Professional Documents
Culture Documents
:.
p. 1
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
RATIONALE
“Ang Puso ng Pasko, Nakasentro kay Cristo”
Simula nang maranasan natin ang epektong dulot ng pandemya ay nakita natin na malaki ang
suliraning kinahaharap ng mundo. Ang lahat ay hindi handa sa pangyayaring ito. Hindi katulad ng
ibang 𝑛𝑎𝑡𝑢𝑟𝑎𝑙 𝑑𝑖𝑠𝑎𝑠𝑡𝑒𝑟𝑠, ang pandemyang ito na dulot ng 𝐶𝑜𝑉𝑖𝐷-19 ay malawakan, sabay-sabay,
tuluy-tuloy, at pabagu-bago ng anyo. Bunga nito, mahigit 7.7 milyong katao na sa buong mundo
ang nakitil ang buhay, nadaragdagan pa, at maaaring magdulot pa ng mabibigat na suliranin sa
hinaharap ng mundo. Magdadalawang taon na halos ang pandemya, at sa bawat araw na lumilipas
ay patuloy ang takot at iba’t ibang suliraning kaakibat nito.
Tuwing sasapit ang Pasko, ang buong mundo ay masayang sumasalubong at nagdiriwang sa alaala
ng pagsilang ng ating Panginoong Jesus. Subalit noong nakaraang Pasko ay hindi ganoon ang
naging karanasan ng buong mundo pati ng ating Iglesya sapagkat nasa gitna tayo ng kalagayan ng
paghihigpit dahil sa lubhang mapanganib na impeksiyon ng karamdamang dala ng 𝐶𝑜𝑉𝑖𝐷-19.
Sa ganitong kalagayan ay pumapasok ang kaisipang “Ang Pasko ba ay Pasko dahil sa kasayahang
dulot nito, o ang Pasko ay Pasko dahil sa pinakapuso nito, si Cristo ang sentro? Na sa bawat Paskong
sumasapit, mahalagang marinig ang itinuturo nito - sa ating puso ay naroon si Cristo”. Anuman ang
kasapitan ng bawat araw, masaya o malungkot, si Cristo ay nagniningning sa ating puso sapagkat
Siya ang sentro ng puso ng Pasko.
Sa ating susing talata sa MATEO 2:2 ay sinabi ang ganito; Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang
isinilang na Hari ng mga Judio? Nakita namin ang kanyang bituin sa silangan at naparito kami upang
sambahin siya”.
The Christian life is a journey to the heart of Christmas na inilalarawan ng paglalakbay ng tatlong
pantas. Naglakbay sila sa gabay ng liwanag ng bituin sa madilim na sanlibutan patungo sa
Panginoong Jesu-Cristo. Every Christian journey is driven by a heart continuously in search of a light
in the midst of the darkness that could only be found in Jesus.
Sa papalapit na Pasko, napakainam na suriing mabuti ang nasaksihan ng mga pantas: “…Nakita
namin ang kanyang bituin sa silangan at naparito kami upang sambahin siya”. Sa kanilang
pagsisiyasat, napag-alaman nila na isinilang ang isang dakilang Hari at ang Kanyang bituin ay hindi
maikukubli. Sa panahong ito, makita nawa natin nang maliwanag ang maningning na sinag ng
bituin, na siyang magsisilbing gabay sa atin tungo sa isang makahulugang pagsamba nang may
pagdiriwang sa puso ng Paskong nakasentro kay Cristo!
p. 2
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Umaasa ako na sa pamamagitan ng biyaya ng mga mensaheng ito ay higit na maging pagpapala ang
ating pagdaraos ng Simbang Gabi at ang ating pagdiriwang ng kapaskuhan. Aking kinikilala at lubos
na pinasasalamatan ang pagsusumikap ng Kagawaran ng Edukasyon Cristiana sa pangunguna ng
Ministro, Reb. Dr. Avin Guinto, sa maayos na paghahanda ng mga Mensaheng Pamasko para sa
buong Iglesia, kaya’t aking itinatagubilin sa lahat ng mga Manggagawa at Kongregasyon na atin
itong tangkilikin at gamitin.
Dalangin ko ang masaganang pagpapala ng Diyos at kagalakan mula sa Panginoon ang maghari sa
inyong lahat. Isang maligayang Pasko at mapayapang bagong taon!
p. 3
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
UNANG GABI
Disyembre 16, 2021
PAMAGAT
“Paghihintay sa Mesias,
Kagalakang Walang Katumbas”
BATAYANG TALATA
Lucas 1:46-55
(Basahin lamang ang talataang 46-48)
At sinabi ni Maria, “Ang puso ko'y nagpupuri sa
Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na
aking Tagapagligtas, sapagkat nilingap niya akong
kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y
tatawagin akong pinagpala.”
KAISIPANG SENTRAL
Sa kabila ng ating abang kalagayan,
si Cristo ang Sandigan.
p. 4
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PANIMULA:
Ang batayang talata natin ngayon ay ang awit ni Maria na tinatawag na; ‘Magnificat
anima mea dominum’ o ‘My soul magnifies the Lord’. Ito ay tugon ng kagalakan na
binanggit niya sa talata 28 nang lumapit ang Anghel Gabriel sa kaniya at batiin siya
ng, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!”.
Ang “My soul magnifies the Lord”’ ay malalim na ekspresyon ng pagsamba sa
kagalakang dulot ng matagal na paghihintay sa pagliligtas ng Diyos na ng sandaling
iyon ay nagkaroon ng katuparan.
Samantala, ang sinabi ng anghel sa kaniya sa talata 30 na, “Huwag kang matakot, o
noli timerae”, ay may pakahulugang “hayaang maganap sa kaniya ang banal na
kalooban ng Diyos”. Siya ay katulad ng isang sisidlang handang gamitin para sa
Kaniyang kaharian.
Sa awit na ito, ipinakita ni Maria kung paano matatanggap ang biyaya ng Diyos at
ipinaliwanag niya kung paano laging gumagawa ang Diyos.
Itinuturo niya sa atin na ang kahabagan ng Diyos ay laan sa lahat at ito’y nagdudulot
ng ligayang walang katumbas. Iningatan niya ito sa kaniyang puso at higit sa lahat,
nanampalataya siya.
TRANSITIONAL STATEMENT:
Ngayon ay sisikapin nating magsaya at magdiwang kasama si Maria dahil sa mga dakilang
bagay na ginawa ng Panginoon sa kaniya, sa iyo, at sa aking buhay. Idalangin natin na sa
tuwina ay maranasan ang kahabagan ng Diyos at maibahagi ang kagalakang dulot nito sa
lahat.
Anu-ano ang mga kagalakang walang katumbas na nakamtan ni Maria sa Mesias?
Paano natin ito personal na mararanasan?
Bakit kailangan din itong maranasan ng ating bansa at ng sangkatauhan?
Ang awit ni Maria ay naglalaman ng mga mahahalagang katotohanan tungkol sa mga
dakilang gawa ng Diyos. Tingnan natin ang tatlong (3) mahahalagang katotohanan na
nakapaloob sa mga estropa na kaniyang isinaad:
p. 5
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
p. 6
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
p. 7
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
III. TULONG NA SAGANA AT TAGUMPAY SA TUWINA (Help and Victory Abound), tt.
53-55
“Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad, at pinaalis nang
walang dalang anuman ang mga mayayaman. Tinulungan niya ang Israel na
kanyang lingkod, at hindi niya kinalimutang kahabagan ito. Tulad ng kanyang
ipinangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa lahi nito,
magpakailanman!”
Mula sa mga estropa ng awit ni Maria ay makikita natin na ang napakabuting bagay
na nangyari sa kaniya ay hindi nananatiling personal na karanasan. Sa mga talataang
53-54 ay ipinakikitang ito ay extended na karanasan din ng bawat indibidwal at ng
buong bansang Israel.
Ang pagsagana sa mabubuting bagay para sa mga kapus-palad ay isang
napakagandang pangarap na maabot ng isang bansa.
Noong Disyembre 1984, ilang araw bago magpasko at katatapos lang ma-release
ng pamaskong awit na "Do They Know It's Christmas?", ang musikero at
aktibistang si Harry Belafonte ay nagsimulang mag-isip tungkol sa isang
American benefit single para sa African famine relief sapagkat nang panahong
iyon, ang Africa ay dumaranas ng kalunus-lunos na taggutom. Mula sa
inspirasyon ng pamaskong awit na ito ay nabuo ang popular song na “We Are the
World” noong March 7, 1985.
Sa isang huling monologo kasama si Fonda, binanggit niya ang isang quote mula
kay John Donne na nagsasabing, "Ang kamatayan ng sinumang tao ay
nakababawas sa akin, dahil ako ay kasangkot sa sangkatauhan" (Any man’s death
diminishes me, because I am involved in mankind). Naisip niya na sa pag-iwas sa
krisis, "Unti-unti nating pinapatay ang ating kunsensya. At iyon na siguro ang
pinakamasakit na kamatayan sa lahat."
Ang Panginoong Jesus ang tugon sa lahat ng ating kasalatan (Juan 10:10b).
p. 8
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
p. 9
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PAGTATAPOS:
Katulad ni Maria, taglay natin ang taguring pinagpala dahil sa biyaya ng kaligtasang
buhat sa Panginoong Jesus.
Efeso 2:8, “Ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng
pananampalataya, at ito ay hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos.”
Napakaganda ring pagbulayan ang isinasaad ng Awit 33:12, “Mapalad ang bansa na ang
Dios ay ang PANGINOON. At mapalad ang mga taong pinili niya na maging kanya”.
Ang Panginoon ay naghihintay na dumating ang Mesias sa bawat isa sa atin upang tayo
ay lubos na madulutan ng kagalakang walang katumbas;
Isaias 30:18, “At dahil dito maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging
mapagbiyaya sa inyo, at kaya't mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo:
sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kahatulan; mapapalad yaong lahat na
nangaghihintay sa kaniya.”
p. 10
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
IKALAWANG GABI
Disyembre 17, 2021
PAMAGAT
“Ebanghelyo ni Cristo,
Liwanag sa Madilim na Mundo”
BATAYANG TALATA
Lucas 2:8-20
(Basahin lamang ang talataang 10-11)
Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong
matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa
inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng
tao. Isinilang sa inyo ngayon sa bayan ni David ang
Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon”.
