You are on page 1of 6

CFC Covenant Orientation Talk No.

3 – STRENGTHENING
FAMILY LIFE (Filipino Version)

Pagpapatibay ng Buhay-Pamilya (Strengthening Family Life)


A. PANIMULA

1. Ang Couples for Christ ay isang MINISTRI ng pagpapanibago ng buhay-pamilya ng


mga Kristiyano.

a) Nais nating alalayan hindi lang ang mag-asawahan, kundi ang pagpapatibay ng mga pamilya
rin.

b) Iyong tibay ng ating mga pamilya sa CFC ang magtatakda kung hanggang paano tayo
gagamitin ng Panginoon para sa Kanyang mga layunin.

2. Ang pamilya ang pangunahing yunit o bahagi ng lipunan.

a) Ang kalagayan ng bawat pamilya ang magtatakda ng kabuuang kalagayan ng isang lipunan.

b) Ang pagkilos natin sa pagpapatibay ng buhay-pamilya ang siyang pinakamabisang paraan


para sa pagpapalagong moral ng buong lipunan.

B. PARAAN NG PAGPAPATIBAY NG BUHAY-PAMILYA

1. Higit na unawain ang kahulugan ng ating pananagutan (commitment) sa ating kabiyak


sa pagpapakasal.

a) Ang Pagpapakasal (Marriage) ay isang ugnayan ng mga pananagutan at paglilingkod.

• Higit sa damdamin, ito ay nakabatay sa katapatan (fidelity) sa sinumpaang tipan (covenant).

• Ang pananagutan at paglilingkoday nangangahulugan ng lubos o kumpleto na


ipinagkakatiwala ang sarili sa bawat isa. Ito ay ang pagtatwa ng sarili para sa ikabubuti ng
kabiyak.

b) Marapat na kilalanin natin na una tayong nananagot sa Diyos. Samakatuwid, ang ating
damdamin, kagustuhan at inaayawan, lahat ng ating hangarin, ay pawing napapa-ilalim lamang
sa hangarin at plano ng Diyos sa atin.

c) Sa oras ng paghihirap, maaari tayong dumulog sa Diyos.

• Kinikilala na ang Diyos ang siyang arkitekto ng ating kasal, at alam Niya ang pinakamabuti
para ito ay gumana.

• “Lumapit sa akin at magpahinga..”


Mateo 11:28-30

“LUMAPIT KAYO SA AKIN, KAYONG LAHAT NA NAHIHIRAPAN AT


NABIBIGATANG LUBHA SA INYONG PASANIN, AT KAYO’Y BIBIGYAN KO NG
KAPAHINGAHAN. PASANIN NINYO ANG AKING PAMATOK AT SUNDIN NINYO ANG
AKING MGA ITINUTURO SAPAGKAT AKO’Y MAAMO AT MAPAGKUMBABANG-
LOOB.

MATATAGPUAN NINYO SA AKIN ANG KAPAHINGAHAN SAPAGKAT MADALING


DALHIN ANG AKING PAMATOK AT MAGAAN ANG PASANING IBINIBIGAY KO SA
INYO.”

2. Isabuhay nang ganap ang mga prinsipyo ng personal na pakikipag-ugnayang Kristiyano.

a) Bago pa man tayo mag-asawa, tayo ay magkapatid muna sa Panginoon.

• Ang Kristiyanong kasal ay isang uri lang ng personal na pakikipag-ugnayan o relasyong


Kristiyano.

• Kahit sa anumang personal na pakikipag-ugnayang Kristiyano, kailangang maipamalas natin


sa pang-araw-araw na pamumuhay ang bunga ng Espiritu Santo. Tayo ay inaasahang mahalin at
paglingkuran ang bawat isa, pamahalaan ang damdamin sa wastong paraan, at iba pa.

• Itong kanya-kanya ngunit magka-ugnay na pagsasabuhay ng mag-asawa sa katuruan ng


Bagong Tipantungkol sa sariling pagkatao at pakikipagrelasyong Kristiyano, ay magiging
malaking bahagi ng kanilang pagsasabuhay ng pananagutan sa bawat isa bilang magkabiyak.

b) Ang kahingian ng personal na pakikipag-ugnayang Kristiyanoay higit pa sa pagsasagawa ng


makataong pag-uugali. Tinatawag tayo sa pagmamahal na walang kundisyon at sa paglilingkod.

