You are on page 1of 22

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan: Modyul 5

AIRs - LM
1
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan - Modyul 5
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng


bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jennifer R. Sison, MT-I


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of EsP

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II

2
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan: Modyul 5

3
Sapulin

“Walang taong bato.” “Napaka-balat sibuyas mo!”


Ilan lamang ito sa kadalasan nating naririnig mula sa mga taong nasa
ating paligid. Ito ay nagpapakita na ang tao ay may katalinuhang
emosyonal o emotional quotient/emotional intelligence. Lahat ng tao ay
nagtataglay nito ngunit magkakaiba ang lebel o antas. Ito ang nagiging
susi kung paano nakikitungo ang tao sa kaniyang kapwa.
Mahalaga ang tamang pamamahala ng ating emosyon upang maging
matagumpay tayo sa pagkakaraoon ng mabuting relasyon sa
pakikisalamuha at pakikitungo sa ating kapwa upang mahubog ng lubos
ang ating pagkatao.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang kaalaman,
kakayahan at pagunawa sa:
1. Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya ng wasto at
hindi wastong pamamahala ng pangunahing emosyon. (EsP8PIIe-7.1)
2. Nasusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon ang
pagpapasiya sa isang sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito.
(EsP8PIIe-7.2)
3. Napapangatwiranan na:

Ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng


mga birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa.
Ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence) ay nakatutulong
upang harapin ang matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot
at galit (EsP8P-IIf-7.3)

4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan nang


wasto ang emosyon (Esp8P-IIf-7.4)

Mga Layunin sa pag-aaral:

1. Nakapagbibigay ng maaaring epekto ng hindi tamang pamamahala


ng emosyon.

2. Nahihimay kung paano nakakaimpluwensiya ang emosyon sa


ating pagpapasiya sa kinakaharap na mga sitwasyon.

4
Aralin
Emosyon
1

Simulan

Gawain 1
Panuto: Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha () kung
ang sitwasyon ay magdudulot ng mabuting damdamin at malungkot
na mukha () naman kung hindi.
1. Madalas pagtawanan si Lyn dahil sa kanyang angking kapansanan.
2. Pahagis na ibinalik ni Ana ang libro na kanyang hiniram sa kaklase.
3. Nabasa ni Tom sa pahayagan ang mga numerong tinayaan nito sa lotto.
4. Maraming nagpadala ng prutas sa ospital para sa mga pasyente ng
COVID-19.
5. Napanood sa balita ni Aling Remy na nasawi ang kanyang anak sa
aksidente.
6. Pinuri ng kanyang mga magulang si Bea sa masarap nitong niluto na
pananghalian.
7. Hindi sinasadyang nasira ni Pam ang hiniram na damit sa kanyang
matalik na kaibigan.
8. Dahan-dahang inilapag sa tabi ni Juan ng kanyang ama ang cellphone
na kanyang inaasam.
9. Tinulungan si Cath ng kanyang nakakatandang kapatid sa pagsagot
ng kanyang mga modyul.
10. Pasinghal na kinakausap ng isang motorista ang mga frontliners na
nagbabantay sa checkpoint.
11. Matamis na ngiti ang ibinungad ni Bb. Reyes sa kanyang mga mag-
aaral pagpasok ng silid-aralan.
12. Hinagisan ni Rey ng laruang ahas ang kanyang mga kaklaseng babae
sa loob ng palikuran ng paaralan.
13. Namahagi ng libreng facemask at faceshield ang pamilya Santos sa
mga kapus-palad sa kanilang barangay.
14. Malakas na palakpakan ang sumalubong paglabas ng mga pasyenteng
gumaling mula sa sakit na COVID-19.
15. Ipinakalat sa facebook ang larawan ni Ben na mahimbing na natutulog
habang nakabukas ang kanyang bibig.

5
Lakbayin

Ang tao ay may iba’t ibang karanasan sa buhay na nagbibigay ng


kulay, sigla at kahulugan dito. Mga karanasang pumupukaw ng kanyang
emosyon o damdamin na nagbibigay sa kanya ng kakaibang
pakiramdam. Sinasabing ang damdamin ang pinakamahalagang
larangan ng pag-iral ng tao. Ano nga ba ang damdamin? Ito ay kagyat na
may kaugnayan sa mga obhetibong tinatawag na pagpapahalaga.
May apat na uri ng damdamin:
1. Pandama (sensory feelings). Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang
pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang
kasiyahan o paghihirap sa tao.
2. Kalagayan ng damdamin (feelings state). Ito ay may kinalaman sa
kasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng tao.
3. Sikikong damdamin (psychical feelings). Ang pagtugon ng tao sa mga
bagay sa kaniyang paligid ay naiimpluwensyahan ng kasalukuyang
kalagayan ng kaniyang damdamin.
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings). Ang mga ispiritwal na
damdamin ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan
tulad ng pag-asa at pananampalataya.

