You are on page 1of 7

1

ANG TAMANG PAMAMAHALA NG


EMOSYON

Sa mga nakalipas na aralin, naunawaan mo na ang tao ay nabubuhay at


umuunlad sa pakikipagkapwa. Sa pagkakataong ito, gagabayan ka upang
magkaroon ng mapayapang ugnayan sa iyong sarili at kapwa sa pamamagitan
ng paggamit ng mga birtud sa pamamahala sa emosyon.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasya nang wasto at
hindi wastong pamamahala ng pangunahing emosyon;
2. Nasusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon ang
pagpapasya sa isang sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito;
3. Napangangatwiranan na:
a. ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng
mga birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at
pakikipagkapwa,
b. ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence) ay
nakatutulong upang harapin ang matinding pagkamuhi, matinding
kalungkutan, takot at galit; at
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan nangwasto
ang emosyon.
Handa ka na ba?

Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang at isulat ang titik
ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na emosyon ang nagpapahirap sa damdamin?


a. pagmamahal c. paghangad
b. pagiging metatag d. pagkamuhi
2. Ito ay isang birtud na nagpapakita ng katatagan ng loob upang
malampasan ang kahirapan, malabanan ang mga tukso, at
mapagtagumpayan ang mga balakid.
a. katatagan (fortitude) c. katarungan (justice)
b. kahinahunan (Prudence) d. kapayapaan (peace)
3. Bakit mahalaga ang wastong pamamahala ng emosyon?
a. Dahil ito ang hangad ng ibang tao.
b. Upang maging sikat.
c. Upang magkaroon ng maunlad at mapayapang sarili at pakikitungo
sa kapwa
d. Para lang sa pamilya.
4. Ito ay dulot ng mga nararamdamang pisikal katulad ng halimuyak,
panlasa, kasiyahan, at sakit.
a. Pandama (Sensory feelings)
b. Sikikong damdamin (psychical feeling)
c. Kalagayan ng damdamin (feeling state)
d. Ispiritwal na damdamin (Spiritual feeling)
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
2

5. Nabasag ang screen ng paborito mong cell phone nang hindi sinasadyang
matapakan ng kapatid mo. Ano ang gagawin mo upang mawala ang galit
at makaiwas sa pananakit sa iyong kapatid.
a. Magdabog at suntukin ang pader.
b. Umalis ng bahay at maghanap ng kausap sa labas sa kabila ng
pangamba na mahawa sa covid-19.
c. Buksan ang videoke at kumanta nang malakas.
d. Pilitin ang magulang na bumili kaagad ng kapalit.

Ang buhay ng isang tinedyer na katulad mo ay punong-puno ng


masasayang ala-ala, nakatatakot na pangyayari at di- malilimutang
karanasan, wika nga, ang buhay ng nagbibinata o nagdadalaga ay isang
mahabang paglalakbay at pakikibaka. Kaya, mahalagang isapuso at isabuhay
ang tagubilin ng ating Amang nasa langit na nagwika, “Ang isipan mo’y
ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong
tinataglay” -Kawikaan 4:23. Ang tao ay nagtataglay ng kakayahang magmuni
upang ang kaniyang kilos at bibigkasin ay nababatay sa kabutihan.

Ang kasabihang, “Madaling maging tao ngunit mahirap magpakatao”, ay


patunay na malaking hamon sa atin bilang tao ang tamang pamamahala sa
emosyon at damdamin sapagkat ang mga ito ay kusa na nadarama. Ayon sa
pilosopiya ni Scheler, (Dy, 207) ang damdamin ay pinakamahalagang pag-iral
ng tao. Ito ay kagyat na may kaugnayan sa mga obhetong tinatawag na
pagpapahalaga.

May apat na uri ng damdamin ayon kay Scheler:

1. Pandama (Sensory feelings)- karamdamang pisikal o panlabas na pandama.


Halimbawa nito ay: panlasa, kiliti, halimuyak, sakit, pagkauhaw.

2. Kalagayan ng damdamin (feeling State)-kasalukuyang kalagayan ng


nararamdaman. Halimbawa: kasiglahan, katamlayan

3. Sikikong damdamin (psychical feeling)-Halimbawa: kalungkutan,


pagmamahal, poot, pagdamay.

4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings) halimbawa: pag-asa,


pananampalataya.

Ang emosyon naman ayon kay Feldman (2005, ph.346), sa pamamagitan ng


emosyon ay:

a) Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng


katuturan ng kaniyang isip.

b) Nakatutukoy nang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman


muli ang damdamin.

c) Nagagamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ayon kay Esther Esteban


ang mga sumusunod ay pangunahing emosyon: pagmamahal, paghahangad,
pagkatuwa, pag-asa, pagiging matatag, pagkamuhi, pag-iwas, pagdadalamhati,
kawalan ng pag-asa, pagkatakot, pagkagalit.

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
3

Ayon naman kay Goleman, may limang pangunahing elemento ng


Emotional Quotient (EQ) o Emotional Intelligence (EI), ito ay ang mga
sumusunod:

1. Pagkilala sa sariling emosyon.


2. Pamamahala sa sariling emosyon.
4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba.
5. Pamamahala ng ugnayan.

Ang Emotional Quotient (EQ) na kilala rin sa tawag na Emotional


Intelligence ay ang kakayahang umunawa, umalam at kumilala sa damdaming
pansarili at sa ibang tao. Ayon sa mga siyentipikong sila Salovey, Gardner at
Goleman, kapag mataas ang iyong EQ ay madali mong mapagtagumpayan ang
tamang pamamahala sa emosyon.
May labing apat na paraan upang maibalik ang iyong emosyonal na
kalusugan ayon kay Heather J. Johnson, isang awtor na naninirahan sa Idaho,
USA, ito ay ang sumusunod:

1. Gawin ang mga simple ngunit mahahalagang bagay. - halimbawa-


magdasal, magpasalamat.
2. Alagaan ang iyong sariling katawan- pagkain ng wasto, sapat na tulog, at
ehersisyo.
3. Gumawa ng journal.
4. Sabihin ng tapat sa mga kaibigan o kapamilya ang nadarama mo.
5. Ipagdasal na tulungan kayo sa halip na lunasan ang iyong damdamin.
6. Suriin ang balanse mo sa buhay.
7. Huwag magpaliban ng mga mahahalagang gawain.
8. Isipin na magtatagumpay ka.
9. Magtuon sa ginagawa mong tama, at iwasang ikumpara ang iyong sarili sa
iba.
10. Hayaan ang mga bagay na hindi ninyo makokontrol.
11. Tanggapin na may ilang nakakainip na karaniwang gawain.
12. Huwag pasiklabin ang galit mo.
13. Paglabanan ang hilig na sisihin o pahiyain ang iba o ang sarili mo.
14. Makinig sa Espiritu, huwag sa negatibo.

Ang pagtataglay ng mga birtud ay nakatutulong sa tamang pamamahala


sa emosyon. Ang birtud ng kahinahunan (prudence), katatagan (fortitude), at
pagtitimpi (temperance) ay nakatutulong upang harapin ang matinding
pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot, at galit.

Gawain 1.1 Pagsusuri ng sitwasyon na may kinalaman sa emosyon.

Basahin at unawaing mabuti ang kuwento, pagkatapos gawin ang


gawain sa ibaba.

Ooops !... Hindi


pala!!.......
Katatapos lang ang dalamhati ng nakalugmok sa ibaba ng kama na tila
pamilya nila Nica at Daniel mula sa nahulog ito. Sising-sisi ang dalawa kung
pagkaulila sa masayahin nilang ama na bakit iniwan nilang mag-isa ang ina at sabay
naglingkod bilang isang driver ng mga pang nagwika, “bakit ka pa kasi sumabay sa
kawani ng baranggay. pagpunta ng baranggay! Sana ako na lang
ang lumabas at naiwan ka!
Isang masalimuot na umaga ang

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
4

muling sumalubong sa pamilya nang Dali- daling nagtulong ang mga ito
nagtatatakbong patungo ng baranggay upang maisakay ang huli sa sasakyan ng
ang magkapatid na Nica at Daniel upang pulis at idinala sa pinakamalapit na ospital
manghiram ng sasakyan. Mangiyak- na tumatanggap ng Covid-19 patient.
ngiyak at punong-puno ng takot at
pangamba habang tinatahak ang daan di Mahaba ang pila sa ospital na iyon,
kalayuan sa baranggay hall mula sa hindi alintana ng magkapatid ang minsan
kanilang bahay. madikit-dikit sa iba sa loob ng emergency
room. Nang malapit na silang tawagin,
Sa pagmamadali, di napansin ng napansin ni Daniel na tila mas hirap ang ina
magkapatid na may tumatawag sa sa paghinga, nakita din ng nurse ang
kanilang nakauniporme, pulis pala na nangyayari kaya inuna itong suriin. Inaatake
sumisita sa kanila dahil sa kawalan ng pala ito ng high-blood kasabay ng hika, sa
suot na face mask. Nang makita ng pulis madaling salita hindi pala ito ang
ang matinding kalungkutan sa kinatatakutan nilang Covid- 19 na dumapo
magkapatid, nahabag ito at imbes na sa ina.
pagalitan o pagmultahin, tinulungan pa
ang mga ito at kaagad na tinugunan ang Nagmamadaling inilayo ng mga nurse
pangangailangan na idinulog ng ang pasyente mula sa mga hinihinalang may
magkapatid. Covid-19 upang malapatan ng gamot laban
sa high- blood. Nang bumalik na sa normal
Nagkaroon ng pag-asa ang ang kanilang ina, kinausap sila ng doktor na
magkapatid nang sunduin ng mobile car obserbahan ang kanilang mga sarili sa loob
ang inang may sakit. Laking gulat ng ng 14 na araw dahil na-expose ang mga ito sa
magkapatid sa hitsura ng ina na ospital na may Covid. Laking gulat ng mag-
iina sa kanilang narinig mula sa
manggagamot, takot at matinding pag-aalala
ang naging bunga ng di pinag-isipan at
pabigla-biglang tugon sa pangyayari.

Panuto: Isulat sa kahon A ang mga positibong emosyon na naipakita sa


kuwento at sa kahon B ang mga negatibong emosyon na naipakita sa kuwento.

A B

Base sa mga itinala mong negatibong emosyon sa kahon B, suriin ang mga
naging epekto sa kilos at pagpapasya ng mga tauhan sa kuwento. Gamitin ang
graphic organizer sa ibaba para sa mga epekto.

Negatibong emosyon Epekto sa kilos at pagpapasya

4. Ilahad sa kahon/sagutang papel ang aral na nahinuha sa kuwento sa


pamamagitan ng tatlong pangungusap lamang.

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
5

Gawain 1.2 Mga Panuto:

1. Isipin mo ang mga pangyayari sa iyong buhay na di mo malilimutan


dahil nag-iwan ito ng malaking epekto sa iyo. Maaaring ang sitwasyon ay
may krisis, may suliranin o kalituhan.
2. Ilahad mo ang pangyayaring ito sa kahon A sa ibaba.
3. Isulat mo sa kahon B ang naging tugon mo sa pangyayari.
4. Isulat mo naman sa kahon K ang mga naging epekto o bunga ng iyong
tugon.
5. Kung ang tugon mo ay nagkaroon ng negatibong resulta, isulat mo sa
kahon D ang posibleng solusyon upang maging positibo ito.

Magaling ang iyong mga tugon sa gawain, ngayon naman, sagutin mo ang mga
sumusunod na katanungan sa iyong sagutang papel.

1. May natutuhan ka ba sa pagsusuri mo sa mga pangyayari sa iyong buhay?


Ipaliwanag ang sagot.
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Paano naapektuhan ng negatibo mong emosyon ang iyong pagpapasya at
kilos sa inilahad mong pangyayari? Pangatwiranan.
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Gawain 1.3. Pagpapahalaga sa mga mahahalagang birtud.

Mga Birtud

kahinahunan

katarungan
pananampalataya pagtitimpi
katatagan
maingat na paghusga

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
6

Mga Negatibong Emosyon

pag-iwas
naguguluhan
pagkabigo

galit takot
kawalan ng pag-asa

Panuto: 1. Pumili ng mga negatibong emosyon mula sa itim na ulap at


isulat sa hanay A sa tsart sa ibaba.
2. Piliin ang birtud na dapat mong taglayin mula sa asul na ulap
upang mapamahalaan mo ng maayos ang negatibong
emosyon na napili mo. Isulat ito sa ikalawang hanay sa tsart.
3. Ilagay mo sa ikatlong hanay ang iyong katwiran kung bakit
iyan ang napili mong birtud.

Negatibong emosyon birtud katwiran

Mga gabay na tanong:

1. Gaano kahalaga ang pagtataglay mo ng birtud sa pamamahala mo sa iyong


emosyon? Pangatwiranan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Paano mapapaunlad nang wastong pamamahala ng emosyon ang iyong
sarili at ang iyong pakikipagkapwa?
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

 Ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga


birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa.

 Ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence) ay nakatutulong upang


harapin ang matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit.

 Ang damdamin ay pinakamahalagang pag-iral ng tao. Ito ay kagyat na may


kaugnayan sa mga obhetong tinatawag na pagpapahalaga.

 Ang Emotional Quotient (EQ) na kilala rin sa tawag na Emotional


Intelligence ay ang kakayahang umunawa, umalam at kumilala sa
damdaming pansarili at sa ibang tao.
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
7

Napagtagumpayan mong sagutan ang mga gawain ng araling ito kaya


ngayon aalamin mo ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagbuo ng
nilalaman ng kulang kulang na pahayag sa ibaba.

Ang wastong _______________ ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay


ng mga_______________ ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng
_________________ at _____________________.

Panuto: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA
kung ito ay nagsasaad ng wastong kaisipan at isulat ang MALI kung
ito ay di wasto sa iyong sagutang papel.
_____1. Ang birtud ng katatagan at kahinahunan ay mahalaga sa tamang
pamamahala ng emosyon.

_____2. Sa panahon na ikaw ay nakadarama ng negatibong emosyon


makatutulong sa iyo ang pagdarasal.

_____3. Ang Emotional Quotient o EQ ay ang kakayahang umunawa, umalam


at kumilala sa damdaming pansarili at sa ibang tao.

_____4. Ang pagkabigo, pagkamuhi, pag-iwas ay mga damdaming nagpapagaan


sa kalooban ng tao.

_____5. Ang panlasa, kiliti, halimuyak, sakit, at pagkauhaw ay mga halimbawa


ng pandama (sensory feeling).

_____6. Ang mga ispiritwal na damdamin ay nakatuon sa paghubog ng


pagpapahalaga.

_____7. Ang damdamin at emosyon ay hindi dapat kontrolin sapagkat ang mga
ito ay kagyat na reaksiyon sa mga bagay o pangyayari sa iyong paligid.

_____8. Ang pagkilala sa sariling damdamin ay mahalaga sa pagpapaunlad ng


iyong sarili at pagpapasya.

_____9. Ang mga negatibong emosyon ay nakapipinsala sa katawan.

_____10. Kailangan ang katatagan sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

1. Magbalik-tanaw ka sa mga emosyon na madalas mong nararamdaman na


nagdulot ng hindi magandang epekto sa iyo.
2. Isulat ito sa unang hanay sa ibaba.
3. Isulat sa ikalawang hanay ang mga hakbang o paraan na gagawin mo upang
maiwasan ang mga di- magandang dulot nito sa iyo. Gumawa ng lima, at isulat
sa iyong sagutang papel.
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo

You might also like