You are on page 1of 23

 ‫א‬

 ‫א‬‫א‬‫א‬
 
Exz‫א‬F

TAWHEED
Ang Kaisahan ng Allah
AT ANG MGA PANGUNAHING PANUNTUNAN SA ISLAM NA
DAPAT MALAMAN NG BAWA'T MUSLIM

‫ﻣﻦ ﻛﻼﻡ‬
"‫ﺍﻟﺸﻴﺦ ﳏﻤﺪ ﺑﻦ ﺳﻠﻴﻤﺎﻥ ﺍﻟﺘﻤﻴﻤﻲ "ﺭﲪﻪ ﺍ‬

‫ﺗﺮﲨﺔ‬
‫ﻳﻮﺳﻒ ﻋﻼﺀ ﺍﻟﺪﻳﻦ ﺑﻮﺗﻮﻛﺎﻥ‬

Isinalin sa Wikang Pilipino ni:

Yusuf Alaiden Butucan

 
Unang Limbag 1427 H., 2006 CE 
Ang  lahat  o  anumang  bahagi  nitong  aklat  ay  maaaring  gamitin  sa  anumang  pamamaraang 
paglalahad hangga’t ang nilalaman nito’y hindi inililihis sa tamang kahulugan at diwa nito.   
Nais  naming  ipaabot  ang  aming  taos‐pusong  pasasalamat  sa  lahat  ng  tumulong  sa 
pagpapalimbag ng aklat na ito.  Nawa’y biyayaan sila ng Allah sa  kanilang mga pagsisikap.  
Kung mayroon kayong  pagtutuwid, puna o katanungan hinggil sa aklat na ito, mangyaring 
makipag‐ugnayan lamang sa:  www.cocg.org

Inilimbag ng: 
 

Cooperative Office of Call & Guidance in Al‐Bat’ha. 
Website: www.cocg.org 
E‐mail: info@cocg.org 

2
ijk
Sa Ngalan ng Allah Ang Mahabagin, Ang Maawain

Maikling Pananalita ng Nagsalin sa Wikang Pilipino

Ang papuri ay sa Allah lamang; pinupuri natin Siya at hinihingan ng tulong at


kapatawaran. Tayo'y nagpapakupkop sa Allah laban sa kasamaan ng ating mga
sarili at laban sa kasamaan ng ating mga gawa. Sinumang ginabayan ng Allah,
walang sinumang makapagliligaw sa kanya, at sinumang hinayaang maligaw ng
Allah, walang sinumang maka-paggagabay sa kanya. Ako ay sumasaksi na walang
tunay na diyos na dapat sambahin maliban lamang sa Allah, Siya'y walang
anumang katambal o kahati, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang
Alipin at Sugo. Nawa'y patnubayan siya ng Allah at ipagkaloob sa kanya ang
pinakamabuting gantimpala para sa kanyang Ummah. Nawa'y gantimpalaan ng
Allah ang lahat ng kanyang mga kasamahan sa kanilang mga patitiis at katapatan sa
pagpapalaganap ng Islam para sa mga sumusunod na henerasyon hanggang sa Huling
Araw.

Isang dakilang tungkulin ng bawa't Muslim ang makibahagi sa pagpapalaganap ng


relihiyong Islam, ang pinagpalang relihiyon para sa sangkatauhan. Kaya naman, ako
ay nagsalin ng isang mahalagang paksa tungkol sa Islam batay sa isang magandang
lathalain ng isang mapitagan at kilalang paham sa Islam na si Sheikh Tamimi.
Tinalakay niya sa aklat na ito ang tunay na Aqeedah (prinsipyo) tungkol sa Kaisahan
ng Allah upang sa gayo'y mapalaganap ang tunay (at tamang) prinsipyo sa bawa't
Muslim, at gayundin upang mariing itakwil at ilantad ang anumang katuruang
sumasalungat sa tamang Aqeedah.
Ang relihiyong Islam ay isang pangkalahatang mensahe batay sa Aqeedah (prinsipyo
ng Pagkilala at Pagsamba nang tuwiran sa Tanging Isang Tunay na Diyos (Allah).
Ang layunin ng lathalaing ito ay upang bigyan ng katiyakan at katatagan, lalo na
yaong mga bagong yumakap sa Islam, sa tamang prinsipyo ng pananampalatayang
ito. Ang hindi pagsasaalang-alang ng prinsipyong ito ay nagbibigay-daan sa bagong
Muslim upang madaling mahikayat ng mga naliligaw na pangkat o samahan na may
maling pananaw sa Kaisahan ng Allah, bagaman sila'y nag-aangking mga Muslim.

Ang orihinal na aklat, ang Tawheed (Ang Kaisahan ng Allah), ay isinulat sa wikang
Arabik ni Shiekh ul-Islam Muhammad bin Sulaiman at-Tamimi. Sadyang
imposibleng isalin nang tuwiran sa anumang wika ang orihinal na lathalaing nasusulat
sa Arabik dahil ang wikang ito ay may angking yaman sa pagpapahayag at
pagpapaliwanag. Kaya naman, sa pagsasalin ay higit na binibigyang-halaga ang diwa
ng aklat at sa nais iparating nito sa mambabasa kaysa sa literal na pagsasalin. May
ilang paliwanag na idinagdag sa wikang Tagalog upang higit na umakma ito sa pang-
unawa ng mga Pilipino at upang ang mensahe ay maipalaganap nang walang
pagkukulang.

Sa dahilang may ilang mga kataga sa wikang Arabik na hindi maaaring bigyan ng
ganap na kahulugan sa wikang Tagalog, katulad halimbawa ng Tawheed, Taghut,
Shirk, atbp. Aking pinanatili ang orihinal na kataga at binigyan na lamang ng angkop
na pagpapaliwanag.

3
Idinadalangin ko sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha, na nawa'y tanggapin
Niya ang pagsisikap na ito, at nawa'y idagdag Niya ito sa talaan ng mabubuting gawa
sa Araw ng Paghuhukom. Ang pangakong Araw na tiyak na darating na kung saan
ang yaman o angkan ay hindi makatutulong, bagkus, ang bigat ng mabubuting gawa
ang siyang mangingibabaw sa pagbibigay Habag ng Allah.

Patnubayan nawa tayo ng Allah, ang Dakila at ang Mapagpatawad.

Assalaamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuhu.


Yusuf Alaiden Butucan
January 10 2003
Dhul-Qa'edah 08, 1423
Riyadh, Saudi Arabia

4
ANG TATLONG MAHAHALAGANG SALIGAN NG ISLAM

Ang tatlong mahahalagang saligan ng Islam na dapat malaman ng bawa't Muslim ay


ang mga sumusunod:

1. Kaalaman tungkol sa kanyang Panginoon (Rabb).

2. Kaalaman tungkol sa kanyang Relihiyon (Islam).

3. Kaalaman tungkol sa kanyang Propeta (Muhammad )

Kapag tinanong: Sino ang iyong Rabb? Ang tamang kasagutan ay: Ang aking
Rabb ay ang Allah na Siyang lumikha at humubog sa akin at sa sanlibutan sa
pamamagitan ng Kanyang Pagpapala. Ang aking pagsamba ay bukod tanging para sa
Kanya lamang. Sa katunayan, walang ibang nararapat sambahin maliban sa Allah.

Kapag tinanong: Ano ang iyong relihiyon? Ang tamang kasagutan ay: Ang aking
relihiyon ay Islam na nanga-ngahulugan ng pagsuko, pagsunod, pagtalima at
pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanyang Kaisahan, pagsunod
sa Kanyang mga Kautusan at pag-iwas sa Shirk (pagtatambal sa pagsamba sa Allah)
at pagkapoot sa mga naninindigan sa gawaing Shirk.

Kapag tinanong: Sino ang iyong Propeta ? Ang tamang kasagutan ay: Ang aking
Propeta ay si Muhammad na anak ni Abdullah bin Abdul Mutallib bin Hashim. Si
Hashim ay mula sa Tribu ng Quraish at ang Quraish ay isang tribu ng Arabo. Ang
mga Arabo ay mga inapo ni Isma'il na anak ni Ibrahim - Al Khalil (ang kaibigan ng
Allah).

ANG PINAGMULAN NG RELIHIYON

Ang pinagmulan ng relihiyon ay nakasalalay sa dalawang bagay:

Una: Ang pag-anyaya sa tao na sumamba lamang sa Allah – ang Nag-iisa at


walang katambal, paghikayat sa iba na isagawa ito at pakikipagkaibigan sa kanila
ukol dito at ituring silang di-nananampalataya kung kanilang itinakwil ito.

Pangalawa: Ang pagbibigay-babala laban sa Shirk. Ito ay ang pagbibigay katambal


sa pagsamba sa Allah na dapat labanan at pakitunguhan nang may katatagan at
kahigpitan at manatiling magkaroon ng pagkapoot ukol dito at ituring yaong
gumagawa nito na di-mananampalataya.

ANG PITONG KONDISYON NG SHAHADA

May pitong kondisyon ang La Ilaha Illa Allah (Walang tunay na Diyos na dapat
sambahin maliban sa Allah) - Pagpapatotoo ng pananampalataya sa Allah tungo sa
matibay na pagsaksi:

1. Kaalaman sa kahulugan nito sa kapwa negatibo at pagsang-ayong aspeto.

2. Katiyakan nang may lubos na kaalaman na malaya sa lahat ng pag-aalinlangan


tungkol dito.

5
3. Katapatan at kadalisayan ng layunin na siyang kasalungat ng Shirk.

4. Makatotohanan sa pagtanggi ng kasinungalingan at pagbabawal sa


pagkukunwari.

5. Pagmamahal at debosyon sa patotoo ng pananampalataya.

6. Pagsuko at Pagtalima sa mga pangunahing kailangan nito na kumakatawan sa


mga nakatakdang gawaing pagsamba na nararapat lamang sa Allah at ang
paghahangad sa ikasisiya ng Allah.

7. Pagtanggap sa patotoo ng pananampalataya na siyang kasalungat ng pagtanggi o


pagtatwa.

Ang mga Katibayan mula sa Banal na Qurán at Sunnah:

1 - Katibayan ng Kaalaman

Ang Allah ay nagsabi:

〈 ª!$# ωÎ) tμ≈s9Î) Iω …çμ¯Ρr& óΟn=÷æ$$sù ®

"Kaya alamin (O Muhammad) na La Ilaha Illa-Allah (Walang tunay na Diyos na


dapat sambahin maliban sa Allah. (Muhammad-47:19)

〈 ∩∇∉∪ tβθßϑn=÷ètƒ öΝèδuρ Èd,ysø9$$Î/ y‰Îκy− ⎯tΒ ωÎ) ®

"Maliban sa mga sumasaksi sa katotohanan (sa Kaisahan ng Allah) at kanilang


nalalaman (ang katotohanan tungkol sa Kaisahan ng Allah)". (Az-Zukhruf-43:86)

Batid nila sa kanilang mga puso kung ano ang namumutawi sa kanilang mga labi.