Narito ang talaan ng pangunahing emosyon na hango sa aklat ni


Esther Esteban na Education in Values: What, Why, and For Whom: (1990,
ph. 51)

Mga Pangunahing Emosyon


Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)
Paghahangad (desire) Pag-iwas (aversion)
Pagkatuwa (joy) Pagdadalamhati (sorrow)
Pag-asa (hope) Kawalan ng pag-asa (despair)
Pagiging matatag (courage) Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)

Ang mga emosyon sa unang hanay ay nakasisiya ngunit


nangangailangan ng wastong pamamahala. Sa kabilang hanay naman
makikita ang mga emosyon na nagpapahirap sa ating kalooban.
Kinakailangan natin ang katatagan ng kalooban (fortitude) upang
malampasan ang anumang hirap at takot na ating nararanasan sa buhay.

6
Ang birtud na ito ang nagbibigay sa atin ng lakas upang malagpasan
at mapagtagumpayan ang anumang kahirapan, tukso at balakid na ating
kinakaharap sa buhay upang magkaroon ng mas maayos na pamumuhay.
Kaya naman napakahalaga na ating pag-isipan ng maigi ang ating gagawin
sa panahon ng kawalan ng pag-asa at pilit na iniiwasan ang pangyayari
dala nang mabigat na suliranin at hindi alam ang tamang gagawin.

Mahalaga sa lahat ng panahon ang maging mahinahon, pagnilayan


ang sitwasyon at pag-isipang mabuti ang pinakamainam na gawin upang
maiwasan ang pagsisisi sa huli. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang
matalinong paghusga ay hindi lamang tumutukoy sa kung ano ang dapat
gawin ng tao sa pagharap sa mga krisis sa buhay, kung hindi kakayahang
makagawa ng pasiya sa napapanahong paraan.

Galugarin

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat sa
sagutang papel ang GOOD VIBES kung ang sitwasyon ay
magdudulot ng mabuting epekto at BAD VIBES naman kung hindi.

1. Ipinagluto ni Vic ang kanyang misis ng paborito nitong ulam.


2. Nagkaroon na ng maraming bagong sibol na bulaklak ni Aling Rosa.
3. Mahal na mahal ni Juan ang kaniyang kasintahan kaya ito ay
kaniyang niyayang magpakasal.
4. Matinding pagdadalamhati ang nararamdaman ni Ana kaya hindi siya
makatulog at makakain.
5. Nahulog sa timba na puno ng tubig ang bagong cellphone na ibinigay
kay Allan ng kaniyang tiyuhin.
6. Malakas na usok at apoy ang natatanaw nina Rick habang papalapit
sa kalye ng kanilang tahanan.
7. Nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng magkaibigang Mae at Ella kaya
naman nag-iwasan ang dalawa.
8. Nagpakita ng pagiging matatag ang mga frontliners upang sugpuin ang
paglaganap ng pandemiya sa bansa.
9. Nakatanggap ng pula at puting rosas si Betty mula sa kanyang asawa
kaya naman halos buong araw siyang nakangiti.

7
10. Tuwang tuwa si Yna sa kaniyang kaarawan kaya naman ibinahagi niya
sa mga batang lansangan ang kaniyang handang mga pagkain.
11. Bumagsak sa unang markahan si Don ngunit hindi siya nawalan ng
pag-asa at nagpursigeng mag-aral para sa susunod na markahan.
12. Natabig at natapon ang pintura na ginagamit ni Diego kaya naman
malakas na hinataw ng pamalo sa ulo ang kaniyang anak sa galit nito.
13. Lumaking may pagkamuhi sa kaniyang ama si Bea kaya naman hindi
niya ito alam pakitunguhan ng ito ay kaniyang nakasama sa isang
okasyon.
14. Isang OFW ang napabalitang natakot na malamang siya ay nagpositibo
sa COVID-19 kaya siya ay tumalon mula sa gusaling pinapasukan.
15. Sa kaniyang paghahangad na makapagtapos ng pag-aaral nagpasiyang
maging working student si Bert upang may pangtustus sa mga
gastusin.

Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat sa
sagutang papel ang tsek ( ) kung ito ay nagpapakita ng positibong
epekto ng pamamahala ng pangunahing emosyon at ekis ( ) naman
kung hindi.
1. Hirap man sa paglalakad gamit ang saklay pursigido si Tim na
pumasok ng paaralan.
2. Madalas na iniiwasan ni Tony ang kaniyang kapitbahay na nagawan
niya ng matinding kasalanan.
3. Labis ang tuwa ni Sarah sa natanggap na tsokolate kaya ibinahagi niya
ito kanyang mga kaklase.
4. Sa takot na mahawaan ng COVID-19 hindi na muling nakipag-usap at
nakihalubilo kanino man si Aira.
5. Sa paghahangad ni Lyn na maging isang matagumpay na doktor siya
ay nag-aaral ng mabuti upang makamit ito.
6. Tinulungan ni Elmer na magbuhat ng palay ang kanyang ama kahit
maging siya ay nahihirapan sa pagbubuhat.
7. Kinupkop ng mag-asawang G. at Gng. Dela Cruz ang naulilang
pamangkin at itinuring itong tunay na anak.
8. Nagdarasal tuwing gabi si Maria sa pag-asang matatapos din ang krisis
na kinakaharap ng ating bansa sa COVID-19.
9. Hindi kinikilala ni Ida ang kaniyang ama dahil sa kanyang pagkamuhi
mula ng siya ay iniwan nito noong sanggol pa lamang.
10. Sa paghahangad na bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya
nagsakripisyo si Mar na malayo sakanila at mangibang bansa.
11. Hindi na naaasikaso ni Kris ang kaniyang dalawang anak dahil sa
matinding pagdadalamhati sa pagkamatay ng kaniyang asawa.

8
12. Mahigit isang taon nang hindi kinakausap ni Ira ang kanyang kaibigan
kaya naman hindi niya nadamayan ito ng mamatay ang kanyang ina.
13. Tatlong buwan na simula ng mawala ang asawa ni Aling Trising, hindi
niya namamalayan napabayaan na niya ang kanyang maliliit na anak.
14. Matinding galit ang naramdaman ni Clarisa sa kaniyang bestfriend
kaya siniraan niya ito sa social media nalaman nitong magkasintahan
na sila ng kaniyang crush.
15. Isang nars sa Manila si Ian at nagpositibo sa sakit na COVID-19
madalas siyang mag-post ng kaniyang dance challenge sa tiktok para
mabawasan ang pag-aalala ng kaniyang pamilya.

Gawain 4
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na emosyon na maaaring
maramdaman sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

A. Kawalan ng Pag-asa G. Pagkagalit


B. Pag-asa H. Pagkamuhi
C. Pag-iwas I. Pagkatakot
D. Pagdadalamhati J. Pagkatuwa
E. Paghahangad K. Pagmamahal
F. Pagiging Matatag

1. Yes! Nakakuha ako ng 95 na grado sa EsP.


2. Wow! Napakaganda naman ng regalong ibinigay mo.
3. Lumayas ka dito! Hindi kita kailangan sa buhay ko!
4. Kaya ko ito! Nakaya nga ng iba kaya kakayanin ko din.
5. Bilis tago! Andyan na naman ang mga siga sa paaralan.
6. Malapit na ang pasko. Ano kaya ang regalo sa akin ni ate?
7. Akala mo naman kung sino kang magaling! Magtigil ka nga!
8. Naku! Hindi ko pa tapos ang aking modyul pasahan na bukas.
9. Pasensiya na po. Huwag niyo po akong isusumbong sa tatay ko.
10. Bibilhan ko ng keyk ang aking ina sa darating niyang kaarawan.
11. Paano na ito? Wala paring signal may online class pa kami mamaya.
12. Huwag kang mag-alala, siguradong papasa ka sa darating na
pagsusulit.
13. Diyos ko… Bakit ganito ang nangyari sa pamilya ko? Ang bata pa niya
para kunin niyo siya.
14. Hindi magiging hadlang sa akin ang kahirapan. Aabutin ko ang aking
mga pangarap sa buhay.
15. Patawarin ako ng Diyos! Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa
pumaslang ng aking anak.

