You are on page 1of 5

THE PURPOSE

DRIVEN LIFE
IKA DALAWAMPU’T WALO NA ARAW

Panahon ang Kailangan

Eclesiastes 3:1

Sa bawat bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawat bagay sa silong ng langit.


Filipos 1:6

Ako’y panatag sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa ay siyang

magtatapos nito hanggang sa araw ni Jesu-Cristo.

LAYUNIN:
 Malaman na walang maikling daan sa paglago pagdating sa paglagong espirituwal.
 Maunawaan ang kahalagahan ng pagiging disipulo ay ang pagiging kawangis ni Cristo
Jesus.
 Malaman ang mga dahilan kung bakit matagal ang proseso ng paglago at ano ang mga
paraan na pwedeng makatulong sa ating paglagong esprituwal.

PANIMULA

Walang maikling daan sa espirituwal na pagkahinog.


Ang mga bunga ay nahihinog lamang kapag kapanahunan na ng mga ito. Gayon din ang
bunga ng Espiritu. Ang pagkakaroon ng karakter na tulad ng kay Cristo ay hindi maaaring
madaliin. Ang espiritwal na paglago, tulad ng pisikal na paglaki, ay nangangailangan ng
panahon.
Ang Diyos ay hindi nag-aalala ng tungkol sa bilis ng ating paglago, mas mahalaga sa
Kanya na unti-unti tayong lumalakas sa ating pananampalataya. Dahil sa kawalang-hanggan
at para sa kawalang- hanggan ang perspektiba Niya sa atin, kung kaya’t hindi Siya
nagmamadali pagdating sa ating paglagong espirituwal.
Kung titignang mabuti, may sariling kaparaanan at proseso ang Diyos sa bagay na ito.

 Sasakupin tayo ni Jesus sa sandalling isuko natin ang ating buhay sa Kanya.
Minsan ay kailangan Niya tayong “palambutin” sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin
ng mga problemang hindi natin kayang lutasin. At sa oras na buksan mo ang puso mo
kay Cristo, ang Panginoon ay nagkakaroon ng beachhead o himpilan sa iyong buhay.

 Pangalawa, sisimulan Niya ang kampanya para sakupin ang mas maraming
teritoryo. Gagawin Niya ito hanggang sa makuha Niya nang buo ang lahat ng bahagi
ng iyong buhay. Dito ay magkakaroon ng maraming paglaban at pakikidigma dahil
ang naisuko mo lamang sa Kanya ay ang mga bagay na naiintindihan mo lamang. Pero
okay lang, dahil katulad ng pangako Niya sa (Filipos 1:6 “Ang nagpasimula sa inyo
ng mabuting gawa ay siyang magtatapos nito.”)

Ano nga ba ang pagiging Disipulo?


ito ay isang proseso tungo sa pagiging kawangis ni Cristo Jesus at ito ay isang
paglalakbay na matatapos lamang kapag namatay kana.

 Kakailanganin mo ang pananalig (sa pamamagitan ng pagsamba)


 Pagiging kaanib (sa pamamagitan ng kapatiran)
 Pagiging katulad ni Cristo (sa pamamagitan ng pagiging disipulo)

BAKIT NGA BA MATAGAL ANG PROSESO?


Kaya tayong baguhin ng Diyos sa isang iglap ngunit pinili Niyang gawin NAlumago?
MARAMING DAHILAN:

1. Mabagal Tayong Matuto

Kadalasan ay kinakailangan uli’t ulitin sa atin ng apatnapu o limampung beses ang bawat
aral na itinuturo sa atin, Paulit-ulit na nangyayari ang mga problema kaya naiisip natin,
“Heto na naman! Alam ko na iyan, a!” pero mas maalam ang Diyos.

Laging sa maikling panahon ay bumabalik tayo sa dating gawi. Kaya kailangan tayong
turuan nang paulit-ulit hanggang sa mamulat tayo.
2. Napakarami Nating Dapat Iwaksi

Nabigyan ka nga ng bagong pagkatao nang tanggapin mo si Cristo, pero nasa sa iyo parin
ang mga dating gawi, pag-uugali, at mga nakasanayang asal na kailangang maalis at
mapalitan. Walang instant na gamot, dasal, or prinsipyong makapag-aalis agad ng mga ito.
Mahaba habang proseso at panahon pa ang kailangan gugulin para tuluyang maiwaksi ang
mga gawing hindi kalooban ng Diyos.

3. Takot Tayong Humarap sa Katotohanan Tungkol sa Ating mga Sarili

Takot tayo sa anumang maaring madiskubre natin kapag inukilkil at inungkat natin ang
mga depekto sa ating karakter. Ang pagkatakot na ito ang siyang nagkukulong sa atin sa
bilangguan ng pagkakaila. Saka pa lamang tayo magsisimulang magbago kapag pumayag na
tayong ilantad ng Diyos sa liwanag ng katotohanan ang mga pagkakamali at kahinaan natin.
Hindi tayo lalago kapag hindi tayo naging mapagpakumbaba at ayaw nating maturuan.