Mateo 5:44-48

“NGUNIT SINASABI KO SA INYO: IBIGIN NINYO ANG INYONG MGA KAAWAY.


PAGPALAIN NINYO ANG MGA NAPOPOOT SA INYO.GAWAN NINYO NG MABUTI
ANG MGA NAGAGALIT SA INYO.IPANALANGIN NINYO ANG MGA UMAALIPUSTA
SA INYO AT ANG MGA UMUUSIG SA INYO.ITO AY UPANG KAYO AY MAGIGING
MGA ANAK NG INYONG AMA NA NASA LANGIT SAPAGKAT PINASISIKAT NIYA
ANG KANIYANG ARAW SA MGA MASAMA AT SA MGA MABUTI. AT BINIBIGYAN
NIYA NG ULAN ANG MGA MATUWID AT ANG MGA HINDI MATUWID.

ITO AY SAPAGKAT KUNG ANG IIBIGIN LAMANG NINYO AY ANG MGA UMIIBIG SA
INYO, ANONG GANTIMPALA ANG INYONG MAKAKAMIT? HINDI BA GANYAN DIN
ANG GINAGAWA NG MGA MANININGIL NG BUWIS?KAPAG ANG MGA KAPATID
LAMANG NINYO ANG INYONG BABATIIN, ANO ANG KAHIGITAN NINYO SA
IBA?HINDI BA GANYAN DIN ANG GINAGAWA NG MGA MANININGIL NG BUWIS?

KAYA NGA, KAYO AY MAGPAKAGANAP TULAD NG INYONG AMA NA NASA


LANGIT AY GANAP.”
3. Gawin ang TAHANAN na gitna ng buhay-pamilya.

a) Sa dumadaming pamilya, ang relasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay higit na
humihina kaysa inaasahan.

• Ang mga magulang ay hindi sapat na nakapaglalaan ng panahon para sa mga anak. Madalas
na sila ay may ibang pinagkaka-abalahan at hindi masumpungan, sa pisikal man o sikolohikal
(psychological) na paraan.

• Ang mga anak ay pinaglalabanan ang mga panuto o direksyon, at walang koneksyon sa mga
kahilingan, pag-asal, at paniniwala ng magulang nila.

b) Nangyayari ang ganitong mahinang relasyon sa pamilya dahil ang tirahan ay hindi na sentro
ng hanapbuhay, edukasyon, at pag-alaga ng maysakit at nakatatanda. Dagdag na resulta pa nga
nito, ang tirahan ay hindi na puno ng gawaing kailangan para sa buhay-pamilya, na
kapapalooban ng pagsasama ng mga magulang at mga anak.

c) Kung kaya ang mga pamilya ay nararapat na bumuo ng mga pagkakataon upang
mapalaganap ang sakop ng mga tungkulin at gawain sa loob ng tahanan, sa mga paraan na
pinagsasama-sama ang mga magulang at kanilang mga anak.

• Ang tirahan ay gawing tahanan, kung saan ang mga miyembro ng pamilya ay nakakaranas ng
pagmamahalan, mainit na pagtanggap, at pagpapalakas ng kalooban.

• Ang mga magulang ay kailangang magpasya na ibalik ang buhay ng tahanan, at maglaan ng
oras para dito (halimbawa -pagkain nang magkakasabay, paglilibang ng mag-anak, sama-samang
pagtapos ng gawaing-bahay, at iba pa).

• Ang mahalagang elemento dito ay hindi sa kung ano ang ginagawa, kundi sa uri at pag-unlad
ng relasyon o pakikipag-ugnayan ng mga miyembro ng pamilya.

4. Makipag-ugnayan sa iba pang Kristiyanong pamilya.

a) Hindi lamang ang ugnayan ng magulang at anak ang nanghina, gayundin ang inter-aksyon sa
pagitan ng mga henerasyon.

• Sa paghahanapbuhay lalo sa pangangamuhan (employment), sa eksena ng paglilibang at


maging sa edukasyon, ang mga tao ay pinagsasama-sama ayon sa kanilang edad, at nakabukod sa
higit na nakatatanda o nakababata ng tukoy na grupo.

