You are on page 1of 3

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot

sa bawat bilang.

1. Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino, naipakikita ito sa


pamamagitan ng __________.
a. utang na loob c. responsableng mamamayan
b. paggawa ng mabuti sa kapuwa d. pagiging mapagkumbaba

2. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?

a. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niya kung paano
pahalagahan ang mga biyayang natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
b. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa
kaniyang pinanggalingan.
c. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
d. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa
kaniyang kalooban.

3. Ang sumusunod ay ang tatlong antas ang kawalan ng pasasalamat, maliban sa:

a. hindi pagbabalik ng kabutihang loob sa kapuwa sa abot ng makakaya


b. pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapuwa
c. hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang natanggap mula sa kapuwa
d. pagwawalang bahala sa mga ginawang kabutihan

4. Alin sa mga sumusunod na pahayagang pagpapakita ng tamang pasasalamat?

a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapuwa na naghihintay ng kapalit


b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapuwa at pagsasabi ng pasasalamat
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapuwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa

5. Ang mga sumusunod ay tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas de Aquino,
maliban sa:

a. paggawa ng kabutihan sa kapuwa


b. pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapuwa
c. pagpapasalamat
d. pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapuwa sa abot ng makakaya.

6. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng:

a. Kalooban
b. Isip
c. Damdamin
d. Konsiyensiya

7. Alin sa sumusunod ang pinakadakilang biyaya ng Poong Maykapal sa tao?


a. Kabutihang loob
b. Pamilya
c. Buhay
d. Kapuwa

8. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?


a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapuwa kahit naghihintay ng kapalit
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapuwa at pagsasabi ng pasasalamat
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapuwa kahit alam mong ginagawa langniya ang trabaho
nito.
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.

9. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?


a. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan
ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
b. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa
kaniyang pinanggalingan.
c. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
d. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa
kaniyang kaloob.

10. Ano ang Entitlement Mentality?


a. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay Karapatan mo na dapat
bigyan ng dagliang pansin.
c. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang
kanilang pangangailangan.

11. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng ____________

a. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.


b. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
c. Pagbibigay ng halaga sa isang tao
d. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.

12. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katuwiran
at ng kakayahang magpasakop?”

a. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.


b. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatuwiran at nararapat.
c. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-
uutos.
d. May pagkakataon na kailangaang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang
sumunod.

13. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?

a. Nagpagtitibay nito ang presensiya ng pamilya.


b. Naipagpapatuloy nito ang trdisyon ng pamilya.
c. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
d. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.

14. Paano mo mas higit na maipakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya
para sa iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katuwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.

15. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod


maliban sa:
a. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
b. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya.
c. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at
pagsunod.
d. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakakatanda.

16. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod


maliban sa:

a. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
b. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya.
c. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at
pagsunod.
d. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.

17. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay maging kaaya-aya
para sa iyo.
b. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
c. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.

18. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang
naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinisunod at ginagawa
nang walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling
pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng ___________.

a. Pagpapasakop c. Katarungan
b. Pagsunod d. Kasipagan

19. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing
taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-
aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting
maipapayo mo sa kanila?

a. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi


makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.
b. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na
nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.
c. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung
ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapuwa.
d. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali lalo kung
hindi naman ikaw ang naapektuhan.

20. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?

a. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.


b. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya.
c. Naipapapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.
d. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.

You might also like