9
Palalimin

Gawain 5
Panuto: Ang mga sumusunod na sitwasyon ay humarap sa krisis,
suliranin o pagkalito. Isulat sa sagutang papel ang salitang TIKTOK
kung ang kanyang emosyon ay nagdulot ng positibong epekto at
CHALLENGE naman kung nagdulot ito ng negatibong epekto.

1. Nagtyatyagang mag-aral si Regine tuwing gabi gamit ang kanilang


gasera.
2. Suma-sideline sa palengke si Carlo bilang kargador upang
makaipon ng baon papasok ng paaralan.
3. Hirap unawain ni Iya ang kanyang mga aralin kaya naman
nagpasya na lamang itong huminto sa pag-aaral.
4. Mahilig maghalaman si Paul ginawa niya itong negosyo ng
mawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang.
5. Masugid na inihahatid at sundo ni Dan ang kaniyang nililigawan sa
pag-asang sasagutin din siya nito sa tamang panahon.
6. Nagdadalamhati si Tina sa paghihiwalay ng kaniyang mga magulang
kaya naman lagi siyang lumiliban sa klase at nagbubulakbol.
7. Labis ang katuwaan ni Ivy sa mga binibitawang biro sa kaklase hindi
niya namamalayang nasasaktan na nito ang kaniyang damdamin.
8. Mahal ni Aling Nena ang kaniyang apo kaya naman kahit siya ay
matanda na patuloy siyang naghahanapbuhay upang buhayin ito.
9. Pinagbantaan si Jan ng mga siga sa paaralang bubugbugin kaya ng
makita niya sila dali-dali siyang lumiko upang maiwasan ang mga ito.
10. Sa paghahangad na magkaroon ng bagong modelo ng cellphone
nagawang kunin ni Vin ang inipong pera ng kaniyang ina at ipinambili.
11. May iniindang karamdaman si Mang Arnold ngunit mababakas sa
kaniya ang pagiging matatag at patuloy siyang nagtratrabaho sa bukid
para sa kaniyang pamilya.
12. Isa ang ama ni Lou sa mga nawalan ng trabaho kaya naman wala
siyang pambili ng mga gamit sa pasukan naisipan niyang i-
recycle ang kanyang mga lumang kwaderno.
13. Natakot si Kaye ng mabalitaang ipapatupad ang Enhanced Community
Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19 kaya naman naghanda siya ng
kanilang mga pangangailangan.

10
14. Sinabihan ng kaniyang kapitbahay si Ara na hindi siya
makakapagtapos ng pag-aaral dahil siya ay mabubuntis ng maaga. Sa
kaniyang galit mas pinagbutihan niya ang kaniyang pag-aaral.
15. Nais makapag-aral ng kolehiyo ni Robert ngunit hindi siya kayang pag-
aralin ng kaniyang mga magulang. Sa kawalang pag-asa, ibinuhos niya
ang kaniyang oras at panahon sa pagsama sa maling barkada.

Gawain 6
Panuto: Sumulat ng talatang naglalahad ng isang pangyayari sa
iyong buhay kung saan naimpluwensyahan ng iyong emosyon ang
pagpapasyang ginawa sa oras ng krisis, suliranin o pagkalito sa
iyong buhay. Ipaliwanang ang naging epekto nito sa iyo at sa mga
taong nakapaligid sa iyo.

RUBRIK sa Pagpupuntos (Essay Tayp)

Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng


Pag-unlad
15 10 5
Nailahad ng may Nailahad ng may Nailahad ang
kahusayan, buo at kahusayan ngunit pangyayari. Hindi
masining na hindi kompleto ang naipaliwanag ang
pamamaraan ang detalye ng pangyayari. epekto nito sa sarili o
pangyayari. Hindi malinaw ang sa mga taong
Naipaliwanag ng pagkakapaliwanag sa nakapaligid dito.
malinaw ang naging naging epekto nito sa
epekto nito sa sarili o sarili o sa mga taong
sa mga taong nakapaligid dito.
nakapaligid dito.

