You are on page 1of 1

Dapat alagaan ang Mental Health

Sa panahon ngayon na laganap ang social media, mas nagiging mabilisang daloy
ng mga ideyang ibinabahagi ng kung sinomang nagpapahayagnito. Sa paggamit
kong ng aking social media accounts, marahil, angbumubukad sa akin ay ang isyu
sa depresyon. Kagaya na lamang sa balitang pagpapakamatay ni Isaiah Lustre na
kapatid ni Nadine Lustre bunga nito.
Ang depresyon ay isang sakit na nakakapagpanegatibo sa ating pag-iisip.
Nagdudulot ito ng bigat sa ating damdamin at lungkot kahit sa hindimalamang
dahilan. Nang dahil dito, ang tao ay posibleng nawawalan nggana sa pagkain, ‘di
nakakatulog at marahil nakasimangot. Sa panahon ngayon marami ang dumaan
ng depresyon. Normal lamang na makaramdam ng takot at pagkabalisa sa
panahon ng COVID-19, lalo na’t tumatagal ang krisis na ito. Bukod sa pag-alaga ng
ating kalusugan upang makaiwas sa coronavirus, mahalaga rin na alagaan natin
ang ating mental health habang nananatili sa loob ng bahay. Huwag hayaang
malugmok sa mga negatibong naiisip at huwag mahihiyang humingi ng tulong
kung kailangan mo.
Kung ikaw ay napag-iinitan ng mga magulang mo at palagi kang pinapagalita,
Imbis na mainis lang, kausapin sila ng masinsinan at gawing pagkakataon ang
pagkakasama-sama sa bahay para makipag-bonding sa mga magulang.
Makipagkwentuhan nang mas makilala at maunawaan ninyo ang isa’t isa. Kung
miss mo na ang iyong barkada, Gamitin ang social media, video call, chat o text
para kumustahin at makausap ang mga kaibigan. Makinig sa mga mga kwento,
naiisip at nararamdaman ng isa’t isa. Let’s survive this together!. Maghanap ng
pagkakaabalahan o mapaglilibangan, Subukan mong matutunan ang isang hobby,
skill, o talent. Nakakatulong ito sa pagbawas ng anxiety sa panahong ito. Kahit
wala ka sa school, pwede ka pa ring matuto ng mga bagong bagay.Sa panahon
ngayun tayo ay mag ingat at huwag magpadala sa emosyon laging tandaan na
nandyan ang Diyos nakatingin at nagbabantay sayu.Laging ingatan ang Mental
Health sa panahon ngayon.
Mikhaila Eryka Torrevillas
12-HUMSS Rousseau

You might also like