You are on page 1of 16

PAGBABASBAS NG TAHANAN

AT MAG-ANAK
SA DAKILANG KAPISTAHAN
NG PAGPAPAKITA NG PANGINOON

MANILA
2019
PAGBABASBAS NG TAHANAN
AT MAG-ANAK
SA DAKILANG KAPISTAHAN
NG PAGPAPAKITA NG PANGINOON

Panalangin ng Pagbabasbas salin mula sa Catholic


Household Blessings and Prayers

Isinalin ni:
MARK ANTHONY P. BOLA

MANILA
2019
PAGBABASBAS NG TAHANAN AT MAG-ANAK
SA DAKILANG KAPISTAHAN
NG PAGPAPAKITA NG PANGINOON
Panalangin ng Pagbabasbas salin mula sa Catholic Household
Blessings and Prayers

Isinalin ni:
MARK ANTHONY P. BOLA

Inilimbag sa Manila, Pilipinas


ng Chancery: Manila
Karapatang-ari © 2019. Reserbado sa lahat ng karapatan.

Anumang bahagi ng munting aklat na ito ay hindi maaaring


sipiin sa anumang paraan o uri, maging ito man ay nakalagay
sa isang sistema o impormasyon, elektronikal o palarawan nang
walang pahintulot sa May-akda o ang naglathala maliban sa
paraang pagsisipi ng maikli na nakalagay sa isang pagsusuri o
kritiko.

Sipi mula sa Ang Magandang Balita Biblia


Karapatang-ari © 1984 ng Philippine Bible Society. Reserbado
sa lahat ng karapatan.
PAGBABASBAS NG TAHANAN
AT MAG-ANAK
SA DAKILANG KAPISTAHAN
NG PAGPAPAKITA NG PANGINOON

Ang orihinal na petsa ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng


Panginoon ay tuwing ikaanim ng Enero, ngunit sa Pilipinas, ito ay
ipinagdiriwang ng Linggo sa pagitan ng ikalawa hanggang ikawalo
ng Enero. May mga pamayanan na nakaugalian nang basbasan ang
kanilang mga tahanan habang ginugunita ang pagdalaw ng mga
Pantas. Magtitipon ang mag-anak sa harap ng belen.

Kapag natitipon na ang lahat, makaaawit ng nababagay na awitin.


Ang tagapamuno ay mag-aantanda ng krus at ang lahat ay tutugon
ng Amen.

Babatiin ng tagapamuno ang lahat ng natitipon ng mga sumusunod


na salita:

Ating purihin ng Diyos,


na pumuno sa ating puso
at sa tahanang ito ng kapayapaan.
Kapuri-puri ang Diyos magpakailanman!

Tutugon ang sambayanan:


Kapuri-puri ang Diyos magpakailanman!

ng Tahanan at Mag-Anak | 5
Sa mga sumusunod o katumbas na salita, ihahanda ng tagapamuno
ang lahat ng naroroon para sa pagbabasbas:

Naging tao ang Salita


at Siya’y nanirahan sa piling natin.
Si Kristo ang nagbibigay-liwanag
sa ating mga puso at tahanan
sa pamamagitan ng Kanyang pagmamahal.
Ang lahat nawa ng papasok
sa tahanang ito’y
matagpuan ang pag-ibig
at liwanag ni Kristo.
Babasahin ng tagapamuno o sinumang naroroon ang teksto mula sa
Banal na Kasulatan. Mapagpipilian ang mga sumusunod:
A: Lucas 19: 1-9
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa Jerico, at


