You are on page 1of 6

Sa ebanghelyo natin sa araw na ito, ibang Hesus yung inilalarawan sa

atin. Ibang larawan ni Hesus at hindi natin kinasayanan yung Hesus na


ipinapakilala sa atin. Nasanay kasi tayo sa isang Hesus na nagtuturo,
nangangaral, gumagawa ng mga himala at nagpapagaling. Nasanay tayo
sa isang Hesus na naglalakbay at lumalapit sa mga tao. Nasanay tayo sa
isang Hesus na palaging nagdadasal. Sanay na sanay tayo sa isang hesus
na maraming ginagawa.

Pero sa ebanghelyo sa araw na ito, si Hesus ay natutulog.

Yung pagtulog ni Hesus ay hindi naman unsual na bagay. Tao din naman
siya at kailangan niyang matulog. Ang unusual at nakakapag taka,
natutulog si Hesus sa isang pagkakataon na hindi siya dapat natutulog.
Malalim ang tulog ni Hesus sa isang sitwasyon na dapat nga gising na
gising siya at nababagabag siya.

Kaya maiintindihan po natin yung reaction ng mga alagad niya.


Tumatawid sila sa lawa ng Galilea, mayroong matinding unos, malalaki
ang alon, malalakas ang hangin at lulubog na ang kanilang bangka. Nasa
peligro ang buhay nila. Pero si Hesus na mesiyas, si Hesus na
tagapagligtas, si Hesus na gumagawa ng mga himala, natutulog.

Paano pong nakuha ni Hesus na maging mahimbing sa gitna ng isang


napakalakas na unos? Paanong naging payapa ang kalooban niya kahit
nasa bingit sila ng trahedya? Dahil hindi po niya hinayaan na
maapektuhan siya ng matitinding unos.
Mga minamahal na kapatid, maraming unos po na dumadating sa
buhay natin. Napakaraming pwedeng makaapekto sa kalooban natin.
Mga problema, mga hindi pagkakaintindihan ng mga mag-asawa, ng
magulang at ng mga anak, at ng mga magkakaibigan. Yung ating
karamdaman. Yung ating mga kabuhayan. Yung ating mga bayarin. Yung
mga tao na palaging mapanira sa atin. Yung mga tao na hindi tayo
tinatrato ng maayos. We all have opportunities to get worried,
frustrated, and offended.

Hindi po kahit kailan ipinangako ng Diyos na walang darating na unos.


Pero kahit may malalaking unos, kahit maraming bagay ang pwedeng
makaapekto sa atin, ipinakita sa atin ni Hesus na pwede pa rin maging
payapa ang kalooban natin.

Hindi ibig sabihin na dumadaan tayo sa unos, hindi ibig sabihin na nasa
isang stressful tayong sitwasyon, e kailangan na din nating ma stress.
Maaring dumadaan tayo sa unos pero pwedeng pwede natin na huwag
hayaan na maapektuhan tayo malalakas na hangin at malalaking alon sa
buhay. We don't have to allow what's on the outside to get on the
inside.

Father, pinag uusapan nila ako, nakaka offend yon. Father, ang dami
dami kong babayaran, naguguluhan na ako. Father, niyayanig yung
pagsasama naming mag asawa, nahihirapan na ako. Father, baka may
karamdaman ako, natatakot ako. Father, parang walang
nakakaappreciate sa mga ginagawa ko, nanghihina na po ako.
Huwag nating hayaang kontrolin tayo ng mga bagay na ito. Dahil sa oras
na hinayaan nating kontrolin tayo ng mga pinagdadaanan natin, doon
tayo nagsisimulang lumubog, doon tayo nagsisimulang matalo.

Kapag humaharap tayo sa matinding pagsubok, tularan natin si Hesus.


Pumanatag. At sa pagpanatag natin, ipinapakita natin na mas
makapangyarihan tayo kesa sa mga pinagdadaanan natin. At
makapangyarihan tayo hindi dahil magaling at malakas tayo. Mas
makapangyarihan tayo kesa sa mga problema natin dahil
ipinagkakatiwala natin yung mga laban natin sa Diyos. Maaring mahirap
yung mga laban na hinaharap natin, pero sa pagiging panatag,
hinahayaan natin na ang Diyos ang humarap at makipaglaban para sa
atin.

Noong ginising na nila si Hesus, Pinakalma ni Hesus ang unos at


pagkatapos tinanong sila ni Hesus, “wala ba kayong pananampalataya?”
Ngayong araw tinatanong din tayo ngayon bawat is ani HEsus, “bakit ka
natatakot? Wala ka bang pananampalataya sa akin?

