You are on page 1of 4

Patnubay para sa Masiglang Pakikibahagi sa Pagdiriwang ng Banal na Misa

22 Enero 2023 Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon Taon A

Si Hesus, ang Katuparan


ng mga Pangako ng Diyos

N
gayong Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon, sundan
natin si Hesus sa pagsisimula niya ng kanyang buhay-apostol
sa Hilagang Palestina. Naparito siya bilang katuparan ng mga
pangako ng Diyos na maging ilaw ng daigdig at tagapagligtas ng
sangkatauhan.
Ang Kanyang panawagan sa pagbabalik-loob at paanyayang
tanggapin ang kaharian ng Diyos at sumunod sa kanya, na
umalingawngaw sa baybayin ng Dagat ng Galilea mahigit 2,000
taon nang nakalilipas, ay umaabot sa atin ngayon nang buong
higpit. Tunay na naririto ang Kaharian ng Diyos sa pagdiriwang
ng Eukaristiya. Buksan natin ang ating mga puso upang malasap
natin ang mapagpalayang bisa nito sa atin at maging kasangkapan
ng paglago nito sa ating lipunan.

ka sa iyong misyon sa pag- ri ka namin, dinarangal ka namin,


aanyaya sa mga tao upang sinasamba ka namin, ipinagbu-
sila’y magbalik-loob. Pangi- bunyi ka namin, pinasasalamatan
noon, kaawaan mo kami! ka namin dahil sa dakila mong
Pambungad B
\ – Panginoon, kaawaan mo kami! angking kapurihan. Panginoong
(Ipahahayag lamang kung walang P –Panginoong Hesus, nananawa-
awiting nakahanda.) Diyos, Hari ng langit, Diyos
gan ka sa mga taong maging Amang makapangyarihan sa lahat.
PanginooÊy papurihan, bagong tanging disipulo alang-alang
awit sÊyaÊy awitan. Umawit ka, san- sa Kaharian. Kristo, kaawaan Panginoong Hesukristo, Bug-
libutan, sa dangal nÊyaÊt kabanalan, mo kami! tong na Anak, Panginoong Diyos,
at ganda sa dalanginan. B –Kristo, kaawaan mo kami! Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasala-
P –Panginoong Hesus, pinagaga- nan ng sanlibutan, maawa ka sa
Pagbati ling mo ang lahat ng uri ng amin. Ikaw na nag-aalis ng mga
P–Ang biyaya at kapayapaan sakit at karamdaman. Pangi- kasalanan ng sanlibutan, tang-
buhat sa ating Diyos Ama, Pa- noon, kaawaan mo kami! gapin mo ang aming kahilingan.
nginoong Hesukristo, at Espiritu B –Panginoon, kaawaan mo kami! Ikaw na naluluklok sa kanan ng
Santo ay sumainyong lahat! P –Kaawaan tayo ng makapang- Ama, maawa ka sa amin. Sa-
B – At sumaiyo rin! yarihang Diyos, patawarin tayo pagkat ikaw lamang ang banal,
sa ating mga kasalanan, at patnu- ikaw lamang ang Panginoon,
Pagsisisi bayan tayo sa buhay na walang ikaw lamang, O Hesukristo, ang
P–Upang ihanda ang ating mga hanggan. Kataas-taasan, kasama ng Espiritu
sarili sa pagdiriwang ng mga banal B – Amen! Santo sa kadakilaan ng Diyos
na misteryo, alalahanin natin ang Ama. Amen!
ating mga kasalanan at idalangin Papuri
ang pagpapatawad at lakas ng B – Papuri sa Diyos sa kaitaasan Panalanging Pambungad
Panginoon. (Manahimik sandali.)
at sa lupa’y kapayapaan sa mga P –Ama naming makapang-
P– Panginoong Hesus, nagsimula taong kinalulugdan niya. Pinupu- yarihan, itaguyod mo ang aming

