You are on page 1of 2

PANGKAT 4 BLOG PANGKALIKASAN

STEM12A11

ALAGANG KALIKASAN ORGANIZATION (A.K.O):

AKSYON KALIKASAN!

Kumusta na nga ba ang kalikasan ngayon? Luntian pa ba ang mga kagubatan?


Asul pa ba ang mga ilog? Masaya pa bang nag-aawitan ang mga ibon sa kani-kanilang
mga tahanan? O baka naman nababalot na sila ng pighati dulot ng pagkamuhi ng
Inang Daigdig. Ilan lamang ‘yan sa mga tanong na gusto kong isampal sa mga taong
mas pinapahalagahan ang salapi. Salapi na kung saan ay nagsisilbing gasolina upang
patuloy na umikot ang impiyerno.

Hindi na mabilang ang mga delubyong ipinaranas ng kalikasan sa ‘ting mga tao.
Ngunit tayo’y hindi pa rin natitinag. Kung tutuusin, tayong mga tao lang ang
gumagawa ng paraan upang masaktan tayo. Ang simpleng pagtapon lang ng basura
kung saan-saan ay isang napakahalagang bagay na. Kapag pinagsama-sama ang lahat
ng basura ng mga walang disiplina, tiyak , ibabalik ito ng kalikasan sa atin sa
pamamagitan ng pagbaha na dulot ng walang humpay na pag-ulan. Mabilis ang karma
ngunit dahil sa moderno na tayo ngayon ay wala ng pake ang mga tao. Dati-rati, tao
lang yung nakakalbo pero ngayon, kahit kagubatan kinakalbo na rin ng mga tao. Kung
may pera sa kalikasan, may sakuna din pagkatapos nito. Isang napakalaking suliranin
din ang illegal logging sapagkat ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng landslides
at dahilan kung bakit tumataas ang tubig sa iilang lugar lalo na sa ka-Maynilaan.
Lingid sa kaalaman nating lahat, puno ang sumisipsip sa tubig-ulan. Ngunit sino
nalang ang sisipsip? Yung mga kabahayan ba na nalulunod na rin maruming tubig?

Sa ganang akin, ‘di bale ng hindi maibalik sa orihinal na itsura ang ating
kapaligiran basta’t gumawa tayo ng aksyon upang masolusyonan ang problemang
matagal ng minamanmanan ng lipunan. Kaya naman bumuo kami ng isang
organisasyon na naglalayong pangalagaan at protektahan ang kalikasan. Ito ang
A.K.O o Alagang Kalikasan Organization. Nag-volunteer kami upang maging isang
malasakit sa lipunang may sakit. Kami ay nagsagawa ng “TREE PLANTING” na
kung saan inanyayahan namin ang mga kabataaan lalo na sa paaraalan na makilahok
at makiisa. Kasama na rin ng NGO’s (Non-Government Organizations) at residente
ng mga pamayanan, kaming lahat ay nagkaisa sa “Coastal Clean-Up” na ginanap sa
Manila Bay na kung saan sandamakmak ang iba’t-ibang klase ng basura. Ipinatupad
din namin ang implementasyon ng 3R’s o ang tinatawag na Reduce, Reuse, at
Recycle na makakatulong upang maisaayos ang mga basura. Ang mga adhikain na ito
ay nakatulong at makatutulong pa sa susunod na mga henerasyon.

Hindi pa huli ang lahat para bumangon. Simulan natin sa ating mga sarili - ang
disiplina. At unti-unting ipalaganap sa munting pamayanan. Kumilos na tayo habang
may oras pa. Kumilos na tayo habang kaya pa nating maisalba ang kalikasan. Ngayon
ko lang napagtanto na kaya ito tinawag na “Inang Daigdig” sapagkat isa mga
katangian ng ina ay ang pagsasakripisyo ng kanyang sarili sa kanyang mga
nasasakupan. Mahaba man ang panahon na gugugulin upang maisaayos ang ating
kapaligiran ngunit agapan natin ang ating kilos. Halina at makiisa sa AKO!

You might also like