You are on page 1of 3

ESP (THIRD QUARTER)

ARALIN1: IPAGPASALAMAT ANG LAHAT NG BAGAY


Ano ang Pagtanaw ng Utang na Loob?

 Ang salitang utang na loob (gratitude) ay nagmula sa salitang Latin na grata o


gratia na nangangahulugang “ipinagkaloob na regalo”
 Ang handog ay ibinigay ayon sa kagustuhan at mula sa kabutihan ng nagbigay.
1. Pasasalamat - pagkilala sa mga bagay na dapat na ipagpasalamat
2. Pagiging bukas-palad – isang katangian ng pag-aalay ng sarili sa kapwa nang
walang hinihintay na kapalit.
3. Kababaang loob – isang katangian ng pagtanggap na ang lahat ng binigay sa
atin ay dapat ipagpasalamat.
 Pagbabayad o “paying forward” ito ay paggawa rin ng pabor sa kapwa, bilang
pasasalamat ng isang taong nakatanggap din ng pabor.
 Ang panalangin ni Thich Nhat Hanh ay nagpahayag na ang kabutihan ay hindi natin
napapansin kahit nasa paligid lamang natin.
 Ayon kay Dietrich Bonhoeffer tanging sa pagiging mapagpasalamat nagiging
masagana ang buhay.
 Ang Eukaristiya ay tinuturing na pinakadakila sa pitong sakramento ng mga Katoliko.
 Ang salitang eucharist ay nagmula sa salitang Griyego eucharistia, na
nangangahulugang pasasalamat.
 Ayon kay Propeta Muhammad ang pagpapasalamat para sa kasaganaang natatamo
ang pinakamahusay na panghawakan upang magpatuloy ang kasaganaan.
 Tayong mga Pilipino ay kilala sa katangian na pagtanaw ng utang na loob na kasama
ng ating pakikipagkapwa- ito ay pagtrato sa iba bilang kabahagi ng ating
pagkakakilanlan.
 Ayon kay Francis Dancel ang Pilipino ay walang silbi kung siya ay walang utang na
loob.
 Ayon sa mga social scientist ang pagtanaw ng utang na loob ay isang napakanatural
na reaksiyon ng tao sa kabutihan.
 Ang pagiging arogante, na kabaligtaran ng kababaang-loob at maaaring isang
sagabal sa pagtanaw ng utang na loob.
 Ang mentalidad na paghahari-harian o entintlement mentality ay maling paniniwala
ng isang indibidwal na siya ay karapat-dapat o nararapat sa ilang pribilehiyo.

Pagpapalakas ng Pagtanaw ng Utang na Loob sa Ating Pang-araw-araw na Buhay

1. Bilangin ang iyong pagpapala – Ang taong tumatanaw ng utang na loob ay nagbibigay ng
atensyon sa mabuting mayroon siya sa halip na magreklamo sa mga bagay na wala sa kanya.
2. Pagkakaroon ng araw-araw na tala ng mga ipagpapasalamat – Araw-araw ay magtala ng
hindi kukulangin sa limang bagay na maaari mong ipagpasalamat sa araw na iyon.
3. Sumulat ng mensahe ng pasasalamat – Simulan ang gawi na pagdadala ng maliliit na stick-
on-notes at magagandang stationeries na magagamit para sa mga mensahe ng pasasalamat.
4. Sumali sa mga Outreach projects – Ang aktuwal na pagbisita sa mga nangangailangan, kung
saan ang mga pangunahing pangangailang ay salat ay makakapagpaalala sa atin sa lahat ng
mga bagay na ating tinatamasa.
ARALIN 2: IGALANG MO ANG IYONG AMA AT INA
Bakit kailangang igalang at sundin ang mga magulang, nakatatanda, at mga may katungkulan?

 Kasama sa itinuturo nang halos lahat ng relihiyon ay ang tungkulin ng mga anak sa
kanilang magulang na paggalang at pagsunod.
 Sinabi nga ni Michael Jordan, ilang beses na bang may sinabi ang iyong mga magulang
na huwag mong gawin ang isang bagay subalit ito mismo ang iyong ginawa.

Mga Katuwiran Ayon sa Pilosopiya

A. Aristotle – Ang pamahalaan tulad sa mga tahanan ay isang monarkiya dahil bawat tahanan
ay pinamamahalaan ng isang pinuno at ganito din ang relasyon ng mga magulang sa anak.
B. Confucius – Ang mga magulang ay dapat sundin anuman ang edad ng mga anak, ang
pagpapahalagang ito ay tinatawag na filial piety, ang filial ay nangangahulang “ng bata”

Mga Katuwiran mula sa Pananampalataya at Relihiyon

 Ang ibig sabihin ng salitang honor ay paggalang, pagbibigay ng mataas na pagpapahalaga o


pagtuturing sa tao bilang isang mabuti at nakatataas.
 Ang ikaapat sa Sampung Utos ay nagsasabing igalang ang iyong mga ama’t ina/ magulang
upang ikaw ay mabuhay nang matagal sa lupaing kaloob sa iyo ng Panginoong Diyos.
 Ang Talmud, ang pinagsama-samang kautusan ng mga Hudyo, ay nagsasabing may tatlong
magkakatuwang sa paglikha ng isang tao: Diyos, ama at ina
 Para sa mga kapatid nating Muslim, ang paggalang sa mga magulang ay katumbas o kasunod
ng paggalang sa Diyos.

