You are on page 1of 42

May tatlong antas ang Kawalan ng

Pasasalamat na dulot ng entitlement


mentality o ang paniniwala ng isang
tao na ang lahat ng kanyang
kagustuhan ay kanyang karapatan
na kailangan agad matugunan. Ang
mga antas na ito ay ang sumusunod:
• hindi pagbalik ng kabutihang loob sa
kapwa sa kabutihang loob na natamasa
• paglilihim sa kabutihang naibigay ng
kapwa
• pagkalimot o hindi pagkilala sa tulong
na natanggap
Ang pasasalamat o gratitude sa
Ingles ay nagmula sa salitang
Latin na gratus-nakalulugod,
gratia-pagtatangi o kabutihan at
gratis-libre o walang bayad.
◦Ang pasasalamat o gratitude sa Ingles ay
nagmula sa salitang Latin na gratus-
nakalulugod, gratia-pagtatangi o
kabutihan at gratis-libre o walang bayad.
◦Kawalan ng pasasalamat o ingratitude
ay isang masamang ugali na
nakapagpapababa ng pagkatao.
◦ Ang pagkilala sa mga kabutihang loob o biyayang
natanggap sa pamamagitan ng pasasalamat ay
isang pagpapatunay ng pagtanaw ng utang na
loob sa Diyos at sa mga nilalang na
kinasangkapan nito. Napatutunayan ng isang
nilalang na mapagpasalamat ang pagkilala nito
sa mga biyaya ng Diyos ng walang entitlement
mentality o pagkilala o pagtanggap nito, na ang
kanyang tagumpay ay dulot ng kanyang
karunungan na biyaya sa kanya ng Diyos at hindi
dahil sa kanyang sariling kakayanan lamang
◦Ang isang nilalang na marunong
kumilala at magpasalamat sa mga
tulong o kabutihang loob na
natatanggap, na sa kahuli-hulihan ay
biyaya ng Diyos ay higit pang
nakatatanggap ng maraming biyaya.
Sapagkat ang Diyos ay mapagpala at
hindi kailanman tinitiis ang kanyang
mga nilikha na mapagpakumbaba.
◦Kung marunong man tayong tumanggap
ng mga biyaya, tayo rin ay marunong
magbigay ng anuman sa ating
tinatangkilik. Ito ay hindi bayad sa ating
natatanggap na mga biyaya kundi
sinusunod lamang natin ang kautusan ng
Diyos na tayo ay gumawa ng mabuti sa
ating kapwa tao. Ang paglingap sa
nangangailangan ay isang halimbawa sa
paggawa ng mabuti
3. Bakit nagkakaroon ng entitlement
mentality ang isang indibidwal?
A. dahil likas ito sa bawat tao
B. dahil nakapagbibigay ng kasiyahan sa sarili
C. dahil iniisip niyang kailangan ito ng
sangkatauhan
D. dahil iniisip niyang karapatan itong dapat
matugunan
2. Paano mo malalaman kung ang isang
nilalang ay nagtataglay ng ingratitude?
A. kapag nandaraya sa kapwa
B. kapag kinalimutan ang pinagsamahan
C. kapag hindi kinilala ang tulong na natanggap
D. kapag hindi nagbabayad nang tama sa
pinagbilhan
2. Paano mo malalaman kung ang isang
nilalang ay nagtataglay ng ingratitude?
A. kapag nandaraya sa kapwa
B. kapag kinalimutan ang pinagsamahan
C. kapag hindi kinilala ang tulong na natanggap
D. kapag hindi nagbabayad nang tama sa
pinagbilhan
4. Alin sa mga sumusunod ang isang
antas ng kawalan ng pasasalamat?
A. hindi pagtupad sa mga pangako
B. hindi pagtugon sa mga kahilingan
C. hindi pagbalik ng kabutihang loob sa kapwa
D. hindi pagbalik ng mga hiniram na
kasangkapan
5. Tinawag si Ana ng drayber ng motorsiklong
sinakyan at ibinigay ang payong na muntik na
niyang makalimutan. Paano maipakikita ni Ana
ang pasasalamat sa drayber?
A. sa pamamagitan ng paglibre sa ibang pasahero
B. sa pamamagitan ng pagdoble ng kanyang pamasahe
C. sa pamamagitan ng pagbibigay ng liham pasasalamat
D. sa pamamagitan ng pagbigkas ng salita ng
pasasalamat
6. Hindi ipinaalam ni Ricky na siya ang iskolar
ng isang pulitiko. Tama ba ang ginawa ni
Ricky?
A. Mali, dahil naging mapagmataas siya.
B. Tama, dahil hindi naman ito kailangang
ipagsigawan.
C. Tama, upang hindi mahaluan ng pulitika ang
kanyang katauhan.
D. Mali, dahil kailangan niyang kilalanin ang tulong
na ibinigay ng kapwa.
7. Tuwang-tuwa si Roger sa natanggap na inaasam na
sapatos mula sa kanyang tiya sa ibang bansa. Paano
agad maipamamalas ni Roger ang pasasalamat sa
kanyang tiya?
