You are on page 1of 13

Sama-sama tayong makibahagi sa pagbuo ng Belen

sa atin Sambayanang Kristiyano

Suggested Activity for Misa de Gallo/Advent evening Masses

1
Sama-sama tayong makibahagi sa pagbuo ng Belen
sa atin Sambayanang Kristiyano

Ang Belen ay unti-unting bubuuin sa loob ng 10 Araw. Mas mabuti kung pamilya
ang mag-aalay ng bawat bahagi ng Belen at mga tauhan, hayop, at bagay na
makikita rito upang mabigyang diin ang pakikibahagi ng pamilya sa Parokya.
Ito ay gaganapin bago simulan ang Misa upang mapagnilayan ng sambayanan
ang mga panalangin at paliwanag. Maaring basahin ng Commentator ang mga
paliwanag at dasal.

Ito ay pagkakasunod ng babasahin ng commentator:

1. Intensyon o pamisa
2. Tema ng Simbang Gabi o Misa De Gallo
3. Liturhiya
4. Turo ng Simbahan
5. Sama-sama tayong makibahagi sa pagbuo ng Belen sa atin Sambayanan
Kristiyano
6. Gabi-gabi babasahin ang pambungad saka isusunod na sabihin sa gabi o
sa madaling araw na ito iaalay ng/ni _________ ang _________.
7. Basahin ang paliwanag sa iaalay
8. Lalakad ang mag-aalay sa kasabay ng awit na: Munting Bayan ng
Bethlehem o Halina sa Belen. Hindi dapat mabagal ang lakad.
9. Kapag nailagay na paluluhurin ang tao at babasahin ang panalangin.
Matapos ito patatayuin ang lahat para sa Pambungad na awit sa Misa.

2
PAMBUNGAD

N. Mga Kapatid, sa taong ito ipinagdiriwang ng Inang Simbahan ang ika-


walong daang taong anibersaryo (800) ng paglikha ni San Francisco
ng Assisi ng Belen sa gabi ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoong Jesus.

UNANG ARAW

Imahen ni San Francisco (Ihaharap sa Belen) (Kung mayroon)


Si San Francisco ang nagpasimula ng paglalagay ng Tagpo sa Belen
upang ilarawan ang Kababaang Loob at Karukhaan ng Diyos. Sa
Greccio, Italia una itong ginawa at ang lahat ay namangha sa kahanga-
hangang tandang ito. San Francisco, tulungan kaming buhaying
samasama ang ala-ala ng sanggol na isinilang sa Bethlehem.

Bubong

Balikan natin sa paglalagay ng bubong ang pinagmulan ng Belen na


pamilyar sa atin. Isipin natin na tayo ay nasa maliit na bayan sa Italya
na nagngangalang Greccio, malapit sa riete. Sa sandaling tumigil si San
Francisco habang papauwi galing Roma, naalala niya sa mga kweba ng
Greccio ang kaanyuan ng Bethlehem. Sa ganitong tagpo isinilang si
Jesus, ang “Anak ng Tao na wala man lang matulugan o
mapagpahingahan.

Awit habang ginaganap ang pag-aalay:

Halina sa Belen
Halina Sa Belen
Halina sa Belen, hakbang ay daliin.
Suma't bibingka ay ating dalhin.
Tayo'y dumalaw sa 'ting "Emmanuel."
Ngayo'y gabing maningning ng Israel.
Ngayo'y gabing maningning ng Israel.

3
Munting bayan ng Betlehem

Munting bayan ng Betlehem,


Payapa’t mahimbing,
Habang ika’y umiidlip,
Tala’y nagniningning.
’Sinilang ang liwanag
Sa ’yong kadiliman.
Ang pag-asa at pangamba
Ngayo’y makakamtan.

Si Cristo ay isinilang,
At sa kalangitan,
Tumatanod mga anghel
Upang S’ya’y bantayan.
O tala ng umaga,
Balita’y itanghal,
Purihin n’yo ang Haring Diyos
Nating minamahal.

