You are on page 1of 3

1.

Napag-iinitan ka ba ng mga magulang mo at palagi kang


pinapagalitan? Imbis na mainis lang, kausapin sila ng masinsinan
at gawing pagkakataon ang pagkakasama-sama sa bahay para
makipag-bonding sa mga magulang. Makipagkwentuhan nang
mas makilala at maunawaan ninyo ang isa’t isa.
 
2. Miss mo na ba ang barkada? Gamitin ang social media, video call,
chat o text para kumustahin at makausap ang mga kaibigan.
Makinig sa mga mga kwento, naiisip at nararamdaman ng isa’t isa.
Let’s survive this together!
 
3. Maghanap ng pagkakaabalahan o mapaglilibangan. Subukan
mong matutunan ang isang hobby, skill, o talent. Nakakatulong ito
sa pagbawas ng anxiety sa panahong ito. Kahit wala ka sa school,
pwede ka pa ring matuto ng mga bagong bagay.
4. Gumawa ng routine at sikaping sundin ito. Pwede kang tumulong
sa gawaing bahay sa umaga, mag-practice ng pagtugtog sa hapon,
at magbasa para linangin ang kaisipan sa gabi. Gawin ang mga
bagay na nagpapasaya sa iyo. Huwag rin kalilimutang mag-relax at
magpahinga.
 
5. Gumalaw-galaw at magpapawis. Mag-exercise. Gawin ang mga
dance challenge sa TikTok o YouTube. Yayain rin ang mga kasama
mo sa bahay na sumali sa video para mas masaya! Nakakatulong
ang exercise at paggalaw ng katawan sa pagpapalakas ng
resistensya laban sa COVID-19 at iba pang mga sakit.
 
6. Kahit may na-miss kang mga milestone sa buhay dahil sa
quarantine, tulad ng graduation o birthday celebration, kaya mo pa
ring lumikha ng memories. Ipagdiwang ang mga achievements at
special occasions sa sariling paraan. Mag-photoshoot, vlog, mini-
ceremony, at virtual celebration sa social media kasama ang iyong
mga kaibigan at kamag-anak.
7. Maging isang smart at responsableng netizen. Dahil virtual na ang
karamihan sa ating connections, maging maingat at mapanuri
online. Suriin ang mga impormasyon at nakakasalamuha online.
Mag-share lamang ng mga makabuluhang bagay. 
 
8. Tumulong sa mga gawaing bahay hangga’t makakaya, lalo na’t
kung nahihirapan ang pamilya mo sa panahong ito dahil sa
pagkawala ng trabaho o kakulangan ng pangtustos sa mga
pangaraw-araw na pangangailangan. Survive as one family tayo! 
 
9. Kailangan mo ba ng kausap? Hindi ka nag-iisa. Makipag-chat o
text sa mga kaibigan o kamag-anak. Kung nakakaramdam ka ng
anxiety, may handang makinig sa iyo! 
10. Nalulungkot ka ba sa sitwasyong dala ng COVID-19 at sa
mga balita tungkol dito? Maging boses ng kabataan at magbigay-
inspirasyon sa iba! Nakararanas tayong lahat ng lungkot at hirap
dahil sa krisis na ito. Makakatulong ang pag-unawa sa isa’t isa, at
pag-share ng saya at pag-asa. 
 
11. Appreciate life pa rin! Subukan mong maglista ng tatlong
bagay na ipinagpapasalamat mo araw-araw. Di mo kailangan i-
explain. I-share mo lang. Tuloy ang buhay. Lalaban tayo!

You might also like