Iniulat ni Uthman na si Propeta Muhammad ang Sugo ng Allah ay nagsabi;

‫دخل ْ َ ﱠ‬
.َ‫الجنة‬ ‫يعلم َ ﱠأنهُ ال ِ َإلهَ إِال ﱠ‬
َ َ َ ُ‫ﷲ‬ ُ َ ْ َ ‫وھو‬
َ ُ َ ‫مات‬ ْ َ
َ َ ‫من‬
"Sinuman (sa aking mga tagasunod) ang namatay na lubos na nalalaman na walang
tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, siya ay makapapasok sa
Paraiso." (Muslim/Bukhari).

2 - Katibayan ng Katiyakan:
Ang Allah ay nagsabi:

4 «!$# È≅‹Î6y™ ’Îû óΟÎγÅ¡àΡr&uρ öΝÎγÏ9¨uθøΒr'Î/ (#ρ߉yγ≈y_uρ (#θç/$s?ötƒ öΝs9 §ΝèO ⎯Ï&Ï!θß™u‘uρ «!$$Î/ (#θãΖtΒ#u™ t⎦⎪Ï%©!$# šχθãΨÏΒ÷σßϑø9$# $yϑ¯ΡÎ) ®

〈 ∩⊇∈∪ šχθè%ω≈¢Á9$# ãΝèδ y7Íׯ≈s9'ρé&

"Ang mga nananampalataya lamang na naniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo at


pagkaraka'y hindi nagkaroon ng pag-aalinlangan tungkol dito, manapa'y sa kanilang
yaman at sa kanilang buhay ay nagsumikap sa landas ng Allah. Sila ang mga
matatapat." ( Al-Hujurat-49:15)

6
Ang kondisyon ng kanilang paniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo ay yaong
hindi nag-aalinlangan o nagdududa. Samantalang sa mga nagdududa, sila ang mga
mapagkunwari.

Iniulat ni Abu Huraira na si Propeta Muhammad ay nagsabi:

‫دخل ْ َ ﱠ‬
.َ‫الجنة‬ َ َ َ ‫فيھما إِال‬ ‫غير َ ﱟ‬
َ ِ ِ ‫شاك‬ ٌ ْ َ ‫بھما‬
َ ْ َ ‫عبد‬ َ ِ ِ َ‫ﷲ‬ َ ْ َ ‫ﷲِ ال‬
‫يلقى ﱠ‬ ‫رسول ﱠ‬ ‫ﷲُ َ َ ﱢ‬
ُ ُ َ ‫وأني‬ ْ َ ‫أشھد‬
‫أن ال ِ َإلهَ إِال ﱠ‬ َُ ْ َ
"Ako'y sumasaksi na walang tunay na Diyos na dapat sam-bahin maliban sa Allah at
ako ay Sugo ng Allah. Ang sinumang alipin ng Allah na haharap sa Kanya nang may
ganitong pagsaksi nang walang pag-aalinlangan tungkol dito ay tiyak na
makapapasok sa Paraiso." (Bukhari)

ِ ‫فبش ْرهُ ِ ْ َ ﱠ‬
.‫بالجنة‬ ُ ْ َ ‫بھا‬
‫قلبهُ َ َ ﱢ‬ ً ِ ْ َ ْ ُ ُ‫ﷲ‬
َ ِ ‫مستيقنا‬ ْ َ ‫يشھد‬
‫أن ال ِ َإلهَ إِال ﱠ‬ ِ ِ َ ْ ‫ھذا‬
ُ َ ْ َ ‫الحائط‬ َ َ ‫وراء‬ َ ِ َ ‫فمن‬
ْ ِ ‫لقيت‬
ِ َ َ ‫من‬ ْ ََ
"Ang sinumang nasa kabila ng dingding na ito na sumasaksi na walang tunay na
Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, na naniniwala dito nang buong puso,
ibibigay sa kanya ang magandang balita ng kanyang pagpasok sa Paraiso."

3 - Katibayan ng Katapatan:
Ang Allah ay nagsabi:

〈 4 ßÈÏ9$sƒù:$# Ú⎥⎪Ïe$!$# ¬! Ÿωr& ®


"…Katiyakan ang relihiyon (pagsamba at pagsunod) ay sa Allah lamang." (Az-
Zumar-39:3)

〈 u™!$xuΖãm t⎦⎪Ïe$!$# ã&s! t⎦⎫ÅÁÏ=øƒèΧ ©!$# (#ρ߉ç6÷èu‹Ï9 ωÎ) (#ÿρÞÉΔé& !$tΒuρ ®

"…At sila ay hindi inutusan maliban sa sila ay marapat sumamba sa Allah, at


sumamba maliban sa Kanya lamang." (Al-Baiyinah-98:5)

Iniulat ni Abu Huraira na si Propeta Muhammad ay nagsabi :

.‫نفسه‬ ْ َ ‫قلبه‬
ِ ِ ْ َ ‫أو‬ ِ ِ ْ َ ‫من‬
ْ ِ ‫خالصا‬ ‫قال ال ِ َإلهَ إِال ﱠ‬
ً ِ َ ُ‫ﷲ‬ َ َ ‫من‬ ِ َ َ ِ ْ ‫يوم‬
ْ َ ‫القيامة‬ ِ َ َ َ ِ ‫الناس‬
َ ْ َ ‫بشفاعتي‬ َُْ َ
ِ ‫أسعد ﱠ‬
"Ang pinakamapalad na tao na makararanas ng aking pamamagitan sa Araw ng
Paghuhukom ay yaong nagsabi ng walang tunay na Diyos na dapat sambahin
maliban sa Allah nang may katapatan sa kanyang puso o sa kanyang sarili."
(Bukhari)

َ ِ َ ِ ‫يبتغي‬
ْ َ ‫بذلك‬
.َ‫وجه‬ ‫قال ال ِ َإلهَ إِال ﱠ‬
ِ َ ْ َ ُ‫ﷲ‬ َ َ ‫من‬ ِ ‫على ﱠ‬
ْ َ ‫النار‬ َ َ ‫حرم‬ ‫فإن ﱠ‬
َ ‫ﷲَ َ ﱠ‬ ‫َِ ﱠ‬
"Katotohanan, ipinagbawal ng Allah ang Apoy ng Impiyerno para sa mga nagsasabi
ng walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah." (Bukhari)

Tinipon ni Nasai sa kanyang aklat (Al-yaum wal lai-lah – Ang araw at ang gabi) na
ang dalawang Sahabah ay nag-ulat na si Propeta Muhammad ay nagsabi:

7
.ُ‫مخلِ صا ً ِبھَ ا َ ْقلبَ ه‬
ْ ُ ‫يء قَ ِدير‬
ٍ ‫الحم ُد َوھُ َو َعل ى ُك ﱢل َش‬ ُ ْ ُ ُ‫ َله‬.ُ‫شريك َله‬
ْ َ ُ‫الملك َولَ ه‬ َ ْ َ َ‫قال ال ِ َإلهَ ِإال ﷲ‬
َ ِ َ ‫وحدهُ ال‬ َ َ ‫َمن‬
َ
ُ‫لعب ٍد َنظ َر ﷲ‬ ٌ ‫وح‬
َِْ ‫ق‬ ِ ْ ‫أھ ِل‬
َ َ .‫األرض‬ َ ُ ْ ً ْ
ِ ِ َ ‫السماء َفتقا َحت ى َينظ َر إل ى‬
ْ ‫قائلھَ ا ِم ن‬ َ ‫لھا ﱠ‬ َ َ َ َ ‫لسانه ُ إأل‬
َ ُ ‫فتق ﷲ‬ َ َ ِ ‫بھا‬ ُ ُ ْ َ
َ ِ ‫يصدق‬
َ َ ُ ُ‫يعطيه‬
.ُ‫سؤاله‬ َِ ْ ُ ‫أن‬ ِْ ِ
‫إليه‬
"Sinuman ang magsabi ng "La Ilaha Illa Allah, wadhahu la sharika lahu, lahu mulk
wa lahul hamdu, wa huwa ala kulli shay-in Qadeer" (Walang tunay na Diyos na
dapat sambahin maliban sa Allah. Siya ang Tanging walang katambal. Para sa
Kanya ang Kaharian at sa Kanya ang lahat ng Papuri. Siya ang
Pinakamakapangyarihan sa lahat) nang may katapatan sa kanyang puso at sumasaksi
nang hayagan sa kanyang dila, bubuksan ng Allah ang langit para sa pahayag na ito.
At Siya ay titingin sa tagapagsalita nito sa mga nilalang sa daigdig. At ang aliping
nagpapahayag na nakikita ng Allah ay may karapatang pagkalooban ng kanyang
hiling."

4 - Katibayan ng Pagiging Makatotohanan:


Ang Allah ay nagsabi:

ª!$# £⎯yϑn=÷èu‹n=sù ( öΝÎγÏ=ö6s% ⎯ÏΒ t⎦⎪Ï%©!$# $¨ΖtFsù ô‰s)s9uρ ∩⊄∪ tβθãΖtFøムŸω öΝèδuρ $¨ΨtΒ#u™ (#ûθä9θà)tƒ βr& (#ûθä.uøIムβr& â¨$¨Ζ9$# |=Å¡xmr& ®

〈 ∩⊂∪ t⎦⎫Î/É‹≈s3ø9$#  ∅ϑ


y n=÷èu‹s9uρ (#θè%y‰|¹ š⎥⎪Ï%©!$#

"Iniisip ba ng tao na sila ay hahayaan na lamang dahil sa kanilang pagsasabi ng,


‘kami ay naniniwala at hindi na sila susubukan?’ Katotohanan! Aming sinubukan
ang mga nauna sa kanila. At tiyak na ilalantad ng Allah yaong mga makatotohanan,
at tiyak na ilalantad din Niya ang mga sinungaling." (Al-Ankabut-29:2-3)

$tΒuρ (#θãΖtΒ#u™ t⎦⎪Ï%©!$#uρ ©!$# šχθããω≈sƒä† ∩∇∪ t⎦⎫ÏΨÏΒ÷σßϑÎ/ Νèδ $tΒuρ Í½zFψ$# ÏΘöθu‹ø9$$Î/uρ «!$$Î/ $¨ΨtΒ#u™ ãΑθà)tƒ ⎯tΒ Ä¨$¨Ψ9$# z⎯ÏΒuρ ®

(#θçΡ%x. $yϑÎ/ 7ΟŠÏ9r& ë>#x‹tã óΟßγs9uρ ( $ZÊutΒ ª!$# ãΝèδyŠ#u“sù ÖÚz£Δ ΝÎγÎ/θè=è% ’Îû ∩®∪ tβρáãèô±o„ $tΒuρ öΝγ
ß |¡àΡr& HωÎ) šχθããy‰øƒs†

