You are on page 1of 2

Bakit Dapat Magkaroon ng Maka-Diyos na Paninibugho ang mga

Kristiyano?

PANINIBUGHO—ang Hebreo at Griegong salita na isinaling“paninibugho” ay may


positibo at negatibong kahulugan.  Ang pokus ng ating pahayag ay ang positibong
paninibugho--ang makadiyos na paninibugho.
Ano ba ang makadiyos na paninibugho? Tumutukoy ito sa paghahanap ng iba’t
ibang paraan upang ipahayag ang katotohanan tungkol sa Diyos, anopa’t
ipinagtatanggol ang kaniyang mga daan at ang kaniyang bayan.

Bakit dapat magkaroon ng Maka-diyos na paninibugho ang mga Kristiyano?


Isaalang-alang natin ang 2 pitak ng ating buhay na kailangan ng katangiang ito:

1. Sa Ministeryo - Kung mayroon tayong makadiyos na


paninibugho,tutulungan tayo nito na magiging alisto at humanap ng mga
pagkakataon na ipakipag-usap at ipagtanggol ang ating pananampalataya
kahit nasaan tayo--lugar ng trabaho, sa paaralan, sa tindahan, at habang
naglalakbay.

Halimbawa, si Midori na nagpapatotoo sa kaniyang mga katrabaho.

Isang kasamahan na nasa mga edad 40 pataas ang nagsabi na hindi siya
interesadong makipag-usap sa mga Saksi ni Jehova.

Sa isa nilang pag-uusap, nagreklamo ang babae dahil sa nagkakaproblema


siya sa nagiging ugali ng kaniyang anak na babae. Kung kayo si Midori, ano
gagawin niyo? (ALISTO si Midori)

Ipinakita ni Midori sa babae ang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan
—Mga Sagot na Lumulutas,* at inalok niyang pagdausan ng Bible study ang
anak na babae ng kaniyang katrabaho. Napasimulan ang pag-aaral, ngunit
hindi nakisali ang ina sa pagtalakay.

Hindi tumigil si Midori. (NAGHANAP NG PARAAN upang makapagpatotoo


sa kanyang katrabaho na ito)

Ipinasiya ni Midori na ipakita sa babae ang video na Jehovah’s Witnesses—


The Organization Behind the Name.* Pinawi nito ang maraming maling
impresyon ng babae. Palibhasa’y napakilos sa kaniyang nakita, sinabi niya:
“Gusto kong maging kagaya ng mga Saksi ni Jehova.” Sumali na siya sa pag-
aaral ng Bibliya ng kaniyang anak na babae.

Kaya kung walang makadiyos na paninibugho si Midori, magagawa niya kaya


na maging mas epektibo sa pakikipag-usap ng ating pananampalataya?

2. Sa kongregasyong Kristiyano.

Kung mayroon tayong makadiyos na paninibugho, tutulong ito sa atin na taglayin ang
espiritu ng pag-ibig at pagmamalasakit at pakikilusin tayo nito na labanan ang mga
impluwensiya na makakasira sa Kongregasyon, tulad ng tsismis at apostatang
pag-iisip.

Kasuwato nito, basahin natin ang paghimok sa 1 Corinto 5:11-13 (Read)

11 Pero ngayon ay sinusulatan ko kayo na tigilan ang pakikisama sa sinumang


tinatawag na kapatid pero imoral,* sakim, sumasamba sa idolo,
manlalait,*lasenggo, o mangingikil, at huwag man lang kumaing kasama ng
gayong tao. 12 Dahil ano ang kinalaman ko sa paghatol sa mga nasa labas? Hindi
ba dapat ninyong hatulan ang mga nasa loob, 13 samantalang ang Diyos ang
hahatol sa mga nasa labas? “Alisin ninyo ang masama sa gitna ninyo.”

Pansinin ang mga pananalita: tigilan ang pakikisama, huwag man lang kumaing
kasama, Alisin ninyo ang masama sa gitna ninyo kanino tumutukoy ito? Sa mga
itiniwalag sa Kongregasyon.

Ano ang dapat nating gawin kung may makadiyos na paninibugho tayo?

Suportahan natin ang mga desisyon ng matatanda sa pagsaway sa mga


manggagawa ng kamalian. (1 Corinto 5:11-13; 1 Timoteo 5:20)

Taglayin sana natin ang katulad ng nadama ni Pablo sa 2 Corinto 11:2 upang
maingatan sa kalinisan sa espritwal ang mga sinaunang Kristiyano noon.

Tulad niya, gawin ang ating buong makakaya upang ipagsanggalang ang doktrinal,
espirituwal, at moral na kadalisayan ng lahat ng nasa kongregasyon.

Bilang sumaryo, Bakit Dapat Magkaroon ng Maka-Diyos na Paninibugho ang mga


Kristiyano?

Una, tutulong ito sa atin na maging mas epektibo sa pakikipag-usap ng ating


pananampalataya at ikalawa, tutulong ito na mapanatili ang kalinisan ng
kongregasyon.
Oo, dapat na na makita ang katangiang ito sa mga Kristiyano sa ngayon.

3 paraan para tulungan ang mga dumanas ng sakuna


1. Pananalangin
2. Pagboboluntaryo tumulong sa relief effort
3. Pagbibigay ng donasyon sa pambuong daigdig na gawain

You might also like