You are on page 1of 4

KADIWA

Distrito Eklesiastiko ng Pampanga East


“Itaguyod ang Kasiglahang Espiritwal”

Petsa ng Pagsasagawa: July 14. 2019

PAKSA: Courtship: Before you proceed and give your sweet YES.
Layunin:
1. Layunin ng paksang ito na magabayan ang mga binata at dalagang Iglesia Ni
Cristo sa wastong paraan ng panliligaw at pagtanggap ng manliligaw na
sinasampalatayanan nating mga Iglesia Ni Cristo.
2. Layunin din nito na matupad at Maisulong ang “Mission at Vision statement” ng
Kapisanag KADIWA na:
a) Isulong ang masiglang paglilingkod sa Diyos at ipalaganap ang halaga ng
pagkakaroon ng matatag na ikabubuhay at ang kahandaan sa buhay may-
asawa
b) Uliran at mananampalatayang mga binata at dalagang Iglesia Ni Cristo na
handa para sa matatag na kinabukasan
3. Higit sa lahat ay maitaguyod ng bawat kaanib ng kapisanang KADIWA ang
kasiglahang espiritwal.

PROGRAMA NG PULONG:

I. Pahayag ng Paninindigan
II. Pag-awit ng Kapisanan Hymn
III. Panimulang Panalangin)
IV. Pagwelcome sa lahat ng kaanib sa Kapisanan (esp. Doktrina at Sinusubok)
V. Pagtalakay sa mga AGENDA
VI. Pagpapakilala sa “GUEST SPEAKER”
VII. Pagtalakay sa paksa
VIII. Pagpapayo at Pangwakas na Panalangin.(Destinado-Ministro/Manggagawa)
Panimula:

Sa panahon ngayon maraming nahuhulog sa maling paraan ng pag-


aasawa. Nariya’t madalas nating nakikita at naririnig sa ating paligid ang
hinaing at pagsisisi ng mga ng mga kabataang nahulog dito. Kaya’t marapat
nating maunawaan bilang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na nasa kapisanang
KADIWA ang wastong pagpili ng makakatipan at kung loloobin ay magiging
katuwang natin sa buhay. Bilang tao ay normal sa atin ang makaramdam ng
paghanga o pagmamahal sa ating kapwa. Ito ay maaaring isang kaibigang
matalik, pamilya o isang natatanging tao sa buhay natin na kung saan
nagpapasya tayong ipaalam sa taong ito ang ating pakay o nararamdaman.
ngunit bilang isang KADIWANG Iglesia ni Cristo, paano ba ang tamang
panliligaw at pagpapaligaw?

Ano ba ang Courtship o Panliligaw?

Ito ay isang gawain ng taong nanunuyo sa kanyang taong napupusuan o


“Pangingibig”. Ito ay tradisyunal o nakagawiang kultura ng isang lalaki upang
maipahayag niya ang kanyang damdamin para sa babaeng kanyang iniibig.

Bakit mahalaga ang Panliligaw?

Sa panliligaw o panahon ng panliligaw ay nagkakaroon ng pagkakataon


ang dalawang tao na magkakilala ng lubusan. Sa paraang ito ay
makapagdedesisyon ang dalawang tao kung sila’y maaaring maging magkatipan
o magkaroon ng kasunduang magpakasal sa hinaharap.

Ang panliligaw dito sa Pilipinas ay maituturing na malawak at masasabing isa sa pinaka


koplikadong paraan ng panliligaw, di gaya sa kinagisnan ng ibang bansa o lahi.
Dumadaan ito sa marami at mabubusising pamamaraan na unti-unti nang nawawala
ngayon. Narito ang ilang mga gabay na dapat nating sundin at alalahanin sa proseso
ng panliligaw at pagpapaligaw bilang mga KADIWANG Iglesia ni Cristo.

ANO ANG MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN NG ISANG LALAKING


NANLILIGAW?

