You are on page 1of 3

Alhamdulillahir Rabbil Alameen, …

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuhu,…


Mga kapatid sa pananampalatayng Islam,
ANG PAKSA PO NATIN NGAYON AY PATUNGKOL SA
ANG PAGTITIWALA AT PANANALIG KAY ALLAH SWT.

 Alhamdulillahi Rabbil A'lamin, ang pagpupuri ay sa Allah Swt lamang ang


panginoon ng sandaigdigan na tayo ay nagabayan at napabilang tyo sa Ummah ng
Propeta Muhammad saw.
 Sapagkat ang lahat ng sumunod sa Propeta Muhammad (saw) ay pinangakuan na
makapasok sa Paraiso, kaya ano pa ba ang dapat nating ipag alala. Basta't manatili
sa atin ang PAGTITIWALA AT PANANALIG sa ALLAH swt. Kahit saan man tyo
maparoon.

 Tandaan lang po natin na ang bawat isa sa atin ay haharap at mananagot sa Allah
swt. ayon sa kanyang Gawain. Para mapanatili natin sa atin ang PAGTITIWALA AT
PANANALIG SA ALLAH SWT. Siyempre kailangan ay may matatag siyang kaalaman
sa ISLAM.

Ang Islam ay binubuo ng ganap at malawak na kahulugan ng kapayapaan na


sumasaklaw sa kalooban at pang-kaluluwang kapayapaan at para sa sarili, sa
kapwa at mga mamamayan.

Kaya panatihin natin ang pagkakilanlan bilang isang Muslim, Alhamdulillah.


Lalong lalo na sa Salah,
> Allaah says in Surah Al-Mu'minoon 023.001

"Successful indeed are the believers, those who offer their salaah (prayers) with all solemnity and full
submissiveness."[al-Mu'minoon 23:1-2]
i.e., fearing Allaah and in a calm manner. Khushoo' means calmness, serenity, tranquillity, dignity and humility. What
makes a person have this khushoo' is fear of Allaah and the sense that He is always watching.
(Tafseer Ibn Katheer, Daar al-Sha'b edn., 6/414). Khushoo' means that the heart stands before the Lord in humility and
submission. (al-Madaarij, 1/520).

Allaah says in Surah Al-Mu'minoon 023.001

"Successful indeed are the believers, those


who offer their salaah (prayers) with all solemnity and full submissiveness."[al-Mu'minoon 23:1-2
Those are the inheritors, Who will inherit al-Firdaus. They will abide therein eternally.

Ang Sugo ng Allah (ρ) ay nagsabi:


“Ang tunay na Muslim ay yaong ligtas ang ibang tao sa kanyang mga pang-
aabuso at pagtuligsa mula sa kanyang dila at mga kamay, ang isang ‘Muhaajir’
or (Muhaajirun) ay siyang tumalikod sa mga masasamang gawain.” (Bukhari at
Muslim)

Karagdagan pa dito, sakop ng Islam ang pangkalahatan at pandaigdigang


kapayapaan para sa lahat ng tao. Dito natin makikita ang pagdadamayan,
pagpipitagan at hindi umaaway sa mga taong payapang sumusunod sa
makatwirang kasunduan lalo na't sa mga taong may paniniwala sa mga naipahayag
na Relihiyon mula sa Allah swt. bilang kanilang batayan sa pamumuhay katulad ng
mga Kristiyano at mga Hudyo. (Ahlul Kitab-People of the Book)

 Ang importante ay tingnan natin muna ang ating sarili bago tayo tumingin
sa Gawain ng iba o kya itanong natin sa ating sarili ano na ba ang nagawa o
naitulong ko sa Relihiyong ISLAM. Upang maging masigasig tayong
gumawa ng kabutihan.

> Surah 49/13

"O mankind, indeed We have created you from male and female and made you
peoples and tribes that you may know one another. Indeed, the most noble-
marangal of you in the sight of Allah is the most righteous-mabuti of you.
Indeed, Allah is Knowing and Acquainted-." Qur'an, 49:13

ANG TUNAY NA MANANAMPALATAYA


> 1. Ang pagtitiis o pagdusa` ng isang mananampalataya ay isa sa pinaka
importanting kakayanan na dapat itayo at manatili sa turo ng Islam.
Theoretical training o pagsasanay ng kaalaman sa pagiisip ay walang halaga
kung ito ay hindi kasama ang hirap at pagsubok .
2. Kahit ditto sa usaping pananampalatayang Islam ay kailangan talaga ang pagtitiis at
hihirap para ditto natin mapapatunayan ang lalim o sukat ng iyong paniniwala.
Sapagkat kung talagang matatag ang ating paniniwala maitatayo pa rin natin ito sa
kabila ng kahirapan.

3. Ngunit ang kahinaan ng pananampalataya ay madali kaagad itong lumantad


at hindi niya malampasan ang mga pagsubok sa kanya.
Allah (swt) ay nagbanggit sa banal na Qur'an Surah Al Ankabut/10
“At sa mga tao ay may ilang nagsasabing "Kami ay naniniwala sa Allah" ngunit kapag
ang isa sa kanila ay dumanas na ng hirap para sa Allah, kanila na itong itinuturing ang
pagsubok na parusa ng Allah"…At kung ang tagumpay ay dumating mula sa iyong
panginoon sila ay nagsasabi; "Katotohanan Kami ay nasa inyong panig". Hindi ba ang
Allah (Swt) ang lubos na nakakabatid ng anumang sana dibdib ng lahat ng mga
nilikha?

6. PAANO NATIN ITO HARAPIN ANG PAGHIHIRAP NA ITO


1. Una sa lahat kailangan nating magpakatatag habang nakikibaka tyo sa hamon ng
mundo.
2. Pangalawa siguraduhin ang tamang gabay at huwag magpapadala sa damdamin
3. Pangatlo paghandaan ang hinaharap, sapagkat ang Islamikong kilusan ay
nagtuturo na kaharapin ang katotohanan sa pamamagitan ng Pag aaral,
Paniniwala, Salita at Gawa. Mula sa kabataan hanggang sa katandaan na
hinuhubog tayo mula sa katuruan ng Islam na hindi tyo naging marahas,
Alhamdulillah.

6. Panatihin lang natin ang ating Pagkakilanlan bilang Muslim. Hal.

Kaya panatihin natin ang pagkakilanlan bilang isang Muslim, Alhamdulillah.


Lalong lalo na sa Salah,

 Naway tanggapin ng Allah swt ang lahat ng Ibada at mabubuting gawa…


 Subhanaka Allahumma wa Bihamdika wa Ash Hadu Anla Ilaha Ila ant
Ashtagfiruka wa Atubu Alayka.
 Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuhu….

You might also like