You are on page 1of 3

Sadya ko pong pinag-iisipan kung ano at paano ang aking

tatalakayin sa araw na ito kundi ang kasalukuyang sitwasyon


natin sa ating simbahan. Kung saan sa halip na dumami ang
bilang ng mga nanampalataya at nagsisimba at lalo lang itong
kumakaunti. Gayon patuloy ang pagpapakalat natin sa ating
ebanghelyo, nandiyan ang mga missionaries na patuloy na
nagtuturo ng gospel, ang visiting teachers, ang home teachers,
priesthoods, relief society, young men, young women.
Nagtutulong-tulong para magreactivate sa mga members
Ang tanong po ay, Bakit nga ba? Bakit nga ba tayo
kumakaunti?
Hayaan ninyong umpisahan ko ito at pamagatan ng,

Paglalabong sa Pananampalataya
Bawat isa ay may mga dahilan, pag-usapan po natin. Ano po
ang mga dahilan? Ang iba ay nahihirapan sundin ang kautusan ng
Diyos. Tulad ng pagbibigay ng tithing o ng ikapo. Pagsunod sa law
of chastity (batas ng puri), pag-iwas sa word of wisdom (salita ng
karunungan). Ang iba naman ay may nakaaway, iba naman ay
may di gusto sa isang kapatid, sa isang kamiyembro, o kaya sa
isang leader. Ang mga dating leaders, ang iba ay nawawala dahil
nagalit, dahil sila ay pinalitan. Ang iba ay dahil sa pride. Kapag
nararamdaman mo na mas matalino ka o mas magaling ka pero
iba ang pinili, isa iyon sa mga nagiging dahilan.
Narinig natin ang katanungan kung bakit.
Nabigkas natin ang ibang dahilan.
Talakayin po naman natin ang Kasagutan, Ano po ang dapat
nating gawin, ano po ang solusyon, ano po ang remedyo sa lahat
ng ito?
Isang payak na salita, ngunit naglalaman ng talaksang
kahulugan.
PANANAMPALATAYA
Ang pananampalataya ay isang pag-asa, isang damdamin,
tulad ng hangin. Hindi po to nakikita. Hindi po ito kayang
masisilayan ng ating mga mata ngunit ito ay nararamdaman.
Dahil dumadampi ito sa ating balat.
Ang aking pananampalataya ay sinisilid ko sa aking bulsa.
Hindi salapi ang nilalagay ko rito kundi ang aking
pananampalataya sa Diyos. Ang aking sariling dahilan, Ang salapi
o pera ay kayang nakawin ng tao o kaya ay kayang umitin ng
sinuman. Pero ang aking pananampalataya sa Diyos ay hindi

kayang nakawin ng tao, o ng sinuman. Datapwat kahit saan ako


magpunta, kahit sa ibang lugar, dala-dala ko ito, sa aking bulsa.
Nasabi ko na, ang pananampalatay ay isang damdamin, na
tulad ng pag-ibig. Ito ay nasa puso, ito ay dalisay.
May isang makata na ang sabi, O pag-ibig, na

pagpumasok sa sinuman ay hahamakin ang lahat,


masunod ka lamang.
Sa ating pong lahat na may mga dahilan, sa mga
nagdadaramdam, sa may mga karamdaman sa espiritwal, sa mga
naglalabong damdamin.
Ito ang buod na solusyon, isang simple at payak na
kasagutan, pananampalataya.
Manampalataya po tayo sa buhay na Diyos, mahalin po natin
Siya. Huwag po tayong magtago sa kanya, nandiyan po siya at
naghihintay sa atin. Katukin po natin siya sa pamamagitan ng
pagdarasal. Sundin po natin ang kanyang kautusan. Ang
simbahan pong ito ay para po sa atin. Para po sa ating may
karamdaman, para po sa mga nagkakasala. Para po malinis natin
ang ating mga kaluluwa. (Matthew 9:12-13).
Bago po ako magtapos sa aking pangungusap. Bibigkasin ko
ang ilang bahagi ng awitin ng aking ama:
Kung ikaw man ay may alalahanin, punong-puno ka ng
problema
At sa gabi ay di ka makatulog, di mapalagay sa sobrang pagalala
Kung ikaw man ay may suliranin, pakiramdam mo ikay nagiisa
Iniisip at nababakas mo sa iyong isipan na iniwan ka na
NIYA
Sa bawat unos na dumarating sa iyong buhay
Hindi lang natin nakikita pero SIYA ang gabay
Kung sakali, mahaba man ang iyong paghihintay
Naroron palagi, tuwi-tuwina kanyang patnubay
May ibat -ibang pamamaraan, may ibat-iba mukha ang
pagsubok
Na kung minsan sa hirap pati pananampalataya natin
dumudupok
Na kung minsan bibinigkas natin na SIYA sa atin ay
nakakalimot

Huwag kang mag-alala,


Huwag kang mabahala
Nandidiyan lang SIYA,
Hinihintay ka lang NIYA
Alam ko na ang simbahan ni Jesus Cristo ng mga banal sa
huling araw ay tutoo, na ang simbahan ito ay buhay at
gumagabay sa atin. Alam ko na ang ating Diyos na Ama sa langit
at ang Panginoong Jesus Cristo ay buhay at naghihintay sa atin
upang makabalik tayo sa kaharian nila. Alam ko na kundi kay
propetang Joseph Smith ay hindi maibabalik ang simbahang ito.
Alam ko na si Propetang Thomas S. Monson sa siyang buhay na
propetang kakalinga sa atin sa mga huling araw. Ang lahat ng ito
ay iniiwan ko sa pangalan ni Jesus Cristo, Amen.

You might also like