You are on page 1of 4

Patnubay para sa Masiglang Pakikibahagi sa Pagdiriwang ng Banal na Misa

23 Hunyo 2019 Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon Taon K

Ang Alaala ng Walang Hanggang Pagmamahal

T
ayo ay nagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang
Katawan at Dugo ni Hesus. Ang habilin ng Panginoong Hesus
sa kanyang mga alagad sa Huling Hapunan ay: “Gawin ninyo
ito sa pag-aalaala sa akin.” Ang pag-aalaalang ito ay ang pagsasang-
ayon ng naganap noon upang ang bunga ng pangyayari ng kahapon
ay maramdaman ng mga tao sa ngayon. Wala tayo sa Kalbaryo noong
inialay ni Hesus ang kanyang buhay para sa atin. Wala tayo sa libingan
noong bumangon si Hesus mula sa kamatayan. Subalit mapapasaatin
ang biyayang-kaligtasan sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Banal
na Eukaristiya. Pasalamatan natin ang Panginoong Hesukristo sa
dakilang tandang ito ng kanyang walang hanggang pagmamahal.

P – Para sa aming kahinaan ng Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.


pag-asa sa biyayang dala Ikaw na nag-aalis ng mga kasala-
ng iyong Katawan at Dugo. nan ng sanlibutan, maawa ka sa
Kristo, kaawaan mo kami! amin. Ikaw na nag-aalis ng mga
Pambungad B – Kristo, kaawaan mo kami!
(Ipahahayag lamang kung walang kasalanan ng sanlibutan, tang-
awiting nakahanda.) P – Para sa aming kahinaan ng gapin mo ang aming kahilingan.
Pinakamabuting trigo ipinakaing pagmamahal sa iyo at sa aming Ikaw na naluluklok sa kanan ng
totoo ng Diyos sa mga tao, sarap na kapwa ayon sa hinihingi ng Ama, maawa ka sa amin. Sa-
kanilang gusto, tamis ng pulot sa bato. Banal na Eukaristiya. Pangi- pagkat ikaw lamang ang banal,
noon, kaawaan mo kami! ikaw lamang ang Panginoon,
Pagbati B – Panginoon, kaawaan mo
kami! ikaw lamang, O Hesukristo, ang
P –Ang pagpapala ng ating Pangi- Kataas-taasan, kasama ng Espiritu
noong Hesukristong nag-alay ng P –Kaawaan tayo ng makapang-
kanyang katawan at dugo para sa Santo sa kadakilaan ng Diyos
yarihang Diyos, patawarin tayo Ama. Amen!
atin, ang pag-ibig ng Diyos Ama, sa ating mga sala, at patnubayan
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu tayo sa buhay na walang hanggan.
Santo ay sumainyong lahat! B – Amen!
Panalanging Pambungad
B –At sumaiyo rin!
P –Diyos na totoo at tao namang
Pagsisisi Papuri totoo, Panginoon naming Hesu-
kristo, ang Huling Hapunan ay
P –Ang Banal na Eukaristiya ang B – Papuri sa Diyos sa kaitaasan
pag-aalaala sa pinakadakilang inilagak mo para kami’y magka-
at sa lupa’y kapayapaan sa mga
pangyayari sa kasaysayan ng salu-salo sa alaala ng iyong
taong kinalulugdan niya. Pinupuri pagpapakasakit ukol sa mga
sangkatauhan. Ngunit madalas ay ka namin, dinarangal ka namin,
hindi natin ito pinahahalagahan. tao. Ipagkaloob mo ang aming
sinasamba ka namin, ipinagbu- kahilingang ang iyong Katawan
Humingi tayo ng tawad sa Diyos. bunyi ka namin, pinasasalamatan
(Manahimik sandali.) at Dugo ay aming idangal sa
ka namin dahil sa dakila mong pagdiriwang upang ang dulot
P – Para sa aming kahinaan ng angking kapurihan. Panginoong
pananampalataya sa kahulu- mong kaligtasan ay lubos na-
gan ng Banal na Eukaristiya. Diyos, Hari ng langit, Diyos ming mapakinabangan kasama
Panginoon, kaawaan mo kami! Amang makapangyarihan sa lahat. ng Espiritu Santo magpasawalang