This issue of Patnubay sa Misa may be downloaded for free anywhere in the world. A “love offering” for the continu-
ation of our apostolate will be appreciated. Please, send your donation to “Word & Life Publications.” Our Savings
Account is BPI – # 3711-0028-46. Send us a copy of the deposit slip with your name and (email) address for proper
acknowledgment. See contact details on the last page. Thank You!
ginagampanan alinsunod sa * Tanglaw koÊy ang Poon, aking paghahari ng Diyos; sakit ay
iyong kalooban upang sa ngalan kaligtasan, kaya walang takot ako kanyang ginamot.
ng Anak mong mahal, kami’y kaninuman; sa mga panganib kan- Aleluya! Aleluya!
maging marapat magkaroon ng yang iingatan, kaya naman akoÊy
karagdagan sa aming paggawa ng walang agam-agam. B. Mabuting Balita Mt 4:12-23
mga kabutihan sa pamamagitan * Isang bagay lamang ang aking Si Hesus ang katuparan ng
ni Hesukristo kasama ng Espiritu mithiin, isang bagay itong sa Poon matatandang propesiya. Ngunit
Santo magpasawalang hanggan. hiniling: ang akoÊy lumagi sa banal nakatanaw rin siya sa dara-
B – Amen! na templo upang kagandahan niyaÊy ting na hinaharap. Kaya nga,
mamasdan ko at yaong patnubay sa simula pa lamang ng kan-
niya ay matamo. B. yang buhay-apostol, hinirang
* AkoÊy nananalig, akoÊy mabubu- niya ang ilang “mga tanging
hay at sasaksihan ko ang Âyong disipulo” na kanyang magi-
kabutihan na igagawad mo sa mga ging katulong at sandigan ng
Unang Pagbasa Isa 8:23-9:3 hinirang. Sa Panginoong Diyos tayoÊy Simbahan.
Ang sipi buhat kay Isaias na magtiwala; tayo ay umasa sa kanyang
ipahahayag ay nagtataglay, sa kalinga! B. P – Ang Mabuting Balita ng Pangi-
wikang patula ng pangako ng noon ayon kay San Mateo
pamamagitan ng Diyos para sa Ikalawang Pagbasa 1 Cor 1:10- B – Papuri sa iyo, Panginoon!
Kanyang bayan. Ang ganitong 13.17 Noong panahong iyon, nabalitaan
propesiya ay magkakaroon ng Ipinahahayag ng sipi para ni Hesus na ibinilanggo si Juan, kayaÊt
katuparan kay Hesukristo. ngayon ang lahat ng malasakit bumalik siya sa Galilea. Ngunit hindi
L – Pagpapahayag mula sa Aklat ng Apostol para sa pagkakaisa na siya sa Nazaret nanirahan kundi
ni Propeta Isaias ng naturang pamayanan. Para sa Capernaum. Ang bayang ito ay
sa kanya, ano mang pagkaka- nasa baybayin ng Lawa ng Galilea,
Sa mga nakaraang araw, inilagay hati sa Simbahan ay panlaban sa mga hangganan ng Zabulon at
niya sa kahihiyan ang lupain ng Zabu- sa pag-unlad ng Kaharian. Ang Neftali. Sa gayoÊy natupad ang sinabi
lon at ang lupain ng Neftali. Ngunit pamayanan ng mga sumasam- ni Propeta Isaias: „Ang lupain ng
sa panahong darating, dadakilain palataya ay dapat magkaisa, Zabulon at lupain ng Neftali ă daanan
niya ang lupaing ito, mula sa Dagat kung paanong si Kristo ay isa. sa gawing dagat sa ibayo ng Jordan,
Mediteraneo hanggang sa ibayo ng Galilea ng mga Hentil! Itong bayang
