Nais ko munang ipaabot ang matapat na pagbati at paghanga sa magaling
na pamunuan ng Kagawaran ng mga Araling Panrelihiyon at ng Sentro sa Pag-aaral ng Relihiyon, Philippine Psychology Research and Training House, hindi lamang dahil sa kanilang kahanga-hangang pagsusumikap na tuklasin at palutangin ang katutubong teolohiyang Pilipino kundi lalo na ang kanilang paggamit ng sariling wika sa kaniIang talakayan, pagpapalitang-kuro, at pagmumuni-muni. Ito ang tinatawag na pamamaril 0 panunudla ng dalawang ibon sa pama- magitan ng iisang bato lamang. Sa ibang sabi, makapilipino na ang hangarin, ang pamamaraan ay makapilipino pa rin. Makabuluhan at tiyak na makatutulong sa ating hangarin ang mga diwang nabanggit ng ating kapanalig at kaibigang Dr. Vir Enriquez tungkol sa pagsasakatubo ng teolohiyang Pilipino. Nais ko lamang ipagdiinan at puka- win ang inyong pansin tungkol sa dalawang bagay bilang karagdagan sa kanyang sinabi upang maging higit na makatao at makapilipino ang layuning pagsasakatubo. Una: Dapat nating isaalang-alang ang katutubong paghahakang-pandiyos ng mga taong-bayan, nang sa gayon ay magiging tunay na makapilipino ang pagsasakatubo, at Pangalawa: Dapat iakma at iugnay ang anumang hiram na konseptong panteolohiya sa pangkasalukuyang mga kalagayan at l<aranasan ng mga taong-bayan, upang magiging totoong makatao at maka9lduhan ang pagsasa- katubo. Ipaghalimbawa't ipaliwanag natin ang cjelawang mungkahing tinuran. Ating tunghayan ang ilang paghahakang-bayan tungkol sa bagay na pihag- uusapan upang malaman ang lahatang pananaw-pandiyos ng mga Pilipino. Ayon sa mga kapatid nating Kapampangan, "Ngana ning Ginung Dios saupan daca nung saupan me ing sarili mu" (Tinutulungan ng Diyos ang tumutulong sa kanyang sarili). Sinasabi naman ng mga Tausug: "Tabanga in baran mo, tulungan kau sin Tuhan" (Tulungan mo ang sarili mo upang tulungan ka rin ng Diyos).
* Reaksiyon ng may-akda sa panayam tungkol sa paksang tinuran na itinaguyod ng Kagawaran ng mga
Araling Panrelihiyon, DLSU,
15 16 Florentino T. Timbreza
Gayundin sa mga Ivatan: "Sidongan ca nu Dios, anu sidongan mo
caracuhan mo" (Tutulungan ka ng Diyos kung tutulungan mo ang sarili mo). Kahit na ang mga Tagalog ay naniniwalang "Ang Diyos ay mahabagin sa nananawagan nang taimtim; ngunit kung hindi ka hihiling, hindi ka rin kukusain" . Halos ganito rin ang isinasaad ng mga Ilokano: "Uray lualoka a lualo, no dika met agtrabaho, awan mauraymo" (Kahit dasal ka nang dasal kung hindi ka naman gumagawa ay wala kang mahihintay). "Uray kararagka a kararag, no dika met agalibtak narigat latta ti biag" (Kahit dalangin ka nang dalangin kung hindi ka naman magsumikap ay mahirap din ang buhay). Sa ibang sabi, ayon sa mga Tagalog, "Nasa Diyos ang awa, nasa 1:ao ang gawa". Kung ating pagkukuru-kuruin, may mahalagang pahatid ang mga taong- bayan sa mga pahayag na nabanggit. Mahihinagap sa rnga ito ang katotoha- nang hindi ipinauubaya ng Pilipino ang kanyang pananagutan sa Diyos. Tahasang inaarnin niya na ang paggawa at pagkilos ay siyang puspusang pananagutan ng tao at hindi siya dapat urnasa na larnang sa awa ng Pangi- noon. Bagarnat ang kanyang tiwala at pananalig sa Panginoon ang nagdudulot sa kanya ng lakas-Ioob na gurnawa, hindi siya naghihintay 0 kaya'y urnaasa na lamang ng grasya 0 biyayang hulog ng langit nang hindi gumagawa. Sabi nga sa Kabikulan, "An Diyos ng Diyos dai naghuhulong sa rios" (Ang Diyos nang Diyos ay hindi makahihintay ng awa). Alalaong baga, huwag kang tawag nang tawag sa Diyos. Kinakailangang gumawa ka. Kumilos ka upang pakinggan ka ng Diyos. Kung tawag ka nang tawag, subalit hindi ka narnan kumikilos 0 gurnagawa, tiyak na hindi ka pakikinggan ng Diyos, ayon sa rnga taong-bayan. Sa rnadaling salita, ang katutubong teolohiya na mahihinuha natin dito ay ang teolohiya ng paggawa. Ibig sabihin, higit na mabisa at makabuluhan ang pananampalataya sa Poong Maylikha sa pamarnagitan ng malikhaing pag- gawa (creative work). Halimbawa, ang