11
Aralin
Pamamahala ng Emosyon
2

Lakbayin

Ayon kay Feldman, sa pamamagitan ng emosyon ay:


1. Nababatid ng tao ang nagyayari sa kanyang paligid at nabibigyan ito ng
katuturan ng kaniyang isip. Halimbawa, kung ang iyong kamag-aral ay
binantaan ka na susuntukin ka niya paglabas mo ng paaralan, dahil sa
naramdaman mong takot, ikaw ay mag- iingat at iiwas para hindi na kayo
mag -away.
2. Natutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman
muli ang damdamin. Nakapag-iingat at makaiiwas ang tao sa posibleng
panganib na dala ng sitwasyong nararanasan sa sarili at sa kapwa.
3. Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa
kapwa. Ang pagpapahayag ng emosyon ng iyong mukha, pagsuntok sa
pader, pag- iyak, o pagtawa ng malakas. Sa pamamagitan ng emosyon,
naipababatid natin ang tunay nating nararamdaman at naipapahihiwatig
ang mga pangangailangan natin at inaasahan mula sa iba.
Ang mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaring hindi maganda
ang impluwesiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyon na may
krisis, suliranin o pagkalito. Ngunit hindi lahat ay may kakayanan upang
pamahalaan ang kanilang emosyon.May mga taong kumikitil ng sarili
nilang buhay dahil sa sobrang lungkot, may mga taong ayaw ng
magtrabaho sa sobrang pagkadismaya o kaya naman ay mga taong
nagmumukmok dahil natanggal sa trabaho.Ilan lamang ang mga ito ang
mga taong hindi nila pinamamahalaan ang kanilng emosyon ,kung kayat
nagbubunga ng mga aksiyong hindi maganda sa sarili at
pakikipagkapwa.Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng tao ng literasiya
sa kanyang emosyon.
Ayon kay Seeburger, F. ang literasiyang pandamdamin ay tumutukoy sa
dalawang bagay. Una, kakayahang alamin at unawain ang mga sariling
emosyon at pangalawa, matukoy at maramdaman ang damdamin na
angkop o akma lamang sa sitwasyon na kinakaharap. Nakita ng mga ilang
siyentipiko tulad nina Salovey Gardner, at Goleman ang kahalagahan ng
pamamahala sa emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa.
Kapag napagtagumpayan ng tao ang pamamahala ng kaniyang emosyon,

12
nangangahulugan na mataas ang kanyang EQ o Emotional Quotient na
kilala rin sa tawag na Emotional Intelligence.
Paano mapauunlad ng EQ ang tao? Narito ang limang elemento ng EQ.
1. Pagkilala sa sariling emosyon. Mahalaga na may kamalayan sa
sarili at damdamin. Ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng
pang-unawa sa sarili.Ikaw ay nakagagawa ng pagpapasiya sa
iyong sarili.
2. Pamamahala sa sariling emosyon. Ang kakayahang
mapamahalaan ang ating emosyon ay mahalaga dahil ang mga
ito ay may epekto sa kalagayan ng ating kalooban at pakikipag –
ugnayan sa kapwa. Ang taong may ganitong kakayahan ay
madaling makabangon sa mga pagsubok sa buhay at makamit
ang kanyang mga mithiin sa buhay.
3. Motibasyon. Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin
ang isang bagay na hindi dapat upang matupad ang isang
layunin. Ang taong may ganitong kakayahan ay may disiplina sa
sarili at hindi pabigla bigla ang pagpapasiya.
4. Pagkilala at pag- unawa sa damdamin ng iba.Ito ay kakayahang
makadama ng damdamin at pangangailangan ng iba .Ang taong
may ganitong kakayahan ay marunong ding bumasa at bigyan
ng kahulugan ang kilos ng iba.
5. Pamamahala ng ugnayan. Ito ay nangangahulugan na
napamamahalaan nang wasto ang emosyon sa pakikipag-
ugnayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa
pagpapanatili ng magandang ugnayan. Mahalaga sa
pagpapanatili ng magandang ugnayan ang pagtitiwala sa sarili,
malawak at bukas ang isipan at kalooban, paggalang,
pagtanggap sa mga pangyayari, at pagiging tapat sa sinasabi.

