You are on page 1of 2

Gonzales, Pauline D.

BEED

Activity#2

Dayalogo: TAYUTAY

Maria: Kailan kaya matatapos ang Pandemyang nararanasan nating ito?


Jose: Huwag kang mag alala, Gaya ng bundok ang ating pamilya ay napaka tibay sa
anumang problema o sakuna na dumating.
Maria: Sa tingin ko nga ang Pandemya ay isang langgam lang sa atin na kaya nating
malampasan at ipagpatuloy ang buhay.
Jose: Diyan ako sang-ayon, Tampo man ang taong ito sa atin huwag tayong mawalan
ng pag asa at darating ang panahon mawawala ng parang bula ang mga nararanasan
natin ngayon.
Maria: Ngunit ang sagabal sa ating pamumuhay ang mikrobyong kumakalat kayat’t
naapektuhan ang ating trabaho.
Jose: Hindi natin maii aalis ang mga problemang dulot sa atin nito.
Maria : At isama mo pa ang bagong nadiskubre na mikrobyo .
Jose: Yan ang ating mas lalong paghandaan, Ngayon ang aking puso ay nagpipighati at
lumuluha sa problemang ito kung kaya’t ang pag asang matapos ito ay unti unting
lumalabo!

Dyalogo: IDYOMA

Manuel: Bakit ba naghihimutok ang butse mo?


Lez: Kasi ang mga tao ngayon nagtetengang kawali sa mga paalala na bawal lumabas
ang mga bata sa panahon ng pandemya.
Manuel: Hindi natin sila masisis kung ang ang Gobyerno nga ay parang sirang plaka sa
pagpapa alala sa kanila upang maging ligtas.
Lez: Mga tao nga naman kahit di makahulugang karayom ang lugar pupunta pa rin
maka gala lang.
Manuel: OO nga, pero makabagbag damdamin ang nararanasan nating ito lalo na at
madaming naaapektuhan.
Lez: Isa na dun ang pamumuhay ng iba isang kahig isang tuka nalang.
Manuel: Sana matapos na ito.
Lez: Nasa balikat at kamay natin ang buhay na tatahakin.

You might also like