You are on page 1of 10

ESP

Setyembre 12, 2022


Lunes
I. Layunin
Nakapagpapakita ng mapanuring pag-iisip.

II. Paksa
Mapanuring Pag-iisip, Meron Ako
Sanggunian:
Kagamitan: Laptop
Integrasyon: Filipino

III. Pamamaraan
Unang Pagsubok
Panuto: Masdan ang larawan. Tingnan kung ano ang maaaring mangyari kapag hindi nag-iisip bago bumuli.

Pangalawang Pagsubok
Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano sa palagay mo ang ginagawa nila?

Kailan mo masasabing nagsusuri kang mabuti ng iyong mga gawain?


Pinaniniwalaan mo ang lahat ng nagbabasa o naririnig sa mga balita?

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Pag-isipan nang Mabuti ang mga bagay o sitwasyon na nangangailangan ng iyong pagpapasiya.
Basahin ang kwento. Pansinin kung paano nag-iisip nang Mabuti si Vector bago magpasiya.
Mag-ingat sa Pakikipag-usap
“ Yong telepono, Vector! Ikaw na ang sumagot, “ ang sabi ni Ate Becky.
“Hello? Opo, dito nga po. Bakit po?” ang tanong ni Vector sa kausap. May ilang saglit na lumipas. “Po? Naaksidente at
kailangang dalhin agad sa ospital? Nagkamali po yata kayo. Kani-kanina lang po ay tumawag dito sina Mommy at sabi ay
pauwi na sila.”
“Ano daw iyon?” ang tanong ni Ate Becky nang ibinaba na ni Vector ‘yong telepono.
“Sabi ng kausap ko, naaksidente daw sina Mommy kanina. Kailangan daw puntahan agad sa ospital at tuturuan niya ako
ng dapat gawin.”
“Ha? Paanong mangyayari iyon?” ang tanong ng kaniyang Ate Becky. “Hindi nga ako naniwala at naisip kong manloloko
iyon kaya agad kong ibinaba ang telepono,” ang pahayag ni Vector.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Nang buksan nila ito, bumungad ang kanilang Mommy at Daddy na maraming
dalang pinamili sa palengke.
“Mukhang masinsinan yata ang pinag-uusapan ninyong magkapatid?” ang hangad ng mag-asawa.
Ikinuwento ni Vector ang tungkol sa tawag sa telepono.
“Naku, Mabuti na lang, Anak, at hindi ka naniwala. Marami talagang manloloko sa panahon ngayon. Ang galling talaga ng
anak ko!” ang sabi ng Mommy niya sabay halik sa kanya.
1. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi gumamit ng mapanuring pag-iisip si Vector? Ipaliwanag.
2. Kung mahaharap ka sa sitwasyong tulad ng kay Vector, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?

Pagtatalakay
Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay isang katangian na maaaring ipagmalaki ng isang tao. Sa dami ng
nilalang ng Diyos, tayong mga tao ang may pinakanatatanging kasanayang gumamit ng mapanuring pag-iisip sa pang-
araw-araw na pamumuhay. Kabilang na rito ang pagsusuri sa katotohanan at pagkilala sa kung aling bagay ang
nakabubuti o nakasasama sa atin.
Ang mapanuring pag-iisip ay naipakikita sa pagtatanong, pagsusuring mabuti sa mga posibleng kasagutan, at
pamimili ng pinakamahusay na sagot bago gumawa ng kahit ano. Kailangang makapaglaan ng sapat na panahon sa
pagtugon sa kinakaharap na suliranin o gawain gaano man ito kaliit o kalaki.

Gawain 1
Tukuyin kung nagpapahayag ng paggamit ng mapanuring pag-iisip ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang Oo o Hindi.
Ipaliwanag ang iyong sagot . Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Nagbabasa ng aklat at magasin na nakadaragdag sa iyong kaalaman at kakayahan
2. Paglalaro ng computer games kaysa paggawa ng iyong takdang-aralin
3. Pagbabasa ng diyaryo upang malaman ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa
4. Pagpapahalaga sa panonood ng mga telenobela kaysa mga balita
5. Pakikinig ng mga programa sa radyo na nagtuturo ng paggawa ng makabuluhang bagay
6. Pagtulong at paggawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain
7. Paniniwala sa patalastas na napanood o narinig
8. Pagkalap sa iba’t ibang sanggunian ng mga impormasyon sa tuwing pinagagawa ka ng pag-uulat sa klase
9. Pagtimbang nang magkabilang panig ng isyu bago ka gumawa ng pagpapasya
10. Pagpapahalaga sa opinion ng ibang tao kahit na ito ay iba sa opinyon mo

Tandaan

 Ang mapanuring pag-iisip ay nagpapakita sa pamamagitan ng: pagtatanong, pagsusuring Mabuti sa mga
posibleng kasagutan, at paghahambing sa mga nakalap na impormasyon.
 Sa panahon ngayon, maraming fake news na lumalabas sa internet dapat suriin muna itong mabuti bago
paniwalaan. Nagkalat na din ngayon ang mga scammer sa larangan ng social media at telecommunications.
Tayong mga tao ay may kakayahang gamitin ang mapanuring pag-iisip sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Naipapakita ang mapanuring pag-iisip sa pagtatanong, pagsusuring Mabuti, sa mga posibleng kasagutan, at
pamimili ng pinakamahusay na sagot bago gumawa ng desisiyon.
 Ang mapanuring pag-iisip ay isang katangian na maaring ipagmalaki ng isang tao.

Pag-alam sa natutuhan
1. Ano-ano ang maaari mong gawin upang maipakita na ikaw ay may mapanuring pag-iisip?
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip?

IV. Pangwakas na pagsusulit


Panuto. Suriin ang mga larawan. Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa mensaheng nais ipahatid ng larawan.
Gamitin ang iyong kuwaderno.

V. Takdang Aralin
Sumulat ng isang sitwasyon batay sa iyong karanasan na nagpapakita ng mapanuring pag-iisip gamitin ang iyong
kuwaderno.
ESP
Setyembre 13, 2022
Martes
I. Layunin
Nakapagpapakita ng pagkakaisa sa kapwa.

II. Paksa
Pangkat Ko, Kaisa Ko
Sanggunian:
Kagamitan: Laptop
Integrasyon: Filipino

III. Pamamaraan
Unang Pagsubok

1. Sa inyong palagay, ano ang ginagawa ng mga mag-aaral sa larawan?


2. Ano-ano ang dapat na tandaan ng mga miyembro ng pangkat upang mabilis at maayos na matapos ang gawain?
Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag kung paano ito nakatutulong.
3. Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto ang iyong pangkat?
4. Ano-anong mahalagang pag-uugali ang kailangan sa isang pangkatang gawain?

Pangalawang Pagsubok

1. Paano maaaring magtagumpay ang isang pangkat at sa pagganap ng kanilang gawain?


2. Anong pagpapahalaga ang dapat pairalin sa isang pangkat?

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Mabuting Bunga ng Pagkamahinahon
ni Constancia Paloma
Sina Peter, Marie at Jane ay pawang mga mag-aaral sa ikalimang baitang at miyembro ng Special Arts Club sa
kanilang paaralan. Naatasan silang sumali sa on-the-spot painting contest tungko, sa pangangalaga ng kapaligiran.
Mayroon silang isang buwang palugit upang paghandaan ang paligsahan.
“Alam ko na,” sabi ni Peter.
“Magsanay tayong magpinta araw-arasundin w para pagdating ng paligsahan ay sanay na sanay na tayo.”
“Huwag na, Peter, sa husay natin magpinta, hindi na natin kailangang magsanay,” sagot naman ni Marie. Sumimangot si
Peter dahil gusto niyang Manalo sila, at gusto lamang niyang sundin ang sinabi ng kanilang guro na magsanay lagi
sapagkat marami silang makakalaban na maaaring mas magaling pa sa kanila.
Dahil napansin ni Jane na medyo nagkakainitan na ang dalawa niyang kasama, pumagitna siya, “Peter, Marie,
huminahon kayo. Kailangan natin ang kooperasyon at pagkabukas ng isipan. Alam ko na mas gusto ni Marie na mag-
focus sa pagre-review sa final exam. Ikaw naman, Peter, gusto mong Manalo tayo para
Makapagbigay tayo ng karangalan sa paaralan. Pareho kayong may katwiran. Pag-usapan natin iyo nang mahinahon.”
“Okey,” sabay na sagot nina Peter at Marie. Halos isang oras din silang nag-usap at natapos sa tawanan.
Nagkaisa silang ayusin ang kanilang iskedyul. Pareho nilang binigyan ng oras ang pagre-review at ang pagsasanay sa
pagpipinta. Kapuwa nila kinawilihan ang dalawang gawaing iyon.
Wika nga sa Ingles, “win-win solution” ang kanilang sinunod. May kasiyahan nilang pinagtulungan ang mga
Gawain kaya tunay nga na win-win ang nangyari sapagkat Nanalo rin sila ng first prize sa on-the-spot painting contest na
kanilang sinalihan.

1. Ano ang pangkatang gawain na ipinagawa sa mag-aaral? Napagplanuhan ba nila ito kaagad nang may kawilihan
at kasiyahan? Ipaliwanag ang sagot.
2. Mayroon bang naging suliranin sa pagtupad nang pangkatan nilang gawain?
3. Paano nilutas ng pangkat ang suliranin nila?
4. Ano-ano ang pamamaraan upang magkaroon ng kaayusan sa pangkatang gawain?

Pagtatalakay
Ang pagiging miyembro ng isang pangkat ay mahalagang bahagi ng buhay ng mag-aaral. Halos lahat ng bahagi
ng pag-aaral ay kinakailangan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral. Dahil dito, marapat lamang na pahalagahan ang
mga kasama sa pangkat. Dapat na makiisa sa anumang balakin ng pangkat na may kinalaman sa ikabubuti at ikaaayos ng
pag-aaral ng bawat miyembro.

Gawain 1
Hindi maiiwasan sa isang pangkat ang pagtutunggali ng mga ugali at opinion. Kung ikaw ang lider ng pangkat, paano mo
maiaalis sa iyong mga miyembro ang sumusunod na ugaling hindi nakatutulong sa ikatatagumpay ng inyong pangkat?
Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Pagsisimula ng gulo sa maliit na dahilan
2. Negatibong pannaw sa lahat ng plano ng pangkat
3. Pagkakalat ng mali o hindi tiyak na impormasyon
4. Paghihikayat sa iba na tumiwalag na sa pangkat
5. Paninisi sa halos lahat ng miyembro
6. Laging tumututol sa bawat napagkasunduan ng pangkat
7. Pagkaniya-kaniya sa lahat ng bagay
8. Mahilig makipagdebate nang walang dahilan
9. Madals na hindi pagdalo sa pulong
Hindi pagsunod sa napagpasiyahan ng nakararami sa pangkat
Tandaan
 Ang pagkamahinahon ay ang pagiging kalmado sa kabila ng nagtutunggaliang ideya. Kaakibat nito ang
pagkamapagpasensiya at pagkamatiisin.
 Hindi maiiwasan sa isang pangkat ang pagtutunggali ng mga ugali at opinion.
Pag-alam sa natutuhan
1. Ano-ano ang pangkatang proyekto ang nasalihan mo sa paaralan?
2. Paano nakilahok ang iyong mga kasama para maging matagumpay ang inyong proyekto?
3. Paano ninyo naipakita ang pagkamahinahon sa pagganap ng tungkulin?

IV. Pangwakas na pagsusulit


Hindi maiiwasan sa isang pangkat ang pagtutunggali ng mga ugali at opinion. Kung ikaw ang lider ng pangkat, paano mo
maiaalis sa iyong mga miyembro ang sumusunod na ugaling hindi nakatutulong sa ikatatagumpay ng inyong pangkat?
Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Pagsisimula ng gulo sa maliit na dahilan
2. Negatibong pannaw sa lahat ng plano ng pangkat
3. Pagkakalat ng mali o hindi tiyak na impormasyon
4. Paghihikayat sa iba na tumiwalag na sa pangkat
5. Paninisi sa halos lahat ng miyembro
6. Laging tumututol sa bawat napagkasunduan ng pangkat
7. Pagkaniya-kaniya sa lahat ng bagay
8. Mahilig makipagdebate nang walang dahilan
9. Madals na hindi pagdalo sa pulong
10. Hindi pagsunod sa napagpasiyahan ng nakararami sa pangkat

V. Takdang Aralin
Ano-ano ang iyong nagawa na humihikayat sa pagtutulungan ng mga miyembro ng pangkat? Gamit ang iyong
kwaderno, sumulat ng repleksiyon ukol sa kahalagahan ng pagpapakita ng mga positibong ugali sa ikatatagumpay ng
gawain ng pangkat.
ENGLISH 5
September 12-13, 2022
Monday-Tuesday

I. Objective
To Administer Phil-Iri

II. Subject Matter


Topic: Phil-Iri Assessment
Reference: Phil-Iri Learning Package
Materials: Test Paper and answer sheet pages 62-65
Reading Skills

III. Procedure
A. Preliminary Activities
1. Prayer
2. Attendance
3. Giving standards in taking the test
B. Test Proper
1. Giving instructions/ Directions
2. Pupils will answer the answer sheets given.
C. Retrieving Answer sheets
DAILY SCHOOLS DIVISION OF MANILA CITY Grade Level GRADE 5
School Valeriano E. Fugoso Memorial Learning Area ENGLISH 5
LESSON Elementary School
PLAN Teacher Sherly A. Ochoa Quarter First Quarter
September 14, 2022
Time 3:25-4:10pm & 4:50-5:35 pm. Date
(Wednesday)

Developmental Domain (s):


Content Standard:
I. Learning Objectives
Performance Standard:
Learning Competency Infer the speaker’s tone, mood and purpose.
Code: Link comments to the remarks of other.
Observe politeness at all time.
Subject Matter: Mood of speaker tone and purpose
Reference:
II. Learning Content
Materials:
Skills:
III. Learning Procedure A. Preliminary Activities
1. Review

2. Motivation

REVIEW
Read “Mood Poem”
Poem
I love my friend
He went away from me.
There’s nothing more to say.
The poem ends
Soft as it began
I love my friend.
At the end of the lesson you will be able to infer the speaker’s tone, mood
and purpose.
MOTIVATION
Explaining the student what to do
1. Read Antonio’s story to the pupils.
Answer the comprehension check up

B. Lesson Proper
Post-Activities
Exercises

Generalization

Application

IV. EVALUATION

EVALUATION
Infer the mood of the person who said each sentence.
1. “Today is the day I’ve been waiting for”.
2. ‘I hate you so much!”
3. “We won! We won! the game!.
4. “Your dress is so pretty.”
5. “I can’t thank you enough for the help you’ve given me.”

V. ASSIGNMENT Mastery Level: Instructional Decision:_________________

You might also like