You are on page 1of 25

CURRICULUM IMPLEMENTATION SA EsP

Quarter : I Grade : 6

Week No. Compentencies

1 . Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa


1-8
pagbuo ng isang desisyon na makabubuti sa pamilya.

1.1 Pagsusuri ng mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa

sarili at pangyayari.

1.2 Pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito.

1.3 Paggamit ng impormasyon.


Pamantayan sa Pagkatuto : EsP 6 PKP Ia - i 37 , 1 . Naisasagawa ang mga tamang
hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na makabubuti sa pamilya ,
nakasusuri ng mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari ,
nakasasang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito at nakagagamit ng
impormasyon.

Tandaan natin :
Sa pagbubuo ng desisyon, iniisip ng tao ang maaaring
maging sanhi at bunga ng kanyang desisyon.

Lisa , Naranasan mo na bang mag


desisyon para sa sarili mo ?

Aba syempre naman Tonyo !

Alam mo ba na minsan ang maling


pagpapasya ay maaaring maka
dulot ng kapahamakan sa kapwa
mo ?

Ganoon ba ? Paano ang


tamang pag- dedesisyon
Tonyo?

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Tamang Desisyon :

1. Alamin ang suliranin at pag aralan ang lahat ng possibleng solusyon.


Mahalaga ang pagtukoy ng pinaka ugat ng suliranin upang ito ay masuri ng
mabuti.
2. Isaalang-alang ang maaring ibunga ng bawat solusyon. Mula sa itinalagang
solusyon isipin ang maaaring kalabasan o kahihinatnan upang maging handa rito
at maiwasan ang pagsisisi.
3. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang pagpapahalaga. Alalahaning
hindi ka lang kumikilos para sa pag lutas ng suliranin ngunit isinaalang alang mo
ring ang kabutihan ng iyong pamilya.
4. Tukuyin mula sa pagpipilian ang pinakamabuting solusyon. Magpasya at
isagawa ito, lakasan ang loob at manalanging maisakatuparan ang pasya ng
maayos.
5. Pag-aralan ang kinalabasan. Timbangin ang naidulot na kabutihan at ginhawa
sa sarili at sa pamilya. Kung nagkaroon ng pagkukulang sa plano maaaring
iangkop ang nararapat na pagbabago.

Pagsasanay Blg. 1

A. Basahin ang suliranin at piliin ang tamang desisyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Si Noel ay nagtampo sa kanyang magulang, nang niyaya siya ng kanyang mga
kaklase upang mag inuman at hindi pumasok sa skwela. Ano ang tamang desisyong
gagawin ni Noel ?
a. Sumama sa kaklase upang mawala ang hinanakit niya sa kanyang mga
magulang
b. Sumama sa kaklase dahil nakakabagot ang pumutna sa skwela.
c. Hindi sasama sa kaklase dahil maaari siyang pagalitan ng guro at kanyang mga
magulang.
d. Sasama dahil baka hindi na siya kaibiganin ng kanyang mga kaklase.

2. Ang batang si Nica ay nakita na nangungupit ng pera ang kanyang nakatatandang


kapatid na si Roland. Ano ang tamang gagawin ni Nica ?
a. Hindi sasabihin sa magulang ang nakita dahil maaaring magalit ang kapatid sa
kanya.
b. Sasabihin ang nakita sa magulang dahil hindi tama ang magnakaw at upang
matigil ang pangungupit ni Roland.
c. Manghihingi ng pera sa kanyang kapatid upang e bili ng laroan.
d. Susundin ang ginawa ng kanyang kapatid dahil malamang walang nakakaalam.

3. Bumagsak ka sa iyong klase , hindi mo sinabi sa iyong magulang na bumagsak ka .


Tama ba ang iyong pasya na huwag sabihin sa magulang mo ?
a. Oo, dahil kapag aking sasabihin ay malamang pagagalitan ako ng aking mga
magulang.
b. Oo, dahil alam kong pwede parin naman akong umulit sa grado.
c. Oo, takot ako sa aking mga magulang at ayaw kong mapalo at pagalitan.
d. Hindi, dahil alam kong kasalanan ko at dapat kong tanggapin anumang parusa o
pagsermon ng aking magulang.