Jordan, ang Galilea ng mga Hentil. L – Pagpapahayag mula sa Unang nag-apuhap sa gitna ng kadiliman sa
Nakatanaw ng isang malaking liwa- Sulat ni Apostol San Pablo sa wakas ay nakakita ng maningning
nag ang bayang malaon nang nasa mga taga-Corinto niyang ilaw! Liwanag na taglay nitoÊy
kadiliman, namanaag na ang liwanag Mga kapatid: AkoÊy nananawagan siya ngayong tumatanglaw sa lahat
sa mga taong namumuhay sa lupaing sa inyo sa ngalan ng ating Pangi- ng nalugami sa lilim ng kamatayan!‰
balot ng dilim. Iyong pinasigla ang noong Hesukristo: Magkaisa kayo Magmula noon ay nangaral na si
kanilang pagdiriwang, dinagdagan sa pananalita, isipaÊt layunin upang Hesus. Ang sabi niya, „Pagsisihan
mo ang kanilang tuwa. mawala sa inyo ang pagkakabaha- ninyoÊt talikdan ang inyong mga
Tulad ng mga tao sa panahon ng bahagi. Sapagkat ibinalita sa akin kasalanan, sapagkat malapit nang
anihan, tulad ng mga taong nagha- ng mga tauhan ni Cloe na kayo raw maghari ang Diyos.‰ Sa paglalakad
hati ng nasamsam na kayamanan. ay may mga alitan. Ito ang tinutukoy ni Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea,
ko: sabi ng isa,„Kay Pablo ako‰; sabi nakita niya ang dalawang mangi-
Nilupig mo ang bansang umalipin
naman ng isa, „AkoÊy kay Apolos.‰ ngisda, si Simon na tinatawag na
sa iyong bayan tulad ng pagkalupig Pedro, at ang kapatid niyang si An-
sa hukbo ng Madian. Binali mo ang May iba namang nagsasabi, „Kay
Pedro ako‰; at may nagsasabi pang, dres. SilaÊy naghahagis ng lambat.
panghambalos ng mga tagapag- Sinabi niya sa kanila, „Sumunod
pahirap sa kanila. „AkoÊy kay Kristo.‰
Bakit? Nahahati ba si Kristo? Si kayo sa akin, at gagawin ko kayong
Ang Salita ng Diyos! Pablo ba ang ipinako sa krus para sa mamamalakaya ng mga tao.‰ Noon
B – Salamat sa Diyos! inyo? Bininyagan ba kayo sa ngalan diÊy iniwan nila ang kanilang mga
ni Pablo? lambat at sumunod kay Hesus.
Salmong Tugunan Awit 27 Sinugo ako ni Kristo, hindi upang Nagpatuloy siya sa paglakad at
B –Panginoo’y aking tanglaw, magbinyag kundi upang mangaral ng nakita rin niya ang magkapatid na
siya’y aking kaligtasan! Mabuting Balita. Ipinangaral ko nga Santiago at Juan, mga anak ni Zebe-
ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng deo. SilaÊy nasa bangka, kasama ng
pananalitang batay sa karunungan kanilang ama, at naghahayuma ng
ng sanlibutan upang sa gayoÊy hindi lambat. Tinawag din sila ni Hesus.
mawalan ng kabuluhan ang kamatayan Agad nilang iniwan ang bangka at
ni Kristo sa krus. ang kanilang ama, at sumunod kay
Hesus.
Ang Salita ng Diyos! Nilibot ni Hesus ang buong
B – Salamat sa Diyos! Galilea. Nagtuturo sa mga sinagoga
at ipinangangaral ang Mabuting
Aleluya Mt 4:23 Balita tungkol sa paghahari ng Diyos.
B – Aleluya! Aleluya! Pinagaling din niya ang mga tao sa
Ipinangaral ni Hesus ang kanilang mga sakit at karamdaman.

