You are on page 1of 1

Ang depresyon ay isang sakit sa pag-iisip kung saan ang isang tao

ay nakararamdam ng labis na kalungkutan. Ito ay isang malawak na sakit


na hindi matukoy ang eksaktong pinagmulan. Madalas ay ating naririnig sa
mga balita ang iba’t ibang kaso ng mga taong nakakaranas ng depresyon,
maging sa kabataan man o matatanda, na may magkakaibang estado ng
buhay sapagkat ang sakit na ito ay walang pinipiling dapuan. Kaya naman,
ito ay isang seryosong problema na dapat ay huwag nating balewalain.
Dapat nating tandaan na ang kalusugan ng isip ay may katumbas na
halaga ng kalusugan ng katawan. Madalas man itong maging laman ng
mga debate at isyu, ito ay marahil dahil sa kakulangan ng pansin na
nakukuha nito mula sa mga tao. Nananatiling isang mapait na katotohanan
na kahit na nabubuhay na tayo sa ika-dalawampu’t isang siglo ay
napakahirap para sa mga tao na tanggapin. Makabago na ang ating
henerasyon ngunit makaluma pa rin ang paniniwala ng halos lahat sa atin
sa bagay na ito. Marami pa rin ang mga kumokondena sa mga taong
nagsasabi na ang sakit ng tao sa kanyang isipan ay “sa isip lang naman”;
madaling solusyunan, madaling maayos. Pero hindi naiintindihan ng lahat
na hindi biro ang usapin sa kalusugan ng kaisipan. Ang pisikal na sugat ay
madaling maghilom, pero ang sugat sa isip ay hindi. Habang buhay itong
magmamarka at patuloy na kikirot hangga’t nararamdaman. Walang reseta
ng gamot ang makapagpapaampat ng nagdudugo nilang mga pagkatao.
Hindi na muling mabubuo pa tulad nang dati ang kanilang mga durog na
pagkatao. Hindi na kailanman mabubura ang marka ng mga sugat ng
nakaraan sa kanilang mga puso. Sa panahon kung kailan ang lahat ay lito
sa kung alin ang bibigyan ng balidasyon at kukutyain, magkaroon tayo ng
inisyatibo na alamin ang katotohanan ng kalusugan ng ating isip.

You might also like