KAISIPANG SENTRAL
Sa gitna ng madilim na gabi,
nagliwanag ang mundo dahil kay Cristo.
p. 11
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PANIMULA:
Ang pamaskong awitin na “It Came Upon a Midnight Clear” ay isinulat ng isang
Amerikanong Pastor na si Reverend Edmund Hamilton Sears noong 1849. Isinulat niya
ang awiting ito sa kapanglawan noong panahon ng kaguluhan at balita ng digmaan ng
Estados Unidos sa Mexico at rebolusyon sa Europa. Ito ay mga kaguluhang nagpahirap
nang husto sa kanyang isipan. Nakipaglaban siya sa madilim na mundo na "puno ng
kasalanan at alitan" at mundong hindi "nakikinig sa mensahe ng ebanghelyo". Ang
magulong konteksto na matatagpuan sa kanta ay hango sa magulong panahon kung saan
siya nabuhay.
Ang bawat salita sa awiting ito ay tumutugon para sa mga "nasa ilalim ng mabigat na
pasan", na himukin ang mga makikinig na pakinggang muli sa pag-awit ang mga anghel
sa kadakilaan ng pagliligtas ng Diyos sa madilim na mundo sa pamamagitan ni Cristo.
Narito ang IEMELIF translation ng “It Came Upon the Midnight Clear”, sa Imno bilang 253,
“ISANG GABING MABITUWIN” (Maaaring awitin ng magsesermon o ipaawit sa
kongregasyon).
Isang gabing mabituwin, sa lupa’y dumating,
Balitang sa langit galing, Dios ang may pasabing
Sa lupay kapayapaan, buhat kalangitan;
Sa maralitang sabsaban, si Cristoy sumilang.
TRANSITIONAL STATEMENT:
Ang pagsilang ng Mesias ay kapahayagan ng:
p. 12
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
p. 13
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
TRANSITIONAL STATEMENT:
Ang pagsilang ng Mesias ay kapahayagan ng…
p. 14
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Nasumpungan nila roon si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Pagkakita nila,
kanilang ipinamalita ang salitang sinabi sa kanila patungkol sa sanggol na ito.
p. 15
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PAGTATAPOS:
Ang pagpupuri at kasabikang dakilain ang Diyos sa tal. 18-20 ay resulta ng mabuting
balita at kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya.
Bilang mga Cristiano, ipinagdiriwang natin ang Pasko bilang kapanganakan ni Jesus –
ang ipinangakong Mesias. Naparito si Jesus upang magdala ng pag-asa, pagpapatawad
at baguhin ang puso ng mga tao, dahil ditto, ang tao ay nagkakaroon ng himala ng
pagbabago. Ito ay bunga ng Ebanghelyo ni Cristo.
When you understand the true meaning of Christmas, it brings about a change in your
heart and outlook on life.
p. 16
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
p. 17
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
IKATLONG GABI
Disyembre 18, 2021
PAMAGAT
“Paglalakbay sa Kadiliman,
Gabay ng Diyos ay Asahan”
BATAYANG TALATA
Lucas 2:25-32
May isang tao noon sa Jerusalem na ang pangala'y Simeon, isang lalaking matuwid, may
takot sa Diyos at naghihintay sa katubusan ng Israel. Nasa kanya ang Espiritu Santo.
Ipinahayag ng Espiritu Santo sa kanya na hindi siya mamamatay hangga't hindi niya
nakikita ang Cristo na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, si Simeon ay
pumasok sa Templo. At nang dalhin doon nina Jose at Maria ang sanggol na si Jesus upang
tuparin ang ayon sa itinatakda ng Kautusan, kinarga ni Simeon ang sanggol. Pagkatapos,
nagpuri siya sa Diyos, “Ngayon, Panginoon, maaari na pong yumaong mapayapa ang
inyong abang alipin ayon sa inyong pangako. Yamang nakita na po ng aking mga mata
ang inyong pagliligtas, na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng bansa. Ito po ay
liwanag na tatanglaw sa mga Hentil at magbibigay-dangal sa inyong bansang Israel”.
KAISIPANG SENTRAL
Nagpapahayag ang Espiritu Santo,
may pag-asa ang bawat tao.
p. 18
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PANIMULA:
Sa loob ng 700 taon, ang Israel ay sinakop ng mga dayuhang makapangyarihan at hindi
nila alam ang kalayaang manirahan sa kanilang sariling lupain sa ilalim ng kanilang
sariling pamamahala.
Nang sila ay bumalik mula sa pagkatapon noong 535 BC ay mataas ang kanilang pag-
asa, ngunit ang Imperyo ng Persia, ang Imperyong Griyego, at ang Imperyo ng Roma,
ay nagdulot ng pagdurusa sa kanila.
Bumaba ang kanilang pag-asa, at lumakas ang kanilang pag-iyak para sa ipinangakong
Mesias: ang Mesias na magtatanggol at mag-aakay sa kanila na magbabalik sa
karangalan ng kaharian ni David, ang leon na magmumula kay Juda, ang kanilang pag-
asa (Pahayag 5:5).
Ang isa ay kailangang mag-isip kung naririnig ba siya ng Diyos o ang Mesias nga ba ay
darating pa.
Nang matapos ang mabagsik at madugong pamamahala ni Alexander the Great sa edad
na 32, walang sinumang angkop na mamamahala sa kanyang itinatag na kaharian. Bago
mamatay ay nagtanong ang kanyang mga pinuno at sundalo kung sino ang hihiranging
kahalili niya. Sinabi niya sa kanilang lahat; “I will leave my empire to the strongest”.
Nangako ang Diyos na magkakaroon ng isang haring ipadadala upang mamahala at
magpaabot ng mga pagpapala sa bayan ng Diyos.
Isang hari na binigyan ng napakataas na titulo: "Makapangyarihang Diyos", "Amang
Walang Hanggan", at "Prinsipe ng Kapayapaan". Kapag dumating ang haring ito, siya
ang magiging sagisag ng kapangyarihan at presensya ng Diyos ng Israel (Isaias 9:6-7).
Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng
Panginoong Diyos ang trono ng ninuno niyang si David. Maghahari siya sa mga lahi ni
Jacob magpakailanman; ang paghahari niya ay walang katapusan (Lucas 1:32-33).
At ang pangako sa kanyang bayan sa Isaiah 9:2, “The people who walk in darkness will
see a great light; Those who live in a dark land, the light will shine on them”, ay katulad
ng paglalakbay sa madilim na lupain, may pag-asang liwanag na darating.
TRANSITIONAL STATEMENT:
Ano ang mahalagang ipinakikita ng Diyos sa kabila ng maraming paniniwala na walang
narinig na anuman sa Kanya sa loob ng mahigit na 400 taon?
p. 19
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Ang 400 years of God’s silence o taon ng katahimikan ay tumutukoy sa panahon kung
saan hindi nakipag-usap ang Diyos sa mga Hudyo. Sinasabing ito ay sa pagitan ng
Lumang Tipan na isinaad sa Malakias 4:5-6, “Narito, isusugo ko sa inyo si Elias na
propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na araw ng Panginoon. Ibabalik
niya ang puso ng mga ama sa kanilang mga anak at ang puso ng mga anak sa kanilang
mga ama, upang hindi ako pumarito at sasaktan ang lupain ng sumpa”, at nagtapos
sa pagdating ni Propeta Juan Bautista, ang maghahanda sa daraanan ng Mesias sa
Bagong Tipan. Ang 400 taong katahimikan sa panahon ng Lumang Tipan ay
nagsasara sa pangwakas na babala at nagbubukas sa bagong yugto para sa
ipinangakong pagsilang ng Mesias (Mateo 1:1-17).
Bagama’t ang terminong “God’s silence” ay lumalabas sa pagsusuri ng mga iskolar sa
Biblia, gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na sa panahong iyon ay walang
anumang pagkilos mula sa Diyos.
Ang Banal na Espiritu ay gumagawa over the course of time. Ito ay nangangahulugan
na, things get better as the Holy Spirit works over the course of time.
Nangusap Siya noon, nangungusap Siya hanggang ngayon (Hebreo 1:1-2).
p. 20
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
p. 21
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PAGTATAPOS
Ang mga nagsusuri sa kalagayan natin ngayon ay pawang nagsasabi na ang mundo ay
tila taong naglalakad sa kadiliman – walang kasiguruhan. At sa kanilang pag-aaral ay
tinawag nila itong VUCA World (Volatility, Uncertainty, Chaos, Agility), dahil sa epektong
dulot sa atin ng pandemya. Tunay na hindi katanggap-tanggap ang mga nangyayari sa
ating buhay, subalit kailangan tayong matutong harapin ito at buong pusong ipasa-
Diyos ang lahat. Manalig at magbulay kung ano ang mensahe sa atin ng trahedyang ito.
Manalangin, magpasalamat, at umasa na ang lahat ay ibabalik ng Diyos sa wasto.
May awit tayo sa Imnario na nagpapahiwatig ng karanasan sa paglalakbay sa
madidilim na panahon, Imno #16 “ANG KARIMLAN NG GABIY LUMIPAS NA” (It Is
Morning in My Heart).
Ang karimlan ng gabi’y lumipas na, Sa puso ko’y umaga;
At ako’y nabubuhay na masaya, Sa puso ko’y umaga.
p. 22
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Kahit madama nating naguguluhan tayo sa kasalukuyan nating kalagayan, nangako ang
Diyos na may pag-asa sa paglalakbaay kasama si Cristo—nangangako Siyang
tatanglawan ang ating daraanan at ituturo sa atin ang landas palabas sa kadiliman.
p. 23
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
IKAAPAT NA GABI
Disyembre 19, 2021
PAMAGAT
“Pagpapasakop sa Diyos,
Hayag sa Pagsunod na Lubos”
BATAYANG TALATA
Lucas 1:18-25
Sinabi ni Zacarias sa anghel, “Paano ko matitiyak na mangyayari iyan?