Alam po ninyo, ang pananampalataya ay pagtitiwala na si Hesus ay


palaging kasama natin. Yung pananampalataya ay paniniwala na lahat
magiging maayos kahit pa akala natin natutulog si Hesus. sabi po ni
Pastor Rick Warren, “faith does not take away the problems. Faith often
takes us through the problems. Faith does not remove the pain. Faith
gives us the ability to handle the pain. Faith does not take away the
storm, faith calms us in the midst of the storms.
Mga minamahal na kapatid, kung may pananampalataya tayo kay HEsus
kaya din nating pumanatag katulad ni Hesus. Kapag sigurado tayo sa
presensya ng Panginoon, mananatili tayong kalmado kahit pa sa gitna
ng pinaka malalaking unos.

Being at peace does not mean that there will be no more trouble. Hindi
po mauubos ang problema. Hindi mauubos ang pagdadaanan natin.
There can be trouble, conflict, and challenges all around you on the
outside. But real peace is not allowing it on the inside.

Yung kapayapaan hindi ibig sabihin wala ng unos. Yung totoong


kapayapaan, kahit may unos, kaya nating pumanatag dahil alam natin
mayroong Diyos na makikipaglaban para sa atin.

Hindi na natin kailangan antayin na maging maayos yung mga problema


bago tayo pumanatag. Dahil palaging may mga bagay na pwedeng
manakot sa atin, magpasama ng loob natin at magpahina sa atin.

Hindi natin makokontrol ang problema. Hindi natin macocontrol ang


hangin at mga alon ng buhay. In the same way, hindi natin macocontrol
kung ano ang gustong gawin at sabihin ng mga tao sa atin. pero may
control tayo sa sarili natin. May control tayo sa mga reaksyon natin.
Life is 10% what happens to us and 90% how you respond.

Kapag akala natin na impossible na, kapag akala natin napakahirap ng


ibinigay sa ating pagsubok, remain at peace. Pumatag. Napakaikli ng
buhay para gugulin nalang sa takot at pangamba. Mayroon tayong
Diyos na gagawa ng paraan para sa atin kahit pa akala na natin na wala
ng paraan.

Maging kalmado. Wag magpaakpeto. Hindi dahil malakas tayo. Kundi


may tiwala tayo sa DIyos na higit na malakas at makapangyarihan kesa
sa ano pang pinagdaraanan natin.

Nasaktan ako ng simbahan, hindi ako magpapaapekto. Maglilingkod pa


din ako sa Diyos. Sinira ang tiwala ko, hindi ako magpapaapekto, ang
mahalaga, ang Diyos may tiwala pa din sa akin. Mayroon akong
karamdaman, hindi ako matatakot, dahil alam ko everything will be
fine. Sinusubok ang samahan naming magasawa, everything will be
fine. Nawawala sa landas ang anak ko, pero alam ko, kumikilos ang
Diyos, everything will be fine. Ang dami kong babayaran, wala na akong
trabaho, ang hina ng Negosyo, hindi ako matatakot. Kung yung mga
ibon sa himpapawid nabubuhay kahit walang nag aalaga sa kanila, ako
pa kaya na higit pa sa lahat ng nilikha ng Diyos. Everything will be fine.
Maybe you went through a loss, a disappointment, the future doesn't
look very bright, stay at rest, a new beginning is coming and everything
will be fine.

Hindi ko na alam kung ano ang future ko. Everything will be fine
because I know who holds my future.

The storms of life come to every person, the challenge for us today
don't let the storm get you hold off your peace. Hindi ako matatakot
dahil ang Diyos ang bahala sa akin. Everything will be fine.
Mga minamahal na kapatid, subukan po natin yan bukas, pag pasok
ninyo sa trabaho, sa pagsisimula natin ng panibagong Linggo, sabihin
natin sa sarili natin, “walang makakapag tanggal ng kapayapaan sa puso
ko. Walang kahit na sino ang makapang iinis sa akin, walang kahit na
anong makakapapagabag sa akin.”

Kapag ginawa natin ito, hindi lang magiging maayos ang kalusugan
natin, binibigyan din natin ng pagkakataon ang Diyos na maging Diyos
sa buhay natin.

Sa misa pong ito, hilingin sa Panginoon na pagtibayin pa ang ating


pananampalataya. upang sa harap ng malalaking bagyo na dumadaan
sa buhay natin ngayon, ay manalig tayo na kasama natin ang Diyos at
hindi niya tayo pababayaan. Let us pray for the gift of faith. May we
have strong faith in Jesus so that we can also afford to sleep even in the
midst of a storm.

You might also like