You are on page 1of 3

Ezekylah M.

Alba
Kawikaan 12:8
“Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan; ngunit ang masama ang puso
ay hahamakin.”
Karunungan, kapalpakan. Dalawang salitang malaki ang pinagkaiba.
Karunungan ang gigising sa utak ng asal hangal. Ito mismo ang hahamak sa tao sa
sarili niyang kamangmangan.
Hangarin natin ang karunungan dahil una pa lamang nasa atin natin ito. Kailangan pa
rin itong mapalago para hindi makita ang asal mangmang na mismong hahamak sa
atin.
Kapalpakan ang sisira sa tao kung ipapakita ng tao na lalo siyang nagiging mangmang.
Tayo mismo ang sisira sa sarili natin kung patuloy natin ibabaluktot ang puso natin.
Kaya’t maging marunong tayo upang umahon sa sarili nating mga kamalian.

Dominic S. Galeon
Kawikaan 13:3
“Siyang nagbabantay sa kanyang mga labi ay nagbabantay sa kanyang kaluluwa,
ngunit ang walang taros magsalita ay hahantong sa pagkawasak.”
Ang salita ay isang mahalagan bahagi ng ating buhay. Sa papamagitan ng salita
makikita kung sino ang totoong nga-iingat sa kanyang kaluliwa. Sapagkat kung tay’y
nag-iingat ay iniingatan din natin ang personal na pagkatao.
Ang mga taong walang pag-iingat sa kanilang mga labi ay madaling masisira. Kaya’t
ang pinakamainam na pagsunod ay hindi lamang makikita sa salita kundi sa paggawa.
Ang salita ay pagkain ng ating kaluluwa. Kaya kung ano ang lumalabas sa dila ng isang
tao ay ang sumasalamin sa kanyang sinusunod.
Mahal ng Panginoon ang Kanyang mg anak, kaya’t mahalin at sundin natin ng buong
puso ang Panginoon. Ang salita ay napakahalagang bahagi sa ating buhay kaya ating
ingatan upang tayo’y umunlad.

Mara T. Cometa
Aneonette P. Chavez
Kawikaan 15:31
”Ang taong nakikinig sa turo ng buhay, ay nabibilang sa marurunong.”

Karunungan ay importante para mabuhay.


        
Ang pagiging totoo sa sarili ay sadyang magsisimula sa sarili kaya bigyan ito ng halaga
para lumago ang sarili.
Ang sino mang marunong makinig sa turo ng buhay ay nabibilang sa kagustuhan ng
Panginoon. Ang pagiging patotoo sa sarili ay sadyang makikita sa sarili kung ito ay
bibigyang halaga.
Ang karunungan ay isang bagay na dapat nating pag-ingatan sapagkat ito'y magbibigay
sa ating makabuluhang buhay. Sa karunungan nagmumula ang kalinisan ng ating
puso't isipan na magpapaintindi at magpapaunawa sa atin ng kahalagahan na kasama
ang Dios. Bukas ang isip at diwa ng taong may karunungan kahit ito’y nasa mahirap na
sitwasyon. Mas mainam ang simpleng buhay na may sagana sa karunungan kaysa sa
taong ang alam ay kayabangan na salungat sa kagustuhan ng Panginoon. May mga tao
na may kaalaman ngunit pansariling hangad ang pinapakita na dapat magamit sa pag-
una.

Jedrick M. Perida
Kawikaan 16:20
Ang marunong makinig ng payo ay mananagana, At mapalad ang sa Diyos ay
naglalagak ng tiwala
Lagi kadalasang di maiiwasang masira, lalo na sa panahon ngayon. Hindi naman natin
palaging masasabing hindi natin sinasadya, kung yung mga pagkakamaling ginagawa
natin ay paulit ulit lang na nangyayari. At ang isa pang bunga ng kawalan ng pagtitiwala
ay mawawala na din yung interasadong pakikinig. Wala ng pakikingan kung doon pa
lamang ay wala ng natirang pagtitiwala. Ngunit sino nga ba ang lubos nating
pinagtitiwalaan ng buong tapat. Nawa ay wag na wag naman sanag mawala ang ating
pagtitiwala sa ating Diyos na sinasamba, kahit na palagi tayong sinusubok ng mga
pangyayaring hindi natin inaasahan.
Lalo na mga panahong ito, nawa ay hindi tayo mawala sa pagsandig sa kanya dahil
lahat ng mga anak niya ay hindi niya pinababayaan.

Gwen Real
Kawikaan 19:2
“Masugid man kung mangmang, walang mapapakinabang, ang kawalan ng
tiyaga’y magbubuli sa kaguluhan.”
Ang mga bagay na walang kapakinabangan ang magdadala sa atin sa kamangmangan.
Kung patuloy itong pahahalagahan ay patuloy tayong mawawalan ng karunungan
nagmula sa Dios.
Mas mabuting mapahalagahan natin ang salita ng Dios dahil ito’y isang kayamanan.
Hindi lang ito pakinabang kundi paglago ang ating matataglay. Ang Salita ng Dios ang
mismong karunungan na ating matatanggap, hindi kamangmangan na bigay ng mga
bagay na walang kapakipakinabang.
Dapat nating taglayin ang karunungan sa ating pamumuhay, hindi ang karunungan na
nagdadala ng kaguluhan. Kaya’t wag nating kalimutan ang salita ng Dios na nagbigay
karunungan sa ating buhay.

Kyla Isabel F. Manalo


Kawikaan 25:4
“Alisin mo ang duming kahalo ng pilak,
at lalabas ang sangkap na kailangan ng platero”

Pilak ay maihahalintulad sa tunay, busilak at makikinang na salita ng Dios. Kung atin


itong isasapuso’t isasaisip ang mga salitang ito may taglay na tayong karunungan.
Karunungan na kahit ano man ay hindi matutumbasan. Salita ng Dios ang iyong
magiging sandata upang mas tumibay ang iyong pananampalataya. Dalisay na puso’y
hindi mawawala basta’t ang pagtitiwala sa Dios ay hindi mawawala.

Ang salita ng Dios at patuloy nating pauunlarin sa ating puso’t isipan magdudulot ito sa
ating lakas ng loob. Maaring gamitin sa mga pagsubok

You might also like