4. Ang Paglago ay Kadalasang Masakit at Nakakatakot

Walang paglago ang hindi kaakibat ang pagbabago; walang pagbabago kung walang
pagkatakot at kawalan; at walang pagkatalong walang kaakibat na hapdi. Sa bawat
pagbabago ay lagging may naaalis o nawawala. Kailangang bitiwan natin ang dating gawi
para maranasan ang magkaroon ng bagong pagkatao.

Natatakot tayo sa mawawala sa atin, kahit na ang mga dati nating ginagawa ay hindi
talaga nakakatulong. Ito’y sapagkat gaya ng pudpod at lumang pares ng sapatos, pamilyar at
kumportable na tayo sa mga bagay na matagal na nating ginagawa.

5. Kailangan ng Panahon Para Makasanayan Mo Ang Mga Bagong Gawi o Pag-uugali


Tandan na ang iyong karakter ayang kabuuan ng lahat ng mga nakasanayan mong gawin.
Hindi mo masasabing mabait ka kung hindi mo palagiang ipinapakita ang pagiging mabait.
Hindi mo masasabing may integridad ka kung hindi mo nakakagawian ang maging lagging
tapat.

Iisa lang ang paraan para magkaroon ng mga ugaling nagpapakita ng karakter na tulad ng
kay Cristo. Kailangang praktisin mo ang mga ito-at panahon ang kinakailangan para dito!
Walang mga instant na ugali o gawi.

Ang karakter at kasanayan ay nagmumula sa pag uulit-ulit. Ang mga kaugaliang


nagpapalago ng karakter ay tinatawag na “mga disiplinang espirituwal.”

HUWAG KANG MAGMADALI


May mga paraan na makakatulong sa prosesong ginagawa ng Diyos upang patuloy
kang lumago sa buhay-espirituwal.

 Manalig na may ginagawa ang Diyos sa buhay mo, kahit na hindi mo ito
nararamdaman- ang paglagong espirituwal ay isang mabusising trabaho. Paisa-isang
malililit na hakbang lamang ang pwede mong gawin at umasa kang unti-unti kang
mababago.

 Isulat sa isang kuwaderno o aklat-talaan ang lahat ng natutunang aral-


mahalagang balikan natin ang bawat araw na natutunan natin dahil madali tayong
makalimot.

 Maging matiyaga sa paghihintay sa Diyos at sa sarili- madaming nadidismaya sa


buhay dahil ang kanilang orasan ay hindi kapareho ng orasan ng Diyos. Madalas
tayong magmadali habang ang Diyos ay hindi. Maaari kang panghinaan ng loob kung
sa pagalay mo ay napakabagal ng iyong pag-asenso gayong nagsisikap ka naman.
Tandan mo na hindi nagmamadali ang Panginoon pero Siya ay laging nasa oras.
Ang mga magigiting sa kanilang pananampalatayaay lumalago sa pamamagitan
ng pagsubok, bagyo, at mga panahon ng pagdurusa. Kaya maging matiyaga ka
proseso.

 Huwag paghinaan ng loob- isipin mo lagi kung gaano na kalayo ang narrating mo,
hindi ang gaano pa kahaba ang iyong lalakbayin. Wala ka pa sa nais mong puntahan
pero wala ka na sa pinanggalingan mo. Tandan : PBPGINFWMY o “Please Be
Patient God Is Not Finish With Me Yet” na sa wikang Filipino ay “Pasensiya Ka Na
Muna, Hindi Pa Tapos Ang Diyos Sa Akin.”
Hindi pa tapos ang Diyos sa iyo kaya magpatuloy ka sa pagsulong!

Mga Talatang Dapat Tandaan

Filipos 1:6
6
“Tinitiyak ko sa inyong ang mabuting gawa na pinasimulan sa inyo ng Diyos ay Kanyang
lulubusin hanggang sa Araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.”

KONKLUSYON

Sa panahon natin ngayon masyado tayong nahuhumaling sa mabilisang paraan. Mas


mabilis nang makuha ang gusto natin, mas Mabuti. Kung may shortcut, susundin natin iyon.
Ang gusto natin, ay biglaang solusyon solusyon. Subalit ang Diyos ay hindi ganito. Mas
mahalaga sa kanya ang katatagan kaysa sa bilis. Mas gusto nating makinigsa isang
sermon na lulutas agad sa lahat ng ating mga problema, mag-aalis ng lahat ng tukso, at
magpapalaya sa atin sa lahat ng pighati at hapding kalakip ng ating paglago. Subalit ang
tunay na pagiging hinog na mananampalataya ay hindi kailanman nakukuha sa iisang
karanasan lamang, kahit gaano man ito kasidhi. Ang paglago ay unti-unti.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang mga dahilan na nagpapatagal ng ating paglago espirituwal?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Anu-ano ang mga kaparaanan at proseso ng Diyos sa mga bagay na ito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ano ang nagbibigay pakahulugan ng pagiging Disipulo?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Bakit napakahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa Diyos pagdating sa ating paglago
espirituwal?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

You might also like