• Ang magkakahiwalay na mundo ng mga batang paslit, mga kabataang lumalaki pa lang, at mga
nakatatanda at may-edad na, ay nagreresulta na ang mga miyembro ng pamilya ay mailagay sa
di-magkaugnay na pagpangkat-pangkat ng lipunan.

• Ang resulta naman nito ay ang nangungunang aspeto sa pagpapahina ng relasyon ng magulang
at anak, lalo na sa kakayahan ng mga magulang na hubugin ang mga bata sa pagsisimula ng
kanilang pagpasok sa eskwela.
b) Kung kaya nga ang mga Kristiyanong pamilya ay dapat na laging naghahanap ng pagkakataon
na ibahagi ang buhay sa bawat isa.

• Mapapaunlad ulit ang relasyon ng Kristiyanong mga pamilya – sa paghahanapbuhay nang


sama-sama, sa pagkakaroon ng karaniwang buhay sa lipunan o isang pamayanan, at sa
pagtutulungan ng bawat isa sa pamamagitan ng iba-ibang paraan na makakasakop sa mga
nakararami, anuman ang kanilang edad.

• Halimbawa ng mga matutupad na gawain – pagdiriwang ng Araw ng Panginoon (Lord’s Day),


sama-samang pagbabakasyon, maghapong paglilibang ng mag-anak (outing), at iba pa.

c) Magandang simulain – tayo nga ay narito na sa ganitong umuunlad na ugnayan ng mga


Kristiyanong mag-anak.

• Mayroon tayong Family Ministries (may nakalaan para sa lahat ng miyembro ng pamilya), na
sa pamamagitan ng mga ito ay nagkakaroon tayo ng mas maraming gawain na magkakasama
nating matutupad.

• Alam natin na hindi tayo nag-iisa o konti sa ating paghahangad na mapalakas ang ating
Kristiyanong buhay-pamilya.

5. Ipatupad ang higit na pag-aawat o kontrol sa paggamit ng mass media at oras ng


pamilya natin.

a) Maraming pamilya ang hindimadiin na hinaharap ang pag-iral ng MASS MEDIA. Ang
media ay madalas na may di-matapos na pag-iral o impluwensiya sa maraming pamilya.

• Ang paghubog ng mga batang kaisipan ay halos nai-asa na nang tuluyan samga Industriya ng
Impormasyon (Information Industry, kabilang ang mga nagbabalita pati na ang Internet) at
Industriya ng Pag-aliw (Entertainment Industry, mga gumagawa ng programa ng libangan).

• Gayundin, pinapahina ng media ang mga gawain at pakikipag-usap sa loob ng pamilya.

b) Dapat na bantayan natin at pamahalaan ang pagdating ng mga aklat, iba pang babasahin,
komiks, mga tugtugin, at maging mga programa sa radyo at telebisyon, sa loob ng tahanan.

• Pagpasyahan kung ano ang maaaring umiral sa loob ng bahay tungkol sa MASS MEDIA.

• Pagpasyahan ang haba ng oras ng pag-iral ng MASS MEDIA, tulad ng panonood ng telebisyon.
c) Dahil na rin sa limitadong panahon na nagkakasama-sama ang pamilya, itakda ang dapat
unahin (priorities) at mamahala sa oras nang naaayon.

• Ang mga magulang at mga anak ay hindi dapat magumon sa kanya-kanya nilang pinagkaka-
abalahan na nagiging dahilan ng kakulangan ng de-kalidad na oras (quality time) para sa
pamilya.

• Nararapat din na maging malikhain tayo sa pagbuo ng libangang pampamilya. Ang layunin
natin sa ganito ay magkaroon ng pag-aaliw, kapahingahan, katuwaan, kapatiran, paghuhubog at
pag-unlad ng mga miyembro ng pamilya.

6. Bumuo ng mga Kristiyanong pagpangkat-pangkat para sa mga kabataan.

a) Ang pagpangkat-pangkat ayon sa edad ay mahalaga.

• Itong pagpangkat-pangkat ayon sa edaday may malaking impluwensiya sa buhay ng mga


kabataan.