〈 ∩⊇⊃∪ tβθç/É‹õ3tƒ

"At sa sangkatauhan, may mga mapagkunwaring nagsasabi ng, ‘kami ay naniniwala


sa Allah at sa Huling Araw’ samantalang ang katotohanan ay hindi sila naniniwala.
Iniisip nilang nalinlang nila ang Allah at yaong mga naniniwala, samantalang
nilinlang lamang nila ang kanilang mga sarili at hindi nila ito nauunawaan. Sa
kanilang mga puso ay may isang sakit ng pag-aalinlangan at pagkukunwari at
dinagdagan pa ng Allah ang kanilang sakit. Isang napakasakit na paghihirap ang
mapapasakanila sapagka't lagi silang nagsasabi ng mga kasinungalingan." (Al-
Baqarah-2:8-10)

Si Muadh bin Jabal ay nag-ulat na ang Propeta ay nagsabi:

ِ ‫على ﱠ‬
.‫النار‬ ‫حرمهُ ﱠ‬
َ َ ُ‫ﷲ‬ ِ ِ ْ َ ‫من‬
َ ‫قلبه إِال َ ﱠ‬ ْ ِ ‫صدقا‬ ‫رسول ﱠ‬
ً ْ ِ ِ‫ﷲ‬ ‫ﷲُ َ َ ﱠ‬
ً ‫وأن ُ َ ﱠ‬
ُ ُ َ ‫محمدا‬ ْ َ ‫يشھد‬
‫أن ال ِ َإلهَ إِال ﱠ‬ ٍ َ َ ‫من‬
ُ َ ْ َ ‫أحد‬ ْ ِ ‫َما‬
"Walang sinumang sumaksi ng 'Laa ilaaha illa Allah wa anna Muhammadan
Rasoolullah (Walang tunay na Diyos maliban sa Allah at si Muhammad ay Sugo ng
Allah) nang may katapatan sa kanyang puso, ipagbabawal ng Allah sa kanya ang
Impiyerno." (Bukhari, Muslim)

8
5 - Katibayan ng Pagmamahal:
Ang Allah ay nagsabi:

〈 ( «!$# Éb=ßsx. öΝåκtΞθ™6Ïtä† #YŠ#y‰Ρr& «!$# Èβρߊ ⎯ÏΒ ä‹Ï‚−Gtƒ ⎯tΒ Ä¨$¨Ζ9$# š∅ÏΒuρ ®

"At sa sangkatauhan ay may itinatanging iba (bilang katambal ng Allah sa kanilang


pagsamba) bukod sa Allah bilang mga katambal. Minamahal nila ang mga ito
katulad nang pagmamahal nila sa Allah. Nguni't yaong mga naniniwala ay
nagmamahal sa Allah nang higit sa anupaman". (Al-Baqarah-2:165)

t⎦⎫ÏΖÏΒ÷σßϑø9$# ’n?tã A'©!ÏŒr& ÿ…çμtΡθ™6Ïtä†uρ öΝåκ™:Ïtä† 5Θöθs)Î/ ª!$# ’ÏAù'tƒ t∃öθ|¡sù ⎯ÏμÏΖƒÏŠ ⎯tã öΝä3ΨÏΒ £‰s?ötƒ ⎯tΒ (#θãΖtΒ#u™ t⎦⎪Ï%©!$# $pκš‰r'¯≈tƒ ®

〈 4 5ΟÍ←Iω sπtΒöθs9 tβθèù$sƒs† Ÿωuρ «!$# È≅‹Î6y™ ’Îû šχρ߉Îγ≈pgä† z⎯ƒÍÏ≈s3ø9$# ’n?tã >﨓Ïãr&

"O kayong mga nananampalataya! Sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang


relihiyon (Islam) magkagayo'y, papalitan kayo ng Allah ng mga taong mamahalin
Niya at magmamahal sa Kanya, na mapagpakumbaba sa kapwa naniniwala, at
mahigpit sa mga di-naniniwala, na nakikipaglaban sa Landas ng Allah. At
kailanman ay hindi natatakot sa paninisi ng mga naninisi ". (Al-Maidah-5:54)

Isinalaysay ni Anas na si Propeta Muhammad ay nagsabi:

َْ ‫ب‬
َ ْ ‫الم‬
‫رء ال‬ ‫يح ﱠ‬ ْ َ َ ‫واھما‬
ِ ُ ‫وأن‬ َ ُ َ ‫مم ا ِس‬ َِْ ‫ب‬
‫إلي ِه ِ ﱠ‬ ‫أح ﱠ‬َ َ ُ‫وله‬
ُ ‫ورس‬
ُ َ َ ُ‫ﷲ‬ ‫ون ﱠ‬
َ ‫يك‬ ُ َ ‫أن‬ ْ َ ‫ان‬ِ ‫يم‬ َ َ ‫وج َد َح‬
َ ‫الوةَ اِإل‬ ‫من ُ ﱠ‬
َ َ ‫كن ِفي ِه‬ ٌ ََ
ْ َ ‫ثالث‬
. ‫النار‬
ِ ‫ﱠ‬ ‫يقذف ِفي‬َ ْ ْ َ
َ ُ ‫يكرهُ أن‬ ْ
َ َ ‫كما‬ َ
َ ‫الكفر‬ِ ْ ُ ْ ‫يعود ِفي‬ ْ َ
َ ُ َ ‫يكرهَ أن‬ ْ ْ َ ‫ﱠ‬ ‫ُ ِﱡ‬
َ َ ‫يحبهُ إال ِ ِ َوأن‬
"Sinuman ang nagtataglay ng mga sumusunod na mga katangian, ay mapapasakanya
ang tamis ng Pananampalataya: Ang mahalin ang Allah at ang Kanyang Sugo) nang
higit pa sa anupaman; Ang mahalin ang isang tao nang dahil sa Allah lamang;
Ang masuklam na bumalik sa di-paniniwala katulad ng pagkasuklam niyang
maitapon sa apoy.

6 - Katibayan ng Pagsuko:
Ang Allah ay nagsabi:

〈 …çμs9 (#θßϑÏ=ó™r&uρ öΝä3În/u‘ 4’n<Î) (#ûθç7ÏΡr&uρ ®

"At ang pagsisisi ay ibaling sa inyong Panginoon at isuko ang inyong mga sarili sa
Kanya." (Az-Zumar-39:54)

〈 Ö⎯Å¡øtèΧ uθèδuρ ¬! …çμyγô_uρ zΝn=ó™r& ô⎯£ϑÏiΒ $YΨƒÏŠ ß⎯|¡ômr& ô⎯tΒuρ ®

"At sino pa ang nakahihigit sa relihiyon sa isa na isinuko ang mukha (sarili) sa Allah
at siya ay isang matuwid." (An-Nisaa' 4:125)

〈 3 4’s+øOâθø9$# Ïοuρöãèø9$$Î/ y7|¡ôϑtGó™$# ωs)sù Ö⎯Å¡øtèΧ uθèδuρ «!$# ’n<Î) ÿ…çμyγô_uρ öΝÏ=ó¡ç„ ⎯tΒuρ * ®

"At sinuman ang taong isinuko ang kanyang mukha sa Allah habang siya ay
gumagawa ng mabuti, samakatwid siya ay tumangan sa pinakamapagkakatiwalaang
hawakan (la Illaha Ilallah) Walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa
Allah." (Luqman-31:22)

9
|MøŠŸÒs% $£ϑÏiΒ %[`uxm öΝÎηÅ¡àΡr& þ’Îû (#ρ߉Ågs† Ÿω §ΝèO óΟßγsΨ÷t/ uyfx© $yϑŠÏù x8θßϑÅj3ysム4©®Lxm šχθãΨÏΒ÷σムŸω y7În/u‘uρ Ÿξsù ®

〈 ∩∉∈∪ $VϑŠÏ=ó¡n@ (#θßϑÏk=|¡ç„uρ

"Nguni't hindi! saksi ang inyong Panginoon, hindi sila magkakaroon ng


pananampalataya hanggang hindi ka nila ginagawang tagapagpasiya (O
Muhammad) sa lahat ng kanilang pagtatalo o di-pagkakaunawaan at walang
nakikitang anumang pagtutol sa kanilang mga sarili laban sa inyong mga pasiya at
tinanggap nila ang mga ito nang may lubos na pagsuko." (An-Nisa-4:65)

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:

‫به‬ َ ِ ً ‫تبعا‬
ُ ِ ‫لما‬
ِ ِ ‫جئت‬ ُ ُ َ ‫حتى‬
َ َ َ ُ‫يكون َھواه‬ ُ ُ َ َ ‫يؤمن‬
ّ َ ‫أحدكم‬ ُ ِ ُ ‫ال‬
"Wala sa inyo ang maaaring maging tunay na Muslim hanggang sa ang kanyang
pagnanais ay sumuko sa anumang aking dalang Kapahayagan."

Katotohanan, ito ang lubos na pagsuko at dapat maging layunin ng isang Muslim.

7 - Katibayan ng Pagtanggap:
Ang Allah ay nagsabi:

#’n?tã $¯ΡÎ)uρ 7π¨Βé& #’n?tã $tΡu™!$t/#u™ !$tΡô‰y`uρ $¯ΡÎ) !$yδθèùuøIãΒ tΑ$s% ωÎ) @ƒÉ‹¯Ρ ⎯ÏiΒ 7πtƒös% ’Îû y7Ï=ö7s% ⎯ÏΒ $uΖù=y™ö‘r& !$tΒ y7Ï9¨x‹x.uρ ®

⎯ÏμÎ/ ΟçFù=Å™ö‘é& !$yϑÎ/ $¯ΡÎ) (#ûθä9$s% ( ö/ä.u™!$t/#u™ Ïμø‹n=tã öΝ›?‰y_uρ $£ϑÏΒ 3“y‰÷δr'Î/ Οä3çGø⁄Å_ öθs9uρr& Ÿ≅≈s% * ∩⊄⊂∪ šχρ߉tFø)–Β ΝÏδÍ≈rO#u™

〈 ∩⊄∈∪ t⎦⎫Î/Éj‹s3ßϑø9$# èπt6É)≈tã tβ%x. y#ø‹x. öÝàΡ$$sù ( öΝåκ÷]ÏΒ $uΖôϑs)tFΡ$$sù ∩⊄⊆∪ tβρãÏ≈x.

