You are on page 1of 5

DISTRITO EKLESIASTIKO NG ZAMBOANGA DEL SUR

KAPISANANG BINHI

“SELF-DISCIPLINE: LIVING A BETTER LIFE”


Panimula
Napakahalaga para sa isang tao ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili.
Magagawa natin anuman sa ating mga responsibilidad o mga bagay na ating
inaasahang gawin o matapos kung mayroon tayong self-discipline at higit
nating nagagampanan ang ating mga pananagutan sa araw-araw. Halimbawa
na lamang ay sa tuwing nagkakaroon ng pagsusulit ang isang mag-aaral,
nagtatalaga siya ng ilang mga araw bago ang itinakdang petsa nito para sa
pagrerepaso ng kaniyang mga aralin. Maaari ring mayroon siyang dakong
regular na tinutunguhan bago o pagkatapos ng kaniyang klase o anumang
gawain; o kaya'y pagtatakda ng oras para sa paggawa ng kaniyang
pansariling libangan o hobby.
Sa pagkakaroon ng ganitong uri ng mindset, nadi-develop ang ating
self- discipline at higit itong nakatutulong sa atin sa wastong pamumuhay
bilang mga kabataang Iglesia Ni Cristo. Subalit, paano natin maipananatili
ang ating disiplina bilang isang bahagi ng ating pamumuhay para sa
pagpapataas ng uri nito at sa ikauunlad ng bawat isa?

Narito ang sampung mga gawi o habits ng mga taong disiplinado na dapat
nating tularan:

1. Nagtatalaga sa gampanin.
Ang mga taong disiplinado ay totoo at determinado sa kanilang mga
gawain. Tiyak at kongkreto ang kanilang desisyon at hindi nangangailangan
ng sinuman upang pagsabihan pa sa kanilang mga sagutin.

2. Iniingatan ang sarili.


Ang mga bagay tulad ng pagkakaroon ng sapat na oras ng pagtulog,
maayos na nutrisyon at ehersisyo ay unang-una sa prayoridad ng mga
disiplinadong tao. Marapat nating pahalagahan at ingatan ang ating
pangangatawan hindi lamang para sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan
bagkus pati na rin sa pagiging aware sa mga epekto nito sa ating kalagayan
sa kabuoan: kagaya sa ating mood, work performance, pakikipag-ugnayan, at
iba pa.

3. Nagtatakda ng mga limitasyon.


Para maging disiplinado, kailangan mong alamin ang iyong mga
limitasyon, lalo na pagdating sa iyong oras. Ang pagtatakda ng hangganan at
pagsasabing hindi sa mga bagay na ayaw mong gawin o nakakaabala sa iyo
ay nakatutulong upang magawa mo ang mga kailangan at mahalagang gawin
sa bawat araw.
4. Pinananatili ang routine.
Ang routine ay ang pundasyon ng disiplina, lalo na pagdating sa
kasanayan at pamamahala ng oras. Maaari itong magawa sa maraming
paraan, kabilang na ang regular na pagtakbo o pag-jogging sa umaga upang
masimulan mo ang iyong araw na may isang malinaw at bukas na isipan; o
kaya naman ay pagkakaroon ng simpleng pananamit tulad ng pagsuot lamang
ng jeans at isang t-shirt upang hindi makapag-aksaya ng malaking oras sa
pagpili ng iyong susuotin sa isang araw.

5. Nangunguna sila gamit ang kanilang isip, hindi napadadala sa bugso ng


damdamin.
Ang mga taong may mataas na uri ng disiplina ay hindi pumapayag na
mahulog sa kanilang mga damdamin o maging sanhi ito ng hindi paggawa ng
kanilang mga nakagawiang bagay. Ang mga disiplinadong tao ay hindi
pumapalya sa kanilang mga pananagutan bagkus ay sinasanay nila ang
kanilang sarili at nagfo-focus sa kanilang routine. Halimbawa nito ay kapag ang
isang tao ay wala sa mood na pumunta sa gym sa umaga. Kaysa hindi
tumuloy, sinisikap pa rin niyang makapag-ehersisyo at gawin ang kaniyang
responsibilidad.

6. Malinaw na tinutukoy ang kanilang mga layunin.


Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ay hindi lamang nagbubunga ng
magandang kalagayan ng kalusugan at ng kaisipan. Ito rin ay nagbibigay-daan
upang ang isang tao ay maging high-achieving o matagumpay na propesyonal.
Alam nilang kapag ang isang goal ay "vague" o hindi maliwanag, mas malabo
itong matupad. Kapag naman mas specific ang isang goal ay mas tumataas ang
posibilidad na kanila itong mapangyari.

7. Namamalaging organisado at nakatuon sa paggawa dulot ng


pagkakaroon ng mahihigpit na deadlines.
Ang kanilang planner o schedule ang naghahari sa takbo ng kanilang
buhay. Hindi lamang sila nagtatakda ng goals, kundi binibigyan nila ang
kanilang sarili ng isang striktong timeline sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
maliliit ngunit maliliwanag na mga tasks upang mabantayan nila ang kanilang
nagagawang progreso.

8. Ang pananaw ay nasa inaasahang gantimpala.


Ang mga taong mataas ang disiplina sa sarili ay kayang ipagpaliban ang
abot-kamay ngunit mababaw na kasiyahan o "immediate gratification," kapalit
ng pangmatagalan at mas mahalagang gantimpala

9. Nagtatakda ng sariling pagpapanata.


Laging magtiwala sa magagawa ng Ama. Magtalaga ng oras na
pansariling pagpapanata upang dito ay mailapit natin sa Diyos ang ating mga
hiling at mga panalangin. Sikaping matupad ang ating taimtim na pangangako
at pakikipagtipan sa Kaniya.
10. Puspusang nagbabagong-buhay.
Laging magbagong-buhay. Iwasan ang mga bagay na labag sa kalooban
at utos ng Diyos. Marapat lamang na laging nasa ating mga isipan ang
pagsunod sa mga aral at utos ng Diyos. Lagi lamang nating pakahangarin na
magbigay tayo ng kaluwalhatian sa Kaniya.

Konklusyon
Napakahalaga ng pagkakaroon ng disiplina sa buhay nating mga
kabataan lalo pa’t tayo’y kaanib sa Iglesia Ni Cristo dahil itinuturo sa atin na
isagawa ang lahat ng bagay nang may kaayusan at karapatan. Upang
maisakatuparan ito sa ating mga buhay, kailangan natin taglayin ang disiplina
sa sarili. Ito ay huhubog sa ating pagkatao lalo na sa ating pag-iingat ng ating
banal na Karapatan. Lalo nating pagyabungin ang disiplina sa ating sarili
bilang bahagi ng ating pagbabagong buhay upang makabuo ng mas mabuting
bersyon ng ating mga sarili. Dalhin natin ito sa panibagong taon ng ating mga
buhay at tiyak, atin itong pakikinabangan.

You might also like