B –Panginoon, kaawaan mo Panginoong Hesukristo, Bug- hanggan.
kami! tong na Anak, Panginoong Diyos, B –Amen!
* PanginooÊy may pangako na itoÊy sa buhay mong walang wakas.
tiyak mangyayari, ganito ang kan-
yang saysay: „Katulad ni Melquise- Aleluya Jn 6:51
dec, gagawin kang saserdote, na B – Aleluya! Aleluya!
Unang Pagbasa Gen 14:18-20 hindi na wawakasan.‰ B. Pagkaing dulot ay buhay, si
Ang ating Unang Pagbasa ay Hesus na Poong mahal, buhay
tungkol sa pag-aalay ni Melqui- Ikalawang Pagbasa 1 Cor 11: natin siya kailanman.
sedec ng tinapay at alak bilang 23-26 Aleluya! Aleluya!
pasasalamat sa pagwawagi ni Ang pagdiriwang ng Euka-
Abraham laban sa limang hari. ristiya o “ang Hapunan ng Mabuting Balita Lu 9:11-17
Ito ang pinagmulan ng Banal na Panginoon” ay naging tunay Ang siping ito ng Ebanghelyo
Eukaristiya kung saan si Kristo, na mahalaga sa unang pama- ni Lucas ay naglalahad ng pag-
ang pari ayon sa pagpapari ni yanang Kristiyano. Sa pagpasok papakain ni Hesus sa madla. Ang
Melquisedec, ay nag-aalay ng ng ilang kamalian, agad na gutom ay isang malaking suliranin
tinapay at alak, ng kanyang ka- nagpaalaala si San Pablo sa ng daigdig ngayon. Ang gutom na
tawan at dugo. kabanalan ng pagdiriwang na ito ay sa pagkaing pangkatawan
L – Pagpapahayag mula sa Aklat
pagtupad sa utos ng Panginoon at pagkaing pangkaluluwa. Nais
ng Genesis
at paggunita sa kanya. tugunan ng Eukaristiya ang gutom
L – Pagpapahayag mula sa Unang na ito.
Noong mga araw na iyon, dinal-
han ni Melquisedec, hari ng Salem Sulat ni Apostol San Pablo sa P – Ang Mabuting Balita ng Pa-
at saserdote ng Kataas-taasang mga taga-Corinto nginoon ayon kay San Lucas
Diyos, si Abram ng tinapay at alak, Mga kapatid: Ito ang aral na B – Papuri sa iyo, Panginoon!
at pinagpala ng ganito: tinanggap ko sa Panginoon at
„Pagpalain ka nawa, Abram, ng Noong panahong iyon, nagsalita
ibinibigay ko naman sa inyo: ang si Hesus sa mga tao tungkol sa
Diyos na Kataas-taasan na lumikha Panginoong Hesus, noong gabing
ng langit at lupa. paghahari ng Diyos; pinagaling niya
siyaÊy ipagkanulo ay dumampot ng ang mga may karamdaman.
Purihin ang Kataas-taasang Diyos tinapay, nagpasalamat, at pinaghati-
na nagbigay sa iyo ng tagumpay!‰ Nang dumidilim naÊy nilapitan
hati ito, at sinabi, „Ito ang aking siya ng Labindalawa at sinabi sa
At ibinigay ni Abram kay Mel- katawan na inihahandog para sa
quisedec ang ikapu ng lahat ng kanya, „Paalisin na po ninyo ang
inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alala
kanyang nasamsam. mga tao nang makaparoon sila sa
sa akin.‰ Gayon din naman, matapos
maghapunan ay hinawakan niya ang mga nayon, sa kabukiran sa paligid,
Ang Salita ng Diyos! upang humanap ng makakain at
B–Salamat sa Diyos! kalis at sinabi, „Ang kalis na ito
ang bagong tipan na pinagtitibay matutuluyan. Nasa isang ilang na
Salmong Tugunan Awit 109 ng aking dugo. Tuwing iinumin lugar po tayo.‰ Ngunit sinabi niya,
ninyo ito, gawin ninyo sa pag-alala „Kayo ang magbibigay sa kanila
B –Ikaw’y paring walang hang- ng makakain.‰ Sumagot sila, „Wala
gan, katulad ni Melquisedec! sa akin.‰
Sapagkat tuwing kakain kayo po tayo kundi limang tinapay at
R. M. Velez ng tinapay na ito at iinom sa kalis dalawang isda, kaya kailangang
na ito ay ipinahahayag ninyo ang bumili kami ng pagkain para sa