4. Si Julia ay namamanlantsa ng kanilang damit habang namamalengke ang kanyang


ina. Sa sobrang init ng plantsa ay, hindi niya alam na nasunog ang mamahaling
damit ng kanyang ina. Takot na takot si Julia baka magalit ang kanyang ina. Kung
ikaw si Julia , ano ang gagawin mo pagdating ng iyong ina ?
a. Sasabihin ang katotohana kahit na mapapagalitan.
b. Itapon ang damit upang hindi malaman ng ina ang nagyari
c. Huwag sabihin sa ina ang nagyari baka pagalitan.
d. Sabihin sa ina na ang bunsong kapatid ang gumawa niyon

5. Nakakalat ang mga huhugasing pinggan sa mesa. Ito sana ay Gawain ng iyong
kapatid dahil ikaw ang nagluto ng inyong tanghalian kaya lang wala siya dahil
inutusan ng itay na bumili ng inumin sa tindahan. Ano ang dapat mong gawin sa mga
pinggan ?
a. Pabayaa na nakakalat sa mesa
b. Ipunin at hugasan ang mga ito.
c. Hintayin ang pagdating ng iyong kapatid.
d. Ipahugas sa inay ang mga pinggan.

Pagsasanay Blg. 2

B. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang mga ginawang desisyon sa bawat suliranin .
1. Si Maricel ay batang masipag samantalang ang kanyang kapatid na si Nina ay

tamad,napagpasyahan ni Maricel na turuan ang kanyang kapatid sa mga

gawaing bahay upang hindi na ito lumaking tamad.


2. Si Juluis ay binilhan ng kanyang ama ng laruang robot dahil kaarawan niya ,

gustong gusto rin ng kanyang kapatid ang laruang robot. Nang hiramin ito ng

kanyang kapatid ay nagalit ni Julius dahil ayaw niyang makihati sa paglalaro.


3. Gutom na ng dumating sa bahay si Darla , nakita niyang nakahain na sa mesa

ang pagkain ngunit hindi siya agad lumapit , inayos muna niya ang dalang mga

gamit sa ibabaw ng lamiseta at nagpalit ng uniporme saka pa siya pumunta sa

hapag kainan.
4. Hinahayaan ni Mario ang mga gamit na nakakalat kung saan saang sulok sa

bahay kaya kapag mag lakad si Mario ay lagi itong nagtatanong sa ina ng

kanyang mga gagamitin.


5. Nagkasakit ang anak ng kapitbahay ni Miriam at wala itong pera upang madala
sa ospital ,humingi ito ng tulong sa kanya ngunit hindi tinulungan ni Miriam ang
kapitbahay kahit na mayroon siyang pera dahil galit siya sa kanyang kapitbahay.

Pagsasanay Blg. 3

C. Iguhit ang bituin kung tama ang pahayag at tatsulok kapag mali.

___________1. Ang pagdedesisyon ay nagsisimula sa pangangalap ng impormasyon at


possibleng solusyon.
___________2. Ang pagpapaliban sa mga gawain sa di tamang oras ay isa sa mga rason kung
bakit hindi umuunlad ang Pilipino.
___________3. Ang panghuling hakbang sa pagdedesisyon ay ang pagtukoy sa suliranin.
___________4. Ang pagtanggap ng pagkakaiba at ang kanilang pagdedesisiyon ay isa sa mga
paraan ng paggalang sa kapwa.
___________ 5. Sa pagdedesisyon laging maganda ang maidudulot na kalalabasan nito sa iyo.

Pagsasanay Blg. 4

D. Lagyang ng kung tama at kung hindi tama.

___________1. Hindi maiiwasan ang pagkakamali sa pagdedesisyon ngunit ang maling


desisyon ay maaring makatulong bilang batayan sa susunod na pipiliing desisyon.
___________2. Ang pagdedesisyon ng bawat tao ay magkakaiba dahil sa ibat-ibang paniniwala
at ibat-ibang asal.
___________3. Ang mga karanasan ng tao ay walang epekto sa pagdedesisyon ng isang tao.
___________4. Mas maganda ang kalalabasan ng iyong desisyon kung marami kang
isinaalang alang na solusyon sa paglutas nito.
___________5. Ang taong magaling sa pagdedesisyon ay ang taong sensitibo sa sitwasyon at
sensistibo sa ibang tao.

Pagsasanay Blg. 5
E. Panuto : Basahin ang Ang Pagkakaisa ng Pamilya at sagutin ang sumusunod na
katanungan.