Ako'y matanda na at gayundin ang aking asawa.” Sumagot ang anghel, “Ako'y si
Gabriel na nakatayo sa harapan ng Diyos. Isinugo niya ako upang dalhin sa iyo ang
magandang balitang ito. Ngunit dahil sa hindi ka naniwala sa mga sinasabi kong
matutupad pagdating ng takdang panahon, ikaw ay magiging pipi. Hindi ka
makakapagsalita hanggang sa araw na maganap ang mga ito.” Samantala,
naghihintay naman kay Zacarias ang mga tao. Nagtataka sila kung bakit nagtagal
siya nang ganoon sa loob ng Templo. Paglabas niya, hindi na siya makapagsalita,
kaya't mga senyas na lamang ang ginagamit niya. Napag-isip-isip ng mga tao na
baka nakakita siya ng pangitain sa loob ng Templo. Si Zacarias ay nanatiling pipi.
Nang matapos na ang panahon ng kanyang paglilingkod ay umuwi na siya. Hindi
nga nagtagal at naglihi si Elizabeth. Hindi ito lumabas ng bahay sa loob ng limang
buwan. Sinabi ni Elizabeth, “Ngayo'y kinahabagan ako ng Panginoon. Ginawa niya
ito upang alisin ang aking kahihiyan sa harap ng mga tao!”.
KAISIPANG SENTRAL
Magpasakop sa Diyos at ipakita ang pagsunod nang lubos.
p. 24
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PANIMULA:
Si Zacarias at si Elizabeth ay mga Judiong nakatira malapit sa Jerusalem. Sumusunod
sila sa mga utos ng Diyos. Iisa ang laman ng kanilang puso – ang magkaanak. Subalit
hanggang sa pagtanda nila ay wala pa rin silang anak (Lucas 1:5–7, 13).
Sila ay gumawa ng mga tamang pasya sa buhay. Pareho nilang pinili ang maglingkod
nang tapat sa Diyos bilang mag-asawa. Tapat na ginampanan ni Zacarias ang kanyang
mga tungkulin bilang saserdote, at sumusunod silang mag-asawa sa Kautusan ng Diyos
sa abot ng kanilang makakaya. Subalit kung nakapasyal ka sa kanilang tahanan sa Juda,
mapapansin mong may kulang. Wala silang anak. Baog si Elisabet, at matatanda na sila
(Luc. 1:5-7).
Sa Israel, ang pagkakaroon ng anak ay napakahalaga, (1 Sam. 1:2, 6, 10; Awit 128:3, 4).
Noon, maaaring hiwalayan ng isang lalaking Israelita ang kanyang asawa kapag hindi
ito magkaanak. Ngunit pinili ni Zacarias na manatiling tapat kay Elisabet, wala siyang
ginawang paraan para hiwalayan ito.
Pangunahin ba ang Diyos sa inyong mag-asawa?
o Kapag nahaharap tayo sa mabibigat na suliranin, inaalam ba muna natin ang mga
sinasabi sa Biblia tungkol dito? Nananalangin ba tayo tungkol dito, at pagkatapos ay
humihingi ng payo sa isang may-gulang na Cristiano? O nilulutas natin ang mga
problema ayon sa sariling paraan o sa paraan ng inyong mga magulang at mga
kaibigan?
o Palagi ba kayong nananalangin at nag-aaral ng Salita ng Diyos nang magkasama,
nagtatakda ng quiet time at masiglang sumasamba kahit tayo ay nasa kalagayan ng
pandemya?
TRANSITIONAL STATEMENT:
Anu-ano ang mga mensaheng ating matututuhan na nagdadala sa atin upang makarating sa
puso ng Pasko na nakasentro kay Cristo?
Ang "Huwag kang matakot" ay tipikal na pagbati ng anghel (Lucas1:13, 2:10), dahil
ang pagtanggap ng salita mula sa Panginoon ay hindi isang bagay na nakasanayan
ng mga tao na matanggap. Laging may pagtatanong na tila humihingi ng katibayan
katulad ng sinabi ni Zacarias sa anghel na; “Paano ko matitiyak na mangyayari iyan?
Ako'y matanda na at gayundin ang aking asawa”.
p. 25
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
p. 26
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y
malakas” (2 Corinto 12:9).
1 Corinto 10:13, “Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan
ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo
pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo
ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito.”
p. 27
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
p. 28
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PAGTATAPOS:
Sina Zacarias at Elizabeth ay maraming beses nagsumamo sa Diyos sa kanilang mga
tuhod para sa isang bata, bunga nito ay inilaan nila ang kanilang mga sarili na ipasakop
sa Diyos ang lahat at hayagang sumunod sa Kanya.
Marahil maraming mga gabing walang tulog ang ginugol nila sa pag-iyak sa Diyos na
buksan ang sinapupunan ni Elizabeth.
Maraming beses silang umiyak sa mga bisig ng isa't isa sa kanyang pagiging baog,
iniisip kung bakit hindi sinasagot ng Diyos ang kanilang panalangin.
Gayunpaman, ang mga pagsubok na ito ay isang malayong alaala na ngayon, sapagkat
dumating na ang panahon sa buhay nila ang isang malinaw na sagot sa kanilang mga
panalangin para sa isang anak.
They did not just endure the way it is, but they embrace the way God wills it to be,
sapagkat nagpasakop sila, at walang sawang lumuhog sa Diyos
Katulad nila Zacarias at Elizabeth, habang dumaraan tayo sa mga oras ng buhay-
paglilingkod, at marami tayong nararanasang mga kakulangan sa buhay, that makes us
suffer, huwag magretiro sa pagpapasakop sa Diyos.
Suffering is good for our joy because we are forced to embrace God over and over again
by the empty passions that come from earthly work.
Maaaring matagal ang mga iyon para kay Zacarias at Elizabeth, subalit naging hayag sa
kanila ang pagsunod sa Diyos, at sa huli ay tagumpay na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos
ang nasa ng kanilang mga puso.
At ngayon, hindi lamang isang anghel ang nagpakita at nagsabi kay Zacarias na, “Ang
iyong panalangin ay dininig…”, ang Panginoong Jesus mismo ang nagsabi sa atin na,
“Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?” (Mateo 6:25-34).
p. 29
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
IKALIMANG GABI
Disyembre 20, 2021
PAMAGAT
“Pagtitiwala kay Cristo, Isaisip at Isapuso”
BATAYANG TALATA
Mateo 1: 19-24
Si Jose na magiging asawa niya ay isang matuwid na tao at ayaw nitong
malagay sa kahihiyan si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan na lang si
Maria nang palihim. Habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa
panaginip ang isang anghel ng Panginoon at nagsabi, “Jose, na mula sa
angkan ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang
pagbubuntis niyaʼy sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Manganganak siya
ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Jesus, dahil ililigtas niya ang
kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari ang lahat ng ito upang
matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Magbubuntis
ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang
Emmanuel” (na ang ibig sabihin, “Kasama natin ang Dios”).
Nang magising si Jose, sinunod niya ang sinabi ng anghel at pinakasalan niya
si Maria.
KAISIPANG SENTRAL
Sa panahon na naguguluhan, ang Diyos ay pagtiwalaan.
p. 30
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PANIMULA:
Ang Betrothal ay halos katumbas ng kasal. Sa panahon ng pagiging magkatipan ay
walang pakikipagtalik na magaganap, sapagka’t ito ay isang pangako at itinuring na
halos kasing seryoso ng pag-aasawa at ang pagtataksil ng isang katipan ay itinuturing
bilang pangangalunya (Deut. 22:23-24).
Sa kalagayang ito, si Jose at Maria ay itinuturing na legal na mag-asawa sa konteksto
ng bethrotal.
Ang pagbubuntis ni Maria sa panahon ng pagpapakasal ay magbubukas sa kanya sa
paratang at mga kahihinatnan ng pagtataksil (Mt. 1:18-20).
Ayaw ni Jose na sa anumang paraan ay madamay siya sa pangyayaring ito, kung kaya
nag-iisip siya na hiwalayan si Maria.
Sa katotohanan, ang kalagayang ito ni Jose ay napakahirap.
Ang kalagayan ni Jose ay lumalarawan sa bawat mahihirap na sitwasyon ng ating
buhay, pamilya, kaibigan, at iba pa.
Si Jose ay sagisag ng ordinaryong tao – minsa’y nakapagpapasya ng mali at minsa’y
nakapag-iisip ng di tama sa sarili at kapuwa.
Subalit hindi siya hinayaan ng Diyos sa ganoong kalagayan, sa halip ang Diyos sa
Kanyang kabutihan at karunungan ay nangusap kay Jose at inilahad ang Kanyang
dakilang plano para sa kanya at sa lahat ng tao.
Napakaganda ng karanasang ito ni Jose sa kanyang encounter sa anghel ng Diyos – sa
kanyang pag-aalala sa kanyang mahirap na sitwasyon ay may magandang mensahe ang
Diyos.
Sa kabilang dako ang “betrothal” o engagement sa pagitan ni Jose at Maria ay maaari
rin nating tingnan bilang “Spiritual betrothal o engagement” natin sa Diyos (2 Cor.11:2).
TRANSITIONAL STATEMENT:
Ang pagbubulay natin ngayon ay magandang panahon upang mangusap ang Diyos sa
ating personal na buhay.
Sa ating mga pagpapasya, iniisip, sinasabi, at ginagawa, naranasan na ba nating
konsultahin ang Diyos sa Banal na Kasulatan?
Paano natin mararating ang puso ng Pasko, ang puso na kinaroroonan ni Cristo?
p. 31
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
What is a decision? A decision is a choice you make about something after thinking
about it. What turned out to be a consequence, was the result of someone’s decision.
Tumutulong ang desisyon upang maabot ang katatagan ng layunin o katangian o
determinasyon ng isang tao, at ito ay matagumpay na naaabot lamang sa paglalagay
ng ating pagtitiwala sa mga kamay ng Diyos.
p. 32
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Ang pangunahing layunin ng pagsilang ni Jesus ay upang iligtas Niya ang Kanyang
bayan sa kanilang kasalanan (Mateo 1:21).
Bakit kailangang iligtas Niya ang Kanyang bayan sa kanilang kasalanan?
Ayon sa Isaias 43:4b ay sinabing; “sapagkat mahalaga ka sa akin; mahal kita, kaya't
pararangalan kita”.