Eb Bb Gm Gm/Bb
  
mga taong ito.‰ May limanlibong
  
kamatayan ng Panginoon, hanggang

  
   sa muling pagparito niya. lalaki ang naroon. Ngunit sinabi niya
sa kanyang mga alagad, „Paupuin
Ang Salita ng Diyos! ninyo sila nang pulu-pulutong na
I---kaw ay pa-ring wa-lang hanggan,
B – Salamat sa Diyos!
tiglilimampu.‰
 AbM7 Bb Eb
     Gayon nga ang ginawa nila,
   
Awit Tungkol sa Mabuting Balita
pinaupo ang lahat. Kinuha ni Hesus
ka----tu-lad ni Mel-qui-se--dec!
Pagkaing mula sa langit ang limang tinapay at dalawang isda,
ngayoÊy hain sa daigdig. tumingala sa langit, at nagpasala-
* Sinabi ng Poon, sa Hari koÊt Handog ng kaibig-ibig mat sa Diyos. Pinaghati-hati niya
Panginoon, „Maupo ka sa kanan kailanmaÊy di masasaid. ang mga ito, at ibinigay sa kanyang
ko, hanggang ang kaaway mo ay PaghahaiÊy inilahad mga alagad upang ipamahagi sa
lubos na mapasuko, pagkat iyong nang ialay si Isaac, mga tao. Nakakain ang lahat at
matatalo.‰ B. ang korderong nagliligtas, nabusog. Tinipon ng mga alagad
ang manna ng nagsilikas. ang lumabis; at nakapuno sila ng
* Magmula sa dakong Sion, ay labindalawang bakol.
palalawakin niya ang lupaing iyong Pastol naming mapagmahal,
sakop; „At lahat ng kaaway moÊy kamiÊy iyong kaawaan, Ang Mabuting Balita ng Pangi-
sakupin at pagharian,‰ gayon ang gawing dapat makinabang noon!
kanyang utos. B. sa pagkaing iyong alay B – Pinupuri ka namin, Pangi-
hanggang langit ay makamtan. noong Hesukristo!
* Sasamahan ka ng madla, kung
dumating ang panahong lusubin ka Magagawa mo ang lahat
ng kaaway; magmula sa mga bundok, upang tanan ay maligtas, Homiliya
lalabas at sasamahan ka ng mga akayin mo sa Âyong hapag
kabataan. B. lahat kaming Âyong alagad Sumasampalataya
23 Hunyo 2019
B – Sumasampalataya ako sa Kristo, matatamo ang kaganapan, lo upang ganap kaming mapalapit
Diyos Amang makapangyarihan manalangin tayo sa Panginoon! sa iyo sa pagkakaisa ng lahat ng
sa lahat, na may gawa ng langit B. tao na pawang nananalig sa daki-
at lupa. * Para sa ating lahat na nagka- lang pag-ibig mo. Sa pagsasalong
Sumasampalataya ako kay katipon sa pagdiriwang na ito, ito, kami’y iyong nililingap upang
Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, upang magsikap tayong ayusin sa iyong Anak kami’y makatulad.
Panginoon nating lahat. Nagka- ang awitan, ang homiliya, at ang Kaya kaisa ng mga anghel na
tawang-tao siya lalang ng Espiritu pagtanggap sa tao sa ating mga nagsisiawit ng papuri sa iyo nang
Santo, ipinanganak ni Santa Ma- simbahan at nang makaakit pa ang walang humpay sa kalangitan,
riang Birhen. Pinagpakasakit ni higit na maraming magsisimba, kami’y nagbubunyi sa iyong
Poncio Pilato, ipinako sa krus, manalangin tayo sa Panginoon! kadakilaan:
namatay, inilibing. Nanaog sa B. B – Santo, santo, santo Pangino-
kinaroroonan ng mga yumao. ong Diyos ng mga hukbo. Napu-
Nang may ikatlong araw nabuhay * Tahimik nating ipanalangin puno ang langit at lupa ng kadaki-
na mag-uli. Umakyat sa langit. ang ating mga sariling kahilingan. laan mo. Osana sa kaitaasan!
Naluluklok sa kanan ng Diyos (Tumigil sandali.) Pinagpala ang naparirito sa
Amang makapangyarihan sa lahat. Manalangin tayo! B. ngalan ng Panginoon. Osana sa
Doon magmumulang paririto at P –Ama naming nag-alay ng kaitaasan!
huhukom sa nangabubuhay at Iyong Anak para sa aming kalig-
nangamatay na tao. tasan, isugo Mo sa amin ang Es- Pagbubunyi
Sumasampalataya naman piritu Santo upang sa pagdiriwang
ako sa Diyos Espiritu Santo, sa namin ng Banal na Eukaristiya B –Si Kristo ay gunitaing sarili ay
banal na Simbahang Katolika, ay mapahalagahan namin ang inihain bilang pagkai’t inuming
sa kasamahan ng mga banal, sa dakilang pag-ibig na ipinamalas pinagsasaluhan natin hanggang
kapatawaran ng mga kasalanan, ni Hesukristong aming Panginoon. sa siya’y dumating.
sa pagkabuhay na muli ng na- B –Amen!
ngamatay na tao at sa buhay na
walang hanggan. Amen!

