You are on page 1of 4

REFLECTION

PAPER
ABARCA, JOHN ROEL M.

‘‘ABORSYON”

Ang aborsyon, sa kasalukuyang panahon ay itinuturing na pang global na suliranin hinaharap


ng mga kababaihan, lalo sa bilang ng mga kabataan. Ito ay ang sadya o di-sadyang pagtanggal ng
nabubuo na bata o fetus sa sinapupunan ng babae Bilang isang talakayang dinudumog ng opinyon
at perspektibo, di makakailang nananaig ang pananaw na ito'y isang suliranin at kasalanang
nararapat na iwasan at tuldukan.

Kasabay ng mga perspektibo ukol sa talakayang ito, bilang miyembro at nabibilang sa mga
kabataang tinuturing na mas apektado sa suliraning ito narito ang aking repleksyon at opinyon
patungkol sa Aborsyon.

Bilang isang indibidwal na nabibilang sa hanay ng mga kabataan, at tinatanging pinaka apektado
at talamak ng suliraning ito. Naglalayon akong mas mabigyang intensyon at aksyon ang suliraning
ito sapagkat ang aborsyon ay isang aksyong sumusuway sa batas, lalong lalo na sa batas ng Diyos.
Sapagkat ako'y naniniwala na ang buhay na ipinagkaloob ng may-gawa ay isang regalo na
nararapat nating tanggapin pahalagahan. Ngunit ang aborsyon ay sadyang taliwas dito, kaya't bilang
isa sa mga susunod na henerasyong patuloy na haharap sa hamong ito, ako'y nagbibigay paanyaya
saaking mga kapwa kabataan na isulong natin ang kaalaman patungkol sa maaring di kanais-nais na
sanhi ng aboryson. Ang pakikiisa natin na matuto at maging maalam sa pag-iwas ng maagang
pagbubuntis, at pagpapalaglag ay isa sa pinakamabisang sulosyon sa suliraning ito.

Sapagkat bilang isang mag-aaral na naglalayong matuto, nararapat lamang na alam natin ang
pag-iwas at pagsugpo ng aborsyon. Ika nga ''Edukasyon at kaalaman ay isang makapangyarihang
sandata."
‘‘EUTHANASIA”

Ang Euthanasia o ang tinuturing na pagpapatiwakal ng isang indibidwal na nagnanais na


wakasan ang kanyang buhay, sa pamamagitan ng tulong ng ibang tao. Bilang isang sitwasyong
medikal na patuloy na nangyayari sa kasalukuyang panahon, lalong lalo na sa kalagayan ng mga
matatanda at may sakit. Maraming eksperto ang nagpahiwatig na ng kanilang opinyon ukol dito.
Merong mga indibidwal na nagsasabing ang pamamaraang ito ay katanggap-tanggap, dahil ito'y
tinuturing na tulong na mismo sa indibidwal na nakakaranas ng sakit. Sa kabila naman nito hindi
makakailang may mga taong lubusang sumasalungat dito, sapagkat sa kanilang paniniwala ang
isang indibidwal ay hindi nararapat na pwersahang kunan ng buhay, o di kaya'y tulungang wakasan
ang kanyang hininga. Sa kabila ng mga nakatalang mga pananaw na ito, narito naman ang aking
opinyon bilang isang bata at isang mag-aaral.

Bilang isang mag-aaral na naglalayong magkaroon ng mas malawak na kaalaman lalong lalo na
sa buhay. Ang aking perspektibo sa talakaying ito ay simple at nakadepende lamang. Sapagkat
ako'y naniniwala na sa praktikal at aktuwal na kalagayan sa buhay, ang pagpili ng isang indibidwal
na wakasan ang kanyang buhay maaring dahil sa pinansyal na dahilan, o di kaya'y pang personal na
kagustuhan ay nagiging makatarungan. Sapagkat kung ang indibidwal na mismo na nakakaranas ng
karamdaman ay nagnanais ng wakasan ang kanyang paghihirap, nasa walang katayunan naman ang
kahit na sino na tumututol dito. Ngunit nakalulungkot mang isipin, maraming eksperto na ang
nagpatunay na ito ang katotohanan.