Ang pagsilang ni Jesus ay pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang dakilang pag-ibig sa
atin (Juan 3:16), at ang kasagutan sa pangangailangan ng kaligtasan ay tugon upang
matupad ang paghahari ng Diyos sa ating kalagitnaan (Isaias 9:6-7).
p. 33
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
III. IPAGKATIWALA KAY JESUS ANG SARILI - SIYA ANG EMMANUEL (tt.23-24)
(Entrust Life to Jesus - He Is the Emmanuel)
“Magbubuntis ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang
Emmanuel” (na ang ibig sabihin, “Kasama natin ang Dios”). Nang magising si Jose,
sinunod niya ang sinabi ng anghel at pinakasalan niya si Maria.
Ang mabuting balita na hatid nito kay Jose ay ang malamang mayroong Emmanuel na
palaging kasama anuman ang sitwasyon ng buhay.
Paano mababakas sa buhay ni Jose ang Emmanuel, “kasama natin ang Diyos”?
a. Uliran sa Pagtitimpi, “Hindi ginalaw ni Jose si Maria…” (Mateo 1:25).
Walang lalaking nagpapakasal sa isang babae upang manatiling birhen o hindi
nakikipagtalik sa kanyang asawa. Subalit, nang malaman ni Jose na itong si Maria
ay naglilihi at magsisilang ng Anak ng Diyos, si Jose ay nagpasya na hindi galawin
si Maria. Isang mataas na paggalang sa Diyos at kay Maria.
b. Matapat na asawa ni Maria
Sa panahong ito na ang mga tao ay nakikipagtalik maging sa hindi nila asawa, si
Jose ay huwaran sa pagiging isang tapat at malinis na asawa, na may malakas na
pagpipigil sa sarili. Ito ay isang pagsasakripisyo para sa sariling pangangailangan
bilang isang lalaki.
c. Masunurin sa Pamahalaan
Hindi madali para kay Jose at Maria na umalis ng Nazaret at maglakbay patungong
Betlehem dahil si Maria ay “nagdadalantao” at malapit nang manganak. Subalit
dahil ito ay ipinag-uutos ng Emperador, sila ay sumunod (Lucas 2:1-3).
PAGTATAPOS:
Ang mabuting balita na hatid nito kay Jose ay siguradong si Jesus ay ipinanganak upang
iligtas Niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan kasama ang anumang
sitwasyon ng buhay.
Katulad ni Jose, masakit ang malamang ang babaeng kanyang minamahal ay nagtaksil
at sumira sa kanilang sumpaan. Minsan ang akala natin, ang mga bagay ay hindi
umaayon pabor para sa atin. Subalit mayroon palang mataas na layunin ang Diyos kung
bakit nangyayari ang mga bagay na hindi natin inaasahan.
Ang taong nawalan ng iniibig o nasawi sa pag-ibig ay kinakikitaan din ng labis na
kalungkutan, walang taong hindi nalulungkot pagdating sa usaping pag-ibig. Kaakibat
na ng pag-ibig ang kasawian, sabi nga, di ka raw masasabing nagmamahal kung hindi
ka masasaktan.
p. 34
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
“O CRISTONG KAIBIG-IBIG”
(What a Friend We Have in Jesus)
p. 35
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
IKAANIM NA GABI
Disyembre 21, 2021
PAMAGAT
“Pagpapakababa ng Sarili,
Pagtataas sa Diyos na Kumandili”
BATAYANG TALATA
Juan 1: 26b-27, 29
“…ngunit nasa inyong kalagitnaan ang isang hindi ninyo
nakikilala. Dumarating siyang kasunod ko subalit hindi man
lamang ako karapat-dapat na magkalag ng tali ng kanyang
sandalyas.” Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit
sa kanya. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng
Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.”
Juan 3:30
“Kinakailangang siya ang maging dakila at ako nama'y
maging mababa.”
KAISIPANG SENTRAL
Ang sarili’y ibaba sa Diyos na dakila!
p. 36
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PANIMULA:
Ayon sa kasaysayan, kapag naglalakbay ang dakilang Hari noong unang panahon sa
Biblia, ay nagsusugo siya ng isang mensahero sa unahan niya upang ipaalam sa lahat
na siya ay darating. Ito ang ginawa ni Juan para kay Jesus.
Mula pa sa pagkabata’y kilala na ni Juan si Jesus sapagkat magpinsan ang kanilang ina.
Ngunit hindi nakilala ni Juan kung sino talaga si Jesus hanggang sa ito ay inihayag sa
kanya ng Diyos (Juan 1:33-34).
Si Jesus ay tinawag na Kordero ng Diyos sapagkat ang mga kordero ay iniaalay para sa
mga kasalanan. Yaong mga nagkasala at nararapat mamatay ay makahihiling sa Diyos
na tanggapin ang kamatayan ng isang kordero bilang kapalit niya (Juan 1:29 at Juan
1:36).
Si Jesus ang Kordero ng Diyos na isinugo Niya upang mamatay upang pawiin ang ating
kasalanan.
Ayon kay Josephus—isang mananalaysay na Hentil noong unang siglo, ang mga tupa
na nasa labas sa paligid ng Betlehem na binabantayan ng mga pastol ay mga tupang di-
pangkaraniwan o ordinaryong tupa, ito ay mga korderong iaalay. Sa unang bahagi ng
tagsibol, itong mga korderong ito ay papatayin sa panahon ng Paskuwa.
Ipinahayag ng Diyos ang kapanganakan ng Mesias sa mga pastol – mga pastol na
nagbabantay ng mga korderong mamamatay para sa mga kasalanan ng tao. Noong
nakita nila ang sanggol, naunawaan nila kung sino talaga ang sanggol na si Jesus.
TRANSITIONAL STATEMENT:
Nauunawaan kaya natin kung sino talaga itong sanggol na sumilang? Nauunawaan kaya
natin sa ating puso kung ano ang binanggit ni Juan Baustista na inihayag niya nang malakas,
“Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!"?
Tingnan natin ang mga pahayag ni Juan Bautista tungkol sa Panginoong Jesus.
p. 37
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Paano ipinahayag ni Juan ang kaniyang pagkakilala kay Jesus? Sinabi niyang…
a. Nasa ating kalagitnaan ang Kordero ng Diyos
29Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Tingnan
p. 38
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
His service grows sweeter and sweeter to me, The closer I live to Him;
And more of His goodness and mercy I see, The closer I live to Him.
His love more abundantly flows thro’ my heart, The closer I live to Him;
And richer the blessings that He doth impart, The closer I live to Him. [Chorus]
I’m longing the more in His likeness to be, The closer I live to Him;
And surer I am that His face I shall see, The closer I live to Him.
p. 39
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Nang marinig ng dalawang alagad ang sinabi ni Juan ay kagya't na sumunod sila kay
Jesus. Lumingon si Jesus, at nang makita niyang sumusunod sa kanya ang mga ito,
sila'y tinanong niya, “Ano ang kailangan ninyo?” (Juan 1:37-38).
Sa karanasan ni Pedro.
a. The closer we get to Jesus, the more we see the need for more forgiveness than
simply help.
Lucas 5:8, Nang makita ito ni Simon Pedro, lumuhod siya sa harap ni Jesus habang
sinasabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako'y taong makasalanan.”
b. The closer we get to Jesus, the calmer and more peaceful we are in the storms
of life.
Mateo 14:30, “Ngunit nang mapansin niya (Pedro) na malakas ang hangin, siya'y
natakot at nagsimulang lumubog. ‘Panginoon, sagipin ninyo ako!’ sigaw niya.”
c. The closer we get to Jesus; we realize that we cannot live without Him.
Juan 6:68-69, Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta?
Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan…”
d. The closer we get to Jesus the certain we are in declaring He is the God of our
lives.
Mateo 16:13-20, at Lucas 9:18-21, Sumagot si Simon Pedro, “Ikaw ang Cristo, ang
Anak ng Diyos na buháy.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pinagpala ka, Simon na anak ni
Jonas!”
III. DAPAT SIYA ANG DAKILA AT AKO NAMA'Y MABABA (Juan 3:30)
“Kinakailangang siya ang maging dakila at ako nama'y maging mababa.”
Paano ipinakita ni Juan ang pagdakila kay Jesus at pagpapakababa ng kanyang sarili?
a. Si Juan at si Jesus
Bagama’t pareho sila ni Jesus na nagmula sa Juda, ay maliwanag niyang sinabi na
hindi siya ang Cristo (Juan 1:20).
Tuwiran niyang sinabi na “Ako ang tinig ng isang taong sumisigaw sa ilang”. Ang
tagapaghanda ng daraanan ng Panginoon (Juan1:23).
Si Jesus ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan (Juan 1:29).
Siya ang bugtong na Anak na lubos na kinalulugdan ng Diyos at may
kapangyarihang taglay mula sa Espiritu Santo (Juan 1:29-34).
Si Juan ay sugo ng Diyos na nauna kay Jesus upang ihanda ang kanyang daraanan.
Si San Juan Bautista ay hindi ang ilaw na inakala ng karamihan, siya ay nagpatotoo
lamang tungkol sa ilaw. Siya ang isang tinig na sumisigaw sa ilang sa gayon
natupad ang nasusulat sa aklat ni Propeta Isaias: “Ito ang sabi ng isang sumisigaw
sa ilang: Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kanyang
mga landas!” (Juan 1:19-27).
p. 40
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
At nang si Jesus ay dumating sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang
magpabautismo. Sinansala siya ni Juan na ang wika, “Ako po ang kailangang
bautismuhan ninyo, at kayo pa ang lumapit sa akin!” Ngunit tinugon siya ni Jesus,
“Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin
upang matupad ang kalooban ng Diyos.”
Sinabi niyang kinakailangang si Jesus ang maging dakila at siya nama'y maging
mababa (Juan 3:30).
b. Si Juan at ang mga Pariseo
Si Juan [Bautista] ay isinilang na isang saserdote. Taglay niya ang Aaronic
Priesthood, at isang legal na tagapangasiwa sa Templo, at tagapagbalita tungkol
kay Cristo, at naparito upang ihanda ang daan para sa kanyang pagdating (Lucas
1:5, 13).