Panalangin ng Bayan B – Ama namin . . .


P – Manalangin kayo . . . P – Hinihiling namin . . .
P –Pasalamatan natin ang Diyos B – Sapagkat iyo ang kaharian at
sa handog ng Eukaristiya at hingin B – Tanggapin nawa ng Pangi-
ang kapangyarihan at ang kapu-
natin ang Kanyang tulong upang noon itong paghahain sa iyong
rihan magpakailanman! Amen!
mapahalagahan ito nang lubos. mga kamay sa kapurihan niya at
Ang ating sasambitin ay: karangalan, sa ating kapakina-
bangan at sa buong Sambayanan Paanyaya sa Kapayapaan
B –Amang tumutugon sa aming
niyang banal.
kagutuman, dinggin Mo kami! Paghahati-hati sa Tinapay
* Para sa mga namumuno sa Panalangin ukol sa mga Alay B – Kordero ng Diyos na nag-aalis
Simbahan, upang sa pagdiriwang ng mga kasalanan ng sanlibutan,
nila ng Banal na Eukaristiya P–Ama naming Lumikha, bigyan
mo ngayon ang iyong sambaya- maawa ka sa amin. (2x)
ay magawa nila itong bukal at Kordero ng Diyos na nag-aalis
taluktok ng buhay-Kristiyano, nan ng mga kaloob na pagkakaisa
at kapayapaan na ipinahihiwatig ng mga kasalanan ng sanlibu-
manalangin tayo sa Panginoon! tan, ipagkaloob mo sa amin ang
B. ng mga alay namin sa paghahaing
ipinagdiriwang sa pamamagitan kapayapaan.
* Para sa lahat ng mga kabataan ni Hesukristo kasama ng Espiritu
ng ating bayan, upang sa taong ito Santo magpasawalang hanggan. Paanyaya sa Pakikinabang
ng mga kabataan ay mapahalaga- B–Amen!
han nila ang Banal na Eukaristiya P – Ito ang Kordero ng Diyos na
sa kanilang buhay, manalangin nag-aalis ng mga kasalanan ng
Prepasyo sanlibutan. Mapalad ang mga
tayo sa Panginoon! B.
P –Ama naming makapangyari- inaanyayahan sa kanyang piging.
* Para sa mga namumuno sa han, tunay ngang marapat na B – Panginoon, hindi ako kara-
ating bansa, upang ang mga bunga ikaw ay aming pasalamatan sa pat-dapat na magpatuloy sa iyo
ng Banal na Eukaristiya – kataru- pamamagitan ni Hesukristo na ngunit sa isang salita mo lamang
ngan, pagpapatawaran, pagkakaisa, aming Panginoon. ay gagaling na ako.
pag-iibigan – ay maibahagi nila sa Noong Huling Hapunan
lahat ng mamamayan, manalangin siya’y nakisalo sa kanyang mga Antipona ng Pakikinabang
tayo sa Panginoon! B. alagad bilang alaala ng pagtubos (Ipahahayag lamang kung walang
awiting nakahanda.)
* Para sa mga taong naghahanap na laging kasalukuyan at walang
ng kabuluhan sa buhay, upang wakas. Siya ang maamong tupang „Ang nagsasalo sa buhay ng
matulungan sila ng Banal na tumubos sa tanan. Siya ang alay sariling aking alay, sa akin ay ma-
Eukaristiyang makitang sa pag- na lubos mong kinalulugdan. Sa nanahan, ako ay makakapisan,‰ ani
aalay lamang ng sarili, tulad ni Huling Hapunan kami’y nagsasa- Hesukristong mahal.

Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo (K)


Panalangin Pagkapakinabang Santo magpasawalang hanggan. P – Pagpalain nawa kayo ng maka-
P – Panginoong Hesukristo, hini- B–Amen! pangyarihang Diyos: Ama,
hiling naming kami’y gawin mong Anak, at Espiritu Santo.
makasalo nang lubusan sa bunga B – Amen!
ng banal na pakikinabang sa iyong P –Humayo kayo sa kapayapaan ni
buhay na idinudulot sa piging ng Kristo at mamuhay bilang Eu-
paghahain ng iyong Katawa’t P – Sumainyo ang Panginoon. karistiyang panghabang-buhay.
Dugong banal kasama ng Espiritu B – At sumaiyo rin! B – Salamat sa Diyos!

Munting Katesismo sa Taon ng mga Kabataan


(P. René T. Lagaya, SDB)

ANG TANDANG NAGPAPAALAALA NG WALANG HANGGANG PAG-IBIG


Panimula: Ang pinakaayaw ng tao ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala Ang sumasama sa pagdiriwang ng
ay ang makalimutan. Napakalungkot sa akin.’ Sapagkat tuwing kakain Banal na Eukaristiya ay tumatang-
ng isang kabataang hindi nakatang- kayo ng tinapay na ito at iinom sa sa- gap ng biyayang-kaligtasang napag-
gap ni isa mang text buong araw. rong ito ay ipinahahayag ninyo ang wagian ni Kristo sa pamamagitan
Ang pakiramdam niya ay nakali- kamatayan ng Panginoon hanggang ng kanyang kamatayan at muling
mutan na siya ng lahat. Kaya ang sa muling pagparito niya.” (1Corinto pagkabuhay.
mga kabataan ay kuha nang kuha 11:23b-26) Pagsasabuhay: Kay rami ng taong
ng larawan para may mai-post sa hindi nagsisimba kahit sa malala-
kanilang fb. Walang tao, bata man Ang ibig sabihin ng pag-aalaala ay king kapistahan. Higit na marami
o matanda, ang naghahangad na pagsasangayon. Ano ang pagsa- ang hindi nagsisimba kaysa nagsi-
makalimutan. sangayon? Ang pananariwa ng simba. Dahil dito, kay rami ng taong
naganap sa panahong nagdaan! hindi nagtatamasa sa biyayang-
Pagpapalalim: Kaya nais ng Ano ang isasangayon? Ang ka- kaligtasang bunga ng kamatayan
maraming mag-iwan ng tanda. Ang matayan ng Panginoon! Paano at muling pagkabuhay ni Kristo.
tandang ito ang magpapanatiling isinasangayon ang kamatayan ng Talagang nakapanghihinayang
buhay ng kanilang alaala sa isip at Panginoon? Sa pamamagitan ng kapag palalampasin natin ang
puso ng mga nakakakilala sa kanila. Katawan at Dugo ni Hesukristo! pagkakataong ito! Ang kamatayan
Ang mga larawan, rebulto, video, Namatay si Hesus sa paghihiwa- at muling pagkabuhay ni Kristo
at regalo ay ilan lamang sa mga lay ng kanyang katawan at dugo. ang pinakadakilang pangyayari sa