naglakad sa kabayanan. Doo’y may isang mayamang
puno ng mga publikano na nagngangalang Zaqueo. At
pinagsikapan niyang makita si Hesus upang makilala
kung sino ito. Ngunit siya’y napakapandak, at dahil sa
dami ng tao, hindi niya makita si Hesus. Kaya’t patakbo
siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro
upang makita si Hesus na nagdaraan doon. Pagdating
ni Hesus sa dakong iyon, Siya’y tumingala at sinabi sa
kanya, “Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat kailangan
kong tumuloy ngayon sa bahay mo.” Nagmadali siyang
bumaba, at tuwang-tuwang tinanggap si Hesus. Lahat
ng makakita nito ay nagbulong-bulungan. “Nakikituloy
6 | Panalangin ng Pagbabasbas
Siya sa isang makasalanan,” wika nila. Tumayo si
Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga
dukha ang kalahati ng aking ari-arian. At kung ako’y
may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko
sa kanya.” At sinabi sa kanya ni Hesus, “Ang kaligta-
sa’y dumating ngayon sa sambahayang ito; lipi rin ni
Abraham ang taong ito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

O kaya:
B: Juan 1: 1-3, 14
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Di-


yos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na Siya
ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan Niya nilikha
ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang
hindi sa pamamagitan Niya. Naging tao ang Salita at
Siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang
Kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-
ibig at katapatan. Tinanggap Niya mula sa Ama ang
kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na
Anak.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

ng Tahanan at Mag-Anak | 7
O kaya:
K: Mateo 2: 1-12
Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Mateo

Si Hesus ay ipinanganak sa Betlehem ng Judea noong


kapanahunan ni Haring Herodes. Dumating naman sa
Jerusalem ang ilang Pantas mula sa Silangan at nagta-
nong-tanong doon: “Nasaan ang ipinanganak na Hari
ng mga Judio? Nakita namin sa Silangan ang kanyang
tala at naparito kami upang sambahin siya.”
Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya’y naligalig,
gayon din ang buong Jerusalem. Kaya’t tinipon niya
ang lahat ng punong saserdote at mga eskriba sa Israel
at itinanong sa kanila kung saan ipinanganak ang Me-
sias. “Sa Betlehem po ng Judea,” tugon nila. “Ganito
ang sinulat ng propeta:
‘At ikaw, Betlehem, sa lupain ng Juda,
Ay hindi nga huli sa mga pangunahing bayan ng Juda.
Sapagkat sa iyo lilitaw ang isang pinuno
Na mamamahala sa aking bayang Israel.’”
Nang mabatid ito, lihim na ipinatawag ni Herodes
ang mga Pantas at itinanong kung kailan lumitaw ang
tala. At pinalakad niya sila patungong Betlehem mata-
pos pagbilinan nang ganito: “Humayo kayo at inyong
hanaping mabuti ang sanggol. Kapag inyong natagpuan,
ibalita agad ninyo sa akin upang ako ma’y makasamba
sa kanya.” At lumakad na nga ang mga Pantas. Muli
silang pinangunahan ng talang nakita nila sa Silangan
hanggang sa sumapit ito sa tapat ng kinaroroonan ng
bata. Gayon na lamang ang galak ng mga Pantas nang
makita ang tala! Pagpasok sa bahay, nakita nila ang
bata sa piling ng Kanyang inang si Maria. Lumapit sila
8 | Panalangin ng Pagbabasbas
at nagpatirapa at sinamba ang bata. Binuksan nila ang
kanilang mga sisidlan at inihandog sa Kanya ang dala
nilang ginto, kamanyang at mira.
Nang sila’y pabalik na, sinabi sa kanila ng Diyos sa
pamamagitan ng panaginip na huwag na silang babalik
kay Herodes. Kaya, nag-iba na sila ng daan pauwi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Matapos ang pagbasa, ang lahat na naroon ay magpuprusisyon pa-


tungo sa bawat silid. Sa bawat silid, hihingin ang pagpapala ng Diyos
para sa tumutuloy sa silid na iyon. Maaaring magdala at magwisik ng
banal na tubig. Pagkatapos sila’y babalik sa kanilang pinagtitipunan
at babasahin ng tagapamuno ang mga pagluhog.
Ang Anak ng Diyos
ay nanirahan sa piling natin.
Sa pagpapasalamat at pagpupuri,
tayo’y manawagan sa Kanya’t
ating sambitin:

MANATILI KA SA AMIN, PANGINOON.

