You are on page 1of 1

KUNIN MO ITONG GINTO MO!

Isa sa mga naikwento ni Propeta Muhammad (s.a.w):


Bumili ang isang lalaki ng bahay at lupa at pagkatapos ay kanya itong nilinisan at
inayus at kanyang natagpuan ang isang garapon ng ginto.
At ang sabi ng shaytan sa kanya: kunin mo yan dahil sayu yan.
Sabi ng lalaki: wallahi! Kung alam lang ng lalaking nagbinta saakin ng lupa at bahay
na ito na mayroong ginto dito ay hindi-hindi niya ito ibibinta saakin, kaya ibabalik ku
ito sa kanya, dahil sa kanya ito.
At pumunta nga siya sa nagbinta ng bahay at lupa, at kanyang sinabi: Assalamu
alaikom.
Sumagot ang nagbinta ng bahay: Alaikumussalam, Maligayang pagdating kapatid.
Sabi ng lalaking bumili: kunin mo itong ginto mu, natagpuan ku ito sa bahay na
ibininta mu saakin noong aku ay nag aayus at naglilinis.
Sabi ng nagbinta: hindi ito saakin, at nabinta kona sayu ang bahay kaya sayu na
ang lahat ng nasa loob ng bahay at lupa.
Sabi ng bumili: naway magtagumpay ka, peru ang tanging binili ku lamang ay ang
bahay at lupa at hindi ang ginto na ito.
Sabi ng nagbinta: tunay na ibininta ko sayu ang lupa at bahay at kung anu ang
napapaloob dito.
Sila ay pumunta sa isang taong maalam at humingi sila ng payo at hatol sa kanilang
hindi pinagkakasunduan…
Sabi ng maalamam: mayroon ba kayong mga anak?
Sabi ng nagbinta: oo, meron akung anak na lalaki,
Sabi ng bumili: oo, mayroon akung anak na babae.
Sabi ng maalam: ito ang payo at hatol ku sa inyu.
ipakasal ninyu silang dalawa at gamitin ninyu ang pera na yan sa kanilang kasal at
maglabas din kayu ng kawanggawa mula dito.
- [naisalaysay nina imam Bukhari at Muslim]
- Tunay na nakaka-taba ng puso kapag nakakarinig ng mga taong ganito ang
kanilang katangian.
Ngunit sa panahon natin ngayon ay maraming mga tao na nagpapatayan dahil
lamang sa kapirasong lupa, bahay at salapi.
Sabi ng Allah: “O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at
maging kasama kayo ng mga nagpapakatotoo.” [At-tawbah 119]

You might also like