tandang ito. Sa krus nanatiling nakapako ang kasaysayan ng tao. Dapat nating
kanyang katawan. Ang dugo na- pagsikapang makadalo sa pag-
Pagbasa: Lucas 9:11b-17 man niya ay dumaloy sa lupa diriwang ng Banal na Eukaristiya,
upang hugasan ang kasalanan ng kung maaari ay araw-araw. Dapat
Buod: Ang Panginoong Hesukristo sanlibutan. Sa kamatayan ni Kris- din nating hikayatin ang higit na
ay ayaw ring makalimutan. Nais tong naganap sa paghihiwalay marami pang taong makinabang sa
niyang maalaala siya sa pinaka- ng kanyang katawan at dugo ay pagkakataong ito.
mahalagang sandali ng kanyang mamamalas ang kanyang walang
buhay. Kaya, “ang Panginoong hanggang pag-ibig. Ang tinapay ay Pagdiriwang: “Ama naming maka-
Hesus, noong gabing siya’y ipag- ginawa munang katawan. Matapos pangyarihan, sa mga kasalo ngayon
kanulo ay dumampot ng tinapay, maghapunan ay saka ginawang sa Banal na Hapunan na ipinamana
nagpasalamat, at pinagpira-piraso dugo ang alak sa saro. Ganito rin ng Iyong Anak na mamamatay bi-
ito, at sinabi, ‘Ito ang aking katawan ang ginagawa sa pagdiriwang ng lang haing bago at pangmagpa-
na inihahandog para sa inyo. Gawin banal na Eukaristiya. Ang Banal kailan man para sa giliw niyang
ninyo ito bilang pag-aalaala sa na Eukaristiya ang dakilang tanda sambayanan, ipagkaloob Mong
akin.’ Gayon din naman, matapos ng walang hanggang pag-ibig ni lubusang mapakinabangan ang
maghapunan ay hinawakan niya Kristo. Dahil dito, ang sumasama sa Iyong dakilang pag-ibig at buhay
ang saro at sinabi, ‘Ang sarong ito pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa pamamagitan niya kasama ng
ang bagong tipan na pinagtibay ng ay nakikisalo sa pinakamahalagang Espiritu Santo magpasawalang
aking dugo. Tuwing iinumin ninyo pangyayari sa kasaysayan ng tao. hanggan. Amen!

Don Bosco Compound, A. Arnaiz Ave. cor. Chino Roces Ave., Makati, Metro Manila
Postal Address: P.O. Box 1820, MCPO, 1258 Makati, Metro Manila, Philippines
WORD & LIFE Tel. Nos. 894-5401; 894-5402; 892-2169 • Telefax: 894-5241 • Website: www.wordandlife.org
PUBLICATIONS • E-mail: marketing@wordandlife.org; wordandlifepublications@gmail.com • FB: Word & Life Publications
• Editorial Team: Fr. S. Putzu, Fr. R. Lagaya, C. Valmonte, V. David, J. Domingo, A. Adsuara, D. Daguio
• Illustrations: A. Sarmiento, B. Cleofe • Marketing: Fr. B. Nolasco, J. Feliciano • Circulation: R. Saldua

You might also like