Sa kabila ng makabagong teknolohiya at pamamaraan ng pagpapahayag ng


kaisipan ay hindi dapat mawala ang mga sumusunod sa lalaking nanliligaw:
 Tiyaking kaanib sa Iglesia ni Cristo ang nais ligawan.
 Manligaw sa tamang panahon o tamang edad at tiyaking may hanap-buhay
na na kayang suportahan ang magiging pamilya sa hinaharap.
 Magpakilala at magpaalam muna sa magulang ng nais ligawan ukol sa
gagawing panliligaw sa kanilang anak.
 Hindi sa social media sites, kalye o mall dapat manligaw kundi sa bahay ng
nililigawan.
 Ugaliing magbigay-galang sa mga magulang o kasambahay ng nililigawan.
 Ilagay sa tamang oras at tamang haba ng oras ang pagdalaw. Iwasan ang
hating gabi o sobrang aga.
 Maging tapat sa hangarin sa panliligaw. Hindi dapat pagsabayin ang
panliligaw sa ibat-ibang babaeng na napupusuan.
 Ang lalaki ang nanliligaw at ang babae ang nililigawan. Hindi ang
kabaligtaran nito.
 Ipagpaalam ang nililigawan sa mga magulang kung aayain itong lumabas at
hayaang magdala ng chaperone.
 Tuparin ang oras ng pag- uwing ipinangako upang hindi masira ang
pagtitiwala ng magulang ng nililigawan.
 Iwasang magdala ng regalo upang magyabang lamang. Makabubuting
magregalo na lamang kung may okasyon.
 Maaaring maging positibo o negatibo ang magiging resulta ng panliligaw,
ihanda ang sarili sa kung ano man ang magiging kahihinatnan nito.
 Makabubuting ituon sa pagkilala sa isa’t isa ang panahon ng panliligaw at di
sa kung anu- anong bagay na walang kabuluhan.
 Huwag kalimutang magtakda ng pansariling panata upang magabayan sa
pagpili ng magiging katipan.

ANO ANG MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN NG ISANG BABAENG


NILILIGAWAN?

Hindi maikakaila na malaki na ang ipinagbago ng takbo mundo, lalo na sa


paraan ng panliligaw ng tao. Ngunit hindi tayo dapat magpalinlang o magpadala
sa pansamantalang ganda nito kaya dapat maging maingat sa pagtanggap ng
manliligaw.

 Tiyaking kaanib sa Iglesia ni Cristo ang manliligaw bago magpaligaw.


 Magpaligaw sa tamang panahon o wastong edad.
 Bago tumanggap ng manliligaw ay tiyakin sa sarili kung handa nang
tumanggap ng manliligaw o pumasok sa isang relasyon upang hindi
makasakit ng damdamin.
 Ipakilala sa mga magulang ang manliligaw.
 Huwag magpaligaw kung saan- saang lugar, sa text o sa social media,
Imbitahan ang gustong manligaw sa iyong tahanan.
 Maging tapat sa manliligaw. Kung hindi napupusuan ay sabihin agad at
huwag bibigyan ng maling kaisipan.
 Huwag maging bastos sa manliligaw na di napupusuan.
 Huwag ding tumanggap ng regalo sa manliligaw kung hindi ito napupusuan.
 Hintayin manligaw sa iyo ang lalaki at huwag ikaw ang manliligaw.
 Magsama ng chaperone kung iniimbitahang lumabas ng manliligaw. Hayaang
ipagpaalam ka ng iyong manliligaw sa iyong mga magulang ukol sa bagay na
ito.
 Maging konserbatibo sa pananamit lalo na kung aayaing lumabas.
 Huwag maging magaslaw sa pagsasalita
 Huwag sirain ang pagtitiwala ng mga magulang mo sa iyo. Tuparin ang
ipinangakong oras ng pag- uwi.
 Makabubuting ituon sa pagkilala sa isa’t isa ang panahon sa panliligaw at di
sa kung anu- anong bagay na walang kabuluhan.
 Tandaan na ang mabuting asawa ay galing sa Dios at hindi kanino man, kaya
marapat lamang na laging manalangin upang hindi magkamali sa pagpili.

KONKLUSYON:

Hindi lahat ng napapahon o uso ay dapat sundin ng tao, Anumang ganda sa


likod ng kasinungalingan ng sanlibutan ay hindi dapat isama sa plano.
Manghawak tayo at manindigan sa mga aral na sinasampalatayanan nating
Iglesia ni Cristo upang kaligtasa’y ating matamo.

You might also like