"At gayundin, hindi Kami nagpadala ng tagapagbigay-babala na nauna sa iyo (O


Muhammad) sa anumang bayan malibang nagsabi ang mga mayayaman sa kanila:
‘Natagpuan namin ang aming mga ninuno na sumusunod sa kaugalian at relihiyon at
tunay na kami ay sumusunod sa kanilang mga yapak’, (Ang tagapagbigay-babala) ay
nagsabi: "Kahit na ako ay magdadala sa inyo ng higit na mainam na patnubay kaysa
sa natagpuan ninyong sinusunod ng inyong mga ninuno?" Sila ay nagsabi:
Katotohanan, kami ay hindi naniniwala diyan sa ipinadala sa iyo. Kaya Aming
ginantihan sila, at masdan kung ano ang naging wakas ng mga nagtatwa. " (Az-
Zukhruf-43:23-25)

〈 ∩⊂∉∪ ¤βθãΖøg¤Χ 9Ïã$t±Ï9 $sΨÏGyγÏ9#u™ (#ûθä.Í‘$tGs9 $¨ΖÍ←r& tβθä9θà)tƒuρ ∩⊂∈∪ tβρãÉ9õ3tGó¡o„ ª!$# ωÎ) tμ≈s9Î) Iω öΝçλm; Ÿ≅‹Ï% #sŒÎ) (#ûθçΡ%x. öΝåκ®ΞÎ) ®

"Tunay, nang sabihin ito sa kanila: ‘Walang tunay na Diyos na dapat sambahin
maliban sa Allah’, sila ay naging palalo sa pagmamalaki at itinatwa ito. At kanilang
sinabi; Iiwan ba namin ang aming mga diyos para sa kapakanan ng isang makatang
nasisiraan ng bait?" (As-Safflat-37:35-36)

Isinalaysay ni Abu Musa na ang Propeta ay nagsabi:

َ ْ َ َ ‫اء‬
ِ َ‫فأنبت‬
‫ت‬ َْ ‫ت‬
َ ‫الم‬ ِ َ ٌ‫نقيﱠ ة‬
ِ َ‫قبل‬ َ ْ ِ ‫فكان‬
ِ َ ‫منھا‬ َ َ َ ‫أرضا‬ ً ْ َ ‫أصاب‬ َ َ َ ‫الكثير‬ ِ ِ َ ْ ‫الغيث‬
ِ ْ َ ْ ‫كمثل‬ ِ ْ ِ ْ َ ‫ھدى‬
ِ َ َ َ ‫والعلم‬ َ ُ ‫من ْال‬َ ِ ‫به‬
ِ ِ ُ‫ﷲ‬ ‫بعثني ﱠ‬ ِ َ َ َ ‫مثل َما‬ ُ ََ
ُ َ َ ‫قوا َو‬
‫زرع وا‬ َ
ْ ‫وس‬
َ َ ‫شربوا‬ ُ ِ َ ‫اس ف‬َ ‫ﱠ‬
َ ‫فنف َع ﷲُ ِبھَ ا الن‬ ‫ﱠ‬ َ َ
َ ‫اء‬ َ ‫الم‬ ْ
َ ‫سكت‬ِ َ َ ‫أم‬ َ
ْ ‫ادب‬ُ ِ ‫أج‬ َ ْ
َ ‫وكانَ ت ِمنھَ ا‬ ْ َ َ ‫الكثي َر‬ ْ
ِ َ ‫شب‬ ْ
َ ‫والع‬ ْ َ
ُ َ ‫الك َأل‬ َْ
َ َ َ َ ِ‫ﷲ‬
ُ‫ونفعه‬ ‫دين ﱠ‬
ِ ِ ‫فقهَ ِفي‬ ُ َ ‫من‬ ْ َ ‫مثل‬ ُ َ َ ‫فذلك‬ ً
َ ِ َ َ ‫كأل‬َ َ ‫تنبت‬ُ ِ ْ ُ ‫وال‬ َ َ ‫ماء‬ ُ ِ ْ ُ ‫قيعان َال‬
ً َ ‫تمسك‬ ٌ َ ِ ‫ھي‬ َ ِ ‫إنما‬َ ‫أخرى ِ ﱠ‬ ُ
َ ْ ً ‫طائفة‬
َ ِ َ ‫منھا‬َ ْ ِ ‫وأصابت‬ْ َ َ ََ
.‫به‬ ُ
ِ ِ ‫أرسلت‬ ْ ُ
ِ ْ ‫الذي‬ ‫ﱠ‬
ِ ِ‫ھدى ﷲ‬ ‫ﱠ‬ َ ُ ‫يقبل‬ ْ
ْ َ َ ‫ولم‬ َ ْ
ْ َ ‫بذلك َرأ ًسا‬ َ
َ ِ ِ ‫يرفع‬ َ
ْ َ ْ َ ‫من ْلم‬ ْ َ ‫ومثل‬َ
ُ َ َ ‫وعلم‬ ‫ﱠ‬ َ ِ َ َ ‫به‬
َ َ َ ‫فعلم‬ ‫ﱠ‬
ِ ِ ُ‫بعثني ﷲ‬ ِ َ َ َ ‫َما‬

10
"Ang halimbawa ng patnubay at kaalaman na ipinadala sa akin ng Allah ay
katulad ng ulan na bumubuhos sa lupa. Ang ilan ay matabang lupa na nagpasibol ng
halamanan at damo nang masagana, ang isa pang bahagi nito ay matigas na lupa at
inipon nito ang tubig ulan at binigyan kapakinabangan ng Allah ang mga tao dito at
ito ay kanilang ginamit na inumin at sa pagpapatubig sa lupa para sa pagtatanim. At
ang isang bahagi ay tuyo at hindi nakapag-ipon ng tubig ni nakapagpasibol ng
halamanan kaya ang lupang ito ay hindi nakapagbigay ng kapakinabangan. Ang
unang halimbawa ng tao na nakauunawa ng relihiyon ng Allah (Islam) at nakakuha
ng kapakinabangan mula sa kaalaman na ipinahayag ng Allah sa pamamagitan ko at
natutuhan at pagkatapos ay itinuro ito sa iba. Ang huling halimbawa ay yaong isang
tao na hindi tumatanggap ng patnubay ng Allah na ipinahayag sa pamamagitan ko."

ANG SAMPUNG PANURI SA PAGLISAN


NG TAO SA ISLAM

1. Sinumang magtambal ng mga diyus-diyusan (Shirk) sa pagsamba sa Allah ay


lumisan sa Islam, katulad ng sinabi ng Allah:

〈 â™!$t±o„ ⎯yϑÏ9 y7Ï9¨sŒ šχρߊ $tΒ ãÏøótƒuρ ⎯ÏμÎ/ x8uô³ç„ βr& ãÏøótƒ Ÿω ©!$# ¨βÎ) ®

"…Katotohanan, hindi pinatatawad ng Allah ang kasalanang pagbibigay


katambal sa pagsamba sa Kanya, nguni't Kanyang pinatatawad ang sinumang
Kanyang naisin sa kanilang mga kasalanan maliban dito." (An-Nissa-4:48)

〈 ∩∠⊄∪ 9‘$|ÁΡr& ô⎯ÏΒ š⎥⎫ÏϑÏ=≈©à=Ï9 $tΒuρ ( â‘$¨Ψ9$# çμ1uρù'tΒuρ sπ¨Ψyfø9$# Ïμø‹n=tã ª!$# tΠ§xm ô‰s)sù «!$$Î/ õ8Îô³ç„ ⎯tΒ …çμ¯ΡÎ) ®

"Katotohanan, sinuman ang magbigay katambal sa pagsamba sa Allah, kung


gayon ay ipinagbabawal ng Allah sa kanya ang Paraiso. At ang Apoy ng
Impiyerno ang kanyang magiging tahanan. At para sa mga mapaggawa ng
masama at nagtatambal ng pagsamba sa Allah - walang tagatulong na
makapipigil sa parusang ipapataw sa kanila." (Al-Maidah- 5:72)

Kabilang dito ang pag-aalay ng hayop para sa iba maliban sa Allah, katulad ng
pag-aalay sa Jinn (mga nilikhang di-nakikita), santo, imahen o sa mga libingan.

2. Sinumang nagtatalaga ng tagapamagitan sa pagitan niya at sa Allah, nananalangin


sa kanila at humihiling sa kanilang mamagitan sa Allah para sa kanya, at
ibinibigay ang kanyang pagtitiwala sa kanila, siya ay isang di-nananampalataya.
3. Sinumang hindi nagtuturing sa mga nagtatambal ng iba sa pagsamba sa Allah
na mga di-nananampalataya, o nag-aalinlangan sa kanilang di-pananampalataya, o
nagtuturing na tama ang kanilang paniniwala, siya ay isa ring di-
nananampalataya.

4. Sinumang naniniwala na ang patnubay ng iba ay higit na ganap o mainam kaysa


sa patnubay na dinala ni Propeta Muhammad at siyang naniniwala na ang batas
ng iba ay nakahihigit kaysa sa batas na dala ni Muhammad ay kahalintulad ng
isang taong higit na ninanais ang pagmamahal sa mga huwad na diyus-diyusan
kaysa sa pagmamahal niya sa Allah. Samakatwid, siya ay hindi isang
mananampalataya.

11
5. Sinumang nasusuklam sa anumang dala ni Propeta Muhammad kahit na
isinasagawa pa niya ito, ay isa ring di-mananampalataya.

6. Sinumang kumukutya o lumilibak sa anumang aspeto ng relihiyon (Islam) ni


Propeta Muhammad o ginagawang katatawanan ang katuruan hinggil sa mga
gantimpala o kaparusahan, siya ay isa ring di-nananampalataya. Ang Allah ay
nagsabi:

〈 4 óΟä3ÏΨ≈yϑƒÎ) y‰÷èt/ Λänöxx. ô‰s% (#ρâ‘É‹tG÷ès? Ÿω ∩∉∈∪ šχρâ™Í“÷κyJó¡n@ óΟçFΨä. ⎯Ï&Ï!θß™u‘uρ ⎯ÏμÏG≈tƒ#u™uρ Ï&©#!$$Î/r& ö≅è% ®

"Sabihin: Ang inyo bang kinukutya ay ang Allah at ang Kanyang Ayat (talata sa
Qur'an) at ang Kanyang Sugo? Huwag magdahilan: Kayo ay naging di-
mananampalataya pagkaraan ninyong maniwala." (At-Taubah-9:65-66)

7. Ang pangkukulam na kinapapalooban ng paglilihis, pang-aakit, panggagayuma at


pagpapalit ng kalooban. Sinumang gumagawa nito o sumasang-ayon dito ay
isang di-mananampalataya. Ang Allah ay nagsabi:

〈 ( öàõ3s? Ÿξsù ×πsΨ÷GÏù ß⎯øtwΥ $yϑ¯ΡÎ) Iωθà)tƒ 4©®Lxm >‰tnr& ô⎯ÏΒ Èβ$yϑÏk=yèム$tΒuρ ®

"… Nguni't wala sa dalawang Anghel na ito ang nagturo sa sinuman ng gayong
mga bagay maliban sa pagsaksi na: ‘kami ay pagsubok lamang' ( huwag maging
di-mananam-palataya sa pag-aaral ng salamangka)." (Al-Baqarah-2:102)

8. Pagtataguyod ng mga nagtatambal sa iba sa pagsamba sa Allah at pagtulong sa


kanila laban sa mga Muslim. Ang Allah ay nagsabi:

〈 ∩∈⊇∪ t⎦⎫ÏϑÏ=≈©à9$# tΠöθs)ø9$# “ωôγtƒ Ÿω ©!$# ¨βÎ) 3 öΝåκ÷]ÏΒ …çμ¯ΡÎ*sù öΝä3ΖÏiΒ Νçλ°;uθtGtƒ ⎯tΒuρ ®

"… At kung sinuman sa inyo ang nagturing sa kanila (bilang mga kaibigan)
magkagayo'y siya ay tunay na isa sa kanila. Katotohanan, hindi pinapatnubayan
ng Allah yaong mga taong hindi makatarungan (nagtatambal ng pagsamba sa
Allah.)" (Al-Maidah-5:51)

9. Sinumang naniniwala na ang ilang tao ay di-saklaw ng pagsunod sa Shariah ni


Muhammad katulad ng mga nag-aangking di-sakop ang mga mamamayan ni
Khidr sa pagsunod sa Batas ni Moises ay isa ring di-mananampalataya.