malikhaing paggawa para sa kapaka- nan ng ating kapwa ay isang uri· ng pagkilala sa kabutihan ng Diyos. Ang rnalikhaing paggawa hindi lamang para sa ating kabutihan kundi para sa kapakanan din ng iba ay isang uri ng matain1tirn na panalanging laging pinakikinggan ng Diyos. Bukod pa sa rito, ang pananalig ng Pilipino sa Diyos ay may kinalarnan din sa pagkilala niya sa kanyang kapwa-tao. Sabi halimbawa ng mga Boho- lano, "Ang tawo nga dili rnahadlok sa iyang isigcatawo, walay cahadloc sa Dios" (Sinumang hindi takot sa kanyang kapwa-tao ay walang takot sa Diyos). Ipinahihiwatig nita ang pagkilala ng tao sa kanyang kapwa upang rnakilala niya ang Diyos. Kung takot ka sa kapwa mo, kung galit ka sa kanya, halimbawa, ay takot at galit ka na rin sa Diyos. Subalit kung lapitan rno ang iyong kapwa ay parang lumalapit ka na rin sa Diyos. Ang Katutubong Teolohiya 17
May kaugnayan ito sa paghahaka ng mga Boholano: "Ang kasingkasing sa
mga tao, mas ang kasingkasing sa langit" (Ang puso ng mga tao ay siyang puso ng langit). Ibig sabihin, hanapin natin ang puso 0 kabutihan ng langit sa puso 0 kabutihan ng mga tao. Kaya sabi ng mga Tagalog, "Ang tunay na kabanalan ay ang pag-ibig sa kaaway." Alalaong baga, kung mahal mo ang iyong kapwa ay mahal mo na rin ang Diyos. Sub alit kung napopoot ka sa iyong kapwa-tao ay hindi masasabing mahal mo ang Diyos. Hindi ba nahahalintulad ito sa pahayag ni Karl Rahner? "Kailangang tingnan ng tao ang di-nakikitang Diyos sa kanyang nakikitang mga kapatid" (Man must see the invisible God in his visible brothers). Pangalawa ay ang layuning pag-aakma 0 pag-aangkop ng mga konseptong panteolohiya sa mga tunay na kalagayan at karanasan ng mga Pilipino. Kinakailangang masaksihan at maramdaman ng Pilipino ang kaangkupan (relevance) at kaugnayan ng pananampalataya sa Diyos sa kanyang kongkre- tong katayuan. Sapagkat kung hindi ay hindi niya mauunawaan, hindi niya mawawari ang kabuluhan at kaugnayan ng paniniwala sa Diyos sa kanyang buhay. Ipaghalimbawa natin. Ang kinamulatang diwa ng kabanalan, kaespiritu- han, 0 pagkamakadiyos ng mga Pilipino ay ang puspusang panalangin nang araw-araw kung maaari, pagrurosaryo 0 pagnunubena sa lahat ng santo, 0 linggu-linggong pagsisimba upang dalawin diumano ang Diyos sa kanyang tahanan. Ngayon bilang bahagi ng layuning pag-aangkop at pagsasakatubo ng mga konseptong pandiyos, marahil ay higit na makabuluhan at makatao kung bibigyan ng panibagong-bihis 0 kahulugan ang konsepto ng pagkamakadiyos o pagkarelihiyoso batay sa nararanasan at nararamdamang sitwasyon ng mga taong-bayan. Halimbawa, ang pagkalinga, paglilingkod, at pagtangkilik sa mga taong inaapi at mga biktima ng kawalang-katarungan at karahasan ay isang makata- o't makakristiyanong kahulugan ng pagkamakadiyos 0 pagkarelihiyoso. Ang masugid na pagsasakatuparan sa ating sariling pananagutan at pananagutan sa ating kapwa ay isa ring mahalagang kahulugan ng ating pagkadaramang kasa-kasama at namamagitna sa atin ang Diyos. Maalaala ko tuloy ang makabulul,wng pahayag ni Dietrich Bonhoeffer. "Ang pagiging isang Kristiyano, " aniya, "ay hindi nakasalalay sa paggawa ng isang gawaing pangrelihiyoso (tulad ng pagsimba 0 pagdarasal) kundi sa partisipasyon 0 pakikibahagi sa paghihirap 0 pagdurusa ng Diyos alang-alang sa ikabubuhay ng buong daigdig." Samakatwid, ang pakikibahagi sa pagdurusa ng ating mga kababayan, ang pakikipagtulungan sa kanilang suliranin at pagiging aping-api, ay siyang pakikibahagi na rin sa pagmamalasakit ng Diyos para sa lahat ng tao. Sa ganang akin, kung ganito ang magiging takbo at direksiyon ng layuning pagsasakatubo ng teolohiyang katutubo ay para ko nang nakikinikinita ang 18 Florentino T. Timbreza
malaking tulong na maidudulot nito sa paglutas ng ating mga suliraning
panlipunan. Malaking hamon ito para sa sinumang naghahangad na maging makabuluhan, makatao, at makapilipino ang pananampalataya sa Diyos. Maraming salamat at mabuhay ang teolohiyang makapilipino.