Bagama’n si Juan Bautista ay isinilang na isang saserdote, kanyang iwinaksi ang
panlabas na katayuan ng saserdote. Siya ay nakatira sa disyerto ng Judea,
kumakain ng balang at pulot-pukyutan. Hindi tulad ng maraming paring Judio,
alam ni Juan Bautista ang kanyang misyon sa buhay. Malinaw niyang naunawaan
na siya ay inilaan ng Diyos para sa isang layunin.
Ang mga Pariseo ay malinis ang panlabas ngunit ang puso ay puno ng kasakiman
(Lucas 11:39, 40). Binabalewala nila ang katarungan at pag-ibig sa Diyos (Lucas
11:42).
Gustung-gusto ng mga Pariseo na umupo sa pinakamagagandang puwesto sa mga
sinagoga at binabati ng mga tao sa mga pamilihan (Lucas 11:43, 44).
Nakalimutan nila ang mas mahahalagang kahilingan ng Kautusan, gaya ng
pagiging makatarungan at mapagpakumbaba sa harap ng Diyos (Mikas 6:8).
c. Si Juan at ang Templo
Dapat si Juan ay nasa loob ng Templo at tumutupad sa mga tungkuling may
kaugnayan sa pagiging paring Judio katulad ng ginagawa ng kaniyang amang si
Zacarias.
Subalit siya ay nasa labas ng Templo, nagbabautismo at nangangaral sa mga tao
ng pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan.
d. Si Juan at ang mga tao sa paligid
Si Juan [Bautista] ay larawan ng pagpapakababa dahil nung oras na iyon ang
buong akala ng mga tao ay siya na ang Mesias na sinugo ng Diyos at pwede niyang
angkinin o sabihin na siya nga ang Mesias subalit ito ay kanyang itinanggi na may
kababaang-loob.
Sa Juan 1:19-28, nang suguin ng mga Judio sa Jerusalem ang ilang Saserdote at
Levita upang itanong kung sino siya, kanyang pinatotohanan na hindi siya ang
Mesias o propeta bagkus kanyang winika rin na hindi siya karapat-dapat
magkalag man lang ng tali ng panyapak ng susunod sa kanya.
p. 41
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Natapos ang misyon ni Juan Bautista nang mabautismuhan niya si Jesus sa ilog
Jordan dahil ang kaganapang iyon ang hudyat ng panimula ng Public Ministry ni
Jesus.
Hindi siya si Elias o ang ibang nabuhay na propeta, buong tapang niyang sinabi sa
mga tao na siya ang inihulang propeta sa aklat ni Isaias na “Isang tinig ng taong
sumisigaw sa ilang, tagapaghanda ng daraanan ng Panginoon” (Juan 1:22-23).
Sinabi ni Juan sa mga tao na sugo lamang siya na mauuna kay Jesus. Ang lubos na
ang kagalakan ni Juan ay, “si Jesus ay maging dakila, at siya nama’y mababa.”
PAGTATAPOS:
Ngayong kapaskuhan, ating balikan ang tinirhan ni Jesus, tingnang mabuti ang
sabsaban. Huwag ninyong isipin na maganda ang tanawin—amuyin ang mabahong
hangin, pagmasdan ang malamig at giniginaw na mga hayop. Sila ang kumakatawan sa
pagiging aba sa Banal na Kasulatan.
Sila ang sagisag ng kasalatan, kawalan, at kamatayan. Sila ay walang kabuluhang mga
nilalang, ngunit sila ay pinagpala ng Sanggol na sumilang, ang nagpabago sa kanilang
pangit na kapaligiran, nagbigay-kagalakan sa kanilang kalungkutan. Siya ay
ipinanganak para magbigay ng liwanag at mamatay… upang ang lahat ng
manampalataya ay magkaroon ng buhay!
Mateo 11:11, “Sinasabi ko sa iyo ang katotohanan: Kabilang sa mga ipinanganak ng
mga kababaihan ay wala pang lumitaw na higit kaysa kay Juan Bautista; gayon ma'y
ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kaysa kaniya.”
p. 42
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
IKAPITONG GABI
Disyembre 22, 2021
PAMAGAT
“Pangalang Makapangyarihan,
Dulot ay Kaligtasan”
BATAYANG TALATA
Isaias 9:6-7
“Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay
sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang
Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama,
Prinsipe ng Kapayapaan. Magiging malawak ang kanyang
kapangyarihan at walang katapusang kapayapaan ang ipagkakaloob
sa trono ni David at sa kanyang kaharian. Itatatag niya ito at
pamamahalaan na may katarungan at katuwiran mula ngayon at
magpakailanman. Isasagawa ito ni Yahweh na Makapangyarihan sa
lahat.”
KAISIPANG SENTRAL
Yaring buhay ay ligtas sa kaparusahan
dahil si Jesus ang kaligtasan.
p. 43
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PANIMULA:
Ilagay sa isipan ngayon at sa lahat ng oras ang pinakamahalagang bagay sa pagsilang
ni Jesus, na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos ay isinilang sa daigdig upang
ialay ang Kanyang buhay, para tayo ay mabuhay. Iyan ang totoo, at napakahalaga nito.
Diyan nakasalig ang ating pananampalataya.
Suriin natin ang matataas na pangalan ni Jesus na regalo ng Diyos sa atin. Ang regalo
ay inihayag ng Diyos upang makita ng mundo, nakakamangha ang kalikasan nito,
malalim sa layunin, at hindi maarok sa pag-ibig:
Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang
pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang
Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Magiging malawak ang kanyang kapangyarihan at walang katapusang kapayapaan ang
ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang kaharian.
Itatatag niya ito at pamamahalaan na may katarungan at katuwiran mula ngayon at
magpakailanman.
Kung titingnan natin, ang kaloob ng Diyos ay walang katapusan sa mga pangalang nito,
walang kapantay sa halaga nito, hindi mapag-aalinlanganan sa pagiging tunay nito, at
walang kapantay sa kapangyarihan nito.
Walang salita sa anumang wika ang sapat na ilarawan sa kahulugan ng mga pangalan
na ibinigay ng Diyos sa lalim ng pag-ibig, sa isang taong nawawala at namamatay na
mundo.
TRANSITIONAL STATEMENT:
Anu-ano ang sinasagisag ng mga pangalang ito ng Panginoon at ano ang kahalagahan nito
sa ating buhay? Sa ating mundo?
p. 44
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
a. Kahanga-hangang Tagapayo
Si Jesus lamang at wala ng ibang nararapat na magtaglay ng pangalang
Kahanga-hangang Tagapayo. Mula pagsilang hanggang sa pagkabuhay muli, ang
kanyang buong pagkatao ay katibayan na siya ay kahanga-hanga.
Ang mga mensahe ng Kaniyang mga talinghaga, sermon, pangangaral at
pagpapagaling ay nagbigay sa mga tao ng pag-asang mabago ang kani-kanilang
mga buhay.
Mateo 11:28-30, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang
nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin
ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may
mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan 30 sapagkat
madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibibigay ko sa
inyo.”
b. Makapangyarihang Diyos
Tinatawag na Makapangyarihang Diyos ang Diyos, sapagkat ginagawa Niyang
padalisayin, baguhin, at iligtas ang tao.
Si Jesus ay tagapagligtas. Nagawa ni Jesus na mamuhay ng isang perpektong
buhay, hindi nagkasala, namatay para sa mga kasalanan ng lahat, at nabuhay na
mag-uli, at lahat ay nagkakaroon ng katuparan sa Kanyang pangalan lamang
(Juan 14:13-14).
Ang salitang “Makapangyarihan” ay tumutukoy sa malayang kilos ng Diyos na
gawin ang lahat ng bagay ayon sa kanyang kalooban (Awit 115:3; Pah.19:6).
c. Walang Hanggang Ama
Bilang Logos, si Jesus ay nabubuhay (exists) na bago ang nilikha (Sa pasimula ay
ang Salita…), at sa pamamagitan Niya ay nilikha ang lahat ng bagay. Dahil dito,
si Jesus ay hindi nilikha, kundi Manlilikha, tulad ng Ama. Si Jesus at ang Ama ay
pantay sa Kadiyosan. Sa Filipos 2:6 ay ganito ang sinasabi, “Na siya, bagama't
nasa anyong Diyos, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan
ang pagkapantay niya sa Diyos.”
d. Prinsipe ng Kapayapaan
Ang kapayapaan ay nagsilbing paalala bilang statement ng United Nation.
Ang mga sumusunod na taludtod na mula sa Isaias 2:4 ang mismong hinango ng
United Nation, at nakaukit sa tinatawag na Pader ni Isaias sa isang muog malapit
sa himpilan nito sa Lungsod ng New York. Sa Ingles: They shall beat their swords
into plowshares. And their spears into pruning hooks. Nation shall not lift up
sword against nation. Neither shall they learn war any more. [Pupukpukin nila
ang kanilang mga espada bilang mga sudsod. At ang kanilang mga sibat ay
naging mga kawit na pangputol. Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban
sa bansa. Ni hindi na sila mag-aaral ng digmaan].
p. 45
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
p. 46
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Lahat marahil ay umay na sa tanong na: Ano ang wish mo ngayong pasko? At marami
ang sasagot ng; sana maging maayos na ang mundo, o kaya ay peace, o love sa mga
magkaaway, o kaya ay good health o good fortune.
Ngayong may pandemya, marahil ang wish and prayer ng marami ay; sana mawala
na ang CoViD na ito.
Lahat ng mga kahilingan at panalanging ito ay mabuti at bawat isa ay tumatanaw ng
isang magandang kalagayan sa kinabukasan.
Si Propeta Isaias ay mayroon ding katulad na pag-asa ng sa atin: He is looking forward
to a world where justice and righteousness rule. But to achieve it, the answer does not
begin to ask; how will we achieve it? but to ask who will do it so?
p. 47
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay sa
kasalanan at mamuhay sa katuwiran.”
“Ang dahil at ako’y nasisiyahan, si Jesus kinuha ang pasan”, awiting
nakapagpapasigla ng damdamin.
c. Pamalo ng mga mang-aapi, iyong binali
Tayo ay pinalaya sa pamalo ng pagkakaalipin.
Galacia 5:1, “Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag
kayo at huwag nang paalipin pang muli!”