10. Ang pagwawalang-bahala sa relihiyon ng Allah sa pamamagitan ng di-pag-aaral


nito at di-pagsasagawa nito. Ang Allah ay nagsabi:

〈 ∩⊄⊄∪ tβθßϑÉ)tFΖãΒ š⎥⎫ÏΒÍôfßϑø9$# z⎯ÏΒ $¯ΡÎ) 4 !$yγ÷Ψtã uÚ{ôãr& ¢ΟèO ⎯ÏμÎn/u‘ ÏM≈tƒ$t↔Î/ uÏj.èŒ ⎯£ϑÏΒ ãΝn=øßr& ô⎯tΒuρ ®

"At sino ang nakagagawa ng higit na maraming kamalian kaysa sa kanya na


pinaaalalahanan sa Ayat (talata sa Qur'an) ng kanyang Panginoon at pagkatapos
ay isinantabi o tinalikuran ito? Katotohanan, Kami ay maglalapat ng ganti sa
mga Mujrimun (kriminal, makasalanan, di-nananampalataya, nagtambal ng
pagsamba sa Allah)." (As-Sajada-32:22)

Walang pagkakaiba ang mapagbiro at ang seryosong tao hinggil sa mga


nagpapawalang bisang ito ng kanyang pagiging Muslim maliban sa isang nasa
ilalim ng kagipitan. Lahat ng kadahilanang ito ay sadyang mapanganib at
karaniwang nangyayari. Kung kaya ang isang Muslim ay nararapat na mag-ingat

12
at matakot sa mga ito sa kanyang sarili. Tayo ay nagpapakupkop sa Allah sa
mga sanhi ng Kanyang poot at matinding kaparusahan.

TAWHEED
Ang Kaisahan ng Allah

Ito ay nagtuturo ng paniniwala sa Kaisahan ng Allah ayon sa katuruan ng Islam at


nagpapahayag na ang Allah ay nag-iisa at walang katambal. Sa Kanya ang Kataas-
taasang Kapangyarihan at lahat ng Papuri. Siya ay hindi ipinanganak at hindi nagka-
anak. Siya ay walang anumang karibal o kasama sa Kanyang pagka-Diyos at
Pamamahala.

ANG TATLONG BAHAGI NG TAWHEED

1. Tawheed Ar-Rububiyah (Kaisahan ng Kanyang Pagka-Diyos).

Bagaman ang mga pagano sa panahon ni Propera Muhammad ay naniniwala


dito, hindi pa rin sila binigyan ng karapatang pumasok sa Islam. Bagkus, si
Propera Muhammad ay nagpahintulot sa Muslim na makipaglaban at
makidigma sa kanila at pagkuha sa kanilang mga ari-arian bilang labi ng digmaan
sapagka't sila ay nagtatalaga ng mga diyus-diyusan katulad ni Lat, Uzza at Manat
bilang katambal ng Allah. Ang Tawhid Ar-Rububiyah ay ang paninindigan sa
Kaisahan ng Allah sa lahat ng Kanyang mga gawa katulad ng matutunghayan
sa Banal na Qur'an:

ÏMÍh‹yϑø9$# z⎯ÏΒ ¢‘y⇔ø9$# ßlÍøƒä† ⎯tΒuρ u≈|Áö/F{$#uρ yìôϑ¡¡9$# à7Ï=ôϑtƒ ⎯¨Βr& ÇÚö‘F{$#uρ Ï™!$yϑ¡¡9$# z⎯ÏiΒ Νä3è%ã—ötƒ ⎯tΒ ö≅è% ®

〈 ∩⊂⊇∪ tβθà)−Gs? Ÿξsùr& ö≅à)sù 4 ª!$# tβθä9θà)uŠ|¡sù 4 zöΔF{$# ãÎn/y‰ãƒ ⎯tΒuρ Çc‘⇔
y ø9$# š∅ÏΒ |MÍh‹yϑø9$# ßlÍøƒä†uρ

"Sabihin: Sino ang nagtutustos sa inyo ng mga biyayang mula sa langit at lupa?
O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at paningin? At sino ang nagbibigay
buhay mula sa patay at sino ang nagbibigay kamatayan sa buhay? At sino ang
namamahala sa lahat ng nangyayari? Sila ay magsasabi: ALLAH! Kayo kung
gayon ay hindi natatakot sa kaparusahan ng Allah dahil sa pagtatalaga ng
katambal sa pagsamba sa Kanya? (Yunus-10:31)

〈 ∩⊆∪ 7‰xmr& #³θàà2 …ã&©! ⎯ä3tƒ öΝs9uρ ∩⊂∪ ô‰s9θムöΝs9uρ ô$Í#tƒ öΝs9 ∩⊄∪ ߉yϑ¢Á9$# ª!$# ∩⊇∪ î‰xmr& ª!$# uθèδ ö≅è% ®

"Sabihin {O Muhammad}: Siya ang Allah ang Nag-iisa. Ang Allah ang may
kasapatan. Siya ang sandigan ng lahat ng mga nilikha. Siya ay hindi nagkaanak
at hindi rin ipinanganak. At walang makapapantay o maihahambing sa Kanya."
(Al-Ikhlas-112:1-4)

Ito ay nangangahulugan na pinangyayari ng Allah na maganap ang lahat ng


bagay. Siya ang nagtutustos at nagpapanatili sa mga nilikha. Siya ang nag-iisang
Panginoon ng sanlibutan, wala Siyang pangangailangan kaninuman bilang
katulong. Siya ang may kakayahan sa lahat ng bagay.

13
2. Tawheed Al-Uluhiyah [Kaisahan ng (Ating) Pagsamba sa Kanya]

Ito ang malaon ng pinagtatalunan sa iba't ibang yugto ng panahon hanggang sa


kasalukuyan. Binibigyan-diin nito ang kahalagahan ng paniniwala na ang Allah
ang Tanging Nag-iisang Diyos na Siyang may karapatan sa lahat ng gawaing
pagsamba katulad ng panawagan, pangako, pag-aalay ng hayop, pag-asa,
pagkatakot, pagtitiwala, pagnanais, at pagsisisi.

Ang bawa't isa sa mga ito ay pinatutunayan ng mga babala sa Banal na Qur'an.

〈 ∩⊇⊆∪ ü“Íò2Ï%Ï! nο4θn=¢Á9$# ÉΟÏ%r&uρ ’ÏΤô‰ç6ôã$$sù O$tΡr& HωÎ) tμ≈s9Î) Iω ª!$# $tΡr& û©É_¯ΡÎ) ®

"Katotohanan, Ako ang Allah, walang Diyos na dapat sambahin maliban sa Akin,
kaya Ako lamang ang sambahin at magsagawa ng Salaah sa pag-alaala sa Akin."
(Taha-20:14)

〈 ∩⊄⊇∪ tβθà)−Gs? öΝä3¯=yès9 öΝä3Ï=ö6s% ⎯ÏΒ t⎦⎪Ï%©!$#uρ öΝä3s)n=s{ “Ï%©!$# ãΝä3−/u‘ (#ρ߉ç6ôã$# â¨$¨Ψ9$# $pκš‰r'¯≈tƒ ®
"O Tao! Sambahin lamang ang inyong Panginoon (Allah) na Siyang lumikha sa
inyo at sa mga nauna sa inyo upang kayo’y maging matapat na
mananampalataya. " (Al-Baqarah-2:21)

〈 ∩⊇∈⊄∪ Èβρãàõ3s? Ÿωuρ ’Í< (#ρãà6ô©$#uρ öΝä.öä.øŒr& þ’ÏΤρãä.øŒ$$sù ®

"Kaya alalahanin ninyo Ako (sa inyong mga panalangin), alalahanin Ko rin kayo.
At maging mapagpasalamat sa Akin at huwag magtakwil sa pananampalataya."
(Al-Baqarah-2:152)

3. Tawheed Al-Asmaa wa Al Assifat (Kaisahan ng Allah sa Kanyang mga


Pangalan at Katangian)

Ito ay nangangahulugan ng pagpapatunay sa lahat ng Pangalan at Katangian ng


Allah, na hindi binibigyan ng ibang kahulugan, o pinapalitan, o binabago, atbp.

Ang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur'an:

tβθè=yϑ÷ètƒ (#θçΡ%x. $tΒ tβ÷ρu“ôfã‹y™ 4 ⎯ÏμÍׯ≈yϑó™r& þ’Îû šχρ߉Åsù=ムt⎦⎪Ï%©!$# (#ρâ‘sŒuρ ( $pκÍ5 çνθããôŠ$$sù 4©o_ó¡çtù:$# â™!$oÿôœF{$# ¬!uρ ®

〈 ∩⊇∇⊃∪

"At lahat ng mga Pinakamagagandang Pangalan ay pagmamay-ari ng Allah


(Subhana wa ta Allah). Kung kaya tawagin lamang Siya sa mga ito. At iwanan
yaong pinasi-sinungalingan at itinatatwa ang Kanyang mga Pangalan. Sila ay
pagbabayarin sa kanilang ginagawa." (Al-Araf-7:180)

〈 ∩⊇⊇∪ ãÅÁt7ø9$# ßìŠÏϑ¡¡9$# uθèδuρ ( Ö™ó©x« ⎯ÏμÏ=÷WÏϑx. }§øŠs9 ®


"…Walang katulad Niya at Siya ang lubos na Nakaririnig, ang Lubos na
Nakakikita." (Ash-Shura-42:11)

14
SHIRK

Pagbibigay-katambal sa Pagsamba Allah.