A. sa pamamagitan ng pagyakap nito kapag nakauwi na sa bansa
B. sa pamamagitan ng pagpapasabi ng pasasalamat sa kanyang
mga magulang
C. sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham pasasalamat para
sa kanyang tiya
D. sa pamamagitan ng pag-tag sa kanyang tiya ng pasasalamat sa
social media sa panahon ng pagkatanggap nito
8. Bakit kailangang magpasasalamat sa
biyayang kaloob ng kapwa?
A. sapagkat isa itong pagtanaw ng utang na loob
B. sapagkat nakatutulong ito sa popularidad ng
tao
C. upang hindi ganahang tumulong ang iba sa
kapwa
D. upang makapagbigay kasiyahan sa taong
nagbigay ng tulong
9. Bakit sinasabing ang isang nilalang na
mapagpasalamat sa mga biyaya ay kadalasang
nakatatanggap ng maraming biyaya?
A. sapagkat nakikilala siya at kinakaawaan ng iba
B. sapagkat maraming kailangan ng maraming ayuda
C. dahil maraming tutulong upang makilala at maging
sikat
D. dahil hindi magsasawang tumulong ang kapwa sa
tao na marunong tumanaw ng utang na loob
10. Alin sa mga sumusunod ang
pangunahing dahilan ng pagpapasalamat?
A. Ito ay pagtanaw ng utang na loob.
B. Ito ay isang magandang asal na dapat
panatilihin.
C. Ito ay pagpapatunay ng kasiyahan sa biyayang
natamo.
D. Ito ay pagkilala sa biyayang pinagkaloob ng
Dakilang Maylikha.
Gawain 4: Kard ng Pasalamat
Panuto: Lumikha ng isang Kard ng
Pasasalamat alay sa iyong mga guro.
Lagyan ito ng disenyo at sulatan ng
mensahe ng iyong pasasalamat bilang
patunay ng pagtanaw ng utang na loob
sa mga aral na natutunan, kabutihang
loob at mga payong iyong natanggap
mula sa iyong mga guro.
TAKDANG ARALIN
Panuto: Batay sa mga biyayang iyong
natatamo sa araw-araw. Tukuyin ang mga taong
naging kasangkapan nito at isulat ang iyong
mga hakbang kung paano mo maipakikita ang
pasasalamat bilang pagkilala sa kanilang
kabutihang loob. Gawin ito sa short bond
paper.
ARALIN:
Angkop na Kilos ng
Pagsunod at Paggalang
Paano maipakikita ang
paggalang at pagsunod sa mga
magulang?
Ang paggalang at pagsunod sa
magulang ay mapakikita sa
pamamagitan ng sumusunod
na gawain:
1. Pagkilala sa mga hangganan o
limitasyon. Kapag ang magulang ay
nagtakda ng hangganan, dapat itong
igalang sa pamamagitan ng di pag-abuso
sa itinakda. Ang pagkatok sa kuwarto ng
iyong mga magulang bago pumasok at
paghingi ng permiso bago kainin ang
anumang pagkaing nakatago sa
refrigerator ay nagpapakita ng paggalang.
Sitwasyon: Hindi pinapahintulutan ng
kanyang mga magulang si Dan Lexander ng
manligaw hanggat hindi pa siya tapos sa pag-
aaral. Sa tuwing magkakagusto o mahuhulog
ang kanyang damdamin sa isang babae, lagi
niyang naaalala ang tagubilin ng magulang.
Iniisip niya na hindi dapat magmadali
pagdating sa pag-ibig at mas matimbang sa
kanya ang pagsunod at pagmamahal niya sa
kaniyang mga magulang.
2. Paggalang sa kanilang mga
kagamitan. Naipakikita mo ang
paggalang kung naiingatan mo ang
mga bagay na iyong ginamit at
hiniram.
3. Pagtupad sa itinakdang oras.
Naipakikita mo ang paggalang kung
umuwi ka nag maaga at di na kung
saan-saan pa pupunta nang walang
paalam
4. Pagiging maalalahanin.
Isa pang paraan ng
pagpapakita ng paggalang sa
kanila ay ang pag-alala sa
mga mahahalagang okasyon
sa buhay nila.
5. Pagiging mapagmalasakit at
mapagmahal.
Maipakikita ang paggalang sa
pamamagitan ng paggamit at pagbigkas
ng mga magagalang na pananalita ay
pakikinig sa kanilang mga sinasabi o
ipinapayo.
Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod
sa mga nakakatanda?
Ang pagpapakita ng paggalang sa nakakatanda
ay isang magandang bahagi ng kultura ng mga
Pilipino. Sa simula pa lamang, ang mga bata ay
tinuturuang gumamit ng “PO” at “OPO” sa kanilang
pakikipag-usap at pagmamano sa mga nakakatanda.
Narito ang ilang paraan ng pagpapakita ng
paggalang sa mga nakakatanda (ayon sa aklat ng
Respect for Elderly: Implications for Human Service
Provider ni Sling, 2004
