You are on page 1of 2

1. Iwasan ang daan patungo sa kasamaan at lumakad sa daan tungo sa kabanalan.

Anu ang
sinasabi nu isaias 55:7 na dapat gwain ng taong pinatawad ng diyos? Anu ang sinabi ni isaias
55:7 na gawin ng isang taong nakaranas ng kaligtasan?
2. Matapat na dumalo sa pananambahan na siyang turo sa heb. 10:25. Ang unang kadahilanang
pananambahan ay upang magpuri sa panginoon at upang maghamon na patuloy hanggang
pagbalik ni kristo.
3. Makiisa sa mga kapatiran sa ikalalago ng gawain ng diyos, sa ikalalalim ng pananampalataya,
na mabuhay sa kabanalan at kaalaman sa salita ng diyos. Maging hamon sa isa’t isa na mag-
ibigan bilang mga magkakapatid kay kristo, magpanalanginan sa isa’t isa, magtulungan sa oras
ng sakit at kapighatian at magpakita o ipadama ang maawaing espiritu at respeto sa bawat
isa.
4. Magbayad ng ikapo at magbigay ng handog ng may kagalakan at kasaganaan para sa gawain
ng panginoon, kasama na ang suporta ng mga manggagawa, mga gastos ng simbahan,
ikakalaganap ng ebanghelyo sa sanlibutan at sa iba pang paraan ng pagtulong.
5. Panatilihin ang pananalangin at pagbasa ng biblia sa loob ng tahanan, pangsarili man o
pangpamilya.
6. Tulungan ang mga anak upang maligtas sa kasalanan sa kanilang kabataan at palakihin na may
disiplinang maka-diyos at pagibig. May nagsabi “kung ang isang tao ay maligtas, ikaw ay
nakapagligtas ng isang kaluluwa, ngunit kung ang isang bata ay siyang nagligtas, ay
nakapagligtas ka ng isang buhay”. Kailangang unahin ng mga magulang ang kanilang mga anak
na mailapit sa diyos bago ang mga ibang tao. Sabi ni Solomon, “ ituro sa bata ang daan na
dapat lakaran at kahit tumanda, hindi niya ito iiwan.”
7. Mamuhay ng maingat na may katapatan sa lahat ng bagay, n iwasan ang mangutang na hindi
mababayaran, iwasan ang magnhiram ng gamit na hindi naman maisasauli ng may katinuan.
8. Iwasan ang manirang-puri lalo na sa likuran ng iyong kapwa. Ito ay marumi at di kaaya ayang
pakinggan. Iwasan ang pagbanggit sa pangalan ng diyos ng walang katuturan tam aging
halimbawa sa salita at sa gawa.
9. Hindi iinom, magtitinda o gagawa ng mga anumang nakakalasing at may alcohol. Huwag
magtatanim, gagamit o magtitinda ng anumang halaman na nakakasira sa katawan at iba
pang uri ng ng mga bawal ng gamut maliban lamang kung gagamitin sa wastong panggagamot.
10. Iwasan ang makamundong kasiyahan at lahat ng klase ng panunugal, o ano mang klase ng
makakasira sa katawan at magpapahina sa pagiging ulirang kristiyano.
11. Hindi sasama o sasali sa anumang pananambahan tulad na pagsamba sa rebulto, pagsamba sa
mga masasamang espirito o kahit sa anumang paniniwala na may kaugnayan sa mga
pamahiin.
12. Hindi sasapi o sasali sa ano mang uri ng lihis na grupo na may panunumpa (II cor. 6:14-17)
malimit na ang ganitong gupo ay kontra sa ating gobyerno, sa paaralan, sa simbahan o sa
bayan. Hindi dapat makikisali ang mga kristiyano sa ganitong mga gawain. (roma 13: 1-7).
13. Magdamit ng naaayon sa salita ng diyos na matatagpuan sa I pedro 3:3-4 at sa I tim. 2:9-
10.Huwag susunod sa makamundong estilo ng pananamit.
14. Ang araw ng linggo ay araw ng Panginoon. Ihiwalay ang araw na ito upang magpuri sa diyos.
Iwasan ang lahat ng magiging sagabal tulad ng negosyio, pamimili at pagtitnda, pamamasyal,
pagbiyahe na hindi kaugnay sa gawain ng diyos. Lahat ng bagay ay gawin natin para sa
ikaluluwalhati ng diyos.
15. Tuparin at maging tapat sa turo ng biblia na salita ng diyos sa araw-araw na pamumuhay.
16. Panatilihin ang mataas na paggalang at magandang relasyon sa atong simbahan na kung saan
tayo ay miyembro.

You might also like