Ang Shirk ay tatlong Uri:

1. Ash-Shirk Al-Akbar (Malaking Politeismo )

Ang mabigat na politeismo (Shirk) ay ang pag-aalay ng anumang uri ng pagsamba


sa sinuman maliban sa Allah. Kailanman ay hindi patatawarin ng Allah ni hindi
Niya tatanggapin kahit kasama pa nito ang anumang mabuting gawa katulad ng
sinabi ng Allah sa Banal na Qur'an:

Kξ≈n=|Ê ¨≅|Ê ô‰s)sù «!$$Î/ õ8Îô³ç„ ⎯tΒuρ 4 â™!$t±o„ ⎯yϑÏ9 y7Ï9¨sŒ šχρߊ $tΒ ãÏøótƒuρ ⎯ÏμÎ/ x8uô³ç„ βr& ãÏøótƒ Ÿω ©!$# ¨βÎ) ®

〈 ∩⊇⊇∉∪ #´‰‹Ïèt/

"Katotohanan, hindi pinatatawad ng Allah ang kasalanang pagtatambal ng iba sa


Kanya. Nguni't Kanyang pinata-tawad ang ibang kasalanan maliban dito sa
sinumang Kanyang nais. At sino mang magtambal ng iba sa Allah ay tunay na
naligaw nang malayo ". (An-Nisa-4:48)

ª!$# tΠ§xm ô‰s)sù «!$$Î/ õ8Îô³ç„ ⎯tΒ …çμ¯ΡÎ) ( öΝà6−/u‘uρ ’Ïn1u‘ ©!$# (#ρ߉ç6ôã$# Ÿ≅ƒÏ™¨uó Î) û©É_t7≈tƒ ßxŠÅ¡yϑø9$# tΑ$s%uρ ®

〈 ∩∠⊄∪ 9‘$|ÁΡr& ô⎯ÏΒ š⎥⎫ÏϑÏ=≈©à=Ï9 $tΒuρ ( â‘$¨Ψ9$# çμ1uρù'tΒuρ sπ¨Ψyfø9$# Ïμø‹n=tã


"At ang Mesiyas (Hesus) ay nagsabi: ‘O angkan ng Israel! Sambahin ang Allah,
ang aking Panginoon at inyong Panginoon’. Katotohanan sinumang magtambal
sa pgsamba sa Allah, magkagayo'y ipagbabawal ng Allah sa kanya ang Paraiso.
Ang Apoy ng Impiyerno ang kanyang magiging tirahan. At para sa mga
mapaggawa ng masama at nagtatambal sa pagsamba sa Allah wala silang
tagatulong." (Al-Maidah-5:72)

〈 ∩∉∈∪ z⎯ƒÎÅ£≈sƒù:$# z⎯ÏΒ £⎯tΡθä3tGs9uρ y7è=uΗxå £⎯sÜt6ósu‹s9 |Mø.uõ°r& ÷⎦È⌡s9 ®

"…Kapag ikaw ay nagtalaga ng mga katambal sa pagsamba sa Allah,


magkagayo'y ang lahat ng iyong mga gawa ay tiyak na mawawalang-saysay at
katiyakang isa ka sa mga talunan." (AZ-Zumar-39:65)

〈 ∩∇∇∪ tβθè=yϑ÷ètƒ (#θçΡ%x. $¨Β Οßγ÷Ζtã xÝÎ6yss9 (#θä.uõ°r& öθs9uρ ®

"… at kung nagtalaga sila ng katambal sa pagsamba sa Allah, ang lahat ng dati
nilang ginagawa ay walang kapakinabangan sa kanila. " (A-An'am-6:88)

Mga Uri ng Ash-Shirk Al-Akbar (Malaking Politeismo)


a. Politeismo sa Panawagan. Ating matutunghayan sa Banal na Qur'an:

〈 ∩∉∈∪ tβθä.Îô³ç„ öΝèδ #sŒÎ) Îhy9ø9$# ’n<Î) öΝßγ9¯gwΥ $£ϑn=sù t⎦⎪Ïe$!$# çμs9 t⎦⎫ÅÁÏ=øƒèΧ ©!$# (#âθtãyŠ Å7ù=àø9$# ’Îû (#θç7Å2u‘ #sŒÎ*sù ®

15
"At kapag sila ay lumulan sa barko, sila ay nananawagan sa Allah, na ginagawa
nilang dalisay ang kanilang pananampalataya para sa Kanya lamang. Subali't
kapag naihatid na sila ng Allah sa kaligtasan, masdan, sila ay nagtatalaga ng
mga katambal sa Allah. " (Al-Ankabut-29:65)

b. Politeismo sa Layunin, Naisin at Hangarin. Ating basahin ang


ipinahayag sa Banal na Qur'an:

y7Íׯ≈s9'ρé& ∩⊇∈∪ tβθÝ¡y‚ö7ムŸω $pκÏù óΟèδuρ $pκÏù öΝßγn=≈yϑôãr& öΝÎκös9Î) Åe∃uθçΡ $uηtFt⊥ƒÎ—uρ $u‹÷Ρ‘‰9$# nο4θuŠysø9$# ߉ƒÍムtβ%x. ⎯tΒ ®

〈 ∩⊇∉∪ tβθè=yϑ÷ètƒ (#θçΡ$Ÿ2 $¨Β ×≅ÏÜ≈t/uρ $pκÏù (#θãèuΖ|¹ $tΒ xÝÎ7xmuρ ( â‘$¨Ψ9$# ωÎ) Ïοu½zFψ$# ’Îû öΝçλm; }§øŠs9 t⎦⎪Ï%©!$#

"Sinumang maghangad ng buhay sa mundo at ang ningning nito, Aming


babayaran sila nang lubos sa kanilang mga gawa at sila ay hindi magkakaroon
ng kabawasan dito. Sila'y wala ng makukuha sa kabilang buhay kundi ang Apoy.
At walang kabuluhan ang kanilang mga gawa dito, at walang ibubunga ang
kanilang ginagawa noon." (Hud-11:15-16)

k. Politeismo sa Pagsunod. Ang pagpapakita ng pagtalima sa mga utos ng iba


at pagsuway sa Allah.

$Yγ≈s9Î) (#ÿρ߉ç6÷èu‹Ï9 ωÎ) (#ÿρãÏΒé& !$tΒuρ zΝtƒötΒ š∅ö/$# yx‹Å¡yϑø9$#uρ «!$# Âχρߊ ⎯ÏiΒ $\/$t/ö‘r& öΝßγuΖ≈t6÷δâ‘uρ öΝèδu‘$t6ômr& (#ÿρä‹sƒªB$# ®

〈 ∩⊂⊇∪ šχθà2Íô±ç„ $£ϑtã …çμsΨ≈ysö7ß™ 4 uθèδ ω


 Î) tμ≈s9Î) Hω ( #Y‰Ïm¨uρ

"Sila (Hudyo at Kristiyano) ay nagturing sa kanilang mga rabbi at sa kanilang


mga pari na kanilang mga panginoon bukod sa Allah (sa pamamagitan ng
pagsunod sa kanila, sa kanilang mga ipinahihintulot o ipinagbabawal ayon sa
kanilang sariling mga hangarin ng hindi ipinag-uutos ng Allah) at (kanila ring
itinuturing na panginoon) ang Mesiyas na anak ni Maria, samantalang ipinag-
utos sa kanila (Hudyo at Kristiano sa batas ni Moises (Torah) at batas ni Hesus
(Ebanghelyo)) na walang sasambahin maliban ang nag-iisang Diyos (Allah) –
walang tunay na Diyos maliban sa Kanya. Ang papuri at pagluwalhati ay sa
Kanya lamang. Sadyang kay layo Niya sa pagkakaroon ng katambal na kanilang
iniuugnay sa Kanya." (At-Taubah-9:31)

d. Politeismo sa Pagmamahal. Ang pagpapakita ng pagmamahal sa iba na dapat


ay para sa Allah lamang. Sinabi ng Allah sa Banal na Qur'an:

〈 ( «!$# Éb=ßsx. öΝåκtΞθ™6Ïtä† #YŠ#y‰Ρr& «!$# Èβρߊ ⎯ÏΒ ä‹Ï‚−Gtƒ ⎯tΒ Ä¨$¨Ζ9$# š∅ÏΒuρ ®

"At sa sangkatauhan ay may sumasamba sa iba bukod pa sa Allah. Minamahal


nila ang mga ito katulad ng pagmamahal nila sa Allah." (Al-Baqarah-2:165)

2. Ash-Shirk Al-Ashgar (Maliit na Politeismo)

Ang maliit na politeismo ay Riyaa (Pakitang-tao o pagkukunwari), katulad ng


sinabi ng Allah:

〈 ∩⊇⊇⊃∪ #J‰tnr& ÿ⎯ÏμÎn/u‘ ÏοyŠ$t7ÏèÎ/ õ8Îô³ç„ Ÿωuρ $[sÏ=≈|¹ WξuΚtã ö≅yϑ÷èu‹ù=sù ⎯ÏμÎn/u‘ u™!$s)Ï9 (#θã_ötƒ tβ%x. ⎯yϑsù ®

16
"Kaya, sinuman ang umaasang haharap sa kanyang Panginoon, hayaan siyang
gumawa ng mabubuti at huwag magtambal sa pagsamba sa kanyang Panginoon."
(Al-Kahf 18:110)

Ang sabi ng Sugo ng Allah: ‘Ang higit kong kinatatakutan sa inyo ay ang Shirk
Al-Ashgar. Nang tanungin siya kung ano ito, siya ay nagsabi; ang nakakubling
Shirk.’ (Ahmed, At-Tabarani, Bayhaqi).

"Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Sinumang sumumpa sa pangalan ng iba


maliban sa Allah ay isang Mushrik (mga sumasamba sa diyus-diyusan)."

3. Ash-Shirk Al-Khafi (Nakatagong Politeismo)

Ang nakatagong politeismo ay ipinaliwanag ng Sugo ng Allah:

.‫الليل‬ ِ َ ْ ُ ‫سوداء ِفي‬


ْ ‫ظلمة ﱠ‬ َ َ ‫السوداء‬
ْ َ ‫على صفاة‬ َ ْ ‫دبيب ﱠ‬
ْ ‫النملة ﱠ‬ َ ْ ‫األمة‬
ِ َ ‫أخفى ِمن‬ ‫ھذه ﱠ‬ ُ ْ ‫ﱢ‬
ِ َ ‫الشرك ِفي‬
"Ang di-nakikitang politeismo sa Ummah (sambayanang Muslim) na ito ay
nakatago nang higit pa sa mga bakas ng itim na langgam sa itim na bato sa isang
madilim na gabi."

Narito ang duá o panalangin sa paghingi ng tawad hinggil sa paggawa ng


kasalanang ito. Ayon sa pahayag ng Sugo ng Allah, ito ay:

َ ْ َ ‫الذي ال‬
.‫أعلم‬ ِ ‫ب‬ ْ ‫من ﱠ‬
ِ ‫الذن‬ َ ُ ِ ْ َ ْ َ َ ‫أعلم‬
َ ِ ‫وأستغفرك‬ َ ْ َ ‫وأنا‬
َ َ َ ً ‫شيئا‬
ْ َ ‫بك‬ َ ِ ْ ُ ‫أن‬
َ ِ ‫أشرك‬ ْ ‫بك‬ ُ ُ َ ‫اللھم ِ ﱢإني‬
َ َ ‫أعوذ‬ ‫ُﱠ‬
"O Allah! Katotohanan ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagbibigay
katambal sa pagsamba sa Iyo at ako ay nagsusumamo para sa Iyong
kapatawaran sa mga kasalanang hindi ko nalalaman."

KUFR - KAWALAN NG PANINIWALA

1. Al-Kufr Al-Akbar
(Ang Malaking Pagtatakwil o di-Paniniwala)

Ang Kufr Al-Akbar ay ang tinatawag na malaking pagtatakwil o di-paniniwala.


