You are on page 1of 22

ARALIN 4:

OPINYON MO,
IGAGALANG KO!
Pagkatapos mong mapag-
aralan ang modyul na ito,
ikaw ay inaasahang:
 Nakabubuo at
nakapagpapahayag nang
may paggalang sa
anomang ideya/ opinyon.
EsP5P-IId-e-25
Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung ito ay
BALIKAN nagpapakita ng paggalang sa mga katutubo at mga
dayuhan at ekis naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

______1. Sinalubong at binigyan ng bulaklak ng


mga empleyado ng Munsipyo ang mga bisitang
International Donor Partners mula sa Singapore.

______2. Pinagtatawanan ni Ana ang mga


katutubo na nanghihingi ng tulong at makakain sa
kalsada.
Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung ito ay
BALIKAN nagpapakita ng paggalang sa mga katutubo at mga
dayuhan at ekis naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

______3. Gumawa ng programa ang mga kabataan ng


Barangay San Miguel upang matulungan ang mga
katutubong nasalanta ng bagyo.
______4. Tahimik na pinagmasdan lamang ni Daniel
ang pagdarasal ng kaniyang kaklaseng Muslim sa
kanilang silid-aralan.
______5. Nagpaturo si Dylan ng tamang pag-gamit
ng chopsticks sa kanyang kaibigang hapones.
a) Iginagalang mo ba ang opinyon ng
iyong mga kaibigan, kalaro, kaklase, at
lalo na ang ideya ng iyong mga kapatid
at magulang?

b) Paano ka ba nagpapahayag ng iyong


ideya?
Ang Debate sa Hapunan
Ni Diana G. Rivera

Alas sais ng gabi sa bahay ng Pamilya Montes ay


naghahapunan ang buong pamilya. Tuwang tuwa ang
magkakapatid na Anna, Perla at Shiela sa masasarap na
pagkain na handa ng kanilang Inay. Sa kalagitnanan ng
kanilang pagkain ay narinig nila sa telebisyon ang balitang
may kaugnayan sa pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho
o unemployment sa bansa.
Ang Debate sa Hapunan
Ni Diana G. Rivera

Hindi napigilan ng pangalawang anak na si Perla na ipahayag ang


kanyang kalungkutan tungkol sa narinig. “Siguro hindi sila
nakapag-aral kaya wala silang makuhang trabaho”, ani Perla. “Mali
ka Perla! Kasalanan nila kung bakit sila hindi nakapag-aral!”, ang
galit na pahayag ng panganay na si Anna. “Mali ka Ate! hindi mo
dapat sila sisihin sapagkat hindi mo alam ang kanilang mga
pinagdaanan!”, ang mariing sabi ng bunsong si Shiela. At doon
nagsimula ang pag-iingay at pagdedebate ng tatlong
magkakapatid sa hapag-kainan.
Ang Debate sa Hapunan
Ni Diana G. Rivera

“Tama na yan!” ang biglang sabi ng kanilang tatay at


nanay. “Walang tama o maling opinyon” ang sabi ng
kanilang Ama. “Ngunit hindi lahat ng opinyon ay dapat
nating ipahayag ng walang pag-iingat. Matuto kayong
makinig at gumalang sa opinyon ng bawat isa bago
kayo magsalita o sumalungat.
Ang Debate sa Hapunan
Ni Diana G. Rivera

Huwag din kayong agad humusga sa pinagdadaanan o


nangyari sa inyong kapwa, dapat kayong maging sensitibo
sa kanilang nadarama. Dapat kayong matutong magsabi ng
opinyon ng may paggalang!” ayon sa kanilang ama. At dahil
doon ay biglang natahimik ang magkakapatid at naipaisip
na tama nga ang kanilang Tatay. “Sorry po Tatay at
Nanay, naiintindihan po namin ang sinasabi niyo” ang sabi
ng magkakapatid.
Suriin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


2. Ano ang pinag-uusapan ng pamilya?
3. Bakit kaya sa palagay mo ay magkakaiba ng
ideya o opinyon ang magkakapatid na Anna,
Perla at Shiela?
4. Sa iyong palagay, tama ba ng sinabi ng ama sa
magkakapatid? Ipaliwanag ang iyong sagot.
MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG
PAGGALANG SA OPINYON NG IBA

1. Maging bukas tayo sa mga opinyon ng iba, ngunit


kailangan muna nating suriin kung ito ay makakabuti o
makakasama hindi lamang para sa sarali kundi para sa
lahat.
MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG
PAGGALANG SA OPINYON NG IBA

