You are on page 1of 3

Soorah Al-Asr (103) Pambungad Ang Soorah Al-Asr ay ipinahayag sa Makkah at ang mga talata nito ay tatlong talata.

Ito ay dumating nang may napaka-iksing ulat, upang ipaliwanag ang mga kadahilanan ng kaligayahan ng tao, at ang kanyang tagumpay sa buhay na ito, o di kayay kanyang pagkalugi at pagkasawi. Ang Allah ay nanumpa sa Al-Asr, ang panahon na kung saan nagwawakas dito ang bagay-bagay ng sangkatauhan. Ito ay naglalaman ng ibat-ibang uri ng kamanghaan at aral na tumutukoy sa kapangyarihan at karunungan ng Allah, na ang sangkatauhan ay nasa kalugian at kakulangan, liban lamang sa mga nagtataglay ng mga apat na katangian, na nabanggit sa Soorah. Ang mga ito ay: Pananampalataya Pag-gawa ng Mabuti - nagbibigay ng payo sa isat-isa sa Katotohanan nagtatagubilin at nagpapayuhan sa isat isa sa pagtitiyaga. Ang mga katangian na ito ay itinuturing na bilang mga batayan ng kabutihan at saligan ng relihiyon. Nang dahil dito, sinabi ni Imam Ash-Shafiee (kaawana nawa siya ng Allah: Kung hindi nagpanaog ang Allah ng iban Soorah liban sa Soorah na ito, ito ay sapat na sa sangkatauhan.

[- - - ]
Transliteration Bismillahir Rahmanir Raheem Wal-Asr Innal insaana lafee khusr illalladheena aamanu wa amilus saalihati wa tawaasaw bil haq wa tawaasaw bis-sabr. (Ako [Allah] ay nanunumpa sa Al-Asr [Panahon]. Katotohanan! Ang tao ay nasa kawalan [pagkapahamak]. Maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan at nagbibigay ng payo sa isat-isa sa Katotohanan at nagtatagubilin at nagpapayuhan sa isat isa sa pagtitiyaga.) Kahulugan ng mga Salita

Salita
Al-Asr Khusr Aamanu

As-Saalihaat

Tawaasaw Al-Haq
As-Sabr

Kahulugan Ang Panahon Pagkaligaw at pagkasawi Pananampalataya sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Kapahayagan, sa Kanyang mga Sugo, sa Huling Araw, at sa Kanyang tadhana masama man o mabuti Mga gawang may kapakinabangan sa sangkatauhan at hindi magdudulot ng kapahamakan kahit kanino. Pagbibigay payo ng bawat isa Lahat ng uri ng kabutihan Lakas ng sarili upang pasanin ang kahirapan sa pag-gawa ng kabutihan at pag-iwas mula sa kasamaan.

Kabuuoang Kahulugan Sumumpa ang Allah sa panahon sa marangal na Soorah na ito, at ito ay ang paglipas ng panahon ng gabi at araw nang ganap at maayos na paraan. At ito ay ang panahon ng liwanag at kadiliman, tag-init at taglamig, at dito nagaganap ang gawa ng mga tao, maging ito man ay mabuti o masama. Ang ligaw at sawing tao ay may pagkiling patungong kasamaan. Kanyang sinusunod ang kanyang mga pagnanasa. At hindi dahil sa panahon siya ay pumasok sa kanyang pagkaligaw at pagkasawi sapagkat ang bawat sandali na lumilipas mula sa gulang ng tao ay nagsisilbing babala sa paglapit ng kanyang kamatayan. Sinabi ng isang Manunula: Tunay na tayo ay magalak sa mga araw na lumipas Ang bawat araw na dumaan ay pagbabawas ng buhay At walang makakaligtas sa pagkaligaw at pagkasawi liban lamang ang mga matapat sa Allah, at nananampalataya sa Kanyang mga Kapahayagan at mga Sugo, at nagsisipagsagawa ng Kabutihan na nagbibigay sa kanila ng pakinabang at hindi nagsasanhi ng kasamaan sa iba. Sila ay nag aanyaya sa bawat isa tungo sa pagsunod ng katotohanan, at pag-gawa ng kabutihan at sa pagsasanay sa sarili sa pag pasan ng mga kahirapan na magaganap sa pag-gawa ng kabutihan at pagpasan sa mga di kanaisnais dulot ng pag-iwas mula sa masamang pagnanasa at kasamaan. Pagsasanay 1. Isulat ang mga sumusunod na salita sa kanilang tamang kinalalagyan mula sa mahalagang Soorah. (Al-insaan Khusr Amaanu As-saalihaat Bis-sabr) Bismillahir Rahmaanir Raheem (1) Wal Asr. (2) Inna _____ lafee _____. (3) Illalladheen ______ wa amilu ______ wa tawaasaw bil haqqi wa tawaasaw _________.

2. Ipagdugtong ang mga salita at kanilang kahulugan

Salita
Al-Asr Khusr Aamanu

Kahulugan Pagkaligaw at pagkasawi Ang Panahon Lahat ng uri ng kabutihan Pananampalataya sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Kapahayagan, sa Kanyang mga Sugo, sa Huling Araw, at sa Kanyang tadhana masama man o mabuti

Al-Haq

3. Sa ano sumumpa ang Allah sa umpisa ng marangal na Soorah? 4. Papaano magaganap ang kasayahan ng tao sa mundo at sa kabilang buhay? a. _____________________________________________________ b. _____________________________________________________ c. _____________________________________________________

d. _____________________________________________________ 5. Magbanggit ng dalawang aral mula sa mga mararangal na talata ? 6. Mainam na isaulo ang Soorah Al-Asr

You might also like