Matapos ang pag-aalay, Magsiluhod po ang lahat

Panalangin

C. Amang mapagmahal, turuan kaming tumulad kay San Francisco na


niyakap ang payak na buhay. Huwag nawa ang mga materyal na bagay
ang aming pagtuunan kundi ang pagtulong sa mga nangangailangan
lalo na ang aming kapwa na walang masilungan. Turuan kaming
magbahagi ng abang nakayanan sa pamamagitan ni Kristo na aming
Panginoon.

B. Amen.

Tatayo ang lahat at aawitin ang Pambungad na Awit sa Misa

4
IKALAWANG ARAW

Paglalagay ng Dingding, dayami o damo.

(Paglalagay ng Dingding)

C. Bakit gayon na lamang ang ating pagkamangha at pagkaantig sa Belen?


Una, dahil ipinakikita nito ang pagmamahal ng Diyos: ibinaba ng
Maylikha sa sanlibutan ang Kanyang sarili upang yakapin ang ating
karukhaan. Sa paglalagay ng dingding (pader) ating alalahanin si Jesus
ang ating muog at kanlungan.

(Paglalagay ng Dayami (Damo)

Dayami ang tanging unang higaan ni Jesus na malaon ay


magpapakilala bilang tinapay na bumaba at naparito mula sa langit.

Awit habang ginaganap ang pag-aalay

Matapos ang pag-aalay, Magsiluhod po ang lahat

Panalangin

C. Ikaw, Panginoon, ang aming malakas na tagasanggalang, Ikaw ang


muog namin at aming kublihan. Sa aming samasamang pakikibahagi
sa Banal na Pakikinabang, si Jesus nawa na tinapay ng buhay ang
aming maging lakas at patnubay.
B. Amen.

Tatayo ang lahat at aawitin ang Pambungad na Awit sa Misa

5
IKATLONG ARAW

Paglalagay ng Asno at Baka.

C. Nakilala ng baka ang Kanyang Panginoon, at ng asno ang nag-alaga sa


Kanya. Ngunit hindi Ako nakilala ng Israel; hindi Ako nauunawaan ng
Aking Bayan. (Is 1:3) Ipinahayag ng Panginoon ang sarili sa gitna ng
dalawang hayop. (Hab 32). Baka ang hayop na iniaalay sa sakripisyo sa
Templo at asno ang hayop na nagdadala na mabigat na pasanin.

Awit habang ginaganap ang pag-aalay

Matapos ang pag-aalay, Magsiluhod po ang lahat

Panalangin

C. Amang mapagkalinga, ipinakikilala ng asno at baka ang misyon ng


Iyong Anak. Siya’y naparito para ialay ang sarili sa Krus at pinasan ang
aming mga kasalanan. Itulot mo na samasama namin Siyang
maipakilala, maibahagi at kilalanin bilang aming tagapagligtas at
Panginoon.

B. Amen.

Tatayo ang lahat at aawitin ang Pambungad na Awit sa Misa

6
IKA-APAT NA ARAW

Paglalagay ng Sabsaban

C. Sa sabsaban kung saan ang hayop ay kumakain ay ilalagay ang batang


isisilang sa Belen. Sinabi ng anghel na isang tanda sa pagkakakilanlan
ng mga Pastol ng tagapagligtas. Naantig si San Agustin sa tanawing ito
sapagkat ayon sa kanya: “Sa paghiga sa sabsaban siya ang naging
pagkain natin” Para kay San Francisco ito’y ang katotohanan ng
karukhaan at kapakumbabaan ng Diyos na naparito sa sanlibutan.

Awit habang ginaganap ang pag-aalay

Matapos ang pag-aalay, Magsiluhod po ang lahat

Panalangin

C. Amang Mapagmahal, Iyo pong itulot na sa aming pagsisimba sa loob


ng siyam na araw na ang aming puso ay maging sabsaban na
pinaglalagakan ni Hesus, ang tinapay ng buhay. Matuto nawa kaming
magbahagi at maging mapagbigay sa mga nagugutom at nauuhaw.
Turuan kaming hanapin hindi ang yaman ng daigdig kundi ng langit at
maging mapagkumbaba sa aming pamumuno at paglilingkod. Sa
pamamagitan ni Jesukristo na aming Panginoon.
B. Amen.