Sinumang gumawa nito ay lumabas sa Islam. Ang mga sumusunod ay mga uri ng
Al-Kufr Al-Akbar:

a. Kufr ng pagtatatwa – katulad ng sinabi ng Allah:

“Yθ÷WtΒ tΛ©⎝yγy_ ’Îû }§øŠs9r& 4 ÿ…çνu™!%y` $£ϑs9 Èd,ysø9$$Î/ z>¤‹x. ÷ρr& $¹/É‹Ÿ2 «!$# ’n?tã 3“uyIøù$# Ç⎯£ϑÏΒ ãΝn=øßr& ô⎯tΒuρ ®

〈 ∩∉∇∪ t⎦⎪ÍÏ≈x6ù=Ïj9

"At sino pa ba ang nakagagawa ng kamalian kaysa sa kanyang nagsasabi ng


kasinungalingan laban sa Allah, o nagtatatwa sa katotohanan (na si Muhammad
ay Sugo ng Allah, at ang doktrina ng Islamikong Pagsamba sa nag-iisang Diyos
at itong Banal na Qur'an) kapag ito ay dumarating sa kanya? Hindi ba't may
lugar sa Impiyerno para sa mga di-naniniwala?" (Al-Ankabut-29:68)

17
b. Kufr ng Pagmamataas – bagaman batid ang katotohanan:

〈 ∩⊂⊆∪ š⎥⎪ÍÏ≈s3ø9$# z⎯ÏΒ tβ%x.uρ uy9õ3tFó™$#uρ 4’n1r& }§ŠÏ=ö/Î) HωÎ) (#ÿρ߉yf|¡sù tΠyŠKψ (#ρ߉àfó™$# Ïπs3Íׯ≈n=uΚù=Ï9 $sΨù=è% øŒÎ)uρ ®

"At tandaan noong Aming sinabi sa mga Anghel: magpatirapa kayo kay Adam at
sila ay nagpatirapa maliban lamang kay Iblis (Si Satanas ay isa mga Jinn) siya ay
tumanggi at nagmataas, at siya ay isa sa mga di-nananampalataya o sumuway sa
Allah." (Al-Baqarah-2:34)

k. Kufr ng Pag-aalinlangan o Pagdududa – katibayan ay ang pahayag ng


Allah:

ZπyϑÍ←!$s% sπtã$¡¡9$# ⎯àßr& !$tΒuρ ∩⊂∈∪ #Y‰t/r& ÿ⎯ÏνÉ‹≈yδ y‰ŠÎ6s? βr& ⎯àßr& !$tΒ tΑ$s% ⎯ÏμÅ¡øuΖÏj9 ÖΝÏ9$sß uθèδuρ …çμtG¨Ψy_ Ÿ≅yzyŠuρ ®

“Ï%©!$$Î/ |Nöxx.r& ÿ…çνâ‘Íρ$utä† uθèδuρ …çμç7Ïm$|¹ …çμs9 tΑ$s% ∩⊂∉∪ $Y6n=s)ΖãΒ $yγ÷ΨÏiΒ #[öyz ¨βy‰É`{ ’Ïn1u‘ 4’n<Î) ‘NŠÏŠ•‘ ⎦È⌡s9uρ

〈 ∩⊂∇∪ #Y‰tnr& þ’Ïn1uÎ/ à8Îõ°é& Iωuρ ’Ïn1u‘ ª!$# uθèδ O$¨ΨÅ3≈©9 ∩⊂∠∪ ξ
W ã_u‘ y71§θy™ §ΝèO 7πxôÜœΡ ⎯ÏΒ §ΝèO 5>#uè? ⎯ÏΒ y7s)n=yz

"At siya ay pumunta sa kanyang hardin habang nasa kalagayan ng pagmamataas


at di-paniniwala na di-makatarungan sa kanyang sarili. Siya ay nagsabi; hindi
ko tiyak o iniisip na ito ay mawawala at hindi ko iniisip na ang Oras ng
Paghuhukom ay darating. At kung tunay man akong makahahanap nang higit
kaysa dito kapag ako ay nagbalik sa Kanya. Ang kanyang kasama ay nagsabi
habang nakikipag-usap sa kanya. Hindi ka ba naniniwala sa Kanya na lumikha
sa iyo mula sa alabok at pagkatapos ay mula sa semilya at pagkatapos ay
humubog sa iyo upang maging tao? Sa ganang akin, ako ay naniniwala na Siya
ang Allah, ang aking Panginoon at wala akong itatambal na iba sa aking
Panginoon " (Al-Kahf-18:35-38)

d. Kufr ng Pagwawalang-bahala – ang Allah ay nagsabi:

〈 ∩⊂∪ tβθàÊÍ÷èãΒ (#ρâ‘É‹Ρé& !$£ϑtã (#ρãxx. t⎦⎪Ï%©!$#uρ ®

"…subali't yaong mga di-naniniwala ay lumayo at hindi alintana kung saan sila
binigyang-babala." (Al-Ahqaf-46:3)

e. Kufr ng Pagkukunwari – ito ay pagpapakita at pagsasabi ng paniniwala


subali't hindi tunay na naniniwala. Ang Allah ay nagsabi:

〈 ∩⊂∪ tβθßγs)øtƒ Ÿω óΟßγsù öΝÎκÍ5θè=è% 4’n?tã yìÎ7äÜsù (#ρãxx. §ΝèO (#θãΖtΒ#u™ öΝåκ®Ξr'Î/ y7Ï9¨sŒ ®

"Iyan ay dahilan na sila ay naniwala, at pagkatapos ay tumalikod sa kanilang


paniniwala, kung gayon ang kanilang puso ay isinara, kaya di nila maunawaan."
(Al-Munafiqun-63:3)

2. Al Kufr Al-Ashgar (Maliit na di-paniniwala)

Ang ganitong di-paniniwala ay hindi naglalabas ng tao sa Islam. Ito ay ang


kawalan ng utang na loob katulad ng sinabi ng Allah:

18
«!$# ÉΟãè÷Ρr'Î/ ôNuxx6sù 5β%s3tΒ Èe≅ä. ⎯ÏiΒ #Y‰xîu‘ $yγè%ø—Í‘ $yγ‹Ï?ù'tƒ Zπ¨ΖÍ≥yϑôÜ–Β ZπsΨÏΒ#u™ ôMtΡ$Ÿ2 Zπtƒös% WξsWtΒ ª!$# z>uŸÑuρ ®

〈 ∩⊇⊇⊄∪ šχθãèuΖóÁtƒ (#θçΡ$Ÿ2 $yϑÎ/ Å∃öθy‚ø9$#uρ Æíθàfø9$# }¨$t6Ï9 ª!$# $yγs%¨sŒr'sù

"At ipinakita ng Allah ang halimbawa ng isang bayan na namamalaging payapa


at ligtas at nasisiyahan, ang panustos ay dumarating dito nang masagana mula sa
bawa't lugar. Nguni't ang mga tao dito ay nagtatwa at itinanggi nila ang mga
biyaya ng Allah dahil sa kawalan ng utang na loob. Kaya ginawa ng Allah na
malasap nito ang matinding pagkagutom at takot bilang ganti sa kanilang mga
gawa." (An-Nahl-16:112)

NIFAAQ
PAGKUKUNWARI

Ang Nifaaq o Pagkukunwari ay may dalawang uri:

1 – Nifaaq Al-I'tiqaadi (Pagkukunwari sa paniniwala)

Ang pagkukunwari sa paniniwala ay may anim na uri. Sinumang gumawa nito ay


malulublob sa Apoy ng Impiyerno:

a. Pagtatwa sa Sugo ng Allah.

b. Pagtalikod sa anumang bahagi na ipinahayag sa sangkatauhan.

c. Pagkasuklam sa Sugo ng Allah.

d. Pagkasuklam sa alinmang Banal na Mensahe (kapahayagan) na ipinahayag sa


Sugo .

e. Kasiyahan sa paninira sa Islam.

f. Paghihinagpis o di-pagsang-ayon sa tagumpay na nakamit ng Islam.

2 – Nifaaq Al-Amali (Pagkukunwari sa Gawa)

Ang pagkukunwari sa gawa ay may limang uri katulad ng sinabi ng Sugo :

َ ِ ُ ْ ‫وإذا‬
َ َ ‫اؤتمن‬
.‫خان‬ َ َ ْ َ ‫وعد‬
َ ِ َ ‫أخلف‬ َ ِ َ ‫كذب‬
َ َ َ ‫وإذا‬ َ َ َ ‫حدث‬
َ ‫ثالث ِ َإذا َ ﱠ‬ ِ ِ َ ُ ْ ُ ‫َآية‬
ٌ َ َ ‫المنافق‬
"Ang mga palatandaan ng isang mapagkunwari ay tatlo: (1) kapag siya ay
nagsalita, siya ay nagsisinungaling; (2) kapag siya ay nangako, hindi siya
tumutupad; (3) kapag siya ay pinagkatiwalaan, siya ay hindi nagiging matapat."

Sa isang Hadith,

َ َ ‫عاھد‬
.‫غدر‬ َ ِ َ .‫فجر‬
َ َ َ ‫وإذا‬ َ َ ‫خاصم‬ ََِ
َ َ َ ‫وإذا‬
"(4) Kapag siya ay nakipagtalo o nakipag-away, siya ay nagiging salaula o
mahalay; at (5) kapag siya ay nakipag-kasundo, siya ay nagiging taksil."

19
TAGHUT
ANG KAHULUGAN AT ANG MGA PINUNO NITO

Ang unang ipinag-utos ng Allah ay ang pagsamba lamang sa Kanya at ang pag-iwas
o pagtatwa sa Taghut (lahat ng uri ng sinasamba maliban sa Allah). Ang Allah
ay nagpahayag:

〈 ( |Nθäó≈©Ü9$# (#θç7Ï⊥tGô_$#uρ ©!$# (#ρ߉ç6ôã$# Âχr& »ωθß™§‘ 7π¨Βé& Èe≅à2 ’Îû $uΖ÷Wyèt/ ô‰s)s9uρ ®

"At katotohanan, Kami ay nagpadala sa bawa't Ummah (pamayanan o bansa) ng


Sugo na nagpahayag, ‘sumamba sa Allah lamang at umiwas sa Taghut (lahat ng
uri ng sinasamba maliban sa Allah)’." (Al-Nahl- 16:36 )

Ang kahulugan ng pagtatwa sa Taghut ay ang maniwala sa kawalang-saysay,


kawalang-halaga at kawalang-katotohanan ng anumang sinasamba maliban sa
Allah. Dapat itong iwanan, kasuklaman, at isumpa ang mga tagasunod nito at
isagawa ang pakikipaglaban sa kanilang gawain.