Panginoong HesuKristo,
kasama ni Maria at Jose
kayo’y bumubuo ng Banal na Mag-anak:
manatili ka sa aming tahanan,
upang aming matanto
na ikaw ang aming pinatutuloy
at parangalan Ka bilang aming tagapamuno.
Kami’y dumadalangin:

ng Tahanan at Mag-Anak | 9
Panginoong HesuKristo,
hindi Ka na makahiga,
ngunit sa diwa ng pagkarukha
tinanggap mo ang pakikisama
ng Iyong mga kaibigan:
ipagkaloob Mo na sa pamamagitan
ng aming paglingap
magkamit ng pananahanan
ang mga walang tirahan.
Kami’y dumadalangin:

Panginoong HesuKristo,
ang tatlong hari’y naghandog sa Iyo
ng mga alay upang ikaw
ay luwalhatiin at sambahin:
ipagkaloob Mong ang lahat ng nananahan
sa bahay na ito
ay gamitin ang kanilang mga kakayahan
at talento
para sa Iyong walang hanggang kadakilaan.
Kami’y dumadalangin:

Matapos ang mga pagluhog aanyayahan ng Tagapamuno ang lahat


ng naroon upang magdasal ng Panalangin ng Panginoon.
Mga kapatid,
ating dasalin ang panalanging itinuro
sa atin ng Panginoong HesuKristo.

Ama namin...
10 | Panalangin ng Pagbabasbas
Sasabihin ng Namumuno ang panalangin ng pagbabasbas nang
nakadaop ang mga kamay:
Panginoong Diyos ng langit at lupa,
inihayag Mo ang Iyong Bugtong na Anak
sa lahat ng bansa
sa pamamagitan ng pamamatnubay
ng isang tala.
Basbasan Mo ang tahanang ito
at ang lahat ng naninirahan dito.
Punuin Mo sila (kami) ng liwanag ni Kristo,
upang ang kanilang (aming) pagpapahalaga
sa isa’t isa
ay masalamin sa Iyong pag-ibig.
Iniluluhog namin ito sa pamamagitan
ng aming Panginoong HesuKristo.
Tutugon ang sambayanan:
Amen.

O kaya:
Ama naming makapangyarihan,
pagpalain Mo ang sambahayang ito.
Nawa’y maging maayos
ang aming kalusugan,
maging dalisay ang puso, maging mabuti,
at kami’y makasunod sa Iyong mga utos.
Nagpapasalamat kami sa Iyo,
Ama, Anak at Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
ng Tahanan at Mag-Anak | 11
Wawakasan ng Tagapamuno ang pagdiriwang sa pamamagitan ng
pag-aantanda sa kanyang sarili ng krus, habang sinasambit:

Nawa’y manahan sa piling natin


si HesuKristo
ilayo tayo sa lahat ng masama,
at gawin tayong nagkakaisa sa isip at puso,
ngayon at magpasawalang hanggan.

Tutugon ang sambayanan:


Amen.

Kaaya-ayang wakasan ang pagdiriwang nang nararapat na awitin,


katulad ng “Halina, Kristiyano.”
Halina, Kristiyano, at ating dalawin
ang Mesiyas na isinilang sa belen.
Haring dakila, Panginoon natin:

Halina at purihin,
Halina at purihin,
Halina at purihin,
ang Diyos ng aliw.

12 | Panalangin ng Pagbabasbas
ng Tahanan at Mag-Anak | 13
COPERTINA:
Adoration of the Magi
by Daniel Mitsui
www.danielmitsui.com

Cura et studio
del
Marcus Antonius

VALENZUELANIS, PHILIPPINENSIS
2019

You might also like