You are on page 1of 3

PHIL-IRI FILIPINO

BAITANG 10
Pag-asa sa Kabila ng mga Pangamba at Pagkabalisa
Sa pamamatnubay ni: Bonifacio Gegato Jr.

Ang tao ay may kakaibang kapangyarihang isipin ang hinaharap at mga


kaganapan bago pa sila maganap. Ang maagang pag-iisip tungkol sa hinaharap ay
nagbibigay sa atin ng kakayahang makita ang di-inaasahang mga hadlang at suliranin,
at nagbibigay din ng pagkakataong maghanda ng kalutasan.

Kapag tayo’y nag-aalala, maaaring ito’y maging isang sunud-sunod na mga


pakiramdam, o mga saloobin at mga imahe na palala nang palala, hanggang sa ito’y
magmukhang malaking sakuna na ‘di na malaman kung saan patutungo. May mga
taong nakararanas ng pagkabalisa na hindi nila mapigilan, tila ba ito’y may sariling
buhay. Natural din lamang na marami sa atin ang kamakailan lang ay napansing tayo
mismo ay nag-iisip ng mga malawakang sakuna bilang patutunguhan ng kasalukuyang
sitwasyon.

Kahit ano lang ay maaaring magbunga ng pag-aalala. Kahit na tama lahat at


sumusunod sa plano, maaari ka pa ring mag-isip na, “paano kung bigla na lang lahat ng
ito’y bumigay at gumuho?”. May mga pagkakataon na nagiging karaniwan na ang pag-
aalala. Lahat ng ito ay maipapataw sa pandaigdigang kalagayan ng kalusugan ngayon,
kung kaya’t hindi kataka-taka na maraming tao ang kasalukuyang nakararanas ng pag-
aalala. Hindi karaniwan ang sitwasyong ito at maraming pag-aalinlangan, kaya rin
natural lamang na maraming tao ang nag-aalala at nababalisa.

Ang mga totoong problema ay tunay na suliranin at nangangailangang malutas


sa lalong madaling panahon lamang, subalit mayroon naman talagang mga suliranin na
nangngailangan pa ng mahabang proseso at panahon. Halimbawa, ang tunay na
pangamba sa kasalukuyang virus, na sinasagot ng mga lunas tulad ng madalas na
paghugas ng kamay, paglaan ng sapat na agwat sa bawat mamamayan, at pagkulong
sa sarili para sa mga may sintomas. Ang mga problemang kunwari lamang ay tulad ng
pag-iisip ng mga malawakang sakuna. Ang pag-iisip ng malawakang sakuna kung saan
namamatay karamihan ng mga tao.

Ngunit sa kabila ng lahat maiiwasan ang mga ito kung susunod tayo sa mga
tagubilin o alituntunin ng gobyerno para sa sarili at pangkalahatang kapakanan.
Halimbawa, ang paghuhugas ng kamay at social distancing, o ang pagtatalaga ng sapat
na pagitan sa bawat mamamayan, ay mga bagay na ginagawa natin upang maiwasan
ang pagkalat ng virus. Gayun paman, ang pag-aalala ay isang uri ng maagang pag-iisip
na madalas ay nagbibigay sa atin ng pagkabalisa, o kaya’y pagkabahala. Kadalasan,
kapag tayo’y laging nag-aalala, naiisip natin kung ano ang pinakamasamang maaring
mangyari, at natatakot tayong hindi na ito malalampasan.

Sa kabila ng lahat inisip pa rin natin na may liwanag at pag-asang naghihintay.


Naging mataimtim ang ating panalangin sa Poong Maykapal. Nagkakabuklod-buklod
ang bawat pamilya, kamag-anak at mga mamamayan upang hindi na ito lumaganap pa.
Lahat ng antas ng tao sa lipunan ay naging disiplinado.Naaninag dito ang pagkapantay-
pantay sa mga mahihirap at mayayaman.Ibig sabihin maiibsan pala natin ang lahat ng
pagkabalisa at mga pangamba kung positibo ang nasa ating isipan at saloobin.

Sa mga pangyayaring nabanggit sa itaas ay nagdulot ito ng maraming


mapagnilay-nilayan.Binuo nito ang pamilya na kalimitan may pinagkakaabalahan ang
bawat miyembro nito.Napagtanto nating lahat na mahalaga ang kalinisan sa
kalooban,sarili at kapaligiran upang mapahalagahan ang kalusugang spirituwal,
mental ,pisikal at pangkapaligiran. Naging maabilidad ang tao ngayon sa pagtitipid.Ito’y
patunay na naging produktibo ang bawat mamayan para sa kaligtasan ng lahat.Kung
tayo ay kapit-bisig at nagtutulungan lang, tiyak na ang pag-asang inaasam-asam ay
makakamtan .
PANGALAN:

LEBEL AT SEKSYON:

Sagutan ang bawat katanungan ukol sa ibinigay na seleksyon.

Mga Katanungan:

1. Ano ang pangunahing-diwa ng sanaysay?


2. Anu-ano ang dalawang pukos ng manunulat?
3. Saan nakabuhol ang diwa ng sanaysay at bakit?
4. Paano nilabanan ng manunulat ang pangamba at pagkabalisa?
5. Kung ikaw ang naging manunulat nito ,ano ang panibangong pamagat ng
sanaysay, patunayan.

You might also like