• Hindi naman natin aalisin ang ganito, kundi gagabayan ang mga kabataan sa tamang direksyon.

b) Sikaping mapabilang ang mga kabataan sa ating CFC Family Ministries.

• Sila ay makabubuo ng matibay na magkakatuwang na relasyon o pakikipag-ugnayan bilang


magkakasing-edad.

• Magkakaroon tayo ng tukoy napagpangkat-pangkat ayon sa edad na hiwalay sa sekular na


lipunan, o iyong hindi Kristiyano ang pagkiling.

• Ang mga kabataan ay malalim na matatali sa buhay ng mas malaking katawan ng


mananampalataya.

7. Maging pastor o tagapastol ng ating mga anak. (LIVING BY EXAMPLE)

a) Ang mga magulang ay dapat kumikilos ng buháy o aktibo sa pagsasanay at paghuhubog ng


kanilang mga anak, sa pagkakaroon ng Kristiyanong pananampalataya at pagkatao.

b) Ang pinakamatinding mithiin ng pagpapalaki at paghubog sa ating mga anak ay hindi upang
magawa nila ang gusto nating mga magulang, kundi ang matupad nila ang kapalarang itinakda
ng Diyos.

• Ang mithiin natin ay hubugin sila para sa kanilang buhay, ang makapagtanim sa kanila ng
Kristiyanong pagtatangi at pagpapahalaga. Dapat lang na ibigay natin sa kanila ang ganitong
Kristiyanong pamana.

• Halimbawa – mga Israelita


Deuteronomio 6:20-25

KAPAG DUMATING ANG ARAW NA ITANONG NG INYONG MGA ANAK KUNG


BAKIT KAYO BINIGYAN NI YAHWEH NG MGA KAUTUSAN AT TUNTUNIN, GANITO
ANG SABIHIN NINYO:

“NOONG ARAW, INALIPIN KAMI NG FARAON SA EGIPTO. PINALAYA KAMI ROON


NI YAHWEH SA PAMAMAGITAN NG KANYANG KAPANGYARIHAN. NASAKSIHAN
NAMIN ANG MARAMING KABABALAGHANG GINAWA NIYA LABAN SA FARAON
AT MGA EGIPCIO. INILABAS NIYA KAMI SA EGIPTO UPANG DALHIN SA LUPAING
IPINANGAKO NIYA SA ATING MGA NINUNO.

IBINIGAY NIYA SA AMIN ANG MGA KAUTUSAN AT TUNTUNING ITO UPANG


MAGTAGLAY KAMI NG TAKOT SA KANYA.SA GAYON, SASAGANA TAYO AT
IINGATAN NIYANG TULAD NG GINAGAWA NIYA SA ATIN NGAYON.
KALULUGDAN TAYO NG DIYOS NATING SI YAHWEH KUNG SUSUNDIN NATIN NG
BUONG KATAPATAN ANG LAHAT NG IPINAG-UUTOS NIYA SA ATIN.”

c) Kailangang maging masidhi tayo na akuin ang pagkukusa – higit sa ginagawa ng mga
paaralan, ng iba-ibang pangkat, at kahit ng media.

d) Ang panalangin ay kailangan para maisagawa ang kabuuan ng buhay-Kristiyano; ang


pananalangin nang sama-sama at personal na panalangin ay parehong mahalaga.

C. PAGLALAGOM

1. Ang Pinagpalang Papa Juan Pablo Ikalawa (ngayon nga ay ganap nang SANTO) ay nagpa-
alalala sa pamamagitan ng dokumentong Familiaris Consortio – “Ang kinabukasan ng buong
sangkatauhan ay nakasalalay sa mga pamilya.”

2. Kailangan nating mapagtibay ang buhay-Kristiyano ng mga pamilya, upang maipagtanggol


ang likha ng Diyos, at tuluyang mapagbago ang mukha ng mundo.

Gabay sa Participants: PANSARILING PAGNINILAY

1. Itinataguyod ko ba ang aming pamilya ayon sa mga prinsipyo ng tunay na Kristiyano?

2. Panginoon, patawarin ninyo ako sa mga paraan na ako ay sumablay. Pagkalooban ninyo
ako ng grasya na makapagsimulang muli, at mapalago ang aming pamilya para sa iyo.

You might also like