You are on page 1of 1

DEPRESYON

Tayong mga kabataan ang sinasabi ni Dr. Jose P. Rizal na pag–asa ng bayan, dahil tayo ang
may mahaba pang oras at panahon na mabigyan ng opportunidad na makapag-aral at makahanap
ng magandang trabaho. Ngunit kabalikat nito ang mga mabibigat na problema at mga masasakit
na karanasan na magdudulot sa atin ng matinding pagkadismaya at kalungkutan na hahantong sa
depresyon. Isang mundong madilim,tahinik,malungkot,sama ng loob,lihim na pag-iyak gabi-gabi
at walang katapusang pag-iisip ng malalim na hindi kana makakatulog.

Ang depresyon ay isang sakit na nakakapagnegatibo sa ating pag-iisip. Nagdulot ito ng


bigat sa ating damdamin at lungkot kahit sa hindi malamang dahilan. Nang dahil dito, ang tao ay
posibleng nawawalan ng gana sa pagkain, di nakakatulog at marahil nakasimangot.

Sadyang nakakapagod ang ganitong sitwasyon. Ang taong nakaranas nito ay


mararamdaman niya ang pag-iisa, para sa kanya’y walang taong nakakaintindi sa kanya, kaya
nga palagi siyang nag-iisa, sa kanyang pag-iisa pagnilamon siya ng kanyang kaisipan ay
maiisipan niyang kitilin nalang ang buhay upang matapos nalang ang kanyang problema, sakit at
kalungkutan at dagdag pariyan ang anxiety at panic attacks na nagpapalala ng sitwasyong ito.

Kaya payo ko sa mga kabataang nakararanas nito. Alam kung hindi madali, ni walang
isang magandang salita ang makagagaan ng iyong nararamdaman ngunit nais kong malaman
mong mas maigi na magpakatatag ka. Tanggapin mo ang nangyari at subukan mong umahonsa
pagkalugmok na iyon. Hanapin at gawin mo ang mga bagay na makapagpapasaya sa iyo at
lumayo sa mga tao,bagay, at mga pangyayari na maaring makasakit at magdulot ng problema ulit
sayo at doon mo mahahanap ang paglunas na matagal mo nang inaasam

GLESEL R. ALFEREZ 12-BENZ PAGSULAT

You might also like