Pinalaya na tayo ng ating Panginoong Diyos mula sa mga karumihan,
pagkakasala at sa mga bagay na nagiging hadlang sa paglapit natin sa
Panginoon. Ngunit huwag nating gamitin ang kalayaang iyon para masunod ang
hilig ng laman.
Tayo'y malaya na sa pagkakasala. Gamitin ang kalayaan mula sa kasalanan
upang paglingkuran at dakilain ang Kanyang Pangalan, kailanma'y huwag na
maaliping muli.
PAGTATAPOS:
Sa paglalarawan ni Isaias sa sanggol na isisilang, sinabi niyang; “Siya ay kahanga-hanga sa
kaniyang pangalan.”
Siya ay dumating na taglay ang kapangyarihan ng Ama.
Itinatag Niya ang kaharian ng Diyos at hindi ang kaharian ng tao.
Ang Kanyang pamamahala sa ating buhay ay nakasalig sa katarungan at katuwiran.
Ngayong papalapit ang Pasko ay simulan nating manangan sa kapangyarihan ng Pangalan ng
ating Panginoon; Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang
Ama at Prinsipe ng Kapayapaan.
Hindi tayo maliligaw ng landas sapagkat may kahanga-hangang tagapayo sa ating tabi.
Hindi makapananaig kahit ang mga pintuan ng Hades sa ating mga buhay, sapagkat lubos at
makapangyarihan ang Diyos na ating sinasampalatayanan.
Mayroon tayong walang hanggang Ama, na makapagkakaloob ng unlimited blessings kapag
humingi tayo sa Kaniya, (Mateo 7:7-8).
Lalong hindi tayo iiwan ng Panginoon Jesus sa gitna ng malalaking alon at malalakas na
hampas ng hangin. Patitigilin Niya ito at papayapa ang ating mga buhay pagkat ang Shalom ay
nasa gitna ng ating bangka (Mga Hebreo 13:5-6, Mateo 8:23-27).
Siya ang Prinsipe ng Kapayapaan na ating kailangan sa panahon ng kaguluhan at kawalan.
p. 48
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
IKAWALONG GABI
Disyembre 23, 2021
PAMAGAT
“Paghahanap kay Cristo,
Hakbang ng Totoong Cristiano”
BATAYANG TALATA
Mateo 2:3-8
Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayundin ang buong
Jerusalem. Kaya't tinipon niya ang lahat ng mga punong pari at mga
tagapagturo ng Kautusan at sila'y tinanong, “Saan ba isisilang ang
Cristo?” Tumugon sila, “Sa Betlehem po, sapagkat ganito ang isinulat ng
propeta: ‘At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda, ay hindi pinakahamak sa mga
pangunahing bayan ng Juda. Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno
na mamamahala sa aking bayang Israel.’” Nang mabatid ito, palihim na
ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inusisa kung kailan lumitaw ang
bituin. Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Betlehem na ganito ang bilin,
“Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya,
ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at
sumamba rin sa kanya.”
KAISIPANG SENTRAL
Sa ating buhay kay Cristo,
maging mananampalatayang totoo.
p. 49
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PANIMULA:
Tayo ay nabubuhay sa gitna ng maraming hamon. Paano tumutugon ang iglesiya sa
mga hamon sa panahong ito ng krisis? Ano ang ginagawa niya, at paano hinuhubog ang
bawat isa? (How is the church responding to challenges in this time of crisis? What does
she do, and how does she shape each one?).
Napakaganda ng tula na kinatha ni Celemy Springs Plato (2nd Pen-Name ni Shien
Winters Socrates). Isinulat noong: Abril 24, 2012 na may pamagat na;
“Katapatan sa Paglilingkod”. Ganito ang sinasabi ng tula;
Iisa lang ang kulay ng matapat na budhi May tao mang tumitingin sa kanya o wala,
Taong tapat, ni sa kaaway di namumuhi; Di nag-iiba ang kanyang panukala at gawa;
Karapat-dapat pamarisan ang karakter, Iisa ang hangarin sa mga pagpupunyagi,
Di matitibag, parang matibay na pader! Mapapurihan ang Diyos na Maluwalhati!
Narito ang taong tapat sa paglilingkod Tunay ngang ang bawat araw ay pagsubok:
Sa paningin ng Diyos ay kalugud-lugod! Ilantad ang nasa loob: malinis kaya o bulok?
Pagnanais niyang maging tapat sa lahat Anuman ang nasa puso ay mahahayag din,
Karangalan para sa kanya ang nararapat. Sapagkat ang Diyos ay nakatingin sa atin!
Wala na siyang iba pang motibo kundi Ikaw ma’y mareklamo, tamad, o mahina,
Tungkuling maayos ang syang minimithi O kaya’y malakas, masinop, at mapayapa:
Hangad nyang maging mahusay sa gawa Malalaman sa mga asal, kilos mo’t gawi,
At patunayan ang katapatan hindi sa salita. Kung pulido o ipokrito ang tunay na ugali.
TRANSITIONAL STATEMENT:
To whom are you identified with? Are you identified with Jesus, are you connected with
Jesus?
Tingnan natin ang tatlong representasyong hinahanap sa totoong nakaugnay kay
Cristo:
p. 50
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
p. 51
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man
ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.”
Ang pabalat-bungang naisin ni Herodes ay nagpapakita ng huwad na
pagpupursige na hanapin at sambahin si Jesus at isuko ang kaniyang sarili rito.
Bilang tapat na pinuno, dapat makita ang pagsusumigasig sa sarili at
pinamamahalaan na maging priority ang lahat ng bagay para kay Jesus.
Katulad ng makikita natin sa mga pantas na may puso para sa Panginoong Jesus,
nagsisikap, at pursigido na ituloy ang paglalakbay papunta kay Jesus.
p. 52
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
bakuran? Paanong nangyari iyon? Ano’t nangyari yun? Bakit di yun naintindihan ng
pinaka-elitistang lider ng relihiyon ng bayang hinirang? Paanong nangyaring pinag-
aralan nila ang banal na kasulatan at pagkatapos nalingatan nila?”
Sa aklat Jeremias 9:5-6 ay nakasulat ang ganito, “Dinadaya ng kaibigan ang kapwa
niya kaibigan, At walang nangungusap ng katotohanan. Tinuruan nila ang kanilang
dila na magsinungaling; Pinapagod ang kanilang mga sarili sa pagkakasala. Para
kang namumuhay sa gitna ng panlilinlang.”
Nais ni Herodes, at ng mga punong saserdote at mga eskriba (mga naghaharing uri)
na manatili ang kasalukuyang sistema ng buhay, subalit ang pagsisisi at pagtalikod
sa kasamaan ang inaasahan ng Diyos na tugon sa kanilang pagkilos. Pagbabago ang
ipinahihiwatig ng pagsisisi. Nakararamdam sila ng panganib dahil sa banta ng
pagbabago kay Cristo ngunit wala silang aksyon sa bagay na ito.
p. 53
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya,
ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa
kanya.”
Siguradong huwad ang sinabi ni Herodes na “upang ako man ay pumunta roon at
sumamba rin sa kanya.”
Nang makita ng mga pantas si Jesus, nagpatirapa sila at sinamba ang bata.
Pinagkalooban din nila ito ng mamahaling regalo. Inihandog nila sa kanya ang mga
dala nilang ginto, kamanyang at mira (Mateo 2:11).
Ito marahil ang diwa ng Juan 4:23, “Ngunit ang oras ay dumarating, at ngayon na nga,
kung saan ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at
katotohanan, sapagkat ganito ang hinahanap ng Ama na sasamba sa kanya.”
Ang mga pantas ay matatalino sapagkat:
o Ipagtanong nila sa hari ang pagsilang ng tunay na Hari, ikinumpirma sa mga
relihiyoso ang pagsilang batay sa Kasulatan at ipaalam sa mga tao na pupunta
sila upang sambahin si Cristo.
Sa talata 12 ay sinabi, “Nang papauwi na ang mga pantas, nakatanggap sila ng babala
sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba
na sila ng daan pauwi.”
Kinausap sila ng Diyos sa panaginip at pinukaw sila sa huwad na intensiyon ni
Herodes. Inaalis sa kanila ng Diyos ang: (1) sa pagdadalawang-isip, (2) sa malabo at
magulo, at (3) sa pagiging tulog.
Sa pag-uwi ng mga pantas, nag-iba sila ng daan. Iniwasan nilang makitang muli si
Herodes. Matapos nilang makita ang batang si Jesus, nabago ang mga pantas. Di na
katulad ng dati ang kanilang pagkilos at paniniwala. Naiba ang tingin nila kay
Herodes at sa mga lider ng relihiyon, sapagkat nabaling ang kanilang atensiyon sa
Panginoon.
Ano ang bagong karunungang ibinigay sa kanila ng Diyos matapos nilang matagpuan
at sambahin si Jesus?
a. Huwag nang bumalik kay Herodes
Si Herodes ay maaaring sumimbulo ng kabalisahan, kayabangan, pagmamataas,
pagpatay, imoralidad, sakim sa kapangyarihan at kasinungalingan ayon sa
paglalarawan sa kaniiya ng Banal na Kasulatan.
Nakalulungkot, na ang mga ekspertong iyon ay may tamang impormasyon ngunit tila
personal na walang interes na makilala ang Mesias sa kanilang sarili.
b. Mag-iba na sila ng daan
Dapat ay binabago natin ang ating buhay para umangkop sa Banal na Kasulatan, di
natin binabago ang mga Kasulatan para umangkop sa ating buhay.
Ginamit ng mga paring judio at eskriba ang Banal na kasulatan upang panatilihin ang
kanilang katayuan at pusisyon ng katayugan at kapangyarihan. Ipinakita ng mga
pantas ang tunay na karunungan—sinamba nila ang hari ng mga Hudyo at nag-iba sila
p. 54
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PAGTATAPOS:
Sa pagwawakas ay hiramin natin ang katanungan ni Herodes; “Saan ba isisilang ang Cristo?
Saan nga ba Siya masusumpungan?”
Isinilang ang Cristo sa isang dukha at maruming kwadra. Ang hari ay matatagpuan sa abang
pasabsaban.