Kung kaya't ang Euthanasia na bilang isang tulong sa isang indibidwal na walang kapasidad ng
mamuhay ay para saakin ay maaring matanggap kung ito na mismo'y kanyang gustuhin, sapagkat
kung ito ay kanyang ninanais ito'y maaring maging patunay ng kanyang pag tanggap sa kabilang
buhay.
‘‘PANGANGALAGA SA KALIKASAN”

Sa paglitaw ng mga suliraning pangkapaligiran, nakakasanhi ng pagkasira at pagkawala ng


mga ari-arian lalo na ng buhay ay nakaugat lamang sa mga katagang, 'Pangangalaga sa Kalikasan.'
Ang paglitaw ng mga suliraning pangkapaligiran gaya ng Climate Change, Global Warming at iba
pa, na nakakapagsanhi ng mga dambuhalang problema ay patuloy na umiiral at mas nararanasan ng
buong mundo. .

Kung tutuusin lamang ay ang mga malalaking problemang ito ay maaring ma bigyan solusyon
sa mga simple at maliliit na hakbangin. Basag man kung pakinggan ngunit ang maayos na
segregasyon ng mga basura ay napakasimple ngunit napaka laking lunas sa suliraning ito. Kaya't
bilang isang mamamayan at indibidwal na responsable sa suliraning ito, oras na upang mas bigyang
diin at atensyon natin ang tamang segregasyon at disposisyon ng mga kalat na galing lang din
naman sa atin. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang disiplina at pagsunod sa tama at
responsableng pamamahala sa basura, maari nating maibsan ang mga suliraning pangkapaligirang
ito, at maipakita ang ating Pangangalaga sa Kalikasan.

Sa pagpapatibay rin ng adhikaing pangangala, marami ng mga organisasyon ang nagsasagawa


ng mga proyektong naglalayong padamihin at payabungin ang mga halaman at punong ating
pinagkukunan ng kabuhayan. Kaya't bilang isang nilalang na tumatamasa at nakikisa sa paghinga,
ano ang nagkukubli sa atung tumukong mag tanim at payabungin ang ating kapaligiran?

Kaya't bilang isang mag-aaral ako'y nagbibigay paanyaya sa lahat na makiisa sa pagkilos tungo
sa pangangalaga ng ating inang kalikasan. Ika nga 'Ang Kalikasan ay ang ating Kinabukasan.'
‘‘ORGAN DONATION”

Ang Euthanasia o ang tinuturing na pagpapatiwakal ng isang indibidwal na nagnanAng Organ


Donation, o ang aktong kusang pagbibigay ng organo ng isang indibidwal o tinatawag na donor sa
isang taong nangngailangan nito. Ang kusang pagbibigay ng isang organong ginagamit sa isang
transplantasyon ay isa sa mga tinuturing na malaking kabayanihang medikal at sa buhay.

Sa aking pananaw ang mga taong nagkukusang mag donasyon ng kanilang organo ay
maituturing na tagapagdugtong ng buhay. Sapagkat ang isang organo ay hindi lamang isang bagay
na maaring basta bastang ipamahagi, dahil ang bagay na ito ay parte at kinakailangan rin ng isang
donor. Kaya't ang pagbibigay tulong na ito ay walang katumbas.

Sa mga pagkakataong isang tagumpay na Organ Transplant ang nagawa, ito ay nagreresulta ng
panibagong pag-asa at buhay sa taong binigyan ng organo. Sila'y nabibigyan ng kadugtong-hininga
at pagkakataong mas tamasain ang buhay. Kaya't ang mga donor ay tinatalagang mga bayani, ang
taglay na kabayanihang hindi matutumbasan ng kahit anong pisikal na parangal at medalya.

You might also like