Galugarin

Gawain 1
Panuto. Isipin ang mga emosyon na madalas mong maramdaman na
nagdudulot ng hindi magandang epekto sa iyo at sa iba Sa bawat emosyon
magtukoy ng mga maimumungkahi mong paraan upang mapamahalaan
ito kapag muling maramdaman.
A. Galit
1. ____________________________________________
2._____________________________________________
3______________________________________________

13
B. Kawalan ng pag-asa
1.____________________________________________
2.____________________________________________
3.____________________________________________
C. Takot
1.____________________________________________
2.____________________________________________
3.____________________________________________

D. Lungkot
1.____________________________________________
2.____________________________________________
3.____________________________________________

Palalimin

Gawain 2

Pagsulat ng Kwento. Gumawa ng isang maikling kwento na nagpapakita


ng isang uri ng emosyon at ang pamamahala nito. (10 puntos)

Mga Pamantayan sa Pagpupuntos:


Nilalaman-5
Bantas/Gramatika -3
Kalinisan-2

14
Gawain 4
Panuto: Bumuo ng isang sanaysay kung bakit ang katatagan (fortitude)
at kahinahunan (prudence) ay nakatutulong upang harapin ang
matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit. (10
puntos) – Gumamit ng short bond paper bilang sagutang papel.

________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________.

Mga Pamantayan sa Pagpupuntos:


Nilalaman-5
Bantas/Gramatika -3
Kalinisan-2

15
Sukatin

Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng
tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Likas na magiliw sa mga bata si Aling Ludy, kaya naman tuwing araw
ng pasko inaanyayahan niya ang mga bata sa kanilang tahanan
upang ibahagi ang kanyang mga regalo para sa kanila. Ano ang
magiging epekto nito sa mga bata?
A. Sasaya ang mga bata sa simpleng regalo ni Aling Ludy.
B. Sasama ang loob ng mga batang hindi makakatanggap.
C. Makakahiligan ng mga batang manghingi ng regalo tuwing pasko.
D. Magseselos ang mga magulang dahil mas napapalapit ang
kanilang mga anak sa kanya.

2. Alam ng kanyang mga kaklase na madaling mapikon si Ron, kaya


naman siya ang madalas tuksuhin ng mga ito. Aminado siyang hirap
niyang kontrolin ang kanyang sarili sa mga ganitong sitwasyon. Ano
ang maaaring mangyari kung patuloy na ganito ang asal ni Ron?
A. Siya ang magiging tampulan ng tukso.
B. Mapapadalas siyang mapapaaway sa klase.
C. Kusang mananawa ang mga kaklase sa panunukso sa kanya.
D. Makakahanap siya ng kakampi sa mga tulad niyang mahihina.

3. Kilala si Mang Asyong bilang siga sa kanilang baryo. Kaya naman siya
ay kinatatakutan ng karamihan. Ngunit napansin ng mga kabaryo
nito na nagkakaroon ng malaking pagbabago sa kanya naging
palabati ito at masayahin. Ano ang maaaring maging epekto nito sa
kanya?
A. Pagdududahan ang kanyang pagbabago.
B. Mas magiging payapa na ang kanilang lugar.
C. Magkakaroon na siya ng madaming kaibigan.
D. Iiwasan siya ng mga tao sa pag-iisp na siya ay nababaliw.

4. Pangarap ni Mae na manguna sa kanilang klase. Kaya naman


nakakita siya ng pagkakataon na mangyari ito. Isang araw, nakita
niyang naiwan ng kanyang guro ang susi sa pagwawasto ng kanilang
mga pagsusulit. Dahil sa kanyang matinding pag-asam, alin sa mga

16
ito ang negatibong resulta kung hindi niya makontrol ang kanyang
emosyon?
A. Tatawagin ang mga kaibigan at ipapakuha ito sa kanila.
B. Ibibigay ang susi sa pagwawasto ng hindi tinitignan ang laman
nito.
C. Ilalagay niya sa bag ng kanyang katunggali upang pagbintangan
siyang kumuha.
D. Kukunin ang susi sa pagwawasto upang makakuha ng mataas na
iskor sa pagsusulit.

5. Tuwang-tuwa si Marie dahil sakanya unang sinabi ang sekreto ng


kanyang matalik na kaibigan. Sa labis na katuwaan nito ibinahagi
niya ito sa iba pa nilang mga kaibigan. Ano ang magiging epekto nito
kay Marie?
A. Iiwasan na siya ng mga ito.
B. Hindi na siya pagkakatiwalaan.
C. Magkakaroon siya ng mas maraming kaibigan.
D. Mag-aaway sila ng kanyang matalik na kaibigan.

6. Nabigyan si Lily ng pagkakataon na makapag-aral ng kolehiyo sa


isang unibersidad kapalit nito ang mawalay sa kaniyang pamilya.
Madalas siyang nalulungkot at naiiyak tuwing naaalala sila. Ngunit
hindi siya napanghinaan ng loob bagkus ginawa niya silang
inspirasyon. Ano ang idudulot nito sa kaniyang pag-aaral?
A. Makakakuha siya ng mababang marka.
B. Magpupursige siya ng husto sa kaniyang pag-aaral.
C. Magpapasiya siyang umuwi sa kanila at huminto sa pag-aaral.
D. Maghahanap siya ng mga barkada upang maibsan ang kaniyang
lungkot.

7. Mahilig sumama sa kaniyang kaibigan si Zeny. Nagpunta sila sa isang


convenient store, nakita niya na kinuha at ibinulsa nito ang isang
tsokolate. Agad namang lumapit at sinita ng gwardiya ang kanyang
kaibigan. Takot na takot siya habang pinapakinggan ang sinasabi
nito. Ano ang maidudulot ng pangyayaring ito sa kanya?
A. Tutularan niya ito sa kaniyang gawain.
B. Hindi na muling pupunta sa convenient store.
C. Aawayin ang kaniyang kaibigan dahil sa maling ginawa nito.
D. Iiwasan niya ang pagsama sa kaibigan dahil hindi ito mabuting
impluwensiya.

8. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit at nasira niya ang iyong
sapatos ng walang paalam. Ano ang idinulot ng iyong ikinilos?

17
A. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyong dalawa.
B. Gumaan ang iyong kalooban dahil nailabas mo ang iyong galit.
C. Hindi na niya uulitin ang kaniyang ginawa.
D. Nailabas mo ang iyong galit.

9. Napabalita ang isang buntis na doktor dahil sa kaniyang katatagan


ng loob. Patuloy siyang naglilingkod bilang frontliner sa panahon ng
pandemiya. Ayon sa kaniya higit na kinakailangan ang kaniyang
serbisyo sa panahong ito. Paano nakaimpluwensiya ang kaniyang
emosyon sa kaniyang pasiya?
A. Nagkaroon siya ng positibong pananaw na hindi siya mahahawa
ng sakit.
B. Nagkaroon siya ng determinasyong makatulong sa mas
nangangailangan.
C. Naisawalang bahala niya ang kalagayan at kaligtasan ng kaniyang
ipinagbubuntis.
D. Mas naisip niyang sundin ang kaniyang sinumpaang propesyon
sa takot na mawalan ng trabaho

10. Hindi nakasama sa paglaki ni Ria ang kaniyang mga magulang


sapagkat inihabilin siya ng mga ito sa kaniyang lola habang sila ay
nagtratrabaho sa ibang bansa. Masaya siya dahil ramdam niya ang
kanilang pagmamahal kahit nasa malayo sila. Kaya naman
nagsusumikap siya sa kaniyang pag-aaral. Ano ang kabutihang
naidulot sa kaniya ng kaniyang sitwasyon?
A. Ito ang kaniyang pamamaraan upang makuha ang atensiyon ng
kaniyang mga magulang at umuwi na sa bansa.
B. Binibigyan niya ng halaga ang pagod at sakripisyo ng kaniyang
mga magulang sa ibang bansa.
C. Mas naging matatag siya sa kabila ng pagkawalay sa kanila.
D. Hindi niya maramdaman ang pangungulila sa kanila.

11. Natanggap ni Jay ang resulta ng mga pagsusulit na kaniyang kinuha


para sa iba’t ibang kurso sa kolehiyo ngunit nalilito pa rin siya kung
ano ang kursong kaniyang kukunin. Sa ganitong pagkakataon, ano
ang pinakamainan niyang gawin upang mapili niya ang angkop na
kurso para sa kaniya?
A. Magtanong at humingi ng payo sa mga nag-aaral ng ganitong
kurso.
B. Pumili ng anuman sa mga ito sapagkat kaniya namang naipasa
ang pagsusulit.

18
C. Maglaan ng oras upang pag-isipan at pag-aralang mabuti ang
desisyon na gagawin upang hindi magsisi sa huli.
D. Huwag munang mag-aral upang magkaroon ng sapat na
panahong pag-isipan ang nais niyang kuning kurso.

12. Nagalit ka sa iyong kaklase dahil nalaman mo na hindi niya isinulat


ang pangalan mo sa inyong proyekto, sapagkat mayroon siyang lihim
na galit sa iyo. Nakasalubong mo siya kasama ang kaniyang barkada
pauwi ngunit iniwasan mo siyang kausapin dahil sa iyong palagay
hindi ito ang tamang oras para kayo ay mag-usap. Ano ang
kabutihang dulot ng ginawang pagtitimpi?
A. Napatunayan ang kabutihan ng sarili sa iba.
B. Nakaiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa.
C. Nakaiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin.
D. Nakayanang solusyunan ang matinding pagsubok.

13. Binibiro ka ng iyong kaklase na kaya ka nakakuha ng mataas na


iskor sa pagsusulit dahil ikaw ay nangopya. Nainis at nagalit ka sa
kaniya kaya naman bigla mo siyang sinuntok. Ano ang hindi
magandang naidulot ng pagpapadala sa impluwenisya ng iyong
emosyon?
A. Napatunayan na mali siya sa harap ng mga kaklase.
B. Nakapagdulot ng takot upang hindi pamarisan ng iba.
C. Nakasakit at nagsimula siya ng hindi pagkakaunawaan.
D. Nakagawa ng paraan upang makaganti ang iba pang galit sa
kaniya.

14. Isang doktor sa Baguio City ang tinamaan ng COVID-19 ang naging
inspirasyon sa mga katulad niyang frotliners at mga pasyente dahil
sa kaniyang ipinamalas na katatagan. Habang siya ay nasa isolation
room ng ospital nagawa niyang mag-rekord ng isang awitin at ipinost
ito sa kaniyang social media account. Nagbigay ito ng pag-asa sa lahat
ng nakapanood nito. Paano nakatulong ang kaniyang emosyon sa
krisis na kaniyang kinaharap?
A. Nahikayat niya ang iba pang mga tinamaan ng COVID-19 na
lumantad din sa publiko.
B. Naging paalala sa lahat ang kaniyang ginawa upang mag-ingat sa
panahon ng pandemiya na kinakaharap ng buong mundo.
C. Hindi siya nasiraan ng loob bagkus ito ang kaniyang naging
sandalan upang harapin ng may tapang at pananalig na
malagpasan ang kinakaharap na suliranin.

19
D. Ipinahamak niya ang kaniyang sarili at buong pamilya dahil
inilantad niya ang kaniyang pagkakakilanlan sa lahat at maaari
silang makaranas ng diskriminasyon.

15. Sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating bansa nasaksihan natin


ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa Pilipino. Iba’t iba man
ang kanilang mga naging pamamaraan ngunit iisa ang ipinahiwatig
nito sa lahat. Paano nakaimpluwensiya ito sa iba pang mga tao?
A. Tinuligsa sila ng mga nakakakilala sakanila.
B. Nahikayat silang tumulong sa kapwa sa abot ng kanilang
makakaya.
C. Naging tamad ang mga tao dahil umaasa na lamang sila.
D. Sumikat sila at nakakuha ng simpatiya sa mga tao sa kanilang
paligid.

20
21
Gawain 4: Simulan
1. J. 6. E. 11. A. Gawain 1:
2. J. 7. G. 12. B. 1.  6.  11. 
3. G. 8. A. 13. D. 2.  7.  12. 
4. F. 9. I. 14. E. 3.  8.  13. 
5. C. 10. K. 15. H. 4.  9.  14. 
5.  10.  15. 
Gawain 5:
1. Tiktok Galugarin
2. Tiktok Gawain 2:
3. Challenge 1. Good Vibes
4. Tiktok 2. Good Vibes
5. Tiktok 3. Good Vibes
6. Challenge 4. Bad Vibes
7. Challenge 5. Bad Vibes
8. Tiktok 6. Bad Vibes
9. Tiktok 7. Bad Vibes
10. Challenge 8. Good Vibes
11. Tiktok 9. Good Vibes
12. Tiktok 10. Good Vibes
13. Tiktok 11. Bad Vibes
14. Tiktok 12. Good Vibes
15. Challenge 13. Bad Vibes
14. Good Vibes
15. Bad Vibes
Sukatin
1. A. 6. B. 11. C.
2. B. 7. D. 12. B. Gawain 3:
3. C. 8. A. 13. C. 1. 6. 11.
4. D. 9. B. 14. C. 2. 7. 12.
5. B. 10. B. 15. D. 3. 8. 13.
4. 9. 14.
5. 10. 15.
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian

Bognot, Regina Mignon C., et. al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon, p.166-194, (DepEd IMCS) Vibal Group, Inc., Pasig City
Philippines 1600

22

You might also like