22 Enero 2023
Ang Mabuting Balita ng Pa- * Para sa mga nakatalaga sa P – Itaas sa Diyos ang inyong puso
nginoon! pagtataguyod ng katarungan at at diwa!
B – Pinupuri ka namin, Pangi- kapayapaan: Nawa magtagumpay B – Itinaas na namin sa Panginoon!
noong Hesukristo! ang kanilang pagsisikap upang P – Pasalamatan natin ang Pangi-
ang sangkatauhan ay mabuhay sa noong ating Diyos!
Homiliya pagkakasundo, pagtutulungan, at B – Marapat na siya ay pasala-
kasaganaan. Manalangin tayo! B. matan!
Sumasampalataya * Para sa mga tinatawagang P – Ama naming makapangya-
B – Sumasampalataya ako sa maging tanging disipulo: Nawa rihan, tunay ngang marapat na
Diyos Amang makapangyarihan maagap silang tumugon sa paan- ikaw ay aming pasalamatan sa
sa lahat, na may gawa ng langit yaya ng Panginoon at bukas-palad pamamagitan ni Hesukristo na
at lupa. na magpunyagi sa kanilang bo- aming Panginoon.
Sumasampalataya ako kay kasyon nang may buong katapa- Sa dakilang pagtubos niya sa
Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, tan. Manalangin tayo! B. amin ang kasalana’t kamatayang
Panginoon nating lahat. Nagka- aming pasanin ay binalikat niya
* Para sa lahat ng mga Kristi- upang kami’y palayain at maitam-
tawang-tao siya lalang ng Espiritu yanong mag-anak: Nawa ang pok sa iyong luningning. Siya ang
Santo, ipinanganak ni Santa Ma- kanilang pagtugon sa paanyaya nagtanghal sa amin bilang liping
riang Birhen. Pinagpakasakit ni ni Hesus sa isang lalong radikal hinirang, pari at haring lingkod
Poncio Pilato, ipinako sa krus, na pagiging alagad ay kanilang sa iyong kamahalan. Mula sa
namatay, inilibing. Nanaog sa ipaging tagapaghatid ng mabuting kadiliman, kami’y iyong tinawag
kinaroroonan ng mga yumao. balita sa kani-kanilang kapaligi- upang makasapit sa iyong liwanag
Nang may ikatlong araw nabuhay ran. Manalangin tayo! B. bilang iyong angkang may tungku-
na mag-uli. Umakyat sa langit. ling maglahad ng iyong dakilang
Naluluklok sa kanan ng Diyos * Tahimik nating ipanalangin
ang ating sariling kahilingan. pag-ibig sa lahat.
Amang makapangyarihan sa lahat. Kaya kaisa ng mga anghel na
Doon magmumulang paririto at (Tumigil sandali.)
Manalangin tayo! B. nagsisiawit ng papuri sa iyo nang
huhukom sa nangabubuhay at walang humpay sa kalangitan,
nangamatay na tao. P –Salamat, Panginoon, sa kaloob kami’y nagbubunyi sa iyong
Sumasampalataya naman mong Banal na Kasulatan at sa kadakilaan:
ako sa Diyos Espiritu Santo, sa pamamatnubay na dulot nito sa B – Santo, santo, santo Pangino-
banal na Simbahang Katolika, amin. Bigyan mo po kami ng ong Diyos ng mga hukbo. Napu-
sa kasamahan ng mga banal, sa biyayang isabuhay ang mensahe puno ang langit at lupa ng kada-
kapatawaran ng mga kasalanan, nito hanggang sa dulo ng aming kilaan mo. Osana sa kaitaasan!
sa pagkabuhay na muli ng nanga- buhay. Ikaw na nabubuhay at Pinagpala ang naparirito sa
matay na tao at sa buhay na walang naghahari magpakailanman. ngalan ng Panginoon. Osana sa
hanggan. Amen! B – Amen! kaitaasan!

