You are on page 1of 2

TALUMPATI

“Labanan ang Dilim, Depresyon ating Sugpuin”


(Mental Health Awareness)
Magandang araw sa inyong lahat, Karamihan sa inyo ay hindi alam kung
ano nga ba ang tunay kadiliman. Ang denipisyon nito ay maaring nababase sa
inyong mga karanasan. Natawag nito ang atensyon ng aking isipan upang bumoses
sa mga taong ang isip ay napupuno ng kadiliman. Sila yung mga taong nakararanas
ng depesyon na tila hindi napapansin at nauunawaan ng karamihan.
Sa isang lipunan na patuloy na nagbabago, sa pagharap ng bawat isa sa mga
pagsubok at hamon ng buhay na ito, hindi maiiwasang may mga taong dumadaan
sa pinakamadilim na parte ng kanilang buhay. Kung saan pakiramdam nila ay
walang rason para patuloy pang lumaban, na kung minsan masasabi nilang wala ng
dahilan upang kasiyahan ay muli nilang maramdaman. Alam nyo ba kung bakit sila
nagkakaganyan? Sino nga ba ang tunay na may kasalan?
Ang depresyon ay isang uri ng karamdaman sa pag-iisip na kung saan dahil
sa sobrang kalungkutan at sobrang daming pumapasok sa ating isipan tayo ay
tuluyang nawawalan ng interes o kasiyahan sa mga bagay na dati na nating
kinasanayan. “Oo, ayos lang ako” karaniwang sagot ng mga taong ang isip ay
bihag at alipin ng karamdamang ito. Pilit nilang tinatago ang lahat ng sakit na sa
kanila ay nagpapasuko. Sa totoo, napakahusay nilang magtago. Lahat ng kanilang
problema ay sinosolo ng kanilang puso at isipan. Kung sabagay hindi na ako
magtataka kung bakit ganun ang ginagawa nila, sapagkat sa panahong ito ang
karamihan sa mga taong nakapaligid sa kanila ay wala ring maidudulot maganda,
bagkus sila pa yung sa iyo ay manghuhusga. Sasabihin na, ang babaw mo masyado
at madrama. Sila yung mga taong akala nila sila lang ang tama. Sa tingin nila hindi
naksasakit ang mga salitang sa kanila ay nagmumula. Wala silang kaalaman na sa
kanilang ginagawa ay bagkus kang nilalamon ng kadiliman. Lalo kang nalulunod
sa sakit, pait at hinanakit na iyong nararamdaman na hindi mo masabi sapagkat
alam mong walang makakaintindi ng iyong pinagdaraanan.
Mahirap labanan ang dinidikta ng ating isipan, sa tuwing sasapit ang gabi at
kadiliman mga luha sa yong mata ay walang paglagyan at di mo ito mapigilan.
Gusto mong sumigaw at lumaya sa kung anumang sayo’y ng aalipin at
nagpapahirap. Hanggang darating ka sa puntong nais mo na lang wakasan, tapusin
ang iyong nasimulan kahit sa pinakasakim na paraan. Dahil alam mong kalati ng
iyong pagkatao ay nasasadlak na sa dilim,

You might also like