Mga Katuwiran mula sa Kulturang Pilipino

A. Paggamit ng po, opo at ho – ginagamit sa pakikipag-usap sa mga nakakatanda at nakakataas


bilang tanda nf paggalang.
B. Mano po – Ang paghalik sa kamay o pagkuha sa kamay ng mga matatanda upang idampi sa
iyong noo, sinasamahan din ito ng pagyukod ng bata.
C. Gaya ng mga Tsino mayroon ding pantawag sa nakakatandang kapatid ang mga Pilipino –
Paggamit ng mga salitang ate at kuya.

Pag-unawa sa Pagiging Masunurin

 Ang salitang pagsunod (obedience) ay galing sa pariralang Latin na ob at obedire, na


nangangahulugang “pakinggan”.
 Ayon kay Robert Lee, ang pagsunod sa makaturungang kapangyarihan ay pundasyon ng
tunay na pagkatao.
ARALIN 3: MAGING MABUTI AT MATUTONG DUMAMAY
 Ayon kay Santa Teresa, matatagpuan ang ating mga sariling Calcutta sa ating mga sariling
tahanan, paaralan at pamayanan.
 Sinabi naman ni Cardinal Luis Tagle ang dahilan ng korapsyon na pagnanakaw ng pondo
para sa mahihirap, ay dahil hindi nila kilala ang mahihirap.
 Si Kesz Valdez ay isang Pilipino na pinarangalan sa International Childrens Peace Award sa
Hague, Netherlands. Sinabi niya sa kanyang talumpati na “Huwag mawalan ng pag-asa kahit
na ikaw ay nakatira sa lansangan, sino ka man nasan ka man, may magagawa ka upang
makatulong sa pagpapaunlad ng daigdig.

Pagdamay at Paglilingkod

 Ang pagkalinga o pagdamay ay higit na naipapakita sa halip na basta kamang naituturo- ito
ay isang tapat na hangaring maibsan ang pagdurusa ng kapwa.
 Ang diwa ng pagiging bukas-palad ay may kasamang mapagkalingang paglilingkod – ang
ating pagiging bukas-palad sa kapwa ay hindi isang bagay na ginagawa natin nang kusa, ito
ay isang pagtugon sa pagmamahal na ibinigay sa atin.
 Ang pagtulong na ating gagawin ay dapat na maging kongkreto sa abot ngating mga
kakayahan at talento – kahit gaano ito kasimple may magagawa ito.
 Ang pagdamay ay pagiisip muna ng pangangailangan ng kapwa bago ang sarili – ang ating
motibo sa pagliligkod sa kapwa ay maaaring hindi lubos na busilak.
 Hindi natin kailangang hintaying tumanda bago makapag-ambag ng bagay na positibo sa
ating lipunan – ang mga bata ay maaari nang turuan na gumawa ng maliliit na kabutihan sa
pamilya at sa paaralan.

Pag-unawa sa Pagdamay Batay sa Pilosopiyang Buddhist

 Batay sa pagtinggin ng mga Buddhist, ang problema bg mga tao sa daigdig sa kasalukuyan ay
ang kanilang paghahangad na mangibabaw na talunin ang isa’t-isa.
 Ang pagdamay o hangaring maibsan ang pagdurusa ng kapwa ay nagdudulot ng karunungan
(lubos na pag-unawa)
 Ayon sa turo ni Buddha ang kabutihang may lakip na pagmamahal ay may dalawang
aspekto, ang negatibo o kawalan ng galit at karahasan at ang positibo o aktibong
paggawa ng kabutihan.

Batayan ng Kabutihan at Pagdamay

 Ang ating kalikasan at layunin bilang mga tao – Ito ang batayan n gating pagkaunawa
kung ano ang inaasahan na dapat taglayin, gawin, at maging bilang mga taong marunong
dumamay.
 Ang pagdamay ay nagmumula sa pagkaunawa na ang kapwa ay hindi tulad natin –
Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.
 Ang ating karanasan sa modernong daigdig – Ayon kay Henri Nouwen ang kaligayahang
nagdudulot ng pagdamay ay isa sa mga natatagong lihim ng pagkatao. Ito ay isang lihim
na batid lamang ng iilang tao.

You might also like