You are on page 1of 1

PROBLEMANG NASOSOLUSYUNAN? O NADADAGDAGAN?

Ano ang kalikasan? Gaano ba ito kahalaga sa ating bayan? May iilang magsasabing
upang mapanatili ang kagandahan. Ang iba naman ay para sa kinabukasan. Mahalaga ang
kalikasan! Huwag magtapon ng basura kung saan-saan! Iyan lamang ang paulit ulit nating
naririnig mula pa pagkabata. Ngunit bakit ngayon wala paring nagbabago? Bakit ngayon, puro
parin tayo sa plano? Mahalaga pa ba talaga sa atin ang kalikasan? O mas pinapahalagahan lang
natin ang pagpaparami ng kapital sa ating bayan na kahit tumpok ng problemang pangkalikasan
ay hindi na masolusyunan? Ako po si Raja Juliana Toledo at ako po ay maglalahad ng kaunting
talumpati tungkol sa problema ng kalikasan. Kung ito ba ay nasosolusyunan o patuloy na
nadadagdagan.

Para sa inyong lahat, marami na tayong nalalaman tungkol sa kasalukuyang kinakaharap


ng kalikasan. Alam na natin ang sitwasyon ng Pilipinas dahil ito ay personal nating nararanasan.
Ang pagguho ng lupa sa kabundukan, ang pagbaha mula sa matinding pag-ulan pati narin ang
simpleng hindi pagtapon ng basura sa tamang lalagyan. Sobrang daming senyales na ang
pinaparanas ng ating inang kalikasan, ngunit bakit hanggang ngayon wala paring pag-unlad?
Bakit hanggang ngayon wala paring solusyon? Kaya’t pasensiya na aking inang kalikasan kung
inuna naming putulin ang mga puno para sa pansariling benepisyo kahit ito na abusado. Inubos
ang mga hayop na noon ay makikita lang sa paligid na gumagala ngunit ngayon ay sa libro mo
na lang nakikita. Mga gusali na pinapatayo upang magparami ng pera kahit ang mga puno ay
patuloy nang nabubura. Higit sa lahat, pasensiya sa ating kinabukasan dahil mas piangtutuunan
naming ng pansin ang pagpaparami ng pera para sa personal naming pangangailangan, hindi
ang pagpaparami ng solusyon para problema ay mabawasan.

Ngunit hanggang ngaayon, ako ay patuloy na naniniwala na hangga’t mayroong


sangkatauhan hindi pa natatapos ang misyon nating pangalagaan at bigyang aksiyon ang
problemang kinakaharap hindi lang ng ating bayan, pati na rin ang mundong ating tinitirhan.
Magsimula tayo sa ating sarili, sa maliit nating bakuran, sa komunidad na ating kinabibilangan.
Tayo ay makiaalam, hanggang sa maisalba natin ang biyayang ibinigay sa ating poong maykapal.

You might also like