Ang Pagkakaisa ng Pamilya

Maaga pa ay nagkakagulo na ang pamilyang Ponce, ito ay dahil ang kanilang ama na si
Mang Kanor ay umuwing duguan sa kadahilanang nasangkot ito sa isang gulo nang ito ay
papauwi. Si Mang Kanor ay barumbado at mahilig makipag away, ito ang palaging
pinoproblema ng kanyang dalawang anak na si Karlo at Trina at ng kanyang asawa na si Aling
Cora. Takot si Karlo at Trina sa kanilang ama kaya hindi nila magawang pagsabihan ito,
gayundin ang kanilang Ina na si Aling Cora dahil minsan narin itong binugbog ng kanilang ama.
Walang may lakas ng loob sa kanilang pigilan ang kanilang ama hanggang sa isang araw
napagisipan ni Karlo na hindi matatapos ang suliraning ito kung walang kikibo at magsasalita sa
kanila. Nag- isip ng paraan si Karlo, tinawag niya ang kanyang Ina at si Trina. Nagpakita siya ng
isang tingting at ipinakita rin niya ang isang walis at itinanong kung alin ang mas makakawalis.
Kapag pinagsama ang lahat ng tingting, walis ang mabubuo, makalilinis. Ganyan din ang buhay.
Kung mag tutulungan tayo, malulutas ang suliranin. Kung pababayaan natin, lalaki ang
problema at baka pati tayo ay madamay. Alalahanin natin sa pagtutulungan malulutas ang
anumang problema sabi ni Karlo.

Makaraan ang ilang araw nagpasya sina Karlo, Trina at Aling Cora na sabihin sa ama na tigilan
na nag pakikipag away dahil ito ay nakaka apekto sa kanilang magkakapatid at lalo na sa
kanilang pamilya, gusto nila na magkaisa sila bilang isang pamilya at mamuhay ng masaya at
tahimik. Naantig ang puso ni Mang Kanor at mula noon, nagbago na siya at hindi na siya
naghanap pa ng away sa kanilang baryo.

1. Ano ang suliranin ng pamilyang Ponce?

2. Bakit hindi magawang pagsabihan nina Aling Cora, Karlo at Trina ang kanilang ama ?
3. Ano ang ginawang solusyon ni Karlo upang matigil ang suliranin ?

4. Naging epektibo ba ang ginawang solusyon ni Karlo ? Bakit ?

5. Bakit kailangan ang pagkakaisa sa isang pamilya ?

Tandaan Natin :
May mga hakbang na maaring sundin sa pagdedesisyon .
Mahalaga ang pagtukoy ng suliranin at ang maaring
solusyon nito. Ating pag-aralan ang grapiko sa
pagdedesisyon.

2. Paghahanap ng 3. Pagtitimbang
1. Pagtukoy sa
maaring solusyon / sa pipiliing
suliranin:
pagpipilian : solusyon :
Kailangang magtaglay
Gutom ka. Ano Maaring pagpipilian:
Nilagang mais - P ang bibilhin ng
ang maaari
10.00 sumusunod :
mong bilhin sa Champorado - P Mura
halagang 10 7.00 Masarap
pesos ? Biskwit - Nakabubusog

5. Pag aral sa 4. Pagpapasya


kinalabasan: kung ano ang
Tama ba ang pinili kong desisyon? bibilhin o pipiliin :
Pinili ko ang
Sagot : Oo dahil mura , nakabubusog Champorado.
at masarap.

Pagsasanay Blg. 6 .
F. Gumawa ng isang grapiko sa hakbang ng Pagdedesisyon.

2. Paghahanap ng 3. Pagtitimbang
1. Pagtukoy sa
maaring solusyon / sa pipiliing
suliranin:
pagpipilian : solusyon :
Kailangang magtaglay
Maaring pagpipilian:
ang pagpipilian ng
sumusunod :

5. Pag aral sa 4. Pagpapasya


kinalabasan: kung ano ang
Tama ba ang pinili kong desisyon? bibilhin o pipiliin :
Pinili ko ang
Sagot : ___________

Pagsasanay Blg. 7

G. Lagyan ng kung tama at kung ito ay mali.


___________1. Pinagsabihan ka ng iyong ama na iligpit ang iyong mga laruan , pero hindi mo

gustong gawin ang utos ng iyong ama kaya hindi mo ginawa ang kanyang iniutos at pinabayaan

nakakalit ang kwarto.

___________2. Naglalaro ka ng bola sa loob ng inyong bahay ng biglang nabasag mo ang

paboritong flower vase ng iyong Ina , kahit na alam mo na pagagalitan ka ay sinabi mo pa rin

ang totoo.
___________3. Naglalaro kayo ng iyong mga kapatid ng bigla kang nagalit at nakipag away sa

iyong nakababatang kapatid kaya pinalo at pinagalitan ka ng iyong ina, nagalit ka at gumanti ka

sa iyong kapatid.

___________4. Nagluto ng biskwet ang iyong ina dahil isa ito sa proyekto ng iyong kapatid ,

pinagsabihan kang huwag kumuha ng biskwet pero hindi ka nakinig at kumuha ka pa rin ng

Makita ng iyong Ina na kulang ang biskwet ay hindi ka umamin at nagsinungaling na kinuha ng

aso ang isang biskwet.

___________5. Naglalaro kayo ng iyong kapitbahay ng napagisipan mong gusto mong kunin

ang kanyang laruan pero napag isip mo rin na hindi mabuti kung kukunin mo ito kaya hiniram

mo nalang at isina uli ng matapos mong paglaruan.

Pagsasanay Blg. 8

H. Dugtungan ng tamang desisyon sa bawat sitwasyong nakalahad. Isulat ang sagot sa


patlang.
1. Nagtatatrabaho sa Saudi Arabia si Mang Jose. Isa siyang manggagawa sa
konstruksiyon. Nasa Saudi siya sa loob ng anim na taon. Sabik na sabik na siya sa
kanyang pamilya. Ano ang magagawa ng kanyang pamilya upang sumaya siya?

2. Kinakaharap ng mga pamilyang nakatira sa Sityo Mapuno ang usaping


pangkapaligiran (environment). Ang isang pabrika na malapit sa sityo ay nagbubuga
ng mga nakalalasong basura (toxic waste) sa ilog na kung saan nangingisda at
sumasalok ng tubig ang mga pamilya. Ano ang maaaring gawin ng mga pamilya sa
Sitio Mapuno?

3. Si Diding ay isang katulong sa Hongkong. Hindi niya nakita ang kanyang anak na si
Boboy sa loob ng apat na taon. Nang bumalik siya ng Pilipinas gusto niyang siya ay
patuloy na minamahal ng kanyang anak. Gusto siyang tulungan ng kanyang asawang
si Tony. Paano makakatulong si Tony sa kanya?
4. Gusto mong mag saliksik tungkol sa inyong klase kaya hiniram mo ang laptop ng
iyong kapatid at dinala sa eskwela , gustong hiramin ng iyong kaklase ang laptop ng
iyong kapatid. Ano ang gagawin mo ?

5. Si G. Santos ay isang empleyado. Nais niyang umalis patungong Maynila dahil sa


ipapagamot ang ina na may malubhang sakit. Ano ang mabuting gagawin niya?

Pagsasanay Blg. 9

I. Basahin ang Comic Strip at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.


Ayos ! paano
Ana at Tonyo naman ikaw
Binigyan ako ng Sige ba ! gusto tonyo?
Nanay ko yan, talagang Sasama ka
ko ng extrang sasama ako!
pera . Tara punta ba ?
tayo sa mall
pagkatapos ng
ating klase.

Pasencya na
Ganun ba ? Ok hindi ako
lang Tonyo makakasama
Gusto ko pwede ,nangako kasi
talagang namang sa ako sa aking Itay
sumama ibang araw na tutulungan ko
kina James nalang tayo siya ngayon.
at Ana. pumunta sa
Kung hindi ako Kung
sasama sa mall pupunta ako
baka magalit sa mall baka
ang mga mawalan ng
kaibigan ko sa tiwala ang
akin . Itay ko sa
Pero nangako
ako kay Itay
na tutulongan
ko siya sa
pagkukumpun
i ng kanyang
sasakyan.
Pero mas
pinapahalagahan ko ang
tiwala ng aking Itay

1. Ano ang suliranin na kinakaharap ni Tonyo ?

2. Ano ang dalawang sitwasyon na pinagpilian ni Tonyo bago siya nag desisyon?

3. Bakit mas pinili ni Tonyo na huwag sumama sa mga kaibigan niya ?

4. Ano ang maaring mangyari kung hindi tinupad ni Tonyo ang kanyang pangako sa Itay ?
5. Ano ang naging kalabasan ng piniling desisyon ni Tonyo?

Pagsasanay Blg. 10

J. Lagyan ng kung tama a t kung ito ay mali.

_______1. Lagi mong iniisip na hindi ka magaling at laging may nakakalamang sa iyo sa klase.
_______2. Hindi mo ikunukumpara ang iyong sarili sa iba dahil alam mong kaya mo rin ang
mga bagay na kaya nila.
_______3. Gustong mong manguna sa pasulit kaya naisip mong mandaya upang makakuha
ng perpektong marka.
_______4. Madalas kang sumuko sa mga bagay na alam mong hindi ka marunong , mas
pipiliiin mong hindi sumubok gawin ito kaysa somubok ka at mabigo.
_______5. Palagi kang nagpapasalamat sa taong tumutulong sa iyo.

Pagsasanay Blg. 11

K. Iguhit ang bituin kung tama ang pahayag at tatsulok kapag mali.

_______1. Lagi mong sinusunod ang iyong mga kaibigan kahit sa mga bagay na masasama
dahil ayaw mong maiwan ka sa barkada.
_______2. Mas pinaniniwalaan mo ang iyong mga barkada kahit na sinasabihan ka ng iyong
pamilya na hindi sila mabuting ehemplo sa iyo.
_______3. Positibo ang iyong pananaw na makakamtan mo ang iyong mga pangarap sa
buhay.
_______4. Naniniwala kang mahalaga ang pagtutulungan kaya tunuturuan mong mag aral
ang iyong mga kaklase na nahihirapan sa klase.
_______5. Nakita mong kinuha ng iyong siga at barumbadong kaklase ang pera ng iyong guro,
hindi ka nagsalita dahil natakot kang baka pagbantaan ka na bubugbugin.

Pagsasanay Blg. 12
L. Tukuyin ang salitang naaankop sa larawan at bilugan ang titik tamang sagot.

1. a. pagaaway
b. pagbibigayan
c. pagtutulungan
d. pagkamakasarili

2. a. pagkamakasarili
b. pagkapasaway
c. pagtitiwala
d.pagrerespeto

3. a. pagaaway
b. pagtitiwala
c. pagtutulungan
d.pagrerespeto

4. a. pagtutulungan
b. pagtitiyaga
c. pagrerespeto
d. pagkapasaway

5. a. katatagan ng kalooban
b. pagrerespeto
c. pagaaway
d. pagkamakasarili

Pagsasanay Blg. 13

M. Hanapin ang mga salita sa loob ng word puzzle at bilugan ito.

M O T P K A M M O J M D A A
M A S A M J K A G G A M S R
A A T T A H T U T E P S P D
T I P R P U Y A B R A A A A
U M G A A T P A G V G N G R
L A J G G A A P B K P T K H
U T A F T M H O A F A G A G
N O A A I J A M H H S U M U
G P M W I M A H M N E D A A
I A D N S T G A A Y N G H T
N G G B I Y U H U L S S I G
M T R Y P N R G N T Y A N A
A A A U A J G P A P A S A J
S G G W I H G A W I A C H G
A W A I Y T R G A R H A O A
D I L J A G F M I K Q K N H
N E G A P M R A N R H H J H
L O N D S S R S A D W Y H G
A A T A T A G N G L O O B K

Pagkamatiyaga Mapagtiis Mapagmahal


Mapagpasensya Maunawain Tatag ng Loob
Pagkamahinahon Matulungin Matapat

Pagsasanay Blg. 14
N. Lagyan ng S ang mga bagay na makabubuti sa nakararami at D naman kung hindi
makabubuti.
_________1. Kung may taong nangangailangan ng tulong , maaring e post ito sa Facebook
upang makita at matulongan ng marami .
_________2. Ang mga taong nahihirapan sa kanilang buhay ay hindi na kailangan ng taong
makakausap dahil kakayanin pa rin nilang mabuhay.
_________3. Hinihikayat ng isang organization sa inyong komunidad na mag bigay ng mga
bulaklak o sulat sa mga taong may pinagdaraanang hirap sa buhay.
_________4. Sa inyong grupo ng magkakaibigan , hinihikayat kayo ng isang kaibigan na sumali
sa isang volunteer work para sa mga taong nasalanta ng bagyo.
_________5. Nilagdaan mo ang isang sulat na nagpapatnugot na putulin ang mga kahoy sa
inyong kagubatan.

Pagsasanay Blg. 15
O. Iguhit ang (like) kung sang ayon sa pahayag at kung hindi ay iguhit ang
(unlike).
_________1. Sumali ka sa isang prayer rally upang matigil ang gulo sa Mindanao.
_________2. Napagpasyahan ni Sec. Lopez na ipatigil ang pagmimina sa inyong baryo,
hinikayat kayo ng inyong mga kapitbahay na mag welga dahil mawawalan kayo ng hanapbuhay.
_________3. Napagpasyahan mong ipinamigay mo ang iyong mga lumang laruan sa mga
batang mahihirap na walang man lang laruan.
_________4. Magtatayo ng libreng pagamotan ang gobyerno sa inyong baryo upang
matulungan ang mga taong may sakit.
_________5. Nagpatayo ang pangulong Duterte ng rehabilitation center upang matulungang
magbago ang mga taong nalulong sa droga.

Pagsasanay Blg. 16

P. Isulat ang bagay na nakakabuti sa marami sa unang column at ang mga bagay na di
nakakabuti sa nakararami sa ikalawang column.

Laganap na korapsyon sa gobyerno


Free health clinic
Libreng pabahay sa mahihirap
Laganap na pagputol sa kagubatan
Pagtatanim ng puno sa gubat
Libreng edukasyon sa street children
Laganap na paggamit ng
Patuloy na pagmimina
pinagbabawal na gamot
Pagvolunteer work sa mga nasalanta
Pagsali sa rally upang mapaalis ang
ng bagyo
nanunungkulan sa gobyerno.
Nakabubuti Di- nakabubuti

Pagsasanay Blg. 17

Q. Ilagay ang sa loob ng kahon na nasa gilid ng pahayag na sa tingin mo ay nakabubuti sa


nakararami at kung hindi nakabubuti .

1.

Sinasayang ang tubig Pagconserba ng tubig


dahil maraming supply upang may magamit
nito. pag dumating ang El
Nio.

2.

Pagtapon ng basura sa Pag iwan ng basura sa


mga basurahan at parke at pagtapon
pagligpit ng kalat pag kung saan saan .
nasa parke.

3.

Pag ayos ng nasirang Paggawa ng bagong


daan at highway na daan at hayaan
maaring nalang ang mga luma
makadisgrasya. at sirang daanan.
4.

Pagtawanan ang mga Pag respeto at


taong may kapansanan pagtulong sa mga
dahil naiiba sila. taong may kapansanan
dahil tulad rin natin sila
na likha ng Diyos.

5.

Libreng pabahay sa Pauupahin ang mga


mga taong nasalanta taong nasalanta ng
ng bagyo. bagyo.

Pagsasanay Blg. 18

R. Basahin ang kwento at sagutan ang mga katanungan.

Ang Mabuting Samaritano

Isinalaysay ni Hesus sa kanyang mga disipolo ang kuwento ng mabuting


Samaritano. Isang Hudyo ay naglakbay galing Herusalem patungong Jerico. Walang
awa na ninakawan ng mga ari-arian at binugbog pa siya ng mga magnanakaw. Ang
kawawang Hudyo ay naiwan sa kalsada na nag-aagaw-buhay.
Isang pari ang nakakita sa napinsalang hudyo. Ang sugatang Hudyo ay iniwasan
at hindi tinulungan ng pari. Ang pari ay nagkunwari na hindi niya nakita ang
Hudyong nabiktima. Dumaan ang isang opisyal ng simbahan. Ang opisyal ay hinidi
rin sumaklolo sa Hudyo. Isang Samaritano ay nakatagpo at agad na lumapit sa
Hudyong sugatan . Hindi magkasundo ang Hudyo at ang mga Samaritano. Lubos na
naawa ang Samaritano sa naghihingalong Hudyo. Nilinisan at tinakpan ng
Samaritano ang mga sugat ng Hudyo. Ang Hudyo ay kinarga at sinakay ng
Samaritano sa kanyang kabayo. Dumating at tumuloy sila sa pinakamalapit na
taberna. Inalagaan ng Samaritano ang Hudyo buong gabi. Binayaran ng Samaritano
ang may-ari ng taberna . Nag iwan din siya ng salapi para sa pagkain at pag-aalaga
sa hudyo at nangako siya sa may-ari na babalik siya upang bayaran ang kulang.
Ang tunay na kapwa ng Hudyo ay ang Samaritanong nagpakita ng awa sa kanya.
Ang ating kapwa ay dapat nating tulungan sa oras ng kanilang pangangailangan.
Dapat nating tularan ang ginawa ng mabuting Samaritano.

1. Ano ang nangyari sa isang hudyong naglalakbay patungong Jerico?

2. Ano ang ginawa ng pari at ng opisyal ng simbahan ng makita niya ang


hudyong nag-aagaw-buhay?

3. Sino ang tumulong sa Hudyo at paano nya ito tinulungan?

4. Ano ang mabuting asal na ipinakita ng Samaritano?

5. Ano ang aral na inyong natutunan sa kwentong Ang Mabuting Samaritano?

Pagsasanay Blg. 19

S. Panuto : Base sa kwentong ang Mabuting Samaritano , ilagay ang tamang


numero ng pagka kasunod-sunod ng pangyayari. Isulat ang numero sa bilog.
Pagsasanay Blg. 20
T. Bilugan ang (like) kung ang pahayag ay sumasang ayon sa ikabubuti ng
kapwa at kapag hindi sumasang ayon ay bilugan ang (unlike ).

1. Tama ang sinabi mo , dapat tayong magtulungan upang malinis


ang ating kapaligiran.

2. Maling mali talaga ang iyong pananaw na kaya mong mag isa sa
boung buhay mo.

3. Hindi tayo magkakasundo dahil magkaiba ang ating pananaw sa


buhay.

4. Totoong matulungin ang mga taong nakaranas ng kahirapan at


pagkabigo.

5. Hindi ako sang ayon sa naging desisyon na ipatigil ang pagmimina


dahil ang bansa ay sagana sa likas na yaman kaya hindi ito mauubos.

Pagsasanay Blg. 21
U. Lagyan ng S ang mga bagay na makabubuti sa nakararami at D naman kung hindi
makabubuti.
______1. Tama ang sinabi mo, dapat tayong magtiwala sa Diyos dahil alam nya ang
makabubuti para sa atin.

_______2. Bilib ako sa sinabi ng Presidente sa kanyang dedikasyon upang


mapaunlad ang ating bansa at matigil ang laganap na pagdodroga ng mamamayan.

_______3. Kaisa ako sa bahaging isulong ang karapatan ng kababaihan dahil lahat
tayo ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa batas.

_______4. Sumasalungat ako sa plano ng ating pamahalaan tungkol sa


pagpapatupad ng K-12 sa edukasyon.

_______5. Iyan din ang palagay ko, dapat mabigyan ng libreng pabahay ang mga
taong nawalan ng tahanan dahil sa bagyong Yolanda.

Tandaan natin :
Pinalawak, pinadali, pinatipid ng social media ang paraan ng komunikasyon at
pagbabahagi ng impormasyon. Isang mabuting bagay ito para sa ating mga
gumagamit, subalit gaya ng kasabihan, Ang lahat ng sobra ay masama.
Bago tayo mag-share o mag-like ng nababasa natin sa Facebook, alamin muna
natin kung saan nagmula ang mga ito. Kung hindi tayo mag-iingat, nagiging tulay
tayo sa pagpapakalat ng kasinungalingan at hindi lamang tayo ang
mapapahamak; madadamay din ang mga taong pinadalhan natin ng pekeng
balita. Mahalaga ang tamang impormasyon sa pagpapalago at pagpapatibay ng
demokrasya.

Pagsasanay Blg. 22
V. Panuto. Basahin nating ang pag-uusap ng magkaibigan na Julia at James tungkol sa
wastong paggamit ng impormasyon sa social media at sagutin ang mga sumusuno na
katanungan.

Nagkita sa isang internet shop ang magkaibigang Julia at


James.Habang gumagamit ng Facebook si Julia, nakita
niya ang isang impormasyong kanyang ikinagulat.
Julia: James halika rito ! basahin mo itong nakita kong
impormasyon sa Facebook .
James: Bakit ? Ano ba ang impormasyong iyan na
nabasa mo diyan sa Facebook ?

Julia : Sabi dito sa balita na may libreng ice creamat mananalo ka ng pera kapag pumunta ka
ng SM mall bukas.

James : Talaga? Paano ka nakasisiguro na totoo iyan ?

Julia: Hindi ko alam, nabasa ko lang dito eh. Teka lang, sasabihan ko ang aking mga kaibigan
dito sa Facebook tungkol dito.

James : Aba , huwag ka munang maniwala diyan dahil hindi mo pa alam kung totoo ba talaga
ang impormasyong iyan.Hindi kase ako makapaniwala na libre lang ang lahat ng iyan kasi wala
ng libre ngayon lahat binabayran na natin. Teka lang, titingnan ko ang website ng SM para
malaman ko talaga na totoo iyan.

James : oh eto na, sabi dito sa website nila kailangan mong mag register sa isang kompetesyon
sa pagkain at pag nanalo ka ay may libreng kang ice cream at mananalo ka ng pera.

Julia : Ganun ba ? Salamat James , hindi pala lahat ng nababasa ko sa Facebook ay totoo,
kailangan pala talagang huwag magpadalos dalos sa paggamit ng impormasyon mababasa mo
sa social media.

James : Walang anuman Julia, basta tandaan mo think before you click , upang maiwasan
mo ang pagbabahagi ng hindi maka totohanang impormasyon at baka malagay ka pa sa
kapahamakan.

1. Sino ang magkaibigan na nagkita sa internet shop ?


____________________________________

2. Ano ang ginagawa ni Julia sa Internet shop ?


__________________________________________

3. Ano ang impormasyong nakita ni Julia sa Facebook?


____________________________________

4. Ano ang naging reaksyon ni James ng malaman niya ang tungkol sa impormasyon?
____________________________________________________________________________
5. Bakit hindi naniwala agad si James sa imporamsyong may libreng Ice cream at maaring
manalo ng pera pag pumunta ng SM ?
__________________________________________________________

5. Paano nalaman ni Julia na hindi totoo ang nalaman niyang impormasyon?


_______________________________________________________________

6. Ano ang nakuhang aral ni Julia tungkol sa paggamit ng social media gaya ng Facebook?
____________________________________________________________________________

7. Ano ang dapat tandaan upang maiwasan ang pagbabahagi ng hindi makatotohanang
impormasyon?
____________________________________________________________________________\

Pagsasanay Blg. 23

W. Bilugan ang (like) kung kung ang pahayag ay nagsasabi ng wastong paggamit ng
impormasyon at kung hindi wasto ay bilugan ang (unlike ).

1. Pagbibigay ng hindi tiyak na impormasyon upang pahangain ang ibang tao na


may nalalaman ka.

2. Suriin muna ang impormasyon kung ito ay galling sa taong may kredibilidad.

3. Tukuyin muna ang impormasyon kung makabuluhan ba ito sa ating lipunan o


pawang sabi sabi lang .

4. Pagpapasa ng impormasyon na hindi humihingi ng pahintulot sa may-ari.

5. Pamamahagi ng impormasyon na nakalalabag sa pribadong buhay ng ibang


tao.

Pagsasanay Blg. 24

X. Ilagay ang sa loob ng kahon na nasa gilid ng pahayag na sa tingin mo ay tamang


paggamit ng impormasyon at sa kahon kung hindi tama ang pahayag.
1.

Pagpapakalat ng Pagpapayo sa iyong


impormasyong pribado mga kaklase na
tungkol sa iyong respetuin ang
kaklase. pribadong buhay ng
iyong kaklase.
2.

Pagbabasa ng tahimik Pagkakalat at pag


sa loob ng library iingay sa loob ng
upang hindi maka library
istorbo.

3.

Pagpapakalat ng Pagpapa alala sa iba sa


impormasyon at pag maaring maging
iingganyo sa iba epekto ng paggamit ng
tungkol sa bawal na gamot.
ipinagbabawal na mga
gamot .
4.

Patatakip sa Pagsisiwalat sa
mahalagang nalalamang
impormasyon tungkol impormasyong tungkol
sa bagay na nawawala sa bagay na nawawala.

5.

Pagsasabi ng totoong Pagtatago ng


impormasyon na mahalagang
maaring makatulong impormasyon upang
sa ibang tao. hindi madamay sa
problema ng iba.

Pagsasanay Blg. 25

Y. Lagyan ng kung tama a t kung ito ay mali.

_____1. Nangyaring nakita mo ang sagot sa pasulit ng iyong guro at ito ay iyong ipanamigay sa
iyong mga kaklase.
_____2. Nahulog ang sulat ng iyong kaklase tungkol sa kanyang kinakaharap na problema
nabasa mo ito ngunit hindi mo ipanagsabi sa iba.
_____3. May nakita kang impormasyon sa internet , sinuri mo muna kung ito at totoo bago ka
naniwala.
_____4. Nagbabasa ka ng dyaryo ngunit hindi mo binabasa ng bou ang balita , ibinalita mo sa
iba kahit na hindi moa lam ang kabouan ng balita.
_____5. Ikinalat mo ang chismis tungkol sa pangongopya ng iyong kaklase.

Pagsasanay Blg. 26

Z. Lagyan ng kung tama at kung ito ay mali.


_____1. Pinunit mo ang isang pahina ng libro dahil hindi mo gusto ang impormasyong
napapaloob rito.
_____2. Sinadya mong isabi sa iyong kaklase ang maling impormasyon upang mapahiya siya
sa iba.
_____3. Gumawa ka ng assignment , imbis na mangopya ka sa iba ay ikaw mismo ang nag isip
ng tamang sagot para dito.
_____4. Nalaman mo ang mga impormasyon tungkol sa iyojng guro, ipinamigay mo ito sa iba.
_____5. Gumawa ka ng information board sa inyong paaralan upang malaman ng mga
kabataan ang mga importanteng impormasyong tungkol sa kalusugan.

Pagsasanay Blg. 27

A. Iguhit ang bituin kung tama ang pahayag at tatsulok kapag mali.

______1. Tinipon mo ang mga mahahalagang impormasyong iyong nakita sa dyaryo upang
ipamahagi ito sa iba.

______2. Hindi mo pinapansin ang mga mahahalagang balita tungkol sa ating bansa.

______3. Pinag-iisipan mo muna kung makabuluhan ba ang impormasyong o ito ay pawang


kasinungalingan lang.
______4. Agad kang naniwala sa impormasyong sinabi ng iyong kaibigan na narinig rin niya sa
iba.

______5. Nakita mo sa Facebook ang paninirang ginawa ng isang tao sa iyong kakilala ,hindi
mo agad ito pinaniwalaan.

You might also like