Siya ay isisilang at matatagpuan sa mga pusong mapagpakumbaba, sa mga pusong tunay na
nagsasaliksik at sumusunod sa Kaniya, at sa sumasamba sa Espiritu at katotohanan, doon
natin pasimulang hanapin ang sumilang na Mesias!
p. 55
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
IKASIYAM NA GABI
Disyembre 24, 2021
PAMAGAT
“Panawagan ng Diyos,
Pakinggan ang Manunubos”
BATAYANG TALATA
Mateo 17:5
Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang
maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito,
ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, “Ito
ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya
ang inyong pakinggan”.
KAISIPANG SENTRAL
Nananawagan ang Diyos na makinig tayo sa
Kaniyang Anak na si Jesus.
p. 56
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PANIMULA:
Ang ating batayang talata ay ikalawang ulit na narinig ang tinig ng Diyos patungkol sa
Kaniyang Anak na si Jesus. Ang una ay pagkatapos na si Jesus ay mabautismuhan at ang
ikalawa ay sa pagbabagong-anyo o transfiguration (Mateo 3:17 at Mateo 17:5).
Habang si Jesus na nagniningning sa kaluwalhatian ng langit at nakikipag-usap kina
Moses at Elias, nadama ni Pedro ang labis na pangangailangang gumawa ng isang bagay
– nais niyang gumawa ng tig-iisang kubol para sa kanila.
Subalit inutusan ng Diyos sina Pedro, Santiago, at Juan na makinig kay Jesus.
Napakalinaw nang natanggap nilang mensahe – “makinig kay Jesus”.
Nang magpakita sina Moises at Elias sa pagbabagong-anyo kasama si Jesus ay nagbalik
sa kanilang alaala ang mga nabasa nila mula sa kanilang kasaysayan.
Ang “Hear oh Israel” ay salitang inilagay ng Diyos sa labi ni Moises upang sa tuwina ay
maalala nila na ang pangunahing tungkulin nila ay “pakinggan ang Diyos”.
Sa mga Israelita, kilala ito bilang “Shema”. Ito ay salitang Hebreo para sa “pakinggan o
dinggin,”. Mula sa salitang ito ay maliwanag sa kanila ang konseptong ang tungkulin ng
Israel sa Diyos ay magsisimula sa “Shema’’ at magtatapos sa “Shema”: “Dinggin mo, O
Israel: Ang Panginoon nating Diyos, ang Panginoon ay iisa.”
Ito ay kaagad sinundan ng; “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo
at nang buong kaluluwa mo at nang buong lakas” (Deuteronomio 6:4-5).
Si Elias ay nabanggit din sa salaysay (Mateo 17:3). Si Elias, na ang kahulugan ng
pangalan ay "ang Diyos ang aking Panginoon".
Si Elias ang matapang na propeta ng Diyos na lumaban sa mga propeta ng diyus-
diyusang si Baal sa bundok ng Carmelo (1 Hari 18:17-40).
Ginamit siya ng Diyos upang manguna sa pagpapanibagong sigla sa pananampalataya
ng mga Israelita.
Nilabanan niya ang masamang haring si Acab at ang mga bulaang propeta na sumisira
at naglalayo sa diwa ng “Shema”.
Ang shema ay uri ng matamang pakikinig at pagpapasakop dito.
Samakatuwid, ang tinig na kanilang narinig mula sa Diyos na, “Ito ang sinisinta kong
Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan”, ay isang tungkulin na
ibinigay sa kanila upang pakinggan at magpasakop kay Jesus sa diwa ng Shema.
Ang pagsasabi ng "Narinig ko mula sa Diyos" ay hindi dapat gamitin bilang
pangkaraniwang pananalita. It ay mga espesyal na salita mula sa banal na Kasulatan.
At ang pagsasabing "Wala akong narinig mula sa Diyos," ay hindi pangkaraniwang
karanasan sa buhay ng mga Cristiano, sapagkat ito ay patunay lamang na ang isang tao
ay hindi pa nagpapasakop ng lubusan sa Diyos.
Isang Kuwento ng Hudyo.
o Sinabi ng matandang Rabbi, "Noong unang panahon may mga tao na nakakita
sa mukha ng Diyos." "Bakit wala na sila?" tanong ng isang batang estudyante.
“Kasi, sa panahon ngayon lahat ay abala, wala ng nakikinig sa Kaniya,” sagot
niya.
p. 57
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
TRANSITIONAL STATEMENT:
Ang hamon sa atin ngayon ng ikasiyam na mensahe mula ating tema: Ang Puso ng
Pasko, Nakasentro kay Cristo ay Panawagan ng Diyos, Pakinggan ang Manunubos.
Paano natin makikita ang diwa ng Shema sa ating panahon?
p. 58
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
II. MATUTO SA KANIYANG MGA DAAN AT TUPDIN ANG KANYANG MGA UTOS, ITO
AY NANANATILING NAKAUGNAY SA NAKARAANG PAMAMARAAN NILA.
(Learning His ways and observing His commands remains connected to their old ways)
Si Apostol Pedro, na isa sa mga naroroon, ay hindi kailanman makakalimutan ang
patotoong ito ng Ama tungkol sa Kaniyang Anak na si Jesucristo:
2 Pedro 1:17, Nang tanggapin niya mula sa Ama ang karangalan at kaluwalhatian.
Ito'y nangyari nang marinig namin ang tinig mula sa dakilang kaluwalhatian ng
langit na nagsabing, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.”
Narinig namin ito mula sa langit sapagkat kami'y kasama niya nang ito'y maganap sa
banal na bundok.
p. 59
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Maging si Juan na naroroon ay nagpatotoo rin sa Juan 12:30-32, ‘Ang tinig na ito ay
dumating hindi dahil sa akin, kundi para sa inyo’. Ito ang panahong sinabi Niya na
pagkakataong ibinigay o given opportunity sa atin para sa ating ikatitibay at
pagtuturo.
Ang lahat ng mga patotoong ibinigay kay Cristo mula sa langit ay mga probisyong
para sa mga makasalanan. Siya, bilang Mesias, ay kinalulugdan at sinisinta ng Diyos;
kaya nga ang mga salitang ito ay dapat na laging nasa ating isipan, lalo na kapag tayo
ay lumalapit sa Diyos sa mga pagtupad natin ng tungkulin.
Sa Lumang Tipan, paano inilarawan ang daan ng Diyos kay Solomon?
Binuod ito sa 1 Cronica 28:9 “At ikaw naman, Solomon, anak ko…
1. kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at
2. paglingkuran mo Siya nang buong puso at pag-iisip, sapagkat sinisiyasat ni
Yahweh ang ating damdamin at nauunawaan ang ating binabalak at iniisip.
3. Kung lalapit ka sa Kanya, tatanggapin ka Niya.
4. Ngunit kung tatalikuran mo Siya, itatakwil ka Niya magpakailanman.”
Sa panahon ng Bagong Tipan, bakit ipinakita ni Jesus ang Kanyang mataas na
pagpapahalaga sa pagtupad sa Kasulatan noong Siya’y nabubuhay pa sa lupa?
a. Upang bigyan tayo ng pag-asa. “Anumang nasa kasulatan noon pang una ay
nasulat sa ikatututo natin, sapagkat lumalakas ang ating loob at nagkakaroon ng
pag-asa kapag binabasa natin ang mga aral na matatagpuan dito” (Roma 15:4).
b. Upang bigyan tayo ng babala. “Nangyari ito sa kanila bilang babala sa iba, at
nasulat upang turuan tayong mga inabot ng huling panahon” (I Cor. 10:11).
c. Upang magkaroon ng katiyakan ng buhay na walang hanggan. “Isinulat ko
ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong nananalig sa anak ng Diyos ay may
buhay na walang hanggan” (I Juan. 5:13).
TRANSITIONAL STATEMENT:
Ano ang gagawin natin sa mga turo ng Tagapagligtas habang nabubuhay tayo?
p. 60
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Naniniwala kami at ngayo'y natitiyak namin na kayo nga ang Banal na mula sa
Diyos.”
Ang statement na ito ni Pedro ay pagpapahayag ng; “shema” sa diwa ng lubusang
pagkilala at pagsandig niya kay Jesus, kung wala ito ay walang layunin ang buhay.
Nananatili ang bisa ng pagkakaugnay nating ito kay Jesus (Juan 15). Dahil dito tayo
ay nasasakop ng; “shema” ng dakilang utos ni Jesus.
Sa iba’t ibang panahon ay nagsalita ang Panginoon (Hebreo 1:1-2), kaya masasabi
nating ang diwa nito ay nagpapatuloy hanggang sa ating panahon.
PAGTATAPOS:
Tungkol sa mga kasaysayan ng mga taong nakasaksi sa pagsilang ng Mesias, ang Pasko
ay nakita nila at naipagdiwang dahil narinig nila ang balitang ito mula sa Diyos.
Naging bukas ang kanilang mga tainga at naghanda upang masaksihan ang dakilang
pagsilang ng Mesias. Ibinukas din nila higit sa lahat ang kanilang puso upang
salubungin nang buong galak, pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig ang kamangha-
manghang pagsilang ng ating Panginoon.
HINDI para tanungin ang Diyos o ang Kanyang mga pamamaraan, NGUNIT … para
magkaroon ng mas mabuting pang-unawa kung BAKIT ginawa ng Diyos ang Kanyang
ginawa tungkol sa pagsilang ng Kanyang Anak.
Samantala, huwag nating kalilimutan ang “shema” ng Diyos na laging magpapamulat at
magbubukas ng ating puso sa tinig ng Diyos: ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA
KONG KINALULUGDAN; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
p. 61
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
ARAW NG PASKO
Disyembre 25, 2021
PAMAGAT
“Ang Puso ng Pasko,
Nakasentro kay Cristo”
BATAYANG TALATA
Mateo 2:1-12
(Basahin lamang ang mga talataang 1-2)
Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang
ipanganak si Jesus sa Bethlehem. May mga pantas mula
pa sa silangan na dumating sa Jerusalem. Nagtanung-
tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga
Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin,
kaya't naparito kami upang siya'y sambahin”.
KAISIPANG SENTRAL
Maligaya ang Pasko sa puso ng mga taong
nakatagpo kay Cristo.
p. 62
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PANIMULA:
Inihambing sa isang pusikit na kadiliman ang naganap sa kasaysayan ng Israel. Ito ay
“dilim ng pamimighati” ayon sa Isaias 1:1-31.
