filipino Ang Abortion ba ay Masama? Tungkol sa abortion
Sa mga nagdaang panahon, ang usapin tungkol sa abortion
ay patuloy na nagbibigay ng matinding discussion at debate sa maraming bansa, kasama na ang Pilipinas. Ngunit ano nga na ang abortion?
Sa Pilipinas, ang abortion ay ipinagbabawal base sa batas,
maliban na lamang kung ito ay magsasalba ng buhay ng ina kung saan tinatanggal ang fetus mula sa sinapupunan bago ito ipanganak. Bagaman ipinagbabawal, ang isyu ng abortion ay patuloy na umuusbong at nagbibigay ng malalim na pagtatalo sa lipunan. Ang Pag Abortion Maraming rason ang maaaring magtulak sa isang tao na pumili ng abortion, tulad ng Hindi kakayanin ng kalusugan ng ina, o rape. Subalit, Kami ay naniniwala na Ang abortion ay Hindi solution at Hindi tama.
bakit hindi dapat solusyon ang
abortion: Una, naniniwala Kami na ang bawat buhay ay may halaga at karapatang protektahan mula sa simula hanggang sa wakas. Ang buhay ay hindi dapat pinaparusahan dahil sa mga pagkakamali o hindi inaasahang pangyayari tulad ng hindi inaasahang pagbubuntis. Ang pagbibigay ng karapatan sa pagpapasya ng buhay ng iba, lalo na ng hindi pa isinilang na sanggol, ay paglabag sa ating karapatang pantao. Pagbibigay Supporta may mga alternative na solusyon din naman na maaring ibigay sa mga nakararanas ng Hindi inaasahang pagbubuntis. Ang pagbibigay supporta at pag tanggap sa kanila ng komunidad at pag papalawak ng kanilang kaalaman tungkol sa reproductive health ay magbibigay lakas sa mga kababaihan na yakapin at tanggapin ang bata at ang pagiging ina. At pagkatapos ng pinagdaanan Nila malalaman Nila na Hindi lamang ang pag aabortion ang solusyon. Iwas Sa Panghuhusga Iwasan natin na husgahan ang mga ito dahil ang kanilang mga pinagdadaanan ay Hindi madali at nangangailangan ng pag unawa at pagbibigay supporta sa kanila. Ang proseso ng pagbubuntis ay may malaking epekto hindi lamang sa katawan ng isang babae kundi maging sa kanyang emosyon at mental na kalusugan. Kaya't mahalagang maging sensitibo tayo sa kanilang karanasan at magbigay ng tamang suporta sa abot ng ating makakaya. Hindi natin alam ang lahat ng saloobin at sitwasyon ng bawat isa, kaya't mahalaga na maging handa tayong makinig at magbigay ng tulong na walang pamimilit. Palaging May Solution Sa mga pagkakataong ito, mas mabuti na tayo at maging bahagi ng solusyon kaysa maging problema. Ang pag-aaruga at pagbibigay ng suporta sa mga kababaihang nasa ganitong sitwasyon ay maaaring magbigay ng pag-asa at lakas sa kanila. Ang pagtanggap at pagmamahal ay mas mahalaga kaysa sa sabihan pa ng kung ano ano.
Dahil nga hindi natin alam ang pinagdadaanan ng
bawat isa, mas mabuting magtulungan tayo upang magbigay ng suporta at respeto sa kanilang desisyon at kalagayan. Ang pagmamahal at pang-unawa ay mas makapangyarihan kaysa sa anumang uri ng panghuhusga. miyembro ng pangkat
KHAIL CRISTIAN ISANAN
DAVE MATTHEW BESA GEIAN VINCENT BOLIDO RUFO SAMILLANO NATHAN DALE PAEZ KEN BERNARD BOLINAS