1. Sila ay arugain at pagsilbihan nang
isinsaalang-alang ang maayos na pakikipag-
usap. Maging maingat sa mga gagamiting salita.
2. Hingi ang kanilang payo at pananaw bilang
pagkilala sa karunungan dulot ng kanilang
mayamang karanasan sa buhay.
3. Iparamdam sa kanila na sila ay naging
mabuting halimbawa lalo na sa pagiging matiisin
at matiyaga sa maraming bagay.
4. Kilalanin sila bilang mahalagang
kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng
pagsasama sa kanila sa mga
karaniwang gawain ng pamilya at mga
espesyan na pagdiriwang.
5. Tugunan ang kanilang mga
pangangailangan. Laging isaalang ang
kabutihang maidudulot ng mga bagay
na kanilang hinihiling.
Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong
may awtoridad?
Narito ang ilan sa mga paraab upang maipakita ang
paggalang sa mga taong may awtoridad (Wolf, n.d)
1.Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng
Diyos sa paggalang sa mga taong may awtoridad.
2. Laging mong ipanalangin ang mga taong may
awtoridad na ikaw ay pamahalaan.
3. Maging halimbawa sa kapuwa.
4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya
at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya.
Basahin at unawaing mabuti ang mga
sitwasyon. Piliin ang titik ng pinakatamang
sagot.
1.Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng
___________.
a.pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
b. pakikipag-ugnayan sa mga taong
nakakahalubilo.
c. pagbibigay ng halaga sa isang tao.
d. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
2. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang
pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng
kakayahang magpasakop?”
a.Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa
pamamagitan ng pagpapasakop.
b. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang
makatwiran at nararapat.
c. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili
ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.
d. May pagkakataon na kailangang sumunod at
magpasakop at may pagkakataong di kailangang
magpasakop at sumunod.
3. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang
sa mga taong may awtoridad?

a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga


bagay na dapat
sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw
ay nasa katwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang
kanilang mga pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa
4. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang
kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang
naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni
Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang
walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan
na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang
kilos ni Jay ay nagpapakita ng ____________:
a. katarungan
b. pagpapasakop
c. kasipagan
d. pagsunod
5. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan
mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming
kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay
magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting
maipapayo mo sa kanila?

a. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat


ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
b. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang
may awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong
kilos-loob.
c. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng
pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.
d. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa
batas. Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang
lumalabag dito.
TAKDANG ARALIN
Punan ang tsart sa ibaba ng mga
bagay na dapat mong gawin upang
ipakita sa bawat tauhan ang
paggalang at pagsunod sa kanila.

You might also like