Tatayo ang lahat at aawitin ang Pambungad na Awit sa Misa

7
IKA- LIMANG ARAW

Paglalagay ng Tala
(Hindi pa sisindihan ang ilaw nito. Sa Pasko ito sisindihan)

C. Talang mula sa silangan ang nanguna sa mga pantas para matagpuan


ang “hari ng mga Judio” Talang maliwanag ang nagsasabing ang
naparito sa daigdig na tagapagligtas ang hatid ay liwanag at pagkapawi
ng kadiliman ng kasalanan.

Awit habang ginaganap ang pag-aalay

Matapos ang pag-aalay, Magsiluhod po ang lahat

Panalangin

C. Amang Mapagmahal, matagpuan nawa ng mga nasa dilim ng


kasalanan ang liwanag na dulot ng pagsilang ng tagapagligtas.
Tanglawan ang mga kababayan na nagtratrabaho at naglalayag sa
karagatan, ihatid ng Iyong liwanag ang mga napakaraming Pilipino na
nangingibang bayan pabalik sa kanilang tahanan at pamilya. Gawin
kaming asin at ilaw ng mundo. Sa pamamagitan ni Jesukristo na
aming Panginoon.
B. Amen.

Tatayo ang lahat at aawitin ang Pambungad na Awit sa Misa

N.B. Maari din iaalay ang mga pantas bagamat ang paliwanag nito at
itinakdang pag-aalay sa epiphania.

8
IKA- ANIM NA ARAW

Anghel

C. Ang anghel ay sagisag na tayo rin ay inaanyayahan tulad ng mga pastol


“magtungo sa Belen at sambahin ang Panginoon”. Dala Niya ay
Mabuting Balita na magdudulot ng kagalakan, ang pagsilang sa Bayan
ni David ng Tagapagligtas. Sa tabi niya’y lilitaw ang malaking hukbo ng
kalangitan na nagpupuri at hatid ay kapayapaan.

Awit habang ginaganap ang pag-aalay

Matapos ang pag-aalay, Magsiluhod po ang lahat

Panalangin

C. Anghel ng Diyos, tagatanod kong mahal, sa iyo ako ipinagkatiwala ng


pag-ibig Niya. Sa araw at gabi sa piling ko’y huwag lumisan, ako’y
ingatan, pangasiwaa’t alalayan.
B. Amen.

Tatayo ang lahat at aawitin ang Pambungad na Awit sa Misa

9
IKA- PITONG ARAW

Pastol

C. “Magtungo tayo sa Bethlehem at masdan ang mga bagay na nangyari


doon, na ipinaalam sa atin ng Panginoon.” Ganito ang sabi ng mga
pastol sa isa’t isa matapos ang pagbabalita ng mga anghel, hindi tulad
ng maraming tao na abala sa maraming bagay, ang mga pastol ang
unang nakakita sa bagay na pinakamahalaga sa lahat: Ang biyaya ng
kaligtasan.

Awit habang ginaganap ang pag-aalay

Matapos ang pag-aalay, Magsiluhod po ang lahat

Panalangin

C. Amang Makapangyarihan, ang mga mababang-loob at aba ang unang


bumati sa Iyong Anak na nagkatawang-tao. Tulad ng mga pastol kami
nawa’y magsikap na makadaupang palad ang sanggol sa Belen at
salubungin Siya nang may pagmamahal, pasasalamat at pagkamangha
bilang aming Panginoon ngayon at magpasawalang-hanggan.
B. Amen.

Tatayo ang lahat at aawitin ang Pambungad na Awit sa Misa

10
IKA- WALONG ARAW

San Jose

C. Mahalaga ang papel ni San Jose sa buhay nina Hesus at Maria. Sa


kanya ipinagkatiwala ang pagbibigay ng pangalan sa Bata. Bilang
matuwid na tao, pinakasalan niya si Maria at ipinagkatiwala ang sarili
sa kalooban ng Diyos. Siya ang bantay na walang pagod sa pag-iingat
sa kanyang pamilya.