Panalangin ng Bayan Pagbubunyi


P –Espirituwal na kaisa ng lahat B – Aming ipinahahayag na na-
ng taong may mabuting kalooban, matay ang ‘yong Anak, nabuhay
P – Manalangin kayo . . . bilang Mesiyas at magbabalik sa
idulog natin sa Panginoon ang B – Tanggapin nawa ng Pangi-
ating mga kahilingan para sa mga wakas para mahayag sa lahat.
noon itong paghahain sa iyong
pangangailangan ng sangkatauhan mga kamay sa kapurihan niya at
at ng mga taong mahal sa atin. karangalan, sa ating kapakina-
Ang sagot natin ay: bangan at sa buong Sambayanan
B –Panginoon, pakinggan mo niyang banal.
Kami! B – Ama Namin . . .
Panalangin ukol sa mga Alay P – Hinihiling namin . . .
* Para sa Simbahang Katolika, B – Sapagkat iyo ang kaharian at
ang tanging mag-anak ng Diyos P – Ama naming Lumikha, tang-
gapin mong malugod ang aming ang kapangyarihan at ang kapu-
sa lupa: Nawa lagi siyang ma- rihan magpakailanman! Amen!
ging Mabuting Balita sa lahat ng mga handog. Ngayong ang kaba-
bansa sa pamamagitan ng kanyang nalan ay iyong dulot, kami’y su-
masamo sa iyo’t lumuluhog upang Paanyaya sa Kapayapaan
katapatan sa mga turo ni Hesus.
Manalangin tayo! B. kaligtasa’y iyong ipagkaloob
sa pamamagitan ni Hesukristo Paghahati-hati sa Tinapay
* Para sa Santo Papa, ating kasama ng Espiritu Santo magpa- B – Kordero ng Diyos na nag-aalis
Obispo, at lahat ng mga pinunong sawalang hanggan. ng mga kasalanan ng sanlibutan,
espirituwal: Nawa magtagumpay B – Amen! maawa ka sa amin. (2×)
ang kanilang pagsisikap sa pagpa- Kordero ng Diyos na nag-aalis
palago ng kabihasnan ng buhay, Prepasyo I ng mga kasalanan ng sanlibu-
pagmamahalan, at kapayapaan. P – Sumainyo ang Panginoon! tan, ipagkaloob mo sa amin ang
Manalangin tayo! B. B – At sumaiyo rin! kapayapaan.

Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)


Paanyaya sa Pakikinabang kinabang sa iyong kagandahang- B –Amen!
P – Ito ang Kordero ng Diyos na loob na bumubuhay, lagi nawa P –Tulutan nawa kayo ng Pangi-
nag-aalis ng mga kasalanan ng naming maikarangal ang iyong noong maging mga kasang-
sanlibutan. Mapalad ang mga pagpapalang sa ami’y ibinibigay kapan ng kapayapaan at taga-
inaanyayahan sa kanyang piging. sa pamamagitan ni Hesukristo pagtaguyod ng pagkakaisa sa
B – Panginoon, hindi ako kara- kasama ng Espiritu Santo magpa- ating lipunan.
pat-dapat na magpatuloy sa iyo sawalang hanggan. B –Amen!
ngunit sa isang salita mo lamang B – Amen!
ay gagaling na ako. P –Iligtas nawa kayo ng Pangino-
on sa lahat ng panganib at
Antipona ng Pakikinabang isulong ang inyong mga pag-
(Ipahahayag lamang kung walang sisikap.
awiting nakahanda.) P –Sumainyo ang Panginoon. B –Amen!
Sa PanginooÊy dumulog nang B –At sumaiyo rin! P –Pagpalain nawa kayo ng maka-
maliwanagang lubos at nang kan- P –Magsiyuko kayo at ipanala- pangyarihang Diyos: Ama,
yang maitampok ang mukha natin at Anak, at Espiritu Santo.
loob sa dulot nÊyang pagkukupkop.
ngin ang pagpapala ng Diyos.
(Manahimik sandali.) B –Amen!
– Gabayan nawa kayo ng ilaw P –Humayo kayo sa kapayapaan
Panalangin Pagkapakinabang ng pag-ibig ng Diyos sa inyong upang mahalin at paglingkuran
P–Ama naming mapagmahal, mga hakbang sa isang tunay ang Panginoon.
ipagkaloob mong sa aming paki- na Kristiyanong pamumuhay. B –Salamat sa Diyos!

