawa ka ng isa pang ikaw, yung hahayo rin tulad mo. Hindi
isang alipin kundi kaibigang makakasama at makikibahagi sa paghayo

b.) Bautismuhan - Ito ay pagpapahayag na sila ay kabahagi mo na. Kabahagi na rin sila sa
pamilya ng Dios.

c.) Turuang sumunod - Napakahalaga nito. Kailangang sumunod tayo sa ipinag-uutos ni Lord.
How? Fisrt is to listen and to listen is to obey.
d.) Ang Dios ang lagi nating kasama - Wag na tayong mangamba pagkat ang Dios ay
sasama sa atin. Mangamba ka kung iba ang kasama mo.

PANGWAKAS NA PANANALITA:
Ngayong magpapasko, wag ka ng masyadong mag-alala kung wala kang pera, wala kang
regalo o kahit na ano pa man dahil hindi ang mga iyon ang mahalaga tuwing Pasko. Iyon ay
ang maihayag si Kristo bilang...
katotohanang mapagpapalaya. Katotohanang mapagpala. Katotohanang mapagpahayo.

You might also like