Awit habang ginaganap ang pag-aalay

Matapos ang pag-aalay, Magsiluhod po ang lahat

Panalangin

C. Ama naming Makapangyarihan, ang ipinagkatiwala Mo kay San Jose,


na misteryo ng kaligtasan ng Sangkatauhan, noong ito ay Iyong
simulan ay lubusin Mo po ngayon sa pagganap ng Iyong Sambayanan
pakundangan sa kanya ring panalangin sa pamamagitan ni Jesukristo
aming Panginoon.
B. Amen.

Tatayo ang lahat at aawitin ang Pambungad na Awit sa Misa

11
IKA- SIYAM NA ARAW

Mahal na Birheng Maria

C. Unti-unti, lumalapit tayo sa kweba, kung saan makikita natin ang


larawan nina Maria at Jose. Si Maria ay isang inang nakatunghay sa
kanyang anak at ipinapakilala ito sa lahat ng panauhin. Inaakay tayo
ng larawan ni Maria na pagnilayan ang dakilang misteryong bumalot
sa dalagang ito nang kumatok ang Diyos sa pintuan ng kanyang kalinis-
linisang puso. Buong pagtalimang tumugon si Maria sa mensahe ng
anghel na hiniling siyang maging Ina ng Diyos. Ipinapakita sa ating
lahat ng kanyang mga sinabi, "Narito ang alipin ng Panginoon;
mangyari nawa sa akin ayon sa yong winika" (Le 1:38) kung paano
natin maisusuko ang ating sarili sa kalooban ng Ama nang buong
pananampalataya. Sa kanyang "fiat," si Maria ay naging ina ng Anak
ng Divos nang hindi nawawala bagkus napapabanal, sa pamamagitan
niya, ang kanyang pagiging birhen. Makikita natin sa kanya ang Ina ng
Diyos na hindi sinasảrili ang kanyang Anak kundi inaanyayahan ang
lahat na sundin ang kanyang salita at isabuhay ito (cf. /n 2:5).

Awit habang ginaganap ang pag-aalay

Matapos ang pag-aalay, Magsiluhod po ang lahat

Panalangin

C. Amang Makapangyarihan, niloob Mong ang Iyong Salita ay maging


totoong tao sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria. Ang
pinanaligan naming Diyos na totoo at taong totoo na ipinagdalang-tao
ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang sinapupunan ang siya nawang
magpagindapat na kami’y sumapit sa kaligayahan ng walang maliw na
buhay sa pamamagitan ni Jesukristo aming Panginoon.
B. Amen.

Tatayo ang lahat at aawitin ang Pambungad na Awit sa Misa

12
IKA- SAMPUNG ARAW-Misa ng Hatinggabi

Niño Jesus

Ang Nino Jesus ay maaaring dalhin sa Belen habang binabasa ang maringal na
pagpapahayag ng kapanganakan ng Panginoon. Kapag dito inialay dapat
tantyahin na ang dating sa Belen ay sa katapusan ng pagpapahayag “ at
isinilang”. Kung walang maringal na pagpapahayag maaaring dalhin ito
habang inaawit ang Papuri sa Diyos.

SA ARAW NG EPIPHANIA

Imahen ng mga Pantas


(Maaring ialay kasabay ng tala o sa Pista ng Epiphania)

C. Sa paggabay ng bituin, tumulak ang mga Pantas mula sa Silangan


patungong Bethlehem upang hanapin si Jesus at ialay sa kanya ang
kanilang handog nag into, kamanyang at mira. Ang mga mamahaling
handog na ito ay may malalim na kahulugan: ang ginto ay parangal sa
pagkahari ni Kristo, ang insenso sa kanyang pagka-Diyos at ang mira
sa kanyang pagkatao na nakatakdang dumanas ng kamatayan at
paglilibing.

Iaalay ang mga imahen ng pantas

Matapos ang pag-aalay, Magsiluhod po ang lahat

Panalangin

C. Ama naming lumikha, tunghayan Mo po ang mga alay ng Iyong


sambayanan na hindi ginto, mira at insenso ang tinataglay kundi isang
pusong handang magbahagi at akayin ang aming kapwa tungo kay
Kristo na aming Panginoon.
B. Amen.
Tatayo ang lahat at aawitin ang Pambungad na Awit sa Misa

13

You might also like