You are on page 1of 2

MECQ 2021 WEEK 4 BIBLE STUDY (SIMBAHAY)

“THE HOLY PROTECTION OF THE LORD”

Matiwasay at pinagpalang buhay sa inyong buong kabahayan aking mga minamahal!

Ang ating mundong ginagalawan ay hindi exempted sa mga kabalisahan, kaguluhan, at


pagsubok na kadalasang dumarating sa panahong hindi inaasahan. Ngunit ang banal at
pinakamainam na proteksyong maaring angkinin ng sinumang mananampalataya ay
ipinagkakaloob ni Cristo Jesus.

Ang ating aralin sa linggong ito ay mula sa aklat ng 1 PEDRO 5: 6-7 “Kaya nga,
pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang
panahon. Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya
ay nagmamalasakit sa inyo.”

I. ANG “HOLY PROTECTION” NI LORD ANG MAG-IINGAT SA ATIN MULA SA


ANUMANG MASAMANG HANGARIN.
Kahit na nagsisikap tayong mamuhay ayon sa prinsipyo ng ating Panginoon,
napapaligiran parin tayo ng mga taong ang hangarin ay tayo’y pabagsakin. Kahit tayo’y
gumagawa ng mabuti ayon sa kalooban ng Diyos pilit paring humahanap ang mga taong
ito ng mga pagkakamali na pwedeng ikasira natin. Sa mga pagkakataong ganito, lalo
nating kakailanganin ang proteksyon ng Diyos upang lalo tayong maging matatag sa gitna
ng mga mga pagsubok. Huwag tayong mainis o mabalisa man kundi isipin nating ang
Diyos ang magiingat sa atin at laging iisipin “ Ang puno ay binabato lamang kapag ito ay
may bunga.”

II. ANG “HOLY PROTECTION” NI LORD ANG MAG-AANGAT SA ATIN MULA SA


PINAKAMABABANG ANTAS NG BUHAY.
Ang pinakamababang antas ng buhay ay hindi yaong kahirapan kundi ang kawalan ng
magagawa, walang kasama at wala ka nang maaaring asahan kundi ang Diyos. Ang
kapangyarihan ng Diyos ay hindi lamang magbibigay ng protection sa mga nagtitiwala sa
Kanya, kundi nagbibigay rin ng Provision of Restoration sa mga patuloy na nagpapasakop
sa kanya. Magtiwala sa Diyos and He will Raise you up. Sabi nga ng kanta ‘You raise me
up, so I could stand on mountain, You raise me up….” Kapit lang kay Lord, dika niya
pababayaan maging amg mga taong iyong itataas sa Kanya..

III. ANG “HOLY PROTECTION” NI LORD ANG MAGBIBIGAY ALIW SA ATIN SA


PANAHON NG KABALISAHAN.
Madalas inaagaw ng kabalisahan ang kagalakang dapat sana ay tinatamasa ng tao.
Kapag sa Diyos tayo nagtitiwala, agg anumang kabalisahan ay tutumbasan Niya ng
kaaliwan at kapahingahan. Ang holy protection ni Lord ang maghahatid sa atin ng
kagalakan sa gitna ng mga pagsubok sa buhay. Sa pamamagitan ng pagtitiwala natin sa
Diyos, He will keep us safe, He will protect us from evil at tayo ay nakakasiguro na we are
in good hands.

Maikling Panalangin “Panginoong Diyos, Kami po ay nagpapasakop sa iyong banal


na kapangyarihan at aming ipinagkakatiwala sa inyong mga kamay ang lahat ng
aming alalahanin sa buhay. Salamat po sa iyong patuloy na pag-iingat sa amin sa
panahon ng pandemiya ngunit maging sa lahat ng panahon na kami ay nababalisa.
AMEN.

WE ARE SAFE IN THE PRESENCE OF THE LORD. BE STILL AND KNOW HE IS GOD!
Rev. Lailane T. Cabato
New Life In Christ Assembly

You might also like