ANG PANAWAGANG SUMUNOD SA DAKILANG PINUNO


Jess P. Balon

M ay dumarating na mga di-inaasahang


sandali sa ating buhay na tunay na
nakapagpapabago. Nangyayari ito sa atin at
ang kanyang pangakong gagawin niya silang
“mga mamamalakaya ng mga tao.” (Mc 1:17)
Nakapagtataka kung ano man ang ibig sabihin
malaki ang dulot na pagbabago nito. ng gayon. Gayunman, sila’y naganyak nang
Gayon ang nangyari sa apat na mamama- gayon na lamang dahil sa kabigha-bighaning
lakaya: kina Simon at Andres, Santiago at katauhan ni Hesus na sa kanila’y nana-
Juan, na buong buhay nila’y hanggang sa Lawa nawagan. Siya’y nakita nila, narinig nila, at sila’y
ng Galilea lamang, hanggang sa makatagpo nila nagpasiya. Nabighani niya ang kanilang mga
si Hesus. puso.
“Halika, sumunod kayo sa akin!” wika Walang iniwan sa pag-ibig . . . lahat sa
niya. At agad nilang iniwan ang kanilang mga mundo’y napapawi, at tanging ang “minamahal”
bangka, mga lambat, mga kasama, mga kamag- ang naiiwang mahalaga.
anak . . . at naging kanyang mga alagad – mga Mula nang panahon ni Hesus, ang daigdig
unang kaanib ng isang mapayapang hukbong ay naging parang isang malawak na Dagat ng
makapangyayari sa daigdig. Galilea, puno ng napakaraming taong abala sa
Isang di inaasahang paanyaya, maagap na maraming bagay. Ikaw at ako’y bahagi ng ga-
pagtugon, at kagyat na pagtungo sa di-alam yong madla. Nagdaraan si Hesus, isang tulad
na patutunguhan. Nag-alab ang apat na puso nating tao, ngunit may pusong bihasang
– apat na buhay na di na muling magiging magmahal na tulad ng Diyos. Maaaring makita
tulad nang dati. niya tayo at bigkasin nang walang katulad ang
Tulad nito ang nangyari kay Abram at Eliseo ating pangalan, o magbitiw ng mga pangakong
noong mga unang siglo. (Sangguniin Gen 12:1-4 di natin maunawaan. Pag nagkagayon, dapat
at 1 Ha 19:19-21.) Ano ang nag-udyok kina nating alalahanin ang apat na mamamalakayang
Simon, Andres, Santiago, at Juan upang iwan taga-Galilea at kung paano nilang tinugon ang
nila ang lahat at sumunod kay Hesus? Nariyan paanyaya ni Hesus.

Don Bosco Compound, A. Arnaiz Ave. cor. Chino Roces Ave., Makati, Metro Manila
Postal Address: P.O. Box 1820, MCPO, 1258 Makati, Metro Manila, Philippines
WORD & LIFE Tel. Nos. 8894-5401; 8894-5241; 8475-8945 • Website: www.wordandlife.org
PUBLICATIONS • E-mail: wordandlifepublications@gmail.com • FB: Word & Life Publications
• Editorial Team: Fr. S. Putzu, C. Valmonte, Fr. B. Nolasco, V. David, R. Molomog, M. Vibiesca, D. Daguio
• Illustrations: A. Sarmiento, B. Cleofe • Circulation: R. Saldua

You might also like