Ang kahulugan ng paniniwala sa Allah ay Siya lamang ang nag-iisang tunay na


Diyos na dapat sambahin ng walang katambal. Nararapat ialay ang lahat ng uri ng
pagsamba sa Allah lamang. Karagdagan pa rito, nararapat mahalin ang mga
matatapat na tao sa pagsamba sa Allah at maging kaibigan sila. Nararapat din
ninyong kamuhian ang mga tagasunod ng politeismo at makipaglaban sa kanilang
ginagawa. Sa katunayan, ang pagsamba lamang sa Allah ay ang relihiyon ni
Abraham. Sinuman ang lumihis mula dito, ginawa lamang niyang hangal ang
kanyang sarili. Ito ay isang magandang halimbawa para sa atin na ipinakita sa Banal
na Qur'an:

⎯ÏΒ tβρ߉ç7÷ès? $£ϑÏΒuρ öΝä3ΖÏΒ (#äτ¨u™uç/ $¯ΡÎ) öΝÎηÏΒöθs)Ï9 (#θä9$s% øŒÎ) ÿ…çμyètΒ t⎦⎪Ï%©!$#uρ zΟŠÏδ¨uö/Î) þ’Îû ×πuΖ|¡xm îοuθó™é& öΝä3s9 ôMtΡ%x. ô‰s% ®

〈 ÿ…çνy‰ômuρ «!$$Î/ (#θãΖÏΒ÷σè? 4©®Lxm #´‰t/r& â™!$ŸÒøót7ø9$#uρ äοuρ¨y‰yèø9$# ãΝä3uΖ÷t/uρ $uΖsΨ÷t/ #y‰t/uρ ö/ä3Î/ $tΡöxx. «!$# Èβρߊ

"Tunay na mayroong napakahusay na halimbawa para sa inyo sa katauhan ni


Abraham at yaong sumusunod sa kanya, noong kanyang sinabi sa kanilang kalipi:
Katotohanan kami ay malaya sa anumang inyong sinasamba bukod sa Allah. Kayo
ay aming tinanggihan, at may labanang nagsimula sa pagitan namin at sa inyo, at
pagkasuklam magpakailanman hanggang sa kayo ay maniwala sa Allah lamang."
(Al-Mumtahana-60:4)

Ang Taghut ay isang malawak na kataga na tumutukoy sa lahat ng bagay na


sinasamba maliban sa Allah. Ang pangma-ramihan katawagan nito ay Tawaaghit.
Ang mga pangunahin o nangunguna sa mga Tawaaghit ay ang limang sumusunod:

1. Ang isinumpang si Satanas na nag-aanyaya sa tao na sumamba ng maliban sa


Allah. Ang patunay ay ang salita ng Allah sa Banal na Qur'an:

〈 ∩∉⊃∪ ×⎦⎫Î7–Β Aρ߉tã öΝä3s9 …çμ¯ΡÎ) ( z⎯≈sÜø‹¤±9$# (#ρ߉ç7÷ès? ω χr& tΠyŠ#u™ û©É_t6≈tƒ öΝä3ø‹s9Î) ô‰yγôãr& óΟs9r& * ®

"Hindi ba't ipinag-utos Ko sa inyo, o anak ni Adam, na huwag ninyong sambahin


si Satanas. Katotohanan siya ay isang tahasang kaaway sa inyo." (Yaasin 36:60)

20
2. Ang pinuno na pinapalitan ang Batas ng Allah (Batas Islamiko). Ang patunay
ay ang salita ng Allah sa Banal na Qur'an:

(#ûθßϑx.$y⇔tFtƒ βr& tβρ߉ƒÍムy7Ï=ö6s% ⎯ÏΒ tΑÍ“Ρé& !$tΒuρ y7ø‹s9Î) tΑÍ“Ρé& !$yϑÎ/ (#θãΨtΒ#u™ öΝßγ¯Ρr& tβθßϑãã÷“tƒ š⎥⎪Ï%©!$# ’n<Î) us? öΝs9r& ®

〈 ∩∉⊃∪ #Y‰‹Ïèt/ Kξ≈n=|Ê öΝßγ¯=ÅÒムβr& ß⎯≈sÜø‹¤±9$# ߉ƒÍãƒuρ ⎯ÏμÎ/ (#ρãàõ3tƒ βr& (#ÿρÞÉΔé& ô‰s%uρ ÏNθäó≈©Ü9$# ’n<Î)

"Hindi mo ba nakikita yaong mga mapagkunwari na nag-aanking sila ay


naniniwala sa ibinaba o ipinahayag sa iyo at sa mga ipinahayag sa mga nauna sa
iyo, at nagnanais dumulog sa mga Taghut (maling pasya atbp.) upang humingi ng
hatol o pagpapasya hinggil sa kanilang mga pinagtatalunan samantalang sila ay
pinag-utusang tang-gihan ang mga ito. Subali't minimithi ni Satanas na iligaw
sila ng landas." (an-Nisaa' 4:60)

3. Ang isang taong nagbibigay pasya o hatol ng batas nang liban sa batas na
ipinahayag ng Allah. Ang patunay ay ang ipinahayag sa Banal na Qur'an:

〈 ∩⊆⊆∪ tβρãÏ≈s3ø9$# ãΝèδ y7Íׯ≈s9'ρé'sù ª!$# tΑu“Ρr& !$yϑÎ/ Οä3øts† óΟ©9 ⎯tΒuρ ®

"…At sinumang hindi maghatol ayon sa ipinahayag ng Allah, magkagayon sila ay


Kaafirun (mga di-nananam-palataya)." (Al-Ma'edah 5:44)

4. Sinumang nag-aangking may kahati siya sa Allah hinggil sa Ilm al-Ghaib


(kaalaman hinggil sa mga di-nakikita, mga nakalingid atbp.). Ang patunay ay ang
sabi ng Allah:

Ïμ÷ƒy‰tƒ È⎦÷⎫t/ .⎯ÏΒ à7è=ó¡o„ …çμ¯ΡÎ*sù 5Αθß™§‘ ⎯ÏΒ 4©|Ós?ö‘$# Ç⎯tΒ ωÎ) ∩⊄∉∪ #´‰tnr& ÿ⎯ÏμÎ7øŠxî 4’n?tã ãÎγøàムŸξsù É=ø‹tóø9$# ãΝÏ=≈tã ®

〈 ∩⊄∠∪ #Y‰|¹u‘ ⎯ÏμÏù=yz ô⎯ÏΒuρ

"(Tanging Siya lamang) ang nakababatid ng Al-Ghaib (mga di-nakikita), at wala


Siyang pinakitaan ng Kanyang Ghaib maliban sa Sugo (mula sa sangkatauhan)
na Kanyang pinili. Pagkatapos Siya ay lumikha ng mga pangkat ng mga
tagabantay (mga Anghel) upang magmasid sa harapan niya at sa likuran niya
(bilang tagapangalaga). (Al-Jinn 72:26-27)

At gayundin:

$yγßϑn=÷ètƒ ωÎ) >πs%u‘uρ ⎯ÏΒ äÝà)ó¡n@ $tΒuρ 4 Íóst7ø9$#uρ Îhy9ø9$# ’Îû $tΒ ÞΟn=÷ètƒuρ 4 uθèδ ωÎ) !$yγßϑn=÷ètƒ Ÿω É=ø‹tóø9$# ßxÏ?$xtΒ …çνy‰ΨÏãuρ * ®

〈 ∩∈®∪ &⎦⎫Î7–Β 5=≈tGÏ. ’Îû ωÎ) C§Î/$tƒ Ÿωuρ 5=ôÛu‘ Ÿωuρ ÇÚö‘F{$# ÏM≈yϑè=àß ’Îû 7π¬6xm Ÿωuρ

"At sa Kanya ang pagmamay-ari ng mga susi ng Ghaib; walang sinumang


nakababatid ng mga ito maliban sa Kanya. At alam Niya kung ano ang nasa
kalupaan at sa karagatan. Walang dahong napipigtal na hindi Niya batid.
Walang isang katiting na butil sa dilim ng kalupaan o anumang sariwa o tuyo
kundi (ang lahat ng mga ito) ay nakatala sa Malinaw na Talaan." (Al-an-Am
6:59)

5. Ang isang taong nagpapahintulot na sambahin siya bilang diyos bukod pa sa


Allah. Ang patunay ay ang salita ng Allah:

21
〈 ∩⊄®∪ t⎦⎫ÏϑÏ=≈©à9$# “Í“øgwΥ y7Ï9¨x‹x. 4 zΟ¨Ψyγy_ ÏμƒÍ“øgwΥ y7Ï9¨x‹sù ⎯ÏμÏΡρߊ ⎯ÏiΒ ×μ≈s9Î) þ’ÏoΤÎ) öΝåκ÷]ÏΒ ö≅à)tƒ ⎯tΒuρ * ®

"At kung sinuman sa kanila ang magsabi ng: 'Katotohanan ako ay isang ilah (diyos)
bukod sa Kanya (Allah),' ang isang katulad niya ay Aming papatawan ng Impiyerno.
Sa ganito Namin binabayaran ang mga mapaggawa ng kasalanan." (Al-Anbiya
21:29)

Nararapat malaman ng tao na hindi siya magiging tunay na naniniwala o


nananampalataya maliban lamang kung kanyang itatwa at isumpa ang Taghut. Ang
Allah ay nagsabi:

∩⊄∈∉∪ îΛ⎧Ï=tæ ìì‹Ïÿxœ ª!$#uρ 3 $oλm; tΠ$|ÁÏΡ$# Ÿω 4’s+øOâθø9$# Ïοuρóãèø9$$Î/ y7|¡ôϑtGó™$# ωs)sù «!$$Î/ -∅ÏΒ÷σãƒuρ ÏNθäó≈©Ü9$$Î/ öàõ3tƒ ⎯yϑsù ®

"Sinuman ang hindi maniwala sa Taghut, at maniwala sa Allah ay tunay na tumangan


sa pinakamatatag na hawakang kailanma'y hindi mababali. Ang Allah ang Lubos na
Naka-ririnig at Lubos na Maalam." (Al-Baqarah-2:256)

Ang tamang patnubay ay ang relihiyon na ipinadala ng Allah kay Muhammad .


Ang pinakamatatag na hawakan ay ang pagpapatotoo o pagsaksi na walang tunay na
Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah. Ang pagsaksing ito ay kinapapalooban
ng kapwa pagtatatwa at pagpapatunay: Ito ay pagtatatwa at pagtalikod sa anumang uri
ng pagsamba sa iba maliban sa Allah, at ang pagpapatunay ng pagsamba lamang sa
Allah – ang Isang Bukod-Tangi at walang anumang katambal.

Ang lahat ng papuri ay sa Allah lamang. Ang mga mabubuting gawa ay


naisasakatuparan at naisasagawa lamang sa pamamagitan ng Kanyang biyaya.

22
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Islam, mangyaring makipag-ugnayan sa mga
sumusunod na tanggapan:

(ISCAG - Philippines)
Islamic Studies, Call & Guidance-Philippines
Congressional Road, Salitran I,
Dasmarinas, Cavite
Philippines
Tel. (0063 46) 416-3371 / Fax 506-1451
www.iscag.com

(IL&IO)
Islamic Library & Information Office
P.O. Main Box 52916
Stall-B, HL Commercial Building
Pandan Citicenter – Phase 1
Magalang Road, Angeles City
Philippines
Tel. (0063 45) 887-4577
weblikislm@hotmail.comEmail:

This book is edited by TT&ESS


Tagalog Translation & Editing Support Services

23

You might also like