You are on page 1of 11

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

Q1 WEEK 1 D2

Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may


kinalaman sa sarili at pangyayari
EsP6PKP- Ia-i– 37
Mga Layunin:
 Maipapakita ang pag-unawa sa konsepto ng pagsusuri
sa mga bagay may kinalaman sa sarili at pangyayari.
 Maipahayag ang halaga ng mapanuring pag-iisip at
pagdedesisyon sa personal na buhay at sa mga
pangyayari sa paligid.
• Maipakita ang kakayahan sa pamamagitan ng mga
gawain tulad ng pagsusuri, pag-uugnay ng mga
konsepto sa tula, at paggawa ng pangako sa sarili.
Ano-ano ang mga dapat nating
isaalang-alang sa Pagpapasya?
Ang batang masigasig at matatag
ang loob ay nagpapakita ng
katangiang dapat taglayin sa
pagbuo ng tamang desisyon. Ito ang
mga ugaling dapat isapuso at
isabuhay ng bawat mag-aaral upang
malagpasan ang lahat ng suliranin
na dumarating sa kanilang buhay.
“Pasya Ko Ay Ano?”
Sinulat ni: Jerose U. Akol)

Ako man ay isang batang paslit,


Sa puso ko’y nakaukit,
Binigyan ng Diyos ng malayang
pag-iisip,
Sa maingat at mapanuring
paggamit.
Sa araw-araw na buhay, aking
napagmasdan,
Talagang may mga bagay na
kailangan pagpasiyahan,
Subalit ang pag-aalinlanga’y di ko
ikakaila
Sapagkat alam kong pagpasiya’y
isang mahirap na gawa.
Pasya ko ay ano?
Ito’y hindi madali,
Sapagkat resulta nito’y maaaring
masama o mabuti,
Kung kayat kailangan kong
timbangin,
Di lang para sa sarili kundi para
sa iba din.
Talakayin ang nilalaman ng tula.
1.Bakit sinasabing mahirap bumuo ng pasya?
2.Paano nakakaapekto sa ibang tao ang pagbuo ng
pasya?
3.Nakabuo ka na ba ng mahalagang pasya? Tungkol
saan ito? Nahirapan ka bang magpasya? Bakit o bakit
hindi?
4.Ano ang nararamdaman mo pagkatapos mong
magpasya?
5.Paano nararating ang mabuting pasya?
Pangkatang Gawain:
Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang matalinong
papapasya sa mga sumusunod na pangyayari.

I. Naiwan kayo ng nakababata mong kapatid sa bahay, nang


biglang lumindol.Ano ang iyong gagawin?
II. Nagmamadali kayo ng iyong kuya papunta sa mall,ngunit
Nakita mong berde pa ang kulay ng traffic light.Ano ang
gagawin mo?
III.Nagpunta ng Principal’s office ang inyong guro at bigla na
lamang nag-ingay at nagtakbuhan ang iyong mga
kaklase.Ano ang gagawin mo?
Hanapin ang mga sumusunod na salitang may kaugnayan sa pagpapamalas ng
pagkakaroon ng matalino at mapanuring pagdedesisyon.
Paano nakakaapekto sa ibang
tao ang pagbuo ng pasya?

Ano-ano ang mga dapat nating


isaalang-alang sa Pagpapasya?

You might also like