Subalit sa Isaias 9:1 ay binigyang diin ng salita ng Diyos ang hulang matutupad; “Ngunit
napawi na ang dilim sa bayang matagal nang namimighati”.
Inilagay ng Diyos sa puso ng bawat mananampalataya ang pagtanaw at paghihintay sa
ipinangakong Mesias. Dahil dito ang buong paglalarawan sa Lumang Tipan ay
pagtanaw sa pagdating ng Hari na mamamahala sa habang panahon (Isaias 9:6-7).
Ang pagsilang ng Mesias ay pinananabikan ng mga Judio dahil alam nila kung ano ang
isinulat ni Isaias at ng iba pang mga propeta hinggil sa kaniya. Noong panahon ni Jesus,
maraming Judio ang “naghihintay” sa nalalapit na pagdating ng Mesiyas. (Lucas 3:15).
Si Propeta Isaias ay nagsaad na ang Mesias o Cristo ay ipanganganak ng isang birhen.
Sinabi ni Mateo na, “Ang lahat ng ito ay talagang nangyari upang matupad yaong
sinalita ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang propeta, na nagsasabi: ‘Narito! Ang
dalaga ay magdadalang-tao at magsisilang ng isang anak na lalaki’” (Mateo 1:22, 23;
Isaias 7:14).
Inihula rin ni Isaias na ang Cristo ay magiging inapo ni David, anupat binanggit si Jesse,
ang ama ni David. Totoo ngang nagmula si Jesus sa angkan ni David. (Mateo 1:6, 16;
Lucas 3:23, 31, 32) Kaya bago ipanganak si Jesus, sinabi ng anghel na si Gabriel kay
Maria: “Ibibigay sa kaniya ng Diyos ang trono ni David na kaniyang ama.” —Lucas 1:32,
33; Isaias 11:1-5, 10; Roma 15:12.
Kaya sa kasaysayan ng pagsilang ng Mesias, ang susing salita at paulit-ulit na binanggit
ay ang salitang “Nakita o Natagpuan” namin ang Mesias.
Juan 1:41, Una niyang hinanap ang kapatid niyang si Simon at sinabi niya sa kanya,
“Natagpuan na namin ang Mesiyas” (na ang katumbas ay Cristo).
Lucas 2:8 ay nakita ng mga pastol ang kaluwalhatian ng maraming anghel sa
pagbabalita ng pagsilang ng Mesias.
Lucas 2:26 ay Nakita ni Simeon ang Mesias, at ang pagliligtas ng Diyos.
Lucas 2:36-38, ay Naroon din sa Templo ang isang propetang babae na ang pangalan
ay Ana. Nang oras na iyon, lumapit siya kina Jose at Maria at nagpasalamat sa Diyos.
Nagsalita rin siya tungkol sa sanggol sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos
sa Jerusalem.
Mateo 2:2, Sabi ng mga pantas, “Nakita namin ang kanyang bituin naparito kami upang
siya’y sambahin”.
TRANSITIONAL STATEMENT:
Dahil dito, ang Pasko ay nagpapakita ng mga larawan ng iba’t-ibang mukha ng mga taong
nakasaksi ng napakahalagang istorya na ito sa kasaysayan. Tingnan natin ang nilalaman ng
puso ng pasko ayon sa karanasan ng mga pantas.
p. 63
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
p. 64
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
3. Ang Puso ng Pasko ay isang ganap na pagbabago kay Cristo (Mateo 2:12).
Sa Mateo 13:45-46 ay sinabi ni Jesus sa isang talinghaga na ang Kaharian ng Langit
ay tulad ng isang perlas na mamahalin na ipagbibili natin ang lahat ng mayroon
tayo para lamang makamtan ito. Tila ang Mga Pantas ay matagal nang naunawaan
ito bago pa man sinabi ni Jesus ang talinhaga.
Ang karanasan ng mga pantas sa kanilang pagsamba sa Mesias ay dahilan ng
kanilang ganap na pagbabago.
Handang talikdan ng Mga Pantas ang lahat ng mayroon sila upang sambahin si
Jesus at handa silang magsakrapisyo para sa pagbabago dahil sa ranasan ng
marubdob na pagsamba.
Iniwanan nila ang kanilang mga komportableng pamumuhay para sa isang
mahaba at mahirap na paglalakbay sapagkat mayroon silang tamang motibo sa
paghahanap kay Jesus, tamang pagsamba sa Kaniya, na nagbunga ng ganap na
pagbababgo sa kanila.
Nabago na ba ng tunay na pagsamba ang ating mga buhay?
TRANSITIONAL STATEMENT:
Tingnan naman natin ang direksiyon ng puso ng Pasko ayon sa karanasan ng mga pantas.
p. 65
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
PATATAPOS:
Maraming taon na ang nakalilipas, may isang napakayamang tao na nagbahagi ng hilig sa
pagkolekta ng sining kasama ang kanyang anak. Nagkaroon sila ng hindi mabibiling na mga
gawa nina Picasso at Van Gogh na nagpapalamuti sa mga dingding ng kanilang pamilya.
Habang papalapit ang taglamig, nilamon ng digmaan ang bansa, at umalis ang binata
upang maglingkod sa kanyang bansa. Pagkatapos lamang ng ilang maikling linggo,
nakatanggap ang kanyang ama ng isang telegrama. Namatay ang kanyang anak.
Naguguluhan at nag-iisa, hinarap ng matanda ang nalalapit na kapaskuhan na may
dalamhati at lungkot. Ang kagalakan ng panahon ay naglaho sa pagkamatay ng kanyang
anak.
Noong umaga ng Pasko, isang katok sa pinto ang gumising sa nalulumbay na matanda.
Habang naglalakad siya papunta sa pintuan, ang mga obra maestra ng sining sa mga
dingding ay nagpapaalala lamang sa kanya na hindi na uuwi ang kanyang anak. Pagbukas
niya ng pinto ay sinalubong siya ng isang sundalo na may hawak na malaking package na
nagsabing, “Kaibigan ako ng anak mo. Ako ang niligtas niya nang mamatay siya. Maaari ba
akong pumasok ng ilang sandali? May ipakikita ako sa iyo.”
Nabanggit ng sundalo na isa siyang artist at saka ibinigay sa matanda ang package. Nang
buksan ng matanda ang package ay nakita niya ang portait ng kaniyang anak. Sa portrait ng
kaniyang anak ay tampok ang mukha ng binata sa kapansin-pansing detalye, bagama’t ang
mundo ay hindi kailanman magiging intresado rito. Palibhasa'y nalulungkot, isinabit ng
lalaki ang larawan sa ibabaw ng tsiminea, at isinantabi ang maraming milyun-milyong
dolyar na halaga ng ibang paintings. Nang matapos ang kanyang gawain, umupo ang
matanda sa kanyang upuan at nagpasko na pinagmamasdan ang regalong ibinigay sa kanya.
Ang pinta ng kanyang anak ay naging kanyang pinakamahalagang pag-aari, subalit hindi
kasinghalaga ng ibang piraso ng sining sa buong mundo na pinagkakaguluhan at pinag-
uusapan.
p. 66
ANG MGA MENSAHENG ITO AY INIHANDA NG KAGAWARAN NG EDUKASYON CRISTIANA
Nang sumunod na tagsibol, namatay ang matanda. Ang mundo ng sining ay naghihintay
nang may pag-asa para sa paparating na auction. Ayon sa kalooban ng matanda, lahat ng
mga gawang sining ay isusubasta sa Araw ng Pasko, ang araw na natanggap niya ang
pinakadakilang regalo.
Dumating ang araw at ang mga kolektor ng sining mula sa buong mundo ay nagtipon
upang mag-bid sa ilan sa mga pinakakahanga-hangang painting sa mundo. Ang kanilang
pangarap ay matutupad sa pagkakaroon ng mga paintings na iginuhit ng mga sikat na pintor
ng mundo sa araw na iyon.
Nagsimula ang auction sa isang painting na wala sa listahan ng museo ng sinuman, iyon
ay ang pinta ng anak ng matanda. Humingi ng opening bid ang auctioneer, ngunit tahimik
ang lahat. “Sino ang magbubukas ng bidding na may $100?” Walang nagsalita. Sa wakas ay
may nagsabi, "Sino ang interesado sa pinta na iyan, larawan lang ito ng kanyang anak?
Lumipat tayo sa magagandang paintings."
Sagot ng auctioneer, “Hindi, kailangan muna nating ibenta ito. Ngayon, sino ang kukuha
ng anak?" Sa wakas, isang kapitbahay ng matanda ang nag-alok ng $10 dolyares. “Iyon lang
ang mayroon ako. Kilala ko ang bata, kaya gusto kong makuha ito." Sinabi ng auctioneer,
“Going once, going twice…gone.” This painting is sold!
Napuno ng kasayahan ang silid at may sumigaw, "Ngayon ay maaari na tayong mag-bid
sa tunay na kayamanan!"
Tiningnan ng auctioneer ang silid na puno ng mga tao at inihayag na tapos na ang auction.
Natigilan ang lahat. May nagsalita at nagsabi, “Anong ibig mong sabihin, tapos na? Hindi
kami pumunta rito para sa isang pinta ng anak ng isang matanda. Mayroong milyun-milyong
halaga ng sining dito! Ano ang nangyayari?"
Sagot ng auctioneer, “It’s very simple. Ayon sa kalooban ng ama, ang sinumang kunin ang
anak…makakamit ang lahat.”
Ang mensahe ng kuwento ay pareho ngayong Pasko. Dahil sa pag-ibig ng Ama…kung
sino man ang kumukuha sa Anak ay makakamit ang lahat ng ito. Sapagka’t ang puso ng
Pasko ay nakasentro lamang kay Cristo.
Kapatid, si Cristo ba ang sentro ng Pasko sa iyong puso? Naibigay mo na ba nang buo
ang iyong buhay sa Kaniya?
Ngayong sasapit ang Pasko, huwag mong hayaang hindi mo madama ang puso nito,
ibukas mo ang iyong puso, ipasakop ang iyong buhay sa kaniya at araw-araw ang puso
ng Pasko ay mararanasan mo sapagkat si Cristo ang sentro nito.
Maligaya ang Pasko ng mga pusong na kay Cristo!
p. 67