You are on page 1of 12

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

Q1 WEEK 1 D3

Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may


kinalaman sa sarili at pangyayari
EsP6PKP- Ia-i– 37
Mga Layunin:
 Makilala ang mga proseso ng kaisipan na nauugnay sa
malalim na pag-iisip at paggawa ng desisyon.
 Ipahayag ang empatiya at pang-unawa sa mga
desisyon at kilos ng iba.
 Maipakita ang pagsulong ng kanilang mga kasanayan
sa paggawa ng desisyon sa pamamagitan ng mga
aktibidad na nagpapakita ng pagsusuri sa mga
sitwasyon at pagsasaalang-alang sa mga posibleng
kahihinatnan.
Paano nakakaapekto sa ibang tao ang
pagbuo ng pasya?
Ang batang masigasig at matatag ang
loob ay nagpapakita ng katangiang
dapat taglayin sa pagbuo ng tamang
desisyon. Ito ang mga ugaling dapat
isapuso at isabuhay ng bawat mag-aaral
upang malagpasan ang lahat ng
suliranin na dumarating sa kanilang
buhay.
Mga hakbang upang maging Batang Matatag ang Loob
at Masigasig
1.Pinapahalagahan ang Pag-aaral
2.Nakikiisa sa mga Gawaing Bahay
3.Isang Magandang Ehemplo sa Kapwa
4.Nag-iisip nang Mabuti bago Magpasiya
Hanapin ang pinaka-akmang salita sa bawat pangungusap. Isulat
ang sagot sa patlang.
taglayinmapanuri tungkulin kinagigiliwan kabutihan
maiwasan
1. Ang pagiging ____________________ sa pag-iisip ay nagbibigay ng pagkakataon na
bago magdesisyon ay isipin muna ang maaaring mangyayari.
2. Ang pagtulong sa mga gawaing bahay ay isang magandang halimbawa ng katatagan ng
loob sa paggawa ng ating ____________________ bilang miyembro ng ating pamiya.
3. Ang pagpapakita ng mabuting gawain sa kapwa ay kinatutuwaan at
____________________ ng nakararami.
4. Ang pagdedesisyon ay hindi lamang sa ____________________ ng isang tao ngunit
isinasaalang-alang rin ang kapakanan ng bawat isa.
5. Ang batang masigasig at matatag ang loob ay nagpapakita ng katangiang dapat
____________________
Pangkatang Gawain:

I. A.Gumuhit ng isang poster na nagpapakita


ng iyong pagiging mapanuring pagpapasya
sa isang pangyayari. (Maaring gummite ng
hiwalay na bond paper).
II.Ipakita ang mapanuring pagpapasya sa
pamamagitan ng isang dula-dulaan.
Lagyan ng O ang mga gawain na nakapagsusuri nang
mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari at X naman kung hindi.
Ano ang kahalagahan ng pagiging
batang matatag ang loob at
msigasig?
Ano-ano ang mga hakbang upang
maging batang matatag ang loob
at masigasig
.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Inanunsyo ng inyong guro na magkakaroon kayo bukas ng pagsusulit sa
asignaturang Filipino. Ano ang dapat mong gawin?
A. Mag-aral ng mga aralin
B. Maglaro kasama ang mga kaibigan
C. Matulog at magbasa ng magasin upang malibang

2. Araw ng Sabado, inutusan si Rita ng kaniyang ina na mamili ng mga


sangkap na kakailanganin sa pagluluto ng tanghalian. Nakita ni Rita na
maraming tao ang namimili. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Pupunta muna sa kaibigan upang makipaglaro
B. Uuwi at sasabihin na wala ang ipinabibili sa kaniya
C. Pipilitin na makabili ng mga sangkap na kakailanganin
3. Ang iyong paaralan ay may programa na ilulunsad sa darating na Biyernes.
Ito ay tungkol sa pagtulong sa mga kabataan na hindi na nag-aaral. Ano ang
maaari mong gawin?
A. Huwag sumali at maglaro na lamang
B. Magdahilan na may gagawin sa araw ng Biyernes
C. Sumali sa programa na ilulunsad ng iyong paaralan

4. Ang iyong nakababatang kapatid ay nahihirapan sa pagsagot ng


kaniyang takdang-aralin. Bilang kuya o ate, ano ang dapat mong
gawin?
A. Pagtawanan dahil hindi siya magaling
B. Tulungan ang kapatid sa abot ng makakaya
C. Payuhan ang magulang na humanap ng magtuturo sa kaniya
5. Ang iyong barangay ay naglunsad ng programa tungkol sa
paglilinis ng kapaligiran. Gusto mong makilahok ngunit niyaya ka
ng iyong kaibigan na pumunta sa pook-pasyalan. Ano ang gagawin
mo?
A. Sasama sa kaibigan kahit na napipilitan
B. Yayayain ang kaibigan na sumali sa programa
C. Magsisinungaling sa kaibigan na masama ang pakiramdam

You might also like