You are on page 1of 1

AYOS LANG HINDI MAGING MAAYOS

Oh ano? Kamusta ka na?


Ito maayos lang naman.
Weh? Sure ka ba dyan?
Hindi nga eh hahaha.
Sige! Itawa mo lang sigurado akong magiging maayos rin ang iyong pakiramdam..

Ugali ng mga tao ang patuloy na pagsubok na pagandahin ang kalagayan ng isa’t isa.
Sinisikap nilang iwaksi ang hangin na mapanglaw na nakapaligid sa kanilang mga
sarili, sa pamamagitan ng pag hanap ng distraksyon sa mga hindi makamundong
alalahanin o pag manhid sa damdamin at sumisid sa dagat ng kamangmangan.

Hindi nakaprogram ang mga tao na maging masaya sa lahat ng oras. Kaya’t ang
pinakamagandang opsyon ay ilaan ang lahat ng oras na kailangan mo para kilalanin
ang lahat ng iyong emosyon. Gaano man kasakit ang mga ito, kapag hindi ito sinagot
at nagpanggap kang ‘Masaya ako sa lahat ng oras o mamaya ko na lamang ito
haharapin’ na saloobin maaaring dumating ang panahon na mas lalo pa itong lumala o
mas lalong madagdagan ang sakit na iyong nararamdaman at ito’y makaapekto sa mga
susunod na pangyayari sa iyong buhay.

Isang halimbawa ang taong kaka-hiwalay lamang sa kanilang nobyo o nobya at tumanggi
silang maramdaman ang sakit na iyon, maaaring sila ay makapinsala sa susunod na
taong kanilang magiging kapareha at masira nila ang iba pang mga susunod na
relasyon sa kanilang hinaharap. Kaya’t talagang mahalaga ang pag-intindi sa
sariling emosyon. Dahil sa oras na naintindihan mo na ang iyong nararamdaman ay
kaya mo ng iwasan ang parehong sakit sa hinaharap at mas madali na ito sa susunod
na harapin mo.

Pangalawa at pinakamahalaga HINDI KA PABIGAT. Ilan sa mga tao ay takot na ilabas


ang kanilang tunay na nararamdaman dahil pakiramdam nila ito’y magiging pasanin
lamang sa mga taong minamahal nila at baka ito’y maging panggulo sa iba lalo na’t
meron din silang mga sariling problemang hinaharap.

Gaano man katagal ang kailangan mo para maging maayos, ayos lamang. Pahalagahan ang
presensya ng mga taong nariyan para sayo gaano man kahirap ang iyong sitwasyon at
higit sa lahat pahalagahan mo ang iyong sarili at ang iyong damdamin. Magtiwala sa
sarili na magiging maayos din ang lahat at darating ang oras na ang saya na nasa
iyong loob ay tutubo uli ng malaki.

You might also like