2. Kung may pagkakataon na hindi nagustuhan ang


naibigay na opinyon sa iyo, maging mahinahon lamang sa
pakikipag-usap. Huwag agad magagalit o magsasalita ng
hindi maganda. Palaging isaalang-alang ang
mararamdaman ng taong nagbigay nito. Lahat naman ay
maaaring idaan sa maayos na usapan.
MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG
PAGGALANG SA OPINYON NG IBA

3. Iwasang magbigay ng mga mungkahi o opinyon na


makakasakit ng damdamin ng ibang tao.
4. Magkakaiba man tayo ng pananaw sa buhay, palaging
piliin ang pagkakaroon ng pagtanggap sa kagustuhan ng
iba.
MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG
PAGGALANG SA OPINYON NG IBA

5. Kailangang tanggapin natin ang opinyon ng iba lalo na


kung ito ang mas makabubuti. Maging tiyak at sigurado
lamang bago isagawa ito
Panuto: Basahing mabuti ang ibat-ibang pahayag o
Subukin komento sa bawat bilang. Tukuyin at iguhit ang
kung ito ay magandang opinyon at kung hindi
magandang opinyon.

________1. “Napakataas ng kaso ng Covid-19 sa ating bansa!


Siguro hindi ginagampanan nang maayos ng mga frontliners
ang kanilang trabaho!”

________2. “Nakatutuwang makita ang mga bata at magulang


na patuloy na sumusuporta sa bagong set-up ng edukasyon o
new normal”
Subukin

________3. “Palagiang magsuot ng facemask at faceshield


sapagkat hindi natin nakikita ang kalaban na virus”

________4. “Huwag kang makikipaglaro kay Junjun, masama


ang ugali niyan!’

________5. “Mahirap man ang buhay ngayon dahil sa


pandemya, naniniwala akong may katapusan din ito.”
Pagyamanin Gawain 1

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at isulat


ang sagot sa loob ng kahon.

1. Sa inyong online discussion sa Araling Panlipunan


ay naitalakay ang mga mga naiambag o mabuting
nagawa ng bawat naging Pangulo sa ating bansa. Ang
bawat isa ay pinapili ng guro kung sino sa tingin nila
ang pinakamagaling na Pangulo ng Pilipinas at
binigyan ng oras na ibahagi ang kanilang opinyon o
paniniwala sa klase. Paano mo ipapahayag ang iyong
opinyon sa iyong napiling pangulo?
2. Si Kapitan Boy Diaz ay nagtatag ng isang
nagtatag ng isang ordinansa na naglalayong pag-
igtingin o paghihigpit sa pagpapatupad ng curfew,
checkpoint at iba pang health protocol sa inyong
lugar upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na
covid-19. Marami sa iyong kapitbahay ang
nagsasabing masyadong mahigpit sa pagpapatupad
ng mga batas ang inyong Kapitan. Paano mo
ipapahayag ang iyong opinyon ukol dito?
ISAISIP
Ang malayang pagpapahayag ng ating opinyon at sinasaloob ay
isa sa karapatang pantao na totoong mahalaga. Ang bawat
indibidwal ay may karapatang ipahayag ang kaniyang ideya,
paningin at paniniwala sa mga pangyayari. Subalit, dapat nating
pakatandaan na ang pagbibigay ng opinion ay may kaakibat na
responsiblidad. Ang magalang at maingat na pagsasabi ng
opinyon tungkol sa ibang bagay ay isang asal na dapat
matutunan ng isang tao. Ating maipakikita ang paggalang sa
opinyon ng kapwa sa pamamagitan ng pagpapahalaga at
pakikinig sa opinyon ng ating kapwa. Dapat nating iwasang
magpahayag ng opinyon na makakasakit ng damdamin ng ibang
tao.
PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel kung ang mga sumusunod na
pahayag ay tama o mali.

________1. Palaging tama ang iyong


naiisip na opinyon o ideya.

________2. Ang pag-galang sa opinyon ng


kapwa ay hindi kaaya-aya.
PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel kung ang mga sumusunod na
pahayag ay tama o mali.

________3. Maaaring magtanong sa kausap upang


mabigyang linaw ang ibang bagay o mas maunawaan ang
kanyang inilalahad na opinyon.
________4. “Respeto” ang dapat palaging isaisip at
isagawa upang matanggap natin ang ideya o opinyon ng
kapwa natin.
________5. Ang lahat ng tao ay may karapatang
magkaroon ng ibat-ibang opinyon sa bawat bagay.
Takdang-Aralin
GAWAIN: Sumulat ng isang maikling
talata na nagpapahayag ng kahalagahan
ng pagpapahayag ng opinyon na may
pagalang at pag-iingat.

You might also like