You are on page 1of 31

GAWAIN 1

EMOSYON ANO ANG NANGYAYARI KAPAG NAKARAMDAM KA NG EMOSYON

Nakakaramdam ng pangamba, maraming negatibong


TAKOT bagay ang tumatakbo sa isip at mabigat ang
pakiramdam sa dibdib.

OT

Di nakakapag-isip ng tama, nanginginig, nanggigigil


dahil sa masamang ginawa sakin or kung ayaw ko sa
GALIT
isang tao.

Hindi ko maibahagi o maisalaysay sa ibang tao ang


gusto kong iparating, di ko magawa yung mga bagay sa
NAHIHIYA harap ng maraming tao dahil naiisip kaagad kung ano
ang magiging reaksyon nila ukol dun.

Nagiging kampante o panatag dahil alam ko sa sarili


kong tama yung pinagkatiwalaan ko, magaan din sa
TIWALA
pakiramdam at di ka mag iisip ng negatibong bagay.

Hindi alam kung tama pa ba yung ginagawa o mali,


NALILITO tinatanong yung sarili at di makapag pokus o wala sa
konsentrasyon.

Nagiging tahimik o walang imik, mas gusting mapag


NALULUMBAY isa at magkulong lang sa isang silid.
Tumatahimik at hindi magsasalita upang maiwasan ang
NAIINIS pagsalita ng isang bagay na maari ding makasakit sa iba
or makainsulto.

Nagiging aktibo sa gagawing bagay, inspirado at


MASIGLA magaan ang pakiramdam.

Nagiging mainipin sa isang bagay at natutuwa.


NASASABIK

Magaan ang pakiramdam, walang iniisip na negatibo,


NATUTUWA napapangiti ng hindi napapansin at masaya.

Tumatahimik na lang bigla at hindi magsasalita. Uupo


NAGSESELOS sa gilid at hindi na nakakausap ng maayos.

Matamlay, hindi masyadong nagsasalita at nagkikilos.


MALUNGKOT Mas gusting mapag isa sa kwarto at palaging nakahiga.

Nagiging mayabang at Malaki ang tingin sa sarili. Dim


MAPAGMATAAS kumakausap ng ibang tao, iniisip na mas magaling ako
sa iba.

Gumagaan ang pakiramdam, masaya, puro positibo ang


RELAKS tumatakbo sa isipan at mas nagiging palangiti.

Mabilis yung pagtibok ng dibdib, hindi mapakali at


NABIGLA hindi alam ang gagawin.
DYORNAL 1

Tatlong damdamin na hindi ko nais magkaroon ang


karamihan, ito ay ang takot, galit at mapagmataas. Una
ang takotdahil ito ang isa sa mga damdamin na masama
ang epekto sa bawat taong nakakaranas nito, apektado
ang isip at ang pag uugali ang meron nito tulad ng
panginginig ng katawan, hindi nagtitiwala sa kanino
man, puro negatibo ang nasa isipan at hindi na
nakakausap ng maayos. Pangalawa ang galit,galit ang
nagsasanhi ng isang gulo o away, ang taong
nakakaramdam ng ganitong damdamin ay sarado ang
kanyang isip, ang tanging guso niya lamang ay
maghiganti o makasakit na sa huli ay kanyang
pagsisishan. Galit na minsa’y makakapagdala sayo sa
kapahamakan. At ang huli ay ang mapagmataas, ito ang
isa sa di kanais nais na damdamin na meron ang tao,
dahil ang pagiging mapagmataas sa kapwa mo ay hindi
mabuti, ang taong ganito ay tiyak na iiwanan o iiwasan
ng tao.
GAWAIN 2
GAWAIN 3

1. PINAKAMAGANDANG BAGAY NA NANGYARI SAKIN

Pinakamagandang bagay na nangyari sakin ay ay ipinanganak ako sa mundo at


lumaki sa hirap at may maayos na pamilya. Natutuhan kong maging kuntento sa
kung ano man ang meron ako, naging palaban sa buhay, naging mapagpasensya at
higit sa lahat ay ang pagiging madiskarte.

2. PINAKAMAHALAGANG PAG AARI

Pinakamahalagang pag aari na meron ako ay ang mga bagay na ibinigay sakin ng
aking mga magulang, kaibigan at mga bagay na aking pinaghirapan.
Pinapahalagahan ko lahat ng iyon dahil galling iyon sa mga importanteng tao sa
buhay ko.

3. PINAKAGUSTONG BAGAY SA BUHAY

Ito ay ang libro, dahil hilig ko ang magbasa tungkol sa mga bagay na
nakakapagbigay sa akin ng ng interes at nakakapagdagdag sa aking kaalaman.
Kaya yung mga libro na nabili at ibinigay sakin ay siyang aking pinapahalagahan
hanggang sa ngayon.

4. PABORITONG PAGKAIN

Paborito kong pagkain ay yung mga maaasim at matatamis. Marami akong


paboritong pagkain dahil hindi naman ako lumaki sa mayamanag pamilya na
kailangan masasarap at mamahalin ang nakalapag sa hapag kainan. Lumaki ako sa
mahirap kaya kung ano man ang pagkaing ibinigay sa akin ay kinakain ko at
kuntento na ako dun. Hindi din ako maarte o mapili sa pagkain.

5. PABORITONG INUMIN

Kape ang pinakapaborito kong inumin, barako man o hindi basta kape, tanghali
man o gabi ay ito ang nais kong mainom. Kape ang palagi kong kasma sa umaga,
sap ag aaral at sa aking pagbabasa ngunit ako pa din ay may pag iingat at
naghihinay hinay dahil ang sobra nakakasama sa kalusugan.
6. PABORITONG LUGAR

Mga lugar na aking paborito ay ang mga museo, at probinsya. Museo dahil may
mga bagay pa ako na nais malaman tulad ng mga pangyayari at mga kagamitan
sa nakaraan, saan ito nagmula. Probinsya naman dahil gusting gusto ko ang
buhay probinsya kung saan tahimik, makakalanghap ka ng sariwang hangin at
makakatikim ka ng mga sariwang pagkain.

7. LUGAR NA GUSTONG PUNTAHAN

Ang mga lugar na gusto kong puntahan ay ang Japan, Italy at Greece. Ilan yan sa
mga nais kong mapuntahan sa hinaharap, kaya’t aking pinagbubutihan sa aking
pag aaral nang makakuha ako ng isang magandang trabaho na kung saan magawa
ko at mapuntahan ang aking mga nais sa buhay.

8. LIBANGAN

Isa sa mga libangan ko ay ang pagbabasa ng wattpad o libro habang nakikinig ng


kanta, kumain ng kumain, uminom ng kape at gumala kasama ang aking mga
kaibigan. Ito ang mga nagsisilbing pampawala ng mga stress o masyadong nag iisip sa
mga bagay bagay.

9. PABORITONG ISPORT

Ako yung tipo ng taong hindi mahilig sa isport dahil ang mga nais ko lang ay ang
maging tahimik, magbasa ng mga libro, gumawa ng tula ngunit may mga paborito
akong isport na pinapanuod ito ay ang basketbol, table tennis, bilyard at boxing.

10. PABORITONG PALABAS SA TELEBISYON/PELIKULA

Mga palabas o pelikula na nakakapagbigay sa akin ng mga kaalaman at


nakakapukaw ng atensyon ko tulad ng mga kasaysayang palabas, mga pag-aaral
katulad ng siyensa, at tungkol sa mga mitolohiya o kwentong bayan ng iba’t ibang
lugar.
11. PABORITONG AKLAT/MAGASIN

Isa sa mga paborito kong aklat ay ang may mga temang tungkol sa kasaysayan,
siyensa at mga panipi na nakakapag bigay inspirasyon sa akin. Mga aklat na
nakapagbibigay sa akin ng kaalaman na kung saan nagagamit ko sa aking pag aaral
at naibahahagi sa ibang tao.

12. NATATANGING KAANYUAN

Natatanging kaanyuan na ipinagkaloob sa’kin ng maykapal na siyang aking


pinapasalamatan at pinahahalagahan. Kuntento sa kung ano man ang anyo ko
ngayon dahil diyos ang naglikha sakin at siya lang ang makakapagsabi kung
panget o maganda ba ang anyo ko.

13. PINAKAMABUTING KARANASAN

Karanasang nagbibigay sa akin ng aral at kaalaman, mabuting karanasan na


hinding hindi ko makakalimutan dahil ito ang nagsilbing gabay ko sa bawat daan
na aking tinutungo, aking nagagamit ang mga aral na aking natutuhan sa
karanasang aking naranasan.

14, PINAKAMABUTING KAKAYAHAN/TALINO

Kakayahan na kung saan aking natutuhan sa aking mga magulang at estado sa


buhay na meron ako ngayon. Ang pagiging madiskarte , kuntento at pagiging
matulungin sa mga taong nangangailangan ano pa man ang estado ko sa buhay,
mahirap man o mayaman. Kakayahan na kung saan aking nagagamit sa pang araw
araw ko na pamumuhay.

15. PINAKAMATALIK NA KAIBIGAN/MIYEMBRO NG PAMILYA

Ang pagkakaroon ng mga kaibigan at pamilya ang isa sa mga pinapahalagahan ko


dahil sila ang mga nagsilbing gabay at guro ko. Sila ang parating nandiyan para
sumuporta sa akin, sa lahat ng ginagawa ko. Palaging andiyan para ako’y damayan
sa lahat ng problemang meron ako at hindi ako iniiwan.
DYORNAL 2

Para sa akin ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa


buhay ay nakakabuti sa isang tao dahil meron itong
mahusay na pagpapasiya sa bawat desisyon na gagawin
niya, maituturing din na isa kang matatag at malakas na tao
kung positibo ka palagi mag isip. Isa ito sa mga kakayahan
ng tao ang hinahangaan ko dahil sa kabila man ng problema
nagagawa pa din nilang harapin ng hindi pinanghihinaan ng
loob o hindi mo makikitaan ng anumang takot, haharapin
nila itong nakangiti at masaya. Kaya naniniwala ako sa
kasabihang ang taong negatibo ang pananaw sa buhay ay
hindi makakaramdan ng kaginhawaan. Ang taong may
ganitong pananaw sa buhay ay siyang tunay na
nakakaramdam ng kaginhawaan kahit pa puro problema
ang kanyang kinakaharap.
GAWAIN 4
DYORNAL 3

Nakakaramdam ako ng kasiyahan at kaginhawaan habang


ginagawa ang Gawain 4 sapagkat habang isinusulat ko yung mga
bagay na nakakapagpasaya sa akin ay naiisip ko ang mga dahilan
kung bakit nga ba. Naiisip ko yung mga ginagawa ko at
nagagawa ko para mapasaya lamang ako. Mga Gawaing aking
ginagawa noon at hanggang ngayon para makalimutan ko muna
sandali ang aking mga problema sa buhay.
GAWAIN 5

Pabago-bago

Tama pa ba to, sadyang nakakapanibago


Trahedyang hindi inaasahan
Sadyang nakakaloko at lahat ay gulong gulo
Pandemyang nagkulong sa akin ng limang buwan

Hahayaan na lang ba?, maraming umayaw


Maraming nabigo, marami din ang naglaho
Saya at ligaya sa puso burado, dahil sa sakit na ubo
Ganito na ba ang iyong pagpataw?
Sa loob ng limang buwan, sarili’y di maintindihan
Sa loob ng limang buwan, isipa’y naguguluhan

Kalian ba matatapos, dahil hindi na kaya ng aking sarili


Makulong sa silid at kinakausap na ang sarili
Ayoko na, hindi na nakakatuwa, nakakapanibago
Nakakatakot, nakakaloko itong pabago-bago
GAWAIN 6

EMOSYON KANTA O MUSIKA

TOTOY BIBO
AKTIBO
ALERTO MAG EXERCISE TAYO

NALULUMBAY DANCING ON MY OWN

NASASABIK MISS NA MISS KITA

LIGAYA
MALIGAYA
MASAYAHIN ONE HIT COMBO

MIGRAINE
NALILITO
NAHIHIYA TORPE

GALIT UPUAN

MGA KABABAYAN KO
MAKABAYAN
MAPAYAPA CHRISTMAS IN OUR HEARTS

RELAKS SA UGOY NG DUYAN

MALUNGKOT SOMEDAY

NATATAKOT BIGLAAN
GAWAIN 7

1. NAIIMPLUWENSYAHAN BA NG MUSIKA ANG IYONG


KALOOBAN? IPALIWANAG KUNG BAKIT O PAANO.

Malakas ang impluwensya ng musika sa aking kalooban dahil minsan naihahantulad ko yung
mga mga kahulugan ng kanta sa aking buhay, mas nararamdaman ko yung tema ng kanta at
alam ko kung ano yung mga gusto nitong iparating.

2. ANONG MGA KANTA ANG NAKATUTULONG SA IYO NA


MAKAPAGPAHINGA KAPAG NAKARAMDAM NG PAGKABALISA?

Ito ay ang mga worship song o kanta para sa panginoon, sa tuwing ako ay balisa o hindi ko
alam ang aking gagawin ay pinapakinggan ko ang mga kantang yun dahil bukod sa
nagpapakalma sa akin ay nakakapagbigay din sa akin ng motibasyon sa buhay para
magpatuloy at hindi bast basta sumuko.

3. ANONG MGA KANTA ANG NAG-UUDYOK SA IYO NA


MAKARAMDAM NG KATAMARAN?

Ang mga kantang pampatulog o yung mga malulungkot na kanta ang mga nag-uudyok sa
akin na makaramdam ng katamaran, imbes na ganahan ako sa aking ginagawa o maging
aktibo ay kasalungat ang nararamdaman ko. Sa tuiwng napapakinggan ko ang mga kantang
yun ay mas gugustuhin ko na lang na humiga at matulog.

4. ANO ANG IYONG PABORITONG URI NG MUSIKA?

Ang mga paborito kong uri ng kanta ay yung mga masisigla o pang aktibong kanta, mga
kantang pagpupuri at mga inspirasyonal na kanta, may pagkakataon ding gusto kong
magpatugtog ng mga kantang may halong kalokohan o may pagka green minded.
5. ANO ANG NATUTUHAN MO TUNGKOL SA IYONG SARILI
MULA SA GAWAING ITO?

Natutuhan ko yung mga uri ng musika na nakakaapekto sa aking nararamdaman. Mga


kantang nakakapagpabago ng aking kondisyon o kalooban. Dahil sa gawaing ito mas
nakikilala ko ang aking sarili sa pamamagitan ng mga kanta.

6. PAANO MAKATUTULONG SA IYO ANG PAKIKINIG SA


MUSIKA?

Malaki ang naitutulong sa aking ng kanta sa papamagitan ng aking pakikinig dito. Naiibsan
yung lungkot na nararamdaman ko sa bawat araw, nagbibigay sa akin ng motibasyon o
inspirasyon para magpatuloy sa buhay. Nakakapagpasaya at nagpapagaan ng aking kalooban.
GAWAIN 8
Kaya pa ba?

Sa apat na sulok ng silid,


Sarili ay di na naiintindihan
Kaloobang maraming gustong ipabatid,
Ngunit mas pinili ang katahimikan.

Maraming tanong sa aking isipan,


Nararamdamang hindi alam ang kahulugan
Hindi lang masasabi sa isang salita,
Kung ano ba ang tunay na nararamdaman.

Gulo, lito at palaging balisa,


Ngumingiti ngunit di naman masaya
Tumatahimik, nalulumbay o di kaya’y takot
Tila ba lahat ng negatibo ay aking nakahot.

Ganito na lang ba palagi?


Sasanayin ang sarili
Damdaming hindi mapaliwanag
Sa negatibong di ako makapalag.
GAWAIN 9

• NGAYON AY NARARAMDAMAN KONG medyo nababawasan


yung mga iniisip ko at naiiwasan ko yung pagiging negatibo
habang ginagawa ko itong gawain

DAHIL dito nailalabas ko yung mga saloobin ko ngayong pandemya


at nasasabi ko yung mga nararamdaman ko at mga gustong
matupad sa buhay.

• AKO AY NANANABIK TUNGKOL SA mga bagay na


maisasakatuparan ko pagdating ng panahon kung saan
natupad ko na yung isa sa mga pangarap ko sa buhay.

• AKO AY NABABAHALA TUNGKOL SA mga darating pang


hamon o problema na aking kakaharapin na
makakapagpahina sa aking loob para harapin ito.

• AKO AY UMAASA SA panginoon na sana ay matapos na itong


pandemyang ating kinakaharap dahil simula nung nangyari
ito ay andaming pagbabago sa kapaligran at lalong lalo na sa
mga taong nakakaranas nito.
• AKO AY NAGPAPASALAMAT PARA SA mga biyayang aking
natatanggap kahit na sa maliit na bagay lamang, sa
kaligtasan ng aking pamilya at hindi kami nagkakasakit kahit
na hirap na sa buhay.

• AKO AY NAGMAMALAKI SA mga bagay na aking natatamo


dahil nagmula ito sa aking pagsisikap at pagsakripisyo.

• ANG AKING HANGAD AY ang patuloy na maging malakas at


ligtas ang aking pamilya, walang sakit lalong lalo na ang
aking mga magulang at kuya na nagtatrabaho para lamang
matustusan ang aming pangangailangan araw araw.

• ISANG BAGAY NA GUSTONG GUSTO KO NGAYON AY


humaba lamang ang buhay ng aking magulang sapagkat
gusto kong iparanas sa kanila ang marangyang buhay,
maibigay ang kanilang mga gusto at pangangailangan at
gusto ko ding makita niya ang aking magiging anak sa
hinaharap at makasama siya ng matagal.
DYORNAL 4

Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa kalooban dahil kahit na


nasa panahon tayo ng pandemya o pagsubok ay nanatili pa
ding ligtas ang aking pamilya. Natutuwa dahil kahit kapos at
hirap sa buhay ay nabibigyan pa din kami ng biyaya at
lumalakas ang loob naming harapin ang mga pagsubok sa
buhay. At huli ay nanabik sa pagtapos ng pagsubok na ito at
muli ng bumalik ang kasiglahan ng bawat isa at
makapagsimula na muli upang makabangon sa hirap na
dinanas sa kasalukuyang kalagayan, at matupad ko ang mga
kagustuhan ko sa buhay at mga pangarap ko sa aking pamilya
at mga kapatid.
GAWAIN 10
DYORNAL 5

Malaki ang naitutulong sa akin ng libangan sapagkat


nakakalimutan ko panandalian ang aking mga problema,
nagiging masaya ako at naiiwasan ko ang pagiging negatibong
tao. Isa pa sa naitutulong sa akin ng libangan ay ang malinang
ang aking pag iisip, nagdadagdag ito sa aking ng kaalaman at
interes sa pamamagitan ng pagbabasa, nalalaman ko yung mga
bagay na dati ay hindi ko alam. Nakadagdag din ito sa aking mga
kaibigan ko, nagkakaroon ng nakakausap at nakakasama. At huli
dahil sa libangan ay mas nagiging malikhain ang aking isip sa
paggawa ng isang sining na maganda para sa akin.
GAWAIN 11 K

1. ANO ANG IYONG MGA INAASAHAN AT PINAPANGARAP?

➢ Ang aking inaasahan at pinapangarap ay ang makapagtapos ng pag aaral at makabawi


sa lahat ng sakripisyoat paghihirap ng aking magulangmakapagtapos lamang ako ng
aking pag aaral. Mabigay lahat ng kanilang pangangailangan, maiahon sila sa hirap
na dinadanas naming ngayon.

ANO ANG INAASAHAN MONG MAISAKATUPARAN NGAYONG


TAON?

➢ Inaasahan kong maisakatuparan ay ang mapasali sa mga top students sa loob ng


paaralan, makakuha ng matataas na grado at makatanggap ng sertipiko at medalya
upang mapawi ang mga paghihirapng aking magulang at nais kong maisip nila na
hindi sayang ang kanilang sakripisyo para sa amin.

2. ANO ANG INAASAHAN MONG MAGAWA SA SUSUNOD NA


LIMANG TAON?

➢ Ito ay ang magkaroon ng magandang trabaho na kung saan makakatulong na ako sa


aking mga magulang, maibigay lahat ng kanilang gusto at pangangailangan, mapag
aral ko ang aking mga kapatid, mapagawa ko ang aming bahay at magkaroon ng ari-
arian.
3. ANO ANG INAASAHANG MONG MAGAWA SA SUSUNOD NA
SAMPUNG TAON

➢ Ang maging successful at magkaroon ng sariling pamilya, magkaroon ng sariling


Negosyo, mapagtapos ko ang aking mga kapatid at mabili ko ang mga gusto tulad ng
bahay at sasakyan.

4. IPIKIT ANG IYONG MGA MATA AT ISIPIN ANG IYONG SARILI


NA GINAWA ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA ISINULAT MO SA
ITAAS SA LOOB NG 3 MINUTO. ANONG DAMDAMIN ANG
NARAMDAMAN MO?

➢ Nakakatuwa at nakakaginhawa sa pakiramdam dahil natupad ko ang aking mga


pangarap sa buhay at naiisip ko ang mga ngiti ng aking mga magulang at kapatid
dahil naiahon ko sila sa kahirapan at naibigay ko ang kanilang mga pangangailangan.
GAWAIN 12
DYORNAL 6

Nakakatulong ang pagkakaroon ng layunin sa buhay sa


pagbuo ng kaisipang labanan ang mga negatibong
nararamdaman at mapalakas ang ating kakayahan sa pagharap
ng pagsubok ngayong pandemya. Una ay ang lumalakas ang
ating loob o hindi tayo takot humarap sa mga problemang
meron tayo ngayon, hindi natin tinatakbuhan ang problema,
ang pagkakaroon ng positibong isipan ay makakapagdala sayo
sa positibong resulta o buhay. Pagkakaroon ng layunin sa
buhay ay alam mo kung ano ang mga dapat gawin sa isang
sitwasyon o problema na kinakaharap ng isang tao, nakakapag
isip siya ng mga solusyon